You are on page 1of 34

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
GRADE-1
ABANCE, LESLIE ANN / ACOSTA, KRISTINE
AGTULAO,CHARITY / ANTONIO,JEROSABELLE
AY-AYAWAN,LINDA / BACLAWAD, ROBINA
Naipamamalas ng mag aaral ang pag-
unawa sa mga paraan ng paggalang sa
sarili, kapwa, bansa at Diyos bilang gabay
tungo sa maayos at masayang tahanan at
paaralan.
Ang paaralan ay matatawag nating tahanan,
dito nalilinang kakayahan ng mag-aaral.
nai

Naipamamalas ang
pag-unawa sa
kahalagahan ng
pagkilala sa sarili at
sariling kakayahan,
pangangalaga sa
sariling kalusugan at
pagiging mabuting
kasapi ng pamilya.
1.1 Kalakasan o potensyal

-Lahat ng bata ay may talento o kakayahan.


• Bilang isang guro kailangang alam natin na
ang bawat mag aaral ay may nakatagong
talento. Kaya narito tayo upang tulungan
sila para mahasa at mabuo ang kanilang mga
kakayahan.
 HALIMBAWA :
• Huwag pagalitan ang isang bata kapag hndi
nakasunod sa iyong pinapagawa dahil baka
ito ay hindi kasali sa kanyang kakayahan
kung kayat pahalagaan mo ang kanyang
ginawa, dahil nasisiyahan ang mga ito pag
pinupuri ang kanilang mga gawa.
1.2 kahinaan
HALIMBAWA:
Hayaang makagawa ng kamali ang
isang bata dahil sa ito ng kanilang
isang guro para matuto kung ano
ang mabuti at masama.
-lahat din ng bata ay may
kahinaan.
Bilang guro ay dapat mong
tulungan ang mga bata para
labanan ang kanilang kahinaan at
gawing inspirasyon ang mga iyon
upang gawin ang kanilang mga
gawain
1.3. Damdamin- Dapat ituro sa iyong mga mag-
aaral kung paano maki-ayon sa saloobin at
damdamin ng kanilang kapwa at upang
maipamalas nila ang kanilang kakayahang
maipadama ang kanilang damdamin.
Halimbawa:
Bawat isa sa atin ay may kakayahan kaya
bilang isang guro ay mahalagang malaman
natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating
mga mag-aaral. Isang halimbawa ay maaring
may kakayahan ang isang bata sa pagguguhit
pero ang iba naman ay hindi sa drawing ang
kanilang kakayahan.
Alamin din ang mga gusto, o interest ng mga
bata. Maaring ang isang bata ay mahilig sa
pagbabasa pero ayaw naman sa pagsusulat,
o di’ kaya ay mahilig syang sumayaw pero
hindi naman sa pag-aawit.
1.1 Pagtitiwala sa sarili(self-confidence)
- Ang tiwala sa sarili ay nasa ating sarili na,
nasa atin na 'yan kung papano natin ito
gagamitin. Ito ay nagmula sa ating sarili
hanggang ang ating hinahangad ay makamit. Ito
dapat ay 'wag nating iwala dahil ito ay ating
panangga sa anumang laban na maari nating
harapin. Kailangan habang tumatagal ay lalo
nating palakasin ang ating tiwala sa sarili para
kung ano man ang mangyari, tayo ay handa at
hindi na tayo mag-alala pa.
Halimbawa:
Kung tayo ay may tiwala sa sarili, makakamit natin ang
tagumpay. Naghirap ka man sa una ngunit nakamit mo sa
huli ang tagumpay.
3.1 Kalinisan at
kalusugan(Cleanlines/Wellness)
Bata pa lamang tayo ay minulat na tayo
tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
malinis na pangangatawan at maayos na
pananamit. Itinituro sa atin ang iba’t ibang
paraan ng pangangalaga sa kainisan sa sarili.
Halimbawa:
Paliligo araw-araw, pagsisipilyo, paggamit ng
malinis at angkop na kasuotan
4.1 Pagkakabuklod/Pagkakaisa(Unity/Oneness)
-Madaling natatapos ang isang gawain kung ang bawat isa
ay nagtutulungan at nagkakaisa sa mga gawain.
-Dapat sama-sama ang mga kasapi ng mag-anak sa mga
gawain katulad ng pagsisimba, pamamasyal,
kainan at iba pa.
-Kailangan natin ito upang tumagal ang pagsasama natin
sa ating pamilya at maging sa ating kapwa.

Halimbawa:
•Pagtutulong- tulong ng bawat kasapi ng pamilya sa mga gawain sa
bahay.
•Pagsasama-sama sa pagkain, pagdarasal, pamamasyal at iba pa.
4.2 Pagmamalasakit
Ang pagmamalasakit ay pagtulong sa mga
taong nangangailangan ng walang
hinihinging kapalit o kaya ay ito ay kusang
pagtulong sa kapwa.
Isang halimbawa rito ay ang pagrespeto sa
estado ng buhay ng isang tao.

Halimbawa:
Nagdadamayan sa oras ng
pangangailangan o problema tulad ng
pagbibigay ng “advice”.
Pagdalaw sa taong may sakit.
“ Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan
ng wastong pakikitungo sa ibang kasapi ng pamilya
at kapwa tulad ng pagkilos at pagsasalita ng may
paggalang at pagsasabi ng katotohanan para sa
kabutihan ng nakararami.”
1. Pagdama sa damdamin ng iba(Empathy)
Ito ay ang pag-unawa sa ibang tao particular sa
kanilang damdamin at ideya, kung saan inuuna
mo ang ibang tao kaysa sa iyong sarili. Sa
pamamagitan ng pakikinig ay mauunawaan mo
ang sinasabi ng ibang tao o maiintindihan mo
ang pinagdadaanan ng isang tao.

Halimbawa:
Pakikinig at pag-intindi sa mga problema ng iba.
Pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.
2. Pagkamagalang(Respect)
Ang pagiging pagkamagalang ay ang pagpapalagay ng
mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.
Pagrespeto sa mga taong nakatatanda kaysa sayo at
pagrespeto rin sa sarili sa pamamagitan ng pagmamano
at pagsabi ng “Po” at “Opo” ay isang paraan na
nagpapakita ng paggalang.

Halimbawa:
Pagmamano o paghalik sa mga nakatatanda sa atin.
Pagsagot ng “Po at Opo”at paggamit ng salitang
“pakiusap” at “salamat”
Pakikinig habang may nagsasalita
3. Pagkamatapat
(honesty)

Ang pagkamatapat ay isang magandang


pag-uugali, kung saan ito ay
maipamamalas sa pamamagitan ng
pagsasabi ng tapat/totoo sa kapwa tao.
Halimbawa:
Pagsasauli ng mga bagay na hindi sayo at
pagsasabi ng totoo o hindi
pagsisinungaling sa iba.
“Naipamamalas ang pag-unawa sa
kahalagahan ng pagiging masunurin,
pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at
kalinisan sa loob ng tahanan at paaralan.”
1. Pagmamahal sa Komunidad na
Kinabibilangan
 1.1 Pagkamasunurin(Obedience)

Ang pagiging masunurin ay pagsunod sa mga magulang o kapwa


nang maayos at mabuti.
Pagsunod nang hindi padabog, naiinis at nagagalit o hindi kaya ay
ang pagsunod nang maluwag sa dibdib kapag inuutusan.

Halimbawa:
Pagsunod agad sa sinabi ng magulang na gawain nang walang
halong galit o inis.
1.2. Pagkamagalang(Respect)

Ang pagiging magalang ay ang hindi pagbastos o


pagsalita ng masama sa kapwa lalong-lalo na sa
mga taong nakatatanda sa atin.
Isang halimbawa rin ay ang paggalang sa
karapatan ng iba.
1.3. Pagpapahalaga sa Karapatan(Appreciation of
One’s Rights)

Ito ay pagsasaalang-alang sa karapatan ng bawat tao.


Bawat isa sa atin ay may karapatan.

Halimbawa:
Ilan sa mga ito ay:
Karapatan nating makapag-aral.
Karapatang manirahan sa payapa at tahimik na lugar.
Karapatang mabigyan ng proteksyon sa pang- aabuso,
panganib at karahasan.
1.4. Kaayusan at Kapayapaan(Peace and
Order)

•Ito ay kalagayan ng pagkakaroon ng


katahimikan at katiwasayan sa isang
komunidad.
•Katumbas nito ang kawalan ng gulo,
alitan,digmaan o away sa isang komunidad.

Halimbawa:
•Nagtututulungan at nagkakaisa ang bawat isa
sa isang komunidad tulad ng paglilinis sa
kapaligiran.
• Ang bawat isa ay nagkakaunawaan at
nagkakaintindihan.
2. Likas-kayang Pag-unlad
(Sustainable Development)

2.1. Pagmamalasakit sa Kapaligiran(Care of the


Environment)
Nakatutulong tayo sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa
loob ng tahanan at maging sa ating kapaligiran para sa mabuting
kalusugan. Ilang halimbawa rito ay ang simpleng pagbasura sa
tamang basurahan, pagtulong sa paglilinis, pagtatanim ng puno
at iba pa.

Halimbawa:
Ang simpleng pagsunod sa tamang paraan ng pagbabasura ay
nakatutulong na tayo sa kalinisan ng ating kapaligiran.
 “Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagiging masunurin, pagpapanatili ng kaayusan,
kapayapaan at kalinisan sa loob ng tahanan at
paaralan.”
1. Pagmamahal sa Diyos(Love of God)

•Ang pagmamahal sa Diyos ay naipamamalas sa


pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa at sa
bayan. Ito ay ang katotohanang tanggap na sa
ating lipunang kinabibilangan at bansang
kinaroroonan.

Halimbawa:
•Isang halimbawa ay ang pagdarasal ng taimtim
at isinakikilos ang mga magagandang gawain ni
itinuturo sa bibliya.
•Isa pang halimbawa ay bilang isang magulang,
dapat tinuturo at sinasama ang mga anak
habang sila ay bata pa sa mga relihiyosong
gawain .
2. Pag-asa(Hope)
Ito ay isang mahalagang saligan ng Kristiyanong
pananampalataya.
•Ang pag-asa natin sa Pagbabayad-sala ay nagbibigay sa
atin ng kapangyarihang magkaroon ng walang hanggang
pananaw. Hindi tayo kailangang mabitag sa makikitid at
pabagu-bagong inaasahan ng lipunan. Malaya tayong
asamin ang kaluwalhatiang selestiyal, na mabuklod sa
ating pamilya at mga mahal sa buhay.

Halimbawa:
•Dapat huwag tayong sumuko agad kapag tayo ay may
problema sapagkat pagtibayin natin ang ating pananalig
sa Diyos at huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil ito
ay pagsubok lamang para sa atin. Sabi nga nila, “habang
may buhay, may pag-asa!”

You might also like