Professional Documents
Culture Documents
Pagtataya sa Panitikan
⚫ SCAFFOLD INSTRUCTION
✓ Ito ang buong gabay na ibinibigay ng mga guro sa kanyang mga mag-aaral sa buong proseso ng pag-
aaral.
✓ Instructional scaffolding ay isang proseso kung saan ang isang guro ay nagdaragdag ng mga suporta
para sa mga mag-aaral upang mapahusay ang pagkatuto at tumulong sa karunungan ng mga gawain.
Ginagawa ito ng guro sa pamamagitan ng sistematikong pagbuo sa mga karanasan at kaalaman ng
mga mag-aaral habang natututo sila ng mga bagong kasanayan.
✓ Ito ang suporta na ibinibigay ng guro na unti-unting winawala hanggang sa alam o na master na ng
mag-aaral ang ginagawa.
✓ Kinakailangang malaman ng guro kung anong scaffolding o suporta ang kinakailangan ng isang bata
sa isang bagay upang malaman niya kung anong gabay ang kanyang gagawin sa bata.
✓ Sa pagtuturo, kaakibat nito ang mga salitang estratehiya, ito ang mga kagamitan at gawaing ginagamit
ng guro sa bawat hakbang ng pagkatuto ng isang mag-aaral. Ito rin ang paraan na ginagamit sa paglilipat
ng konsepto, ideya, katotohanan at kasanayan sa mag-aaral. Natatamo ang layuning ito sa walang
sawang paggabay ng mga guro.
⚫ MODELING
✓ Sa buong proseso ng pag-aaral o pagkatuto, dapat na mapanood ng mga mag-aaral ang guro na
magsisilbing modelo. Ipapapakita ang bawat hakbang sa gawain o diskarte nang maraming beses. Ang
ganitong pagmomodelo at pag-uulit ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na maunawaan kung paano
isasagawa ang bawat hakbang at kung bakit mahalaga ang bawat hakbang. Ang pag-alam kung paano
at bakit humahantong sa matagumpay na pagganap ng mga mag-aaral sa gawain o diskarte
✓ Ito ay demonstrasyon na kung saan sa pagtuturo ay ang pagbibigay sa mga estudyante ng direktang
atensyon kung paano matututunan ang isang bagong kasanayan.
✓ Ito rin ay isang pamamaraan na nagpapakita ng pagsasagawa ng gawain sa pagkatuto.
✓ Ang modeling(pagmodelo) ng guro ay isang estratehiya sa pagtuturo kung saan ipinapakita ng guro ang
isang bagong konsepto sa pag-aaral at natututo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagmamasid o
obserbasyon.
⚫ COOPERATIVE LEARNING
✓ Ito ay ang sama- samang pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang itinakdang layunin.
✓ Ito rin ay isang paraan/teknik sa pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na humihikayat
sa mga mag-aaral na gumawa nang sama- sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang isang
aralin.
⚫ HAVING CHOICES
✓ Ang pinakamahusay na paraan upang mas mapaganda ang pagtuturo ay bigyan ang mag-aaral ng
papipilian sa kung paano nila nais ipakita ang kanilang natutunan. Ang lahat ng mag-aaral ay natututo
sa kanilang sariling pamamaraan at kailangan nilang maipakita ang kanilang sariling kakayahan at
interes.
✓ Binibigyan ng mga guro ang mga mag-aaral ng pagpipilian kung paano nila ipapakita ng mas mahusay
ang kanilang natutunan, kung paano sila mas magiging malikhain at mas mahusay sa pakikibahagi sa
iba.
⚫ MODES OF READING
✓ Ang pagbabasa ay ang aktibong proseso ng pag-unawa sa mga teksto na print at graphic.
◼ Analytical
◼ Reading
◼ Study Reading
◼ General Reading
◼ Skimming
◼ Scanning
⚫ PRIOR KNOWLEDGE ACTIVATION
✓ Ang pag-aktibo ng naunang kaalaman ay nangangahulugang kapwa nagpapalabas mula sa mga mag-
aaral ng alam na nila at pagbuo ng paunang kaalaman na kailangan nila upang ma-access ang
paparating na nilalaman
NOBELA
Sa pangkalahatan, ang Nobelang Pilipino o Nobela sa Pilipinas ay ang mga nobelang nalimbag
sa Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Maaari
itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang Pilipino, o wikang Filipino, iba pang mga wika sa Pilipinas,
at mga wikang dayuhan na katulad ng Ingles at Kastila.
Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na may paksain
tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa
kasalukuyang panahon.
PANAHON NG KASTILA
Ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala
upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.
Doctrina Christiana (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa
relihiyon
PANAHON NG AMERIKANO
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano, ang
Panahon ng Aklatan Bayan (1900–1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922–1934) at Panahon ng
Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong Panahon ng Aklatan, naging maunlad ang nobela na
tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan.
Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa
mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong
paglalathala.
Noong Panahon ng Ilaw at Panitik, hindi naging maunlad ang nobela at nahalina ang mga nobelista na
sumulat tula at maikling kuwento.
Noong panahon ng Malasariling Pamahalaan, bumaba ang urin ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga
tao sa mga tula at maikling kuwento at pagbabago ng panahon.
PANAHON NG HAPON
Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales
(papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)
Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela ng mga
paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw na pamumuhay.
Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang
pangkalakalan (commercial).
Nobela ng Tauhan
Nobela ng Kasaysayan
Nobela ng Pangyayari
Nobela ng Romansa
Nobela ng Pagbabago
Nobelang Makabanghay
Upang mas maunawaan ang mga uri ng nobela, narito ang kahulugan ng bawat isa:
Nobela ng Tauhan - Ito ang uri ng nobela na nagbibigay-diin at halaga sa mga kalagayan at hangarin
ng mga tauhan. Ang pinakapokus nito ay ang pangangailangan ng pangunahing tauhan.
Nobela ng Kasaysayan - Ito naman ang uri ng nobela na humango ng materyal sa mga pangyayaring
naganap sa kasaysayan.
Nobela ng Pangyayari - Ito ang nobelang nagbibigay-diin sa mga pangayayri sa nobela.
Nobela ng Romansa - Ang paksa ng nobela na ito ay pag-ibig. Ito ay maaaring pag-ibig sa bayan,
sa Diyos o sa kapwa.
Nobela ng Pagbabago - Ito ang nobelang naglalayong maitaguyod ang pagbabago sa lipunan at
pamahalaan.
Nobelang Makabanghay - Ang porma o estilo ng pagkakalahad ng kwento.
LAYUNIN:
KATANGIAN:
BAHAGI:
Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay bugay sa nobela
Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela
Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
◆ Una - Kapag kasali ang may-akda sa kwento
◆ Pangalawa - Ang may-akda ay nakikipag-usap
◆ Pangatlo - Batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.
Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
Damdamin -nagbibigay kulay sa mga panyayari
Pamamaraan - istilo ng manunulat
Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan.
MGA AKDA
⚫ BARLAAN AT JOSAPHAT
Isang panulukang bato sa larangan ng panitikan at wikang Filipino ang Barláan at Jósaphát na unang
nalathala noong 1708. Ang buong pamagat ng aklat ay Aral na tunay na totoong pag aacay sa tauo, nang manga
cabanalang gaua nang manga maloualhating santos na si Barlaan ni Josafat na ipinalaman sa sulat ni S. Juan
Damaceno na salin sa Tagalog ni Fray Antonio de Borja at inilathala ng La compania de Jesus. Mayroon itong
553 na pahina. Noong 2003 muli itong nailathala kasáma ng modernisadong bersiyon ang orihinal na Tagalog
na inedit ni Virgilio Almario sa layuning maipaunawa ito sa kasalukuyang henerasyon.
Hango ang aklat sa isang napakapopular na kuwento ng kabanalan noong Edad Midyibal sa Europa.
Maraming bersiyon ito, bagaman sinasabing pinakamatanda ang natagpuan sa Georgia. Tungkol ito sa
kumbersiyon ng isang prinsipe sa India, si Josaphat, na ikinulong sa isang palasyo at binigyan ng lahat ng layaw
ng amang hari dahil sa tákot na maganap ang hula na magiging isang Kristiyano ang anak at magiging higit na
makapangyarihan kaysa kaniya. Ngunit nalungkot sa gitna ng mga layaw si Josaphat, nag-isip lumabas sa
palasyo, at nang makalabas ay nakatagpo ng mga kinatawan ng paghihirap, sakit, katandaan, at kamatayan.
Lalong naguluhan ang isip ng prinsipe. Sa kabilang dako, kinausap ng Langit si Barlaan, isang ermitanyo at
inatasang tulungan si Josaphat. Sa tulong ng Langit, nakapasok sa palasyo si Barlaan at naaralan sa
Kristiyanismo si Josaphat Naganap ang hula at sa dulo’y sumuko ang hari sa karunungan ng anak.
Kapag sinuri, malilinawang ang istorya ni Josaphat ay hango sa buhay ni Gautama Buddha. Ngunit
pinaniwalaan itong totoo noon kayâ napasáma pang matagal sa kalendaryo ng mga tunay na santo at santang
Kristiyano ang pangalan nina Barlaan at Josaphat. agradong kuwentong Buddhista na isinalin sa Latin at
Español mulang Griego. Nagtataglay ang teksto ng mga halagahin para sa pagwaksi sa kamangmangan at
kamangmangan na kinakatawan ng kuwento nina Barlaan at Josaphat. Isang mohon ang salin nitó sa wikang
Tagalog ni Fray de Borja dahil ito ang una, bukod sa pinakamahabàng kathang isinalin sa katutubong wika ng
Filipinas. Para sa mga misyonero, napakagandang dokumento ang katha dahil sa pamamagitan ng mga aral ni
Barlaan ay para na ring binása ang Bibliya na hindi ipinababása noon sa karaniwang tao.
Itinuturing din ni Almario na importante ang salin da-hil napatunayan nitó ang antas ng kakayahan ng
wikang Tagalog. Sa pamamagitan ng salin, napatunayan ang kakayahan ang Tagalog na magamit para sa
sopistikadong paksaing panrelihiyon at pampolitika. Taliwas sa naging komentaryo ng mga fraile sa panahon ng
pagkakalathala ng akda na tanging pinahalagahan ang husay ng tagasalin at binalewala ang kakayahan ng
katutubong wika.
Ang mga pangunahing tauhan ay sina Pakito, Liling, Nenita at Mang Bandino at Don Diego. Sina
Pakito at Liling ay magkasintahan at malapit ng mag-isang dibdib samantalang sina Nenita at Mang Bandino ay
mag-asawa at may isang anak. Si Nenita at Pakito ay magkababata at dating may pagtitinginan ngunit hindi
itinadhana ng panahon. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtaksil sina Nenita at Pakito sa kanilang mga
mahal sa buhay na nauwi sa pagdurusa nilang lahat. Dahil kay Don Diego na nakakita sa palihim sa pagkikita
nina Nenita at Pakito, nabatid ang kanilang pagtataksil dahil matalik na kaibigan ito ni Mang Bandido.
Bagaman si Mang Bandino ay babaero, hindi niya pinatawad si Nenita sa ginawa nitong pagtataksil at
pinili nitong lumayo at manirahan sa malayo kasama ang nag-iisang anak. Naiwan si Nenita na luhaan at
nagsisisi sa pagkasira ng kanyang pamilya. Si Liling naman ay nakipaghiwalay kay Pakito at wala ng magaganap
na kasalan. Tinanggap ni Pakito ang pagkabigo kay Liling at piniling lumayo at magtrabaho sa malayo na labis
ang pagsisisi sa ginawang kasalanan.
Sa huli, ang kanilang pagtataksil ay nagdulot ng pagkawasak ng isang pamilya at ng mabubuong pamilya
sana.
Si Carlos P. Romulo ang sumulat ng Paunang Salita para sa akdang ito ni Hernandez. Samantalang
si Epifanio San Juan, Jr. naman ang sumulat ng Pahuling Salita ng aklat. Nasusulat sa wikang Tagalog at Ingles
ang mga Pahuling Salita ni Epifanio San Juan, Jr. Nauna ang bersiyon sa Tagalog na agad namang nasundan
sa salinwikang Ingles na pinamagatang Epilogue (Epilogo). Ayon sa mga pananalita ni Carlos Romulo - mula sa
kaniyang sariling panitik ng Paunang Salita: ang nobelang Mga Ibong Mandaragit ni Hernandez ay
nagsasalaysay "at tumatalakay ng mga suliranin ng mga mamamayan, ng buhay ng madla’t lipunan at ng
kanilang kapaligiran”. Ang aklat ay mayroong 69 na mga kabanata at 416 na mga pahina.
Nagsimula ang unang kabanata sa paglubog ng araw sa kagubatan. Narating ni Mando Plaridel - at ng
dalawang pa niyang kasama - ang bahay-kubo ni Tata Matyas na nasa bulubundukin ng Sierra Madre. Si Tata
Matyas ay isang dating rebolusyonaryo na nakibaka laban sa mga Kastila at Amerikano. Ang mga kasama ni
Mando ay sina Karyo at Martin, na mga kapwa gerilyero rin. Tumakas sila mula sa isang bigong
pakikipagtunggali laban sa mga sundalong Hapones na lumusob sa kampo nila sa Sampitan. May mga tatlo o
apat na buwan na ang nakaraan ng huling dumalaw si Mando sa tirahan ni Tata Matyas. Noong huling pagbisita
ni Mando kay Tata Matyas ay nakapagpalitan sila ng mga usapin hinggil sa kanilang mga sariling suliranin, at
maging tungkol sa simulain nila sa kilusan. Napagusapan din nila ang Noli Me Tángere at El
Filibusterismo ni Jose Rizal, lalo na ang kinahinatnan ng kayamanan ni Simoun (ang pangunahing tauhan sa El
Filibusterismo) matapos na itapon ang mga ito ni Padre Florentino (isa pang tauhan sa El Filibusterismo). Ayon
kay Tata Matyas, magagamit sana ang kayaman ni Simoun bilang panustos sa mga pangangailangan ng mga
gerilya. Naniniwala si Tata Matyas na totoo ang mga tauhan sa mga nobela ng bayaning si Jose Rizal, sapagkat
kilala ng kaniyang mag-anak ang tunay na “Padre Florentino”. Kung bata pa lamang siyang katulad ni Mando ay
sisisirin niya ang dagat para hanapin ang nawawalang kahang-bakal ni Simoun. Naniniwala rin si Tata Matyas
na ang lahat ng mga bayani – bukod pa kina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini – ay dapat na
maging huwaran ng mga mamamayang Pilipino.
Hinanap at natagpuan ni Mando – mula sa karagatan sa may Atimonan - ang kayaman ni Simoun sa
tulong ng mapang ipinagkaloob ni Tata Matyas. Ngunit, sa kabila ng kabutihang palad na ito, namatay sina Karyo
at Martin. Sinalakay si Karyo ng isang pating, samantalang si Martin naman – dahil sa pagkanais na masarili
ang natuklasang kayaman - ay namatay sa pamamagitan ng mga kamao ni Mando.
Nang matapos ang digmaan ay nagbalik nga ang kapayapaan, ngunit nagbalik din ang mga dating
pamamalakad ng mga mayayaman at maylupa. Kung kaya’t hindi nawala ang paksang panlipunang iniharap sa
pamahalaan, sa mga asendero at sa mangagalakal ng mga samahan ng mga magsasaka sa bukirin at ng mga
manggagawa sa lungsod.
Nangibang-bayan si Mando upang ipagbili ang mga kayaman at nang maging salapi, sapagkat bago siya
umalis ay nagtatag siya ng isang pahayagan, ang Kampilan. Dahil sa kaniyang paglisan mula sa Pilipinas,
ipinagkatiwala niya ang pagpapalakad ng Kampilan kay Magat, na isa ring dating kagerilyero. Tatakbo ang
imprenta sa tulong din ang iba pang dating mga naging gerilya, katulad nina Tata Matyas, Andres, Rubio, at Dr.
Sabio. Si Dr. Sabio naman, na dating guro, ay nangako kay Mando na paiinamin ang mga bagay na itinuturo sa
paaralang Freedom University (Pamantasan ng Kalayaan), na itinatag din ni Mando, para sa ikabubuti ng
kabataan. Ang huli ay isa rin sa mga tagubilin ni Mando, bago maglakbay sa Europa at Estados Unidos.
SANAYSAY
2. Di Pormal Na Sanaysay - Ang di pormal na sanaysay naman ay tumatalakay naman sa isang paksa
o usaping pangkaraniwan na o mas nananaig ang opinyon o obserbasyon. Gumagamit din ito ng
mga balbal o mga salitang magagaan lamang at karaniwang hindi sumusunod sa nakasanayang
paraan ng pagbibigay ng ideya at pangyayari.
Kasaysayan ng sanaysay
Ipinahayag ni Alejandro G. Abadilla na ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita, ito ang sanay at
pagsasalaysay o ang "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay." Maituturing natin itong
panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro,damdamin, kaisipan at saloobin ng manunulat tungkol sa
makabuluhan at napapanahong isyu. Dagdag pa niya, mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay
sapagkat natututo ang mga mambabasa mula rito.
Itinuturing na sanaysay ang talambuhay dahil nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Hindi
lamang nito sakop ang kapanganakan at kamatayan bilang upang paksa. Isinulat din ang mga talambuhay
upang magsilbing gabay ng mga mambabasa sa kanilang pamumuhay. Binibigyang pansin nito ang mga
katangiang dapat tularan at iwasan. Nagbibigay impormasyon din ito tungkol sa buhay ng paksa.
Ayon kay Nenita Pagdanganan - Obrique, "ito ang nagsisilbing makinarya sa pangangalat ng mga akdang
babasahin. Ginawa ito para mas maunawaan ng mga mambabasa ang mga isinulat. Naging daluyan ng
ideolohiya ang sanaysay dahil karaniwang paksain nito ay pumapatungkol sa pulitika, relihiyon, teknolohiya, at
iba pa.
Nilikha ang sanaysay upang ibahagi sa tao ang pananaw ng may katha. Maaaring ang manunulat
ay pumuna, magbigay - opinyon at impormasyon, maglahad ng obserbasyon, pagtalakay sa araw - araw na
pangyayari, pagbabalik - tanaw sa nakaraan o pagmumuni. Isang uri ito ng pakikipag-komunikasyon sa
pamamagitan ng lathalain na may nais ipabatid sa tao.
Naging malaking kontribusyon ng sanaysay ang mga naililimbag na akda tungkol sa pagsasa-Kristiyano
ng mga katutubo noon. Sa pamamagitan nito , ay naikalat ang mga anekdotang moral, himno, at
pagpapaliwanag ng mga prinsipyong Katolisismo. Sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila, marami sa mga
katutubo ang pinaslang, pinagbayad ng mataas na buwis, at nabiktima ng forced labor. Dahil dito, naging
daluyan ng obserbasyon ang mga pahayagansa pamamagitan ng iba't-ibang anyo ng sanaysay tulad ng tudling,
liham, lathalain, dyornal, talaarawan at sermon.
Ang pormal na sanaysay ay pinag-aralang mabuti ng sumulat. Nagbibigay impormasyon ito tungkol sa isang
bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nasa pagkakasunud-sunod ang mga mahahalagang kaisipan upang lubos
na maunawaan ng mambabasa, at umaakma ang salita sa isyung napili. Samantala, ang di - pormal na sanaysay
ay nagtataglay naman ng opinyon at paglalarawan. Lahat ng ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kapaligiran
at sa mismong karanasan ng sumulat.
Ang malikhaing sanaysay ay pumupukaw sa interes ng mga mambabasa dahil gumagamit ito ng teknik ng
maikling kwento. Hindi ito nakaiinip basahin at maituturing na "relatable" para sa mga mambabasa.
Para kay Gutkind, kinakailangang taglayin ng sanaysay ang mga sumusunod:pagsasabuhay at
pakikipamuhay sa realidad ng sinusulat; pananaliksik sa napiling paksa; pagninilay sa nakalap na datos;
pagbabasa ng mga teksto at ang mismong pagsusulat. Para naman kay Gerard, una, mayroon itongmalinaw na
sabjek. Pangalawa, ito ay napapanahon. Pangatlo, pagsasalaysay ng magandang kwento at huli, pagmumuni-
muni ng may akda.
Ang blog ay isang website na parang isang talaarawan. Ang mga bloggers o ang mga taong nagsusulat sa
blog ay kalimitang isinusulat ang kanilang opinyon. Ang ilan naman ay ginagamit ito bilang online diary kaya ang
blog ay interaktibo sa mga gumagamit.
1. Nagpapaliwanag ng isang partikular na usapin ukol sa mga paksang payak at masalimuot ukol sa tao, kultura at
lipunan.
2. Naghahatid ng kaalaman ukol sa isang panlipunan at pangkulturang phenomenon.
3. Nagbibigay-linaw sa mga usaping panlipunan.
4. Nagsusulong ng isang paniniwala sa pagbasa o paglikha batay sa paniniwala at ideolohiya ng isang
manunulat.
5. Nagpapatibay at nagpapalaganap ng isang teorya ng pagbasa, pagsusuri, pagtanaw sa mga bagay na kultural.
6. Nagbibigay ng suhestiyon at panibagong pagpapakahulugan sa pangyayaring panlipunan at Kultural na gawain.
7. Tumutulong upang matalunton ng sinumang iskolar at malilikha ang kasaysayan at pag-unlad ng anuman sa mga
sumusunod: kultura, agham pantao, agham panlipunan, humanidades, kabuhayan, at pilosopiya.
Aralin 6: Nahihikayat Ang Mga Mag-Aaral Na Matuto Sa
Klase Sa Pamamagitan Ng Piling Gawain
⚫ IDENTIFYING READING STRATEGIES IN THINK-ALOUD RESPONSE TO A TEXT
Inilarawan ang Think-Aloud bilang "eavesdropping on someone's thinking." Gamit ang diskarteng ito,
magsasalita nang malakas ang guro habang binabasa ang isang seleksyon nang pasalita. Kasama sa
kanilang mga verbalization ang paglalarawan ng mga bagay na ginagawa nila habang nagbabasa sila
upang subaybayan ang kanilang pag-unawa. Ang layunin ng estratehiyang think-aloud ay ang
magmodelo para sa mga mag-aaral kung paano bumuo ng kahulugan ang mga bihasang mambabasa
mula sa isang teksto.
• Tinutulungan nito ang mga mag-aaral na masubaybayan ang kanilang pag-iisip habang nagbabasa
sila at pinapabuti ang kanilang pang-unawa.
• Tinuturo nito sa mga mag-aaral na muling basahin ang isang pangungusap, magbasa nang maaga
upang linawin, at/o maghanap ng mga pahiwatig sa konteksto upang magkaroon ng kahulugan sa
kanilang nabasa.
• Pinapabagal nito ang proseso ng pagbabasa at pinapayagan ang mga mag-aaral na subaybayan
ang kanilang pag-unawa sa isang teksto.
Pipili ng paboritong tula o liriko ng kanta/rap para ibahagi sa klase. Talakayin ang mga dahilan kung bakit
gusto mo ang tula o kanta/rap na ito sa mga tuntunin ng mga partikular na aspeto ng tula at ang genre
na natatangi sa bawat teksto.
Pagkatapos, ibabahagi ang tula o liriko ng kanta/rap na ito sa oral interpretasyon: tukuyin ang mga
kahulugang nais mong ipahiwatig, magsanay sa pagganap ng teksto sa pamamagitan ng pagbibigay-
diin sa ilang mga salita o paggamit ng mga paghinto, at pagkatapos ay ibahagi ang iyong pagganap sa
klase.
Ang antolohiya ay isang koleksyon ng mga tula, awit o kwentong pinagsama-sama ng manunulat o ng
isang editor. Ang pinakakaraniwang antolohiya ay sinusunod ng isang editor at itinakda sa anyo ng aklat.
• Time travel
• Teleportation
• Mind control, telepathy, and telekinesis
• Aliens, extraterrestrial lifeforms, and mutants
• Space travel and exploration
• Interplanetary warfare
• Parallel universes
• Fictional worlds
• Alternative histories
• Speculative technology
• Superintelligent computers and robots
ANG PAGTUTURO NG TRADISYONAL O ALTERNATIBONG PAGTATAYA
⚫ NEW CRITICISM
➢ Uri ng pagdulog na ang kahulugan ng akda ay hindi nalalaman sa intension ng may-akda, konsepto ng
mambabasa o kasaysayan ng kultura. Ang kahulugan ng akda ay nalalaman sa pagiging masining at
pagbuo ng mga salita sa isang akda (Garett).
➢ Sa masusing pag-aaral ng panitikan, ang isang akda ay mainam na sanggunian ng kahulugan at
impormasyon. Ang isang tula ay hindi nasusuri sa ksaysayan, ideolohiya, pulitika, pilosopiya o iba pang
aspeto sa pagpapakahulugan ng panitikan. Ang bagong kritisismo ay pag-aaral na nakapokus lamang
sa pagpapakahulugan ng bawat teksto sa isang akda (Searle).
➢ Ayon sa librong Kritisismo ni Soledad S. Reyes
(Kritisismo: Mga Teorya Formalismo/Bagong Kritisismo p.55-67)
Ang Bagong Kritisismo ay isang di-maiiwasang produkto ng pag-unlad ng kilusang modernismo
sa Kanluran. Nabigyang-daan ang modernistikong pananaw dahil sa magkaugnay na mga pangyayari
sa ikalawang hati ng ikalabingsiyam na dantaon at sa unang dekada ng siglong dalawampu.
Sa kritisismo, lumitaw ang isang malaking bilang ng mga kritiko na nagpalagay sa Bagong
Kritisismo bilang isang siyensya ng teksto at tumingin sa kanilang sarili bilang tagapagturo hindi ng
lipunan, hindi ng mambabasa, hindi ng ideolohiya, hindi ng manunulat kundi ng akdang pampanitikan.
Sa makabagong pananaw, sa madaling salita, hindi na binibigyang halaga ang sumususnod sa
mga elemento: ang may-akda, ang kasaysayan o konteksto, at ang mambabasa. Walang kabuluhang
mabatid ang intensyon ng may-akda sa kanyang paglikha sapagkat siya ay isang indibidwal na pumasok
sa sistema ng pagsulat na may kahulugan lamang doon sa loob ng diskurso ng panitikan. rito, ang
kanyang likha ay isang walang interes na saksi na nagnanasa lamang na sagutin ang pangangailangan
ng teksto bilang isang akda at hindi upang maging instrumento para ipahayag ang ideolohiya o Bukod
sa pananaw.
Bilang pagbubuod, maituturing ang Bagong Kritisismo bilang prudukto ng makabagong
sensibilidad: ng kilusang modernismo sa teorya at krititsismo. Pinatunayan ng pananaw na ito na may
sapat na kakayahan ang kritisismo upang gawing obhektibong siyensiya ang pag-aaral at maging
interpretasyon ng panitikan.
➢ Bagong Kritisismo (Bagong Kilusan)
✓ Sa Buong Mundo - Lumitaw sa unang dekada ng siglo dalawampu at namamayani hanggang sa
marating nito ang rurok ng tagumpay bilang pinakamakapangyarihang sistema ng pagsusuri sa
ikalima at ikaanim sa dekada.
✓ Sa Pilipinas - Ito ang konteksto ng pagpasok sa kritisismo ng isa pang grupo ng higit na
nakakabatang mga kritiko na mag-hudyat ng paghihimagsik na higit na matindi at polemikal kaysa
sa isinagawang rebelyon nina Abadilla at Agoncillo. Kabilang sa grupo sina Virgilio S. Almario,
Rogelio G. Mangahas, Pedro L. Ricarte at Lamberto E. Antonio. Magkaiba ang kanilang ginawang
paghahanda kay Agoncillo ay isang historyador, samantalang si del Mundo ay isang kolumnista at
nobelista. Kung ihahambing, higit ang paghahanda ng akademiko ng ikalawang pangkat kaysa sa
nauna dahil may mahigit na antas ng pinag-aralan sa mga unibersidad sa Estados Undos:
Nagkamit sila ng doktorado.
➢ Simula ng Bagong Kritisismo
✓ Sa Buong Mundo - Simula noong 1930's na nasa ascendancy sa loob ng 30 taon ng Ilang American
Critics - at ilang British(Boyd, Fordham University). Nag-ugat ang tinatawag na Bagong Kritisismo
(New Criticism) sa Estados Unidos at Inglattera sa ikatlong dekada ng siglo dalawampu. Sa Rusya
naman nagsimula noong ikalawang dekada ang kilusang tinaguriang Formalismo. Sa
ikalabingsiyam na dantaon, nai-sangkap sa ekstrinsikong pananaw ang positibismo na isang
malakas na tendensiya lalo na sa mga siyentipikong laranagan. Sa dekada animnapu, masigla at
matatag na ang Formalismo sa Inggles-iginagalang at ipanapalagay na lamang niya ito karapat-
dapat na paraan ng pagsusuri: may respektabilidad ito sa malaking unibersidad ng bansa katulad
ng Unibersidad ng Pilipinas, Siliman University, Inibersidad ng San Carlos at Pamantasang Ateneo
de Manila.
✓ Sa Pilipinas - Nagsimulang pumasok ang impluwensya ng Formalismo sa Pilipinas noong dekada
limampu, sa pagsisimula ng pagsulat ng mga Pilipinong karamiha’y nakapag-aral sa Estados
Unidos. Nagsimula silang magsulat ng Inggles at karamihan sa kanila ay naniniwala ng kritikal
nilang paningin sa mga akda sa Inggles. Sa pagpasok nina Almario, Rogelio G. Mangahas, Efren
R. Abueg, Ave Perez Jacob at Rogelio Sikat sa laranagn ng kritisismo, inangkin nila ang gang
puwang sa larangan ng kritisismo, inaangkin nila ang puwang sa larangang dati-rati'y
pinamamayanihan ng mga matatandang kritiko.
➢ Mga Proponent sa Bagong Kritisismo - Ang Bagong Kritisismo ay prudukto ng pag-unlad ng kilusang
modernismo sa kanluran. Nabigyang daan ang modernistikong pananaw dahil sa magkaugnay na mga
pangyayari sa ikalawang hati ng ikalabingsiyam na dantaon at sa unang dekada ng siglong dalawampu.
✓ Paglitaw ng radikal na sistema ng paniniwala sa siyensya.
◼ Charles Darwin - mga tuklas sa siyensya
◼ Immanuel Kant, Martin Heidegger, Edmund Husserl - Teorya sa Pilosopiya
◼ Karl Marx at Friedrisch Engels - Paglitaw ng mga bagong siyensya.
◼ Sigmund Freud, Carl Jung Karl Mannheim, Max Weber at Emile Durkheim - Sikolohiya
◼ I.A Ricahards, William Empson, W.K Wimsatt, T.S Eliot, Cleanth Brooks, Percy Lubbock -
Nagpalagay ng kritisismo bilang siyensya. ANg kritisismo ay ginawang esensiyan na gawain
sa unibersidad bilang isang parksis na pinag-aaksayahan ng panahon sa pagsusulat ng
mapanuring diskurso.
◼ Sherwood Anderson at O.Henry - Modelo sa pagsulat ng maikling Kwento.
◼ Walt Whitman at William Blake - Modelo sa pagsulat ng tula
◼ Teodoro A. Agoncillo, Alejandro G. Abadilla, Clodualdo del Mundo at Fernando B. Monleon -
Sumulat ng mga akdang kritikal noong ikapitong dekada. Kinakitaan sila ng oryentasyong
taliwas sa mga alituntunin at patakarang itinakda ng higit na nakakatandang kritiko. Waring
hindi sapat ang kanilang pagkakaunawa sa sistematikong kritisismo, nagkaroon nanamn sila
ng impluwensya sa mga kabataang kwentista na sinikap nilang hutukin sa kakaibang paraan
ng pagsulat, at higit na paggalang sa sining ng panitikan.
◼ Virgilio S. Almario, Rogelio G. Mangahas, Pedro L. Ricarte at Lamberto E. Antonio - Grupo ng
higit na nakakabatang mga kritiko na nag-hudyat ng paghihimagsik na higit na matindi at
polemikal kaysa sa isinagawang rebelyon nina Abadilla at Agoncillo. Mga mag-aaral sa
Pamantasan sa Maynila tulad ng Unibersidad ng Santo Tomas, University of the East, Far
Eastern University, at Manuel L. Quezon University. Sila ay nagsulat sa Filipino.
➢ Defd
⚫ STRUCTURALISM
Ang estrukturalismo ay isang diskarte o pamamaraan na pinag-aaralan ang mga elemento ng kultura ng
tao sa mga tuntunin ng kanilang kaugnayan sa isang mas malaki, sobrang istraktura o sistema. Ang
teoryang pampanitikan ng estrukturalismo ay batay sa pag-aakalang ang lahat ng akdang pampanitikan ay
may salungguhit na mga istruktura ng unibersal at ang mga pangkalahatang konklusyon tungkol sa
nauugnay na akda at ang mga sistema na kung saan lumitaw ito ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng
pagkonekta sa mga pinagbabatayan na mga pattern. Ito ang unibersal na istraktura sa bawat teksto na
nagbibigay-daan sa nakaranas ng mambabasa na bigyang kahulugan ang isang teksto nang mas madali,
kaysa sa isang hindi nakaranas ng mambabasa. Samakatuwid, pinag-aaralan ng estrukturalismo ang mga
yunit ng lingguwistika sa isang teksto, unibersal na pinagbabatayan na mga istruktura ng teksto, at sinusuri
kung paano ibibigay ng manunulat ang kahulugan sa pamamagitan ng isang istraktura.
Ang mga strukturalista ay nauugnay ang mga teksto sa panitikan sa isang mas malaking istraktura. Ang
mas malaking istraktura na ito ay maaaring sumangguni sa isang serye ng mga magkakaugnay na
koneksyon Isang partikular na genre Mga paulit-ulit na pattern o motif. Isang modelo ng pandaigdigang
istruktura ng pagsasalaysay. Maraming pagkakapareho sa pagitan ng istruktura at pagkakapareho sa
archetypal na pintas, na pinag-aaralan ang isang teksto sa pamamagitan ng pagtuon sa paulit-ulit na mga
archetypes sa balangkas, pagkilala, at iba pang mga elemento.
Ang Ruso na si Roman Jakobson ang pormal na nagpasimula ng pormalista o makatekstong estaylistika. Ang
sangay na ito ng estaylistika ay nagpapalagay na ang pakahulugan o ibig ipahiwatig ng isang teksto ay ganap
na maipapahiwatig ng teksto lamang. Sa medaling sabi, hindi nito binibigyang halaga ang personal na
pagkaintindi ng mambabasa sa teksto. Sa kabila nito at sa iba pang kritisismo sa ganitong istilo ng estaylistika,
ipinasimula ni Jakobson ang pormal na pag-aaral ng literatura sa paggamit ng mga opisyal na sangay ng
linggwistika.
⚫ READER-RESPONSE
Isang teorya, na naging prominente noong huling bahagi ng dekada 1960, na nakatuon sa reaksyon ng
mambabasa o madla sa isang partikular na teksto, marahil higit pa kaysa sa mismong teksto. Ang pagpuna
sa tugon ng mambabasa ay maaaring maiugnay sa pagbibigay-diin ng poststructuralism sa papel ng
mambabasa sa aktibong pagbuo ng mga teksto sa halip na passive na pagkonsumo ng mga ito. Hindi tulad
ng mga pamamaraang nakabatay sa teksto tulad ng New Criticism, na nakabatay sa ilang layunin na
kahulugan na naroroon na sa akdang sinusuri, ang pagpuna sa tugon ng mambabasa ay nangangatuwiran
na ang isang teksto ay walang kahulugan bago maranasan ng mambabasa—basahin—ito. Ang trabaho ng
kritiko sa pagtugon ng mambabasa ay suriin ang saklaw at iba't ibang mga reaksyon ng mambabasa at
suriin ang mga paraan kung saan ang iba't ibang mga mambabasa, na kung minsan ay tinatawag na "mga
komunidad ng interpretasyon," ay nagbibigay ng kahulugan sa parehong mga personal na reaksyon at
minana o nakakondisyon sa kulturang mga paraan ng pagbabasa. Ang teorya ay popular sa parehong
Estados Unidos at Alemanya; Kabilang sa mga pangunahing teorista nito sina Stanley Fish, David Bleich,
at Wolfgang Iser.
⚫ LANGUAGE-BASED
Ang pag-aaral ng wika ng tekstong pampanitikan ay makatutulong upang mas malapit na pagsamahin
ang mga syllabus ng wika at panitikan. Ang detalyadong pagsusuri sa wika ng tekstong pampanitikan ay
makatutulong sa mga mag-aaral na gumawa ng mga makabuluhang interpretasyon o matalinong pagsusuri
nito. Kasabay nito, madaragdagan ng mga mag-aaral ang kanilang pangkalahatang kamalayan at pag-
unawa sa Ingles. Hinihikayat ang mga mag-aaral na gamitin ang kanilang kaalaman sa pamilyar na
gramatika, leksikal na mga kategorya upang makagawa ng mga paghatol sa teksto. Ang mga tekstong
pampanitikan ay nakikita bilang mga paraan upang matulungan ang mga mag-aaral na mapabuti ang
kasanayan sa wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng exposure sa target na wika at pag-uugnay sa kanila
sa partikular na bokabularyo at iba pang aspeto ng wika. Language Based Approach Ang Language Based
Approach ay isa sa paraan ng pagtuturo ng literatura sa Ingles na gumamit ng literary text para sa partikular
na disenyo ng drills upang mabuo ang mga kasanayan sa wika sa halip na tumuon sa literary skills. Ang
paggamit ng Language Based Approach sa silid-aralan, ay nakatuon sa mag-aaral higit sa lahat sa kanilang
mga proseso sa pagbabasa at kung paano nila nilikha ang kamalayan sa wika sa kanilang mga sarili. Higit
pa rito, binigyang-pansin ang proseso ng pagbabasa ng teksto ng mga mag-aaral at paglikha ng sarili nilang
mga kahulugan. Sa pamamagitan ng pamamaraang ito, inaasahang magkakaroon ng mas sensitibong pag-
unawa at pagpapahalaga ang mga mag-aaral sa tekstong pampanitikan. Mayroong dalawang pangunahing
layunin mula sa paggamit ng pamamaraang ito, una, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakagawa ng
mga makabuluhang interpretasyon sa mismong teksto at gayundin upang mapalawak ang kaalaman at
kamalayan ng mga mag-aaral sa wika.
⚫ CRITICAL LITERACY
Ang kritikal na literacy ay isang paraan sa pagkatuto kung saan inaasahang susuriin ng mga mag-aaral
ang iba't ibang teksto upang maunawaan ang kaugnayan sa pagitan ng wika at ng kapangyarihang hawak
nito. Kritikal na sinusuri at sinusuri ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga teksto habang nauugnay ang
mga ito sa mga paksa sa katarungan, kapangyarihan at katarungang panlipunan.
➢ Tatlong Konsepto. Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral na nakikibahagi sa kritikal na literacy
mula sa murang edad ay handa ng:
1. Gumawa ng matalinong mga desisyon tungkol sa mga isyu tulad ng kapangyarihan at kontrol
2. Upang makisali sa pagsasagawa ng demokratikong pagkamamamayan, at
3. Upang bumuo ng kakayahang mag-isip at kumilos etikal.