You are on page 1of 14

Estratehiya sa

Pagtuturo ng Filipino
Layunin

• Maipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng


estratehiya upang malayang makalahok ang mga mag-
aaral sa aktibidad at talent na mayroon sila.
• Magamit ang teknolohiya bilang dagdag na estratehiya
sa pagkatuto at pagtuturo ng paksang-aralin sa Filipino.
Mga Instruksyunal Teknik
• Round Table Discussion
• Panel Discusssion
• Brainstorming
• Role Playing
• Socio Drama
Round Table Discussion

• Maaring buuin ng tatlo hanggang limang mag-aaral


• Bawat kasapi ay handa sa impormasyong pinag
uusapan.
• Maaring gawin ang talakayan na sabay-sabay kung
hahatiin ang klase sa maliit na pangkat.
Gabay sa Round Table Discussion na
Talakayan
• Pumili ng paksa/isyu/suliranin na mapag-uusapan
• Pangkatin ang klase sa maliit na grupo
• Pumili ng Modeartor at taga-ulat
• Sasabihin ng moderator sa pangkat ang paksa/isyu na tatalakayin
• Pasimulan na ang talakayan ng bawat grupo
• Ang taga-ulat ng bawat pangkat ang mag-uulat sa klase
Panel Discusssion

• Pormal ang paraan ng presentation


• Iparirinig ng mga panellist ang talakayan sa
mga kamag-aral
• Ang mga panelista ay eksperto sa paksang
tinalakay
Gabay sa Panel Discusssion
• Pumili ng limang mag-aaral sa pangkat na siyang magiging panelista
• Pumili ng isang moderator mula sa panelista
• Ihanda ang bawat kasapi ng panel tungkol sa tatalakaying paksa. Pormal na iulat
ang opinion/ideya/panukala tungkol sa paksang pag-uusapan.
• Pagkatapos ng presentation ng lahat ng panel hayaan ang mga mag-aaral (audience)
na magtanong.
• Ipasagot sa mga panelista ang mga tanong.
• Pagkatapos ng discussion, ipabuo sa moderator ang pinag usapan sa silid aralan.
Brainstorming o Bagyuhang-utak

• Karaniwang hinahati ang klase sa maliliit na grupo.


• Isinasagawa kung nais bigyan linaw ang isyu,
sitwasyon ,suliranin
• Malayang nakukuha ng guro ang mga mungkahi,
damdamin, ideya o concensus ng mga kasapi sa
talakayan
Gabay na magagamit sa brainstorming
• Ilahad ang isyu/sitwasyon/suliranin sa klase o pangkat
• Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng pansariling opinion o
pananaw tungkol sa isyu
• Isulat sa pisara ang mga sagot ng mag-aaral
• Ituloy ang pag-susuri tungkol sa mga ideya/opinion o pananaw ng mga
mag-aaral
• Isagawa ang gawaing pagtatapos.
Role Playing

• Inilalagay ang mga mag-aaral sa isang sitwasyon


na maaring mangyari sa tunay na buhay.
• Ang magkakapareha ay bubuo ng mga dayalogo
buhay sa isang sitwasyong ibibigay ng guro o
mapagkakasunduan ng klase.
Mga Uri ng Role-Play

• Role –play na kontrolado sa pamamagitan ng


dayalogong may cues.
• Role-play na kontrolado sa pamamagitan ng cues at
impormasyon
• Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng
sitwasyon at layunin
Hakbang sa Role-Playing
• Pumili ng mga tauhan na gaganap
• Pumili ng magiging paksa o isang pangyayari. Isulat ito sa pisara.
• Ihanda ang mga manonood (klase) sa isasagawang Gawain
• Isadula ang pangyayari
• Tatalakayin sa klase ang mga puntos na dapat pag-usapan sa role playing na
isinagawa.Ibigay ang mga mungkahi.
• Muling isadula ang pangyayri. Isam ang mga mungkahi ng klase sa muling
pagsasadula.
Sociodrama
• Tinatawag na creative dramatics
• Pagpapaabot sa highlight ng mga karanasan sa pagkatao sa
pamamagitan ng pantomime
• Iskit o maikling drama
• Nauukol sa sitwasyon tungo sa paghahanap ng solusyon sa
suliranin
Gabay para sa sociodrama
• Ilahad ang suliranin sa klase
• Ihanda ang pangkat na kalahok sa sociodrama
• Piliin ang mga mag-aaral na gaganap sa papel sa drama
• Sabihin sa bawat mappiling kalahok ang papel na kanyang gagampanan
• Ihanda ang klase sa magaling na pakikinig at magaling na pag analisa sa mga
sitwasyon sa sociodrama
• Isadula ang sitwasyon
• Isagawa ang pagtataya sa aralin

You might also like