You are on page 1of 3

PAGBASA NG IBA’T IBANG AKDANG

PAMPANITIKAN
Layunin:
a. Mabasa at masuri ang mga piling akdang pampanitikan;
b. Matalakay ang mga bahagi at elemento ng tula at mga sangkap ng maikling kuwento; at
c. Makapagbahagi ng kaalaman/ ideya o pananaw hinggil sa binasang akda.
Saklaw ng Panahon: Dalawang Linggo
Mga Kagamitan: Mga papel para sa gawain, laptop, TV, projector
Mga Mungkahing Gawain: pagsusulit, palitang tanong-sagot, indibidwal na gawain

TULA

➢ isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan
ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.

MGA BAHAGI NG TULA

TEMA

➢ Kapag nakapili ka na ng tema, subukan mong tanungin ang sarilimo kung bakit ito anbg
napili mo. Ano ang maibibigay nito sa iyo. At ano ang maibibigay nito sa makakabasa.
May matutunan din kayasila? Dapat masagot lahat ang mga ito bago mo simulang
magsulat. Huwag lalayo sa tema. Kailangang paninidigan ito.

PAMAGAT

➢ Bago mo simulan ang tula, isipin mo na ang pamagat. Kunglayuan mo, baka iba na ang
ulo at katawan. Kung bulaklak ang pamagat, kailangang tungkol sa bulaklak o dalaga ang
tula. Kadalasan, mahirap pumili ng pamagat. Pero kung alam mo naang tema, parang
mas madali na. Pwede ring kukuha sa unang linyang tula o kukuha na lang sa stanza ang
ipapamagat. Pwede ring tapusin muna ang tula bago lagyan ng angkop na pamagat.
ESTILO

➢ Uri o anyo ito ng tula, kung paano ba ito naisulat. Kung ilanglinya ba ang isang stanza,
kung ilan ang salita ng isang linya. Isa pang istilo ang paggamit ng maliliit na letra sa
umpisa ngbawat salita. Pwede ring capital lahat ng umpisa o salitan. Depende sa gusto
ng makata.

SIMULA

➢ Kung paano simulan kalimitan ang pinakamahirap na parte sapaggawa ng anumang


sulatin, lalo na sa tula. Pero pag naumpisahanmo na, hindi na mahirap na dugtungan.
Kailangang sa umpisa palang ay madakip mo na ang interes ng iyong mambabasa. Isipin
mo sila. Huwag ang iyong sarili. Kasi, pwedeng maganda na sa iyo pero para sa iba ay
kabaliktaran. Dapat ding makita sa umpisa ang gandang isang tula.

SIMBOLO

➢ Mahalaga ang simbolo sa isang tula. Kung wala nito ay natutuladsa bikas na aklat kung
basahin mo at di ka na kailangang mag-isippa. Nakikita ang ganda ng tula sa mga simbolo.
At mahalaga angsimbolo sa alinmang sulatin. At lalong nagagamit ang simbolo satula.
Halimbawa ang bulaklak. Hindi sa bulaklak ng isang halamankundi sa isang dalaga
napapatungkol. Maraming simbolo, at lahat na yata na nasa ilalim ng araw aysimbolo,
pwedeng gamiting simbolo. Pero huwag gagamit ng simbolong hindi mo matindihan o
hindi mo alam ang ibig sabihin.

KATAWAN

➢ Nasa katawan ng tula ang ibig mong ipakita, ipahiwatig, ipadama, ipaamoy, ipalasa. Dito
nakikita ang problema at kung paanoito mareresolba.

WAKAS

➢ Kung umpisa, may wakas. Kung gaano kahirap simulan ang isang tula, parang ganoon
ding kahirap wakasan. Hindi basta na langwakasan ang tula. Kailangang masagot lahat
ang mga problema.Pwede namang wakasang nakabitin at bayaan mo nang isipin
ngnakabasa ang nilalaman. Pwede ring kunin ang wakas sa unang stanza sa umpisa ng
tula o kung saang linya na may kinalaman satema na tumutukoy sa pagkakalutas ng
problema.
ELEMENTO NG TULA
1. SUKAT
➢ tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
Ka/ pag/ ka/ /ang/ ba/ ya’y/ sad/ yang u/ mi/ i/ big/ – 12 pantig

2. SAKNONG
➢ isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod).
Halimbawa:
Ang tulang “Sa Aking mga Kabata” ay may limang saknong.

3. TUGMA
➢ ang magkasintunog ang mga huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod ng
isang tula.
Halimbawa:
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Ang huling pantig na katinig (n) ang may
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
tugma. Maaari ding magkaroon ng tugma
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan. ang mga patinig (a,e,i,o,u).

4. KARIKTAN
➢ . Mula sa salitang ugat na rikit o ganda. Nangangailangan ng maririkit na salita ang
isang magandang tula nang sa gayon ay maakit at mapukaw ang damdamin ng
mambabasa.
Halimbawa:
Para sa unang saknong ng tula, anong maririkit na salita ang ginamit?
Umiibig – nagmamahal
Masapit – kahihinatnan
Himpapawid – ulap, langit

5. TALINGHAGA
➢ Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
Halimbawa:

Ano kaya sa tingin ninyo ang mga matatalinghagang salita ang ginamit sa
unang saknong ng tula?
“Isinasaad sa unang saknong na ang pag-asam sa sariling kalayaan kapag pinahalagahan
natin ang sariling wika na siyang hinahalintulad sa ibong malayang nakalilipad sa
himpapawid. Hindi kaagad pinapahiwatig o sinasabi sa unang saknong ang kahulugan
nito kaya gumamit ng matatalinghagang salita upang mapaisip ang mambabasa o
tagapakinig. Sapagkat ang talinghaga ay nagsisilbing palamuti sa tula upang mapanatili
ang kasiningan at kariktan nito.”

You might also like