You are on page 1of 2

MGA PROSESO SA PAGBASA AT PAG-AARAL NG PANITIKAN

ANO ANG PAGBASA?


- proseso ng pagbibigay-kahulugan ng simbolo

MGA HAKBANG SA PROSESO NG PAGBASA

1. PERSEPSYON O PAGKILALA
- hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa
pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa.

2. KOMPREHENSYON
-pag-unawa sa binasa
-pagproseso ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbolong
nakalimbag na binasa

Lebel ng Komprehensyon o Antas ng Pag-unawa

LITERAL- “ READING THE LINES”


- pag-unawa sa mga ideya na binanggit sa binasa

PAGBIBIGAY-INTERPRETASYON- “ READING BETWEEN THE LINES”


-pag-unawa sa binasang mga ideya na hindi direktang isinasaad ng
teksto

KRITIKAL NA ANALYSIS
- nakapagbibigay ng konklusyon o desisyon ang mambabasa base sa mga
inilahad na ideya.

APLIKASYON O PAGLIKHA- “READING BEYOND THE LINES”


-ang mambabasa ay nakakakuha ng ideya mula sa kanyang binasa at
nagagawang magamit ang mga ideyang ito sa sitwasyon sa buhay katulad ng binasa.

3. REAKSYON
- hinahatulan o pinapasyahan ang kawastuhan ,kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.

4. INTEGRASYON O ASIMILASYON
- pagsasanib o pag-uugnay ng mambabasa sa kanyang dati at mga
bagong karanasan sa buhay

INIHANDA NI:
MARIA CORAZON L. TUMAMAK
MAED Filipino

You might also like