You are on page 1of 4

Pangatnig

Ano ang pangatnig?

Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon


ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa
sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang
kaisipan sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig
ay ginagamit din sa mga pangungusap na
tambalan, hugnayan at langkapan.

Ito ay nahahati sa dalawang pangkat:

1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang


na yunit.

a. (o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) -


pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay

Halimbawa:
▪Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
▪Nakatulog ako’t nakapahinga.
▪Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan
ka na lamang?

b. (ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) -


pangatnig na panalungat; sinasalungat ng
ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng
nauuna.
Halimbawa:
▪Matalino si Villar subalit maraming isyung
naglalabasan kaugnay sa kanya.
▪Mabait siya pero istrikto.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-


magkatimbang na yunit.
a. (kung, kapag, pag)
Halimbawa:
▪Iboboto ko siya kung wala nang ibang
tatakbo na kasintalino niya.
▪Walang kasalanang di mapatatawad ang
Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi.

b. (dahil sa, sapagkat, palibhasa) -


nagpapakilala ng sanhi o dahilan

Halimbawa:
▪Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa
ilang politiko, palibhasa malapit na naman ang
eleksyon.
▪Hindi natuloy ang Lakbay-aral ng mga
studyante dahil sa malakas na ulan.

c. (kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na


panlinaw
Halimbawa:
▪Wala raw siyang kasalanan kaya humarap
pa rin siya sa media.
Sinasabi mong hindi ikaw ang nagnakaw
kung gayon patunayan mo.
QUIZ 5: Magtala at Magsuri
Basahin ang talataan at pagkatapos ay itala ang
mga pangatnig na ginamit at suriin kung
magkatimbang o di-magkatimbang. Ilagay sa
kasunod na tsart ang iyong sagot. Isulat sa papel
ang iyong sagot.
Sa pagharap sa maraming hamon sa buhay,
kailangangkailangan ang edukasyon sa
pagpupunyaging makamit ang ideyal na
kapayapaan, kalayaan, at panlipunang
katarungan. Hindi sa dahilang ang edukasyon ay
mapaghimalang gamot o majik na magbubukas
sa mundong ideyal kundi ito’y isa sa pangunahing
paraan upang mapagyaman ang higit na
magkakatugma at malalim na uri sa pagdebelop
ng tao para mabawasan ang kahirapan,
eksklusyon, kamangmangan, pang-aapi at giyera.
Batay sa report sa UNESCO ng Internasyunal na
Komisyon sa Edukasyon para sa ika-21 dantaon,
malaki ang maitutulong ng mga polisiya sa
edukasyon upang makabuo nang higit na
mabuting daigdig.
-halaw sa “Edukasyon: Ang Kinakailangang Utopia” ni Jaques Delors

Mga Pangatnig na Mga Pangatnig na


Magkatimbang Magkatimbang

You might also like