You are on page 1of 26

Pagbigkas

ng Tula
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang
mga mag-aaral na:

Mabibigkas ng may wastong


tono, diin, antala, at damdamin
ang napakinggang tula
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang
mga mag-aaral na masasagot ang tanong
na:

Bakit mahalaga ang wastong


pagbigkas ng tula?
Ito palang labong
kung bago tutubo;
Langit na mataas
ang itinuturo.
Kung ito’y lumaki’t
masunod ang anyo;
Lupang tinubuan
doon din ang yuko
Ating Sagutin

1.Ano ang paksa ng tula?

a. Ang kababaang loob sa kabila ng tagumpay


b. Ang pagmamayabang
c. Ang pagkakaroon ng pangarap ng tao.
d. Ang labong
Ating Sagutin

2. Anong pagtutulad ang ginawa sa tao?

a. Ang labong sa pagkabata at sa kawayang nakayuko


sa lupa sa pagtanda
b. Ang langit at lupa
c. Ang tinging paitaas at tinging payuko
d. Masarap ang labong
Ang tula ay isang uri ng sining at
panitikan na kilala sa malayang
paggamit ng wika sa iba’t-ibang
anyo at estilo.
Ang tula ay binubuo ng mga sumusunod na
bahagi:

Saknong Tugma
Sukat

Taludtod Sesura
Saknong
binubuo ng isang pagpapangkat ng dalawa o
mas marami pang mga guhit ng salita o linya
ng mga salita

Taludtod

linya o ang hanay ng mga salita ng isang tula


Sukat
Ang bawat taludtod o linya ng tula ay
magkakaisang bilang o dami ng mga pantig ng
mga salita

Tugma

Pag-iisang tunog ng mga huling pantig ng mga


salita sa dulo ng taludtod
Sesura
Ang sesura ay isang uri ng pagbasa ng tula na
may saglit na paghinto sa pagbabasa ng bawat
taludtod.
Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula

Tono – ang taas o baba ng tinig na inuukol sa


pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o
pangungusap upang higit na maging mabisa at
maunawaan ang pagsasalita.
Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula

Diin – tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig


ng pantig sa isang salita. Ito ay ang bigat ng
pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba
sa kahulugan ng mga salita
Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula

Antala – saglit na pagtigil o paghinto sa


pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula

Damdamin – Pagpapakita o paglabas ng


emosyon. Maaaring damdamin ng takot, galit,
lungkot o saya
Indibidwal
na
Pagsasanay
Pumili ng mga salitang
magkakatugma sa tula.
Bahagi ito ng tulang “Sa
Aking Mga Kabata” ni
Dr. Jose Rizal. Isulat sa
sagutang papel ang tamang
sagot.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin
Maikling Pagsusulit
Ibigay ang hinahanap na salita sa bawat pahayag.
1. Linya o hanay ng mga salita ng isang tula.
2. Pag-iisang tunog ng mga huling pantig ng mga salita sa
dulo ng taludtod.
3. Tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig sa
isang salita.
4. Pagpapakita o paglabas ng emosyon.
5. May iisang bilang o dami ng mga pantig ng mga salita.
Pangkatang
Gawain
Sumulat ng isang maikling tula na may dalawa
hanggang apat na saknong na may wastong
diin, antala, at damdamin. Binubuo ng apat na
taludtod bawat saknong at may parehong
bilang ng pantig bawat taludtod, at may tugma
na naglalarawan ng pagiging mabuting mag-
aaral. Pumili ng isang kagrupo upang basahin
sa klase ang tula.
Bakit mahalaga ang wastong
pagbigkas ng tula?
Takdang
Aralin
I-video ang sarili habang
binabasa ang tulang “Sa Aking
Mga Kabata”. Ipakita ang
wastong tono, diin, antala, at
damdamin ng tula.
Maraming
Salamat !

You might also like