You are on page 1of 7

ARALIN 1.

1 ANG PAGTUTURO NG PANITIKAN


Layunin:

a. Makilala ang mga katangian na dapat taglayin ng isang guro at mabisang pagtuturo
b. Maibigay ang malalim na kahulugan ng motibasyon

Saklaw ng Panahon: isang Linggo


Mga Kagamitan: Mga papel para sa gawain, laptop, TV, projector

❖ Ang salitang panitikan, ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban ay binubuo ng unlaping pang-,
salitang-ugat na titik, at hulaping –an.
❖ I t o a y m a y k a t u m b a s n a k a h u l u g a n s a I n g l e s n a literature at literatura naman sa
Kastila
❖ May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang panlunas
na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang
kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.
❖ Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging
makabayan, subalit hindi ang panitikan.
❖ Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang
bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa. Sa panlipunan,
pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng
tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa

URI NG PANITIKAN:

1. Tuluyan o Prosa - ito ay akdang pampanitikan na isinusulat ng patalata.


2. Patula - ang akdang ito ay isinusulat ng pasaknong.

Iba’t-ibang Genre ng Panitikan


1. Pabula
❖ uri ng kathang isip na panitikan kung saan ang mga hayop o mga bagay ang gumaganap na
tauhan.
2. A l a m a t
❖ isang uri ng panit ikan na nagkukwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.
3. P a r a b u l a
❖ isang akdang pampanitikang nagt ataglay ng aral na kalimitang hinahango mula sa
Bibliya.
4. Tula
❖ isang akdang pampanitikan na isinusulat ng pasaknong at may sukat at tugma.
5. Epiko
❖ uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao
o mga laban sa mga kaaway na halos hindi m a p a n i w a l a a n d a h i l m a y m g a t a g p u a n g
k a b a b a l a g h a n a t d i - kapanipaniwala. Kwento ng kabayanihan na punung-puno ng mga
kagila-gilalas na pangyayari.
6. Salawikain
❖ ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at
naglalayong magbigay patnubay sa ating pang -araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ng
mga karunungan.
7. Bugtong
❖ isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palisipan.
8. Sanaysay
❖ isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-
akda.
9. M a i k l i n g K w e n t o
❖ isang maigsing salaysay hinggil sa i s a n g mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan lamang.
10. Dula
❖ isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati sa ilang yugto na may maraming
tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
11. Nobela o kathambuhay
❖ ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.

1. Ang Guro at Ang Pagtuturo


❖ Ang guro ay ang pinakamahalagang baryabol sa loob ng silid-aralan na nakapagsasagawa ng
matagumpay at epektibong pagtuturo. Isang mapanghamong propesyong ang pagtuturo.

Paano ba simulan ang prosesong pagtuturo?


✓ Kilalanin ang mga mag-aaral na tuturuan.
✓ Napakahalaga na simulan ang relasyong guro-mag-aaral sa isang magaan at palagayang sitwasyon.
✓ Ang pagkakaroon at paggamit ng guro ng mga mabisang estratehiya sa pagganyak sa mga mag-aaral.
◼ Maaaring gisingin ng epektibong estratehiya ang interes ng mga mag-aaral pati na ang pagnanais
nilang matuto pa.
◼ Gagabayan nito ang mga mag-aaral sa patuloy nilang pagtuklas ng bagong kaalaman.
✓ Ang pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano matuto at kung paano magkaroon ng malayang kaisipan.

Mga Terminolohiya sa Wikang Filipino kaugnay ng mga


Estratehiya sa Pagtuturo.

1. Pagdulog (Approach)
❖ set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng pagkatuto.
2. Pamamaraan (Method)
❖ sunod-sunod na hakbanging gumagabay sa guro sa kaniyang pagtuturo ng tiyak na aralin.
3. Estratehiya (Strategy)
❖ isang planadong proseso para sa isang partikular na gawain.
4. Teknik (Technique)
❖ tiyak na gawaing malinaw na makikita sa pagtuturo ng isang guro.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagtuturo

GURO
❖ Ikinikintal ng isang guro ang pagtitiwala at ginagawang isang kawili-wiling hamon ang pag-aaral.
✓ Matalino
❖ ang malawak na kabatiran at kaalaman ng guro sa kanyang ituturo at paraan kung paano ito
ituturo ay mahalagang katangian ng isang epektibong guro. Magiging mahirap ang gawaing
pagtuturo kung mismo ang guro ay walang ganap na pag-unawa sa paksang kanyang itinuturo.
✓ Mapagmahal
❖ Kinakailangan sa isang guro ang mataas na pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang gawain
at sa kanyang mga mag-aaral. Maging bukas ang isipan sa mga pagbabago upang lalong
mapahusay ang mga gampanin at may magandang saloobin at pananaw sa pagtuturo at sa
kaniyang pagiging guro.
✓ Masayahin
❖ Nag-uudyok ng kawili-wili at epektibong pagkatuto ang kaaya-ayang katauhan ng isang guro.
Ang pagkakaroon ng masayahing disposisyon o diwa ng paluwag tawa ay nagdudulot ng
masiglang kapaligiran sa loob ng silid-aralin.
✓ Malikhain
❖ Ang kaalaman sa mga paraan at estratehiya sa pagtuturo ay lalong nagiging epektibo kung may
malikhain at mayamang pag-iisip ang guro sa pagbabalak o pagpaplano ng kanyang aralin.
✓ Makabago
❖ Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, nagiging mabilis ang takbo ng pamumuhay ng tao.
Kinakailangan ng isang guro ang kakayahang tumuklas ng mga bagong paraan sa pagtuturo na
naaangkop sa kasalukuyang kalakaran ng kanyang gawain at katangian ng mga mag-aaral.

MAG-AARAL
❖ Laging isaisip na ang mga mag-aaral ay may kani-kaniyang katangian. Lahat ay may karapatang
maturuan at matuto ng mga bagay na nararapat niyang matutunan. Maaaring magkaiba ang mga mag-
aaral sa iba’t ibang aspekto ng kanilang katangian.
✓ Edad
❖ May mga batang mag-aaral, mayroon ding may edad na, may dalaga/binata, at mayroon ding
matandang mag-aaral. Bawat isa ay nagtataglay ng iba’t ibang lebel na dapat nilang matutunan.
✓ Kasarian
❖ Ang interes ng lalaking mag-aaral ay iba sa interes ng mga babaeng mag-aaral. Marapat lamang
na malaman ng guro ang kaibahang ito lalo na sa pagbibigay-halimbawa sa mga pagtalakay.
✓ Ugali
❖ Nagmula sa iba’t ibang tahanan at kapaligiran ang mga mag-aaral sa loob ng silid. Bawat isa ay
natuto ng magkakaibang paraan ng pakikisalamuha sa kapwa. Mahalagang tungkulin ng guro
ang pagiging pangalawang magulang sa loob ng silid-aralan.
✓ Kultura
❖ Kinakailangan sa isang guro ang pagiging sensitibo at mulat sa iba’t ibang kulturang maaaring
pinagmulan ng kanyang mga mag-aaral.
✓ Talino
❖ Walang itinuturing na bobong mag-aaral. Bawat isa ay may kani-kaniyang talinong taglay.
Magkaiba man sa nakararami, may sarili pa ring kakayahan ang bawat mag-aaral sa maraming
bagay o aspekto

KAGAMITAN o MATERYAL
❖ pagkatuto ang anumang kagamitan o sitwasyong nagagamit ng guro sa kanyang pagtuturo

URI NG PAKIKILAHOK NG MGA MAG-AARAL


1. INDIBIDWAL - Indibidwal na mag-aaral at guro.
2. BUONG PANGKAT - Guro at buong klase.
3. PEER TUTORING - Mag-aaral at kapwa mag-aaral.
4. TEAM LEARNING - Maliit na pangkat ng mga mag-aaral.

Learner-Centered Teaching (Multiple Intelligence


❖ Ayong sa Multiple Intelligences ni Howard Gardner, ang tao ay natututo sa iba’t ibang paraan
sapagkat bawat isa ay may kakayahang natatangi sa iba.

Verbal or Linguistic
❖ pagsasalita, pakikinig, pagsusulat, pagbabaybay, gramatika, pagsasalaysay, banyagang wika,
tula, sanaysay, talumpati, at pahayagan.
Visual or Spatial
❖ nakikita, larawan, grapiko, drowing, tsart, disenyo, pelikula, video, puzzle, at imahinasyon.
Musical or Rhythmic
❖ musikal, ritmo, tono, tenor, soprano, jazz, folk, classical, jingle, opera, choir, at rock.
Logical or Mathematical
❖ lohika, pangangatwiran, pabuod, pasaklaw, katotohanan, pagtaya, pagtasa, ranking, katibayan,
assessment, at pagsasaayos.
Naturalist
❖ aksyong, pagkilos, pagsasagawa, isport, pagsali, drama, at aktibiti.
Bodily Movement or Kinesthetic
❖ pakikipagtalastasan, pakikipag-usap, pagbati, pag-unawa, pakikipag-salimuha, piging, at
pangkat.
Interpersonal or Social
❖ nag-iisip, nag-iisa, pagnilay-nilay, binabalangkas na mga layunin, panukala, at pangarap.
Intrapersonal or Introspective
❖ likas, kapaligiran, at pagmamasid.
2. Katangian ng Guro at Mabisang Pagtuturo

❖ “ANG ating mga guro ang may pinakamahirap na gawain at tumatanggap ng pinakamababang
sahod, kaya’t ang pagkalooban sila ng karampatang sahod ay madarama nilang pinahahalagahan
natin ang kanilang paglilingkod at nauunawaan natin ang kanilang pangangailangan. Ang
pagdaragdag ng kanilang buwanang sahod ay makagaganyak sa mga kuwalipikado at mahuhusay
na guro na makapagturo sa mga publikong paaralan.”
❖ Ang pahayag na ito ang sinabi kamakailan ni Senador Sonny Angara matapos niyang maisulong sa
Senado ang Senate Bill Blg.135 na nagtataas sa sahod ng mga guro mula sa Basic Salary Grade na
P20, 179 na sinusugan na maging P42,009 hanggang sa maisulong nitong 2019 na maging P45,000.
❖ Inilarawan ni Senador Angara ang mga guro bilang puso ng sistemang pang- edukasyon kaya’t
mahalagang mabigyan ng prayoridad ang kanilang interes at kalagayang may kaugnayan sa
kapayapaan, kalusugan, kaligayahan, at kaunlaran.
❖ Kung maaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Bill Blg.135, daan-daang libong mga
guro sa elementarya at sekondarya sa mga publikong paaralan ang mabibiyayaan. Dahil dito,
marapat lamang na taglayin ng mga guro ang iba’t ibang katangian upang mapabilang sila sa
tinatawag na kuwalipikado, mahusay at epektibong guro ng mga publikong paaralan.
❖ Sa artikulong ipinaalabas ng Educator’s Journal nina Thompson, Greer at Greer kaugnay ng
pagsususog ng No Child Left Behind Law at ang pangangailangan para sa higit na kuwalipikadong
mga guro, ang Kagawaran ng Edukasyon ng mga Estado sa America, ang mga institusyon ng higit
na mataas na pagkatuto at ang mga distritong pampaaralan ng bansang ito ay gumawa ng mga
pamantayan na magtatakda sa mga edukador upang higit silang maging kuwalipikado at epektibo sa
pagtuturo.
❖ Sa meta-analisis na nakapokus sa sa empirikal na pag-aaral ukol sa kalidad at kuwalipikasyon ng
mga guro, natuklasan ni Rice (2003) ang limang malawak na kategorya ng epektibong guro: (1)
karanasan, (2) paghahanda ng programa at kursong natapos, (3) uri ng mga isinumiteng katibayan
o dokumento, (4) mga gawaing natapos bilang paghahanda sa propesyon at (5) mga marka ng guro
sa sinagutang pagsusulit.
❖ Kaugnay nito, nagsagawa rin ng pagsusuri sina Wayne at Young (2003) ukol sa mga katangian ng
epektibong guro at ang ugnayan nito sa kabisaan ng mga mag-aaral. Pinasagutan nila sa may mahigit
na animnapung (60) respondenteng may karanasan sa pagtuturo at sa mga estudyanteng
magtatapos sa kursong edukasyon ang tanong na “Anong mayroon sa paborito mong guro kaya ka
natuto?”

Mula sa datos na nakalap, lumabas sa pag-aaral ang sampung (10) katangian ng


epektibong guro:

1. Walang itinatangi
❖ Hindi malilimutan ng mga magaaral kung ang guro’y may paborito sa klase o ang kaniyang di
pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kaniyang mga mag-aaral. Sa loob ng klase, dapat na siya’y walang
kinikilingan at mahalagang maging pantay ang kaniyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.
2. May positibong ugali
❖ Nasisiyahan ang mga magaaral kung sila’y nabibigyan ng papuri at pagkilala o rekognisyon. Malaki ang
impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksiyon. Sa pag-aaral nina Cruickshank, Jenkins at Metcalf
(2003), ang epektibong guro ay yaong positibong indibidwal. Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay
ng kaniyang mga mag-aaral.
3. May kahandaan
❖ Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala
ng mga mag-aaral.
4. May haplos-personal
❖ Pinahahalagahan ng mga magaaral ang gurong may ugnayan sa kanila, yaong tumatawag sa kanilang
pangalan, palangiti, at nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang
interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao.
5. Masayahin
❖ Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga magaaral
ay nakababawas ng paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.
6. Malikhain
❖ Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa
oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na sa pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro.
7. Marunong tumanggap ng kamalian
❖ Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kaniyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humihingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kaniyang nagawa.
8. Mapagpatawad
❖ Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa,
lalo’t yaong nauukol sa kanilang maling gawa at ikinikilos.
9. May respeto
❖ Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kaniyang ibinigay sa kaniyang mga
mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang pagkakamali o kasalanan nang walang
nakaririnig o nakaaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng kaniyang mga mag-aaral.
10. May mataas na ekspektasyon
❖ Ang di malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng napakataas na pamantayan lalo’t hinahamon ang
kaniyang mga mag-aaral na gawin nang napakahusay ang kaniyang ipinag-uutos.

3. Motibasyon
❖ Ang intrinsic at extrinsic motivation ay dalawang uri ng pagganyak. Ang dalawang uri na ito ay maaaring
maimpluwensyahan ng dalawang iba pang mga uri ng pagganyak, lalo, positibo at negatibong
pagganyak.
❖ Sa lahat ng uri ng pagganyak, ang pagnanais, motibo, at kinalabasan ng tao ay karaniwang mga
denominador.
❖ Tulad ng kanilang mga pangalan magpahiwatig, intrinsic pagganyak at extrinsic pagganyak sumangguni
sa pinagmulan ng pagganyak. Sa intrinsic na pagganyak, umiiral ang pagganyak sa loob ng isang tao
habang ang "panlabas" ay tumutukoy sa panlabas o sa labas ng pagganyak. Sa isang kahulugan, ang
dalawang uri ay nagpapataw ng teorya ng insentibo o gantimpala sa dahilan.

1. Motibasyong Intrinsik

❖ ito’y likas na kagustuhan sa pagkatuto ng isang wika. Ang panloob na motibasyon o intrinsic
motivation ay tumutukoy sa kawilihan at kusang loob na nag-uudyok o naghihikayat sa isang tao na
gawin at tapusin ang isang gawain ng walang kapalit dahil walang pumipilit sa kanya
2. Panlabas na Motibasyon

❖ Ang panlabas na motibasyon o tinatawag na extrinsic motivation ay isang integratibong motibasyon


na nag-uudyok sa isang tao na tapusin o gawin ang isang bagay dahil may kapalit itong papuri,
premyo o reward.

Iba’t ibang dulog sa Pagtuturo:


1. Authoritarian Classroom Management Approach
❖ Sa dulog na ito, nakasalalay sa guro ang magiging kaayusan ng isang klase sa
pamamagitan ng ilang mga estratehiya. Pangunahing layunin nito ay ang pagpapanatili sa
kaayusan ng klase.
❖ Katangian ng mga guro:
✓ Bossy
✓ Matalas at hindi magiliw ang tono ng boses.
✓ Tahimik lamang ang mga mag-aaral at bawal gambalain ang guro.

2. The Intimidation Management Approach


❖ Kahintulad din ng Authoritarian Classroom Management Approach, sa punto na ang layunin na
mapanatili ang katahimikan o ang kapayapaan sa loob ng isang klase. Subalit malinaw na nag-uugat
ang Intimidation o ang panggagaya ang panggagaya ng mga mag-aaral sa pag-uugali ng kanilang guro,
sang-ayon sa kilos at papanila ng isang guro.

3. The Permissive Classroom Management Approach


❖ Ipinapakita ng dulog na ito ang kalayaan na maaaring matamasa ng isang mag-aaral sa loob ng
kaniyang klase (maximize student freedom).

4. The Instructional Classroom Management Approach


❖ Ang dulog na ito ay resulta o bunga ng isang matalino at masistemang pagpaplano ng isang guro
hinggil sa lalamanin at lalandasin ng kanilang talakayan. Ilang lamang ito sa mga dulog na inihain ng
mga mananaliksik.

You might also like