You are on page 1of 14

Ang pagbabasa ng

panitikan
• Ang pagbabasa ng panitikan ay hindi lamang
nakapokus sa proseso ng pagkuha ng kahulugan
ngunit kasangkot din dito ang pagbuo ng kahulugan.

• Ang nakukuhang pagpapakahulugan sa teksto ng


isang mambabasa ay katimbang ng dating alam na
nakalagak sa isipan at maayos na nakaimbak ayon sa
kategorya.
• Ang taglay ng mamabasa ay ang kanyang mga
karanasang tuwiran o di tuwiran man.

• Ang mga babasahing ito’y nagbibigay sa


mamabasa ng kaisipan at sensitibong pananaw
sa mga pangyayari, tauhan, at mga sitwasyong
inilahad.
• Nagagawa rin ng mga taglay na karanasan o dating alam ng
mambabasa na maunawaan, kalugdan,at mapahalagahan ang
isang akdang pampanitikan.

• Sabi ni Rushdie (1990), bawat isa sa atin ay may taglay na


laybrari na imbakan ng mga kwentong walang kaayusan nag
pagkakabuo. Ang mga kwentong ito’y maaring magbago at
maging bagong bersyon o di kaya namay maaaring karanasan
ay inaasahang magkaroon ng higpit na pang unawa at
pagkalugod sa daigdig ng imahinasyon na nililikha ng mga
akdang panitikan.
Sa makatuwid, ang pagbabasa ng panitikan
ay hindi lamang nakatuon sa pag unawa sa
isang teksto. Sa pagbabasa ng isang akda,
lumilikha ang mambabasa ng isang daigdig
na bunga ng dalawang imahinasyon- ang
imahinasyon ng mambabasa at ng may akda.
MGA PROSESO AT PAG-
AARAL NG PANITIKAN
1. PAGLALARAWAN
~ Magagawa ng mag aaral na maipahayag
sa sariling pangungusap, pagsasalita o
pagsulat man ang tungkol Sa kanilang
pagbabasa.
2. PAGTATANGI
~ Napag-uuri ng mga mag-aaral ang mga
seksyong binasa, halimbawa, pagkilala bg genre,
pag-alam sa may akda at pagtutukoy sa kaisipan
o tema ng binasang akda.
3. PAG-UUGNAY
~ Nagagawa ng mag-aaral na maiugnay ang nga
sangkap na ginamit sa isang akda.
4. INTEPRETASYON O
PAGSUSURI
~ Puspusang ipinaliliwanag at
pinangangatwiranan ng mga mag-aaral ang
temang nais ibahagi ng may akda sa kanyang
mga mambabasa.
5. PAGLALAHAD

~ Magagawang mailapat ng mag-aaral ang


kanyang natutuhan tungkol sa akda. Katulad din
ito ng paglalapat ng mga kasanayang natutuhan
sa panitikang Filipino sa pag aaral ng panitikang
ingles.
6. PAGPAPAHALAGA
~ Karaniwang ginagawa pagkatapos basahin ang
isang akda. Ngunit hindi tuwirang itinuturo ang
pagpapahalag, lilitaw ito sapagkat hitik na hitik
sa pagpapahalag ang panitikan.
7. PAGTATAYA
~ Ito ang pagsusukat sa natutuhan ng mga mag-
aaral sa kanilang nababasang kwento sa
pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa
kwentong binasa kung naiintindihan ba talaga.
8. PAGLIKHA

~ Ang pinakatampok sa proseso sa


pagbabasa/pag-aaral ng panitikan dahil
mahalag dito ang masigasig na pamamatnubay
ng guro upang makalikha ang mga mag aaral ng
sariling kwento, sanaysay, tula o dula.

You might also like