You are on page 1of 27

Punan ng angkop na kataga o salita ang mga

sumusunod upang mabuo ang pangungusap.


1. Sasama ako sa inyo ____________ ipagpapaalam
ninyo ako sa aking mga magulang,
2. Namatay si Mui Mui __________________ sa
pananakit ng kanyang ama.
3. Kinakain ng ama ang dalang
pansit__________________ pinagmamasdan siya ng
kanyang mga anak..
GRAMATIKA/ RETORIKA

PANGATNIG Ano nga ba ang


TRANSITIONAL pangatnig ?
DEVICE
PANGATNIG – ginagamit sa
pag-uugnay ng salita,parirala
sugnay at pangungusap.
MGA URI NG PANGATNIG
1.PANINSAY- kapag sinasalungat ng
ikalawang kaisipan ang ipinapa-
yag ng naunang kaisipan.
 subalit,ngunit,datapwat,bagamat
a. Matalino siya,subalit wala naman siyang kaibigan.

b. Marami akong natutunan,ngunit kulang pa ang mga ito

c. Magaling siyang guro, pero istrikto sa klase.

d. Datapwat matalino siya,wala naman siyang kaibigan.


2.PANTUWANG O PANIMBANG – pinag-uugnay ang
magkasinghalaga o magkapantay na kaisipan.
 saka, at, at saka
halimbawa
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Minahal kita at pinagkatiwalaan.
c. Namili ako ng bagong damit,sapatos atsaka
mga kagamitan sa pag-aaral.
3. PANANHI – nagsasaad ng sanhi o kadahilanan.
dahil sa,sanhi ng,kaya,sapagkat
halimbawa
a. Hindi natututo ang mga tao dahil sa kapala-
luan.
b. Siya ay nagtagumpay sa buhay dahil sa
kanyang pagsisikap.
c. Pumasa siya sa pagsusulit sapagkat nag-aral
siya nang mabuti.
4. PANUBALI – nagsasaad ng pag-aalinlangan.
kung,pag,kapag,sakali
halimbawa
a. Hindi sana namatay si Mui Mui kung naging
mabuting ama lamang siya.
b. Makakuha ka nang mataas na marka kapag
pinagbutihan mo ang iyong pag-aaral.
c. Makakadalo ako sa party mo sakaling payagan
ako ng aking magulang.
TRANSITIONAL DEVICE
tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsunud-
sunod ng mga pangyayari at paglilista ng mga
ideya,pangyayari at iba pa.
1. PANAPOS – nagsasaad ng nalalapit na pag-
tatapos ng nagsasalita.
sa wakas,sa lahat ng ito,upang
halimbawa
a. Sa wakas,natuwa ang ama sa kabaitan
ng anak.
b. Sa lahat ng ito,napagtanto ng mga anak
na silay mahal ng kanilang ama.
2. PANLINAW – upang ipaliwanag ang bahagi o
kabuuan ng isang banggit.
kung gayon
halimbawa
a. Nagkasundo ang mag-asawa, kung gayon
magsasama na silang muli.
PAGSASANAY

Punan ng angkop na pangatnig at


transitional device ang bawat patlang
upang mabuo ang pangungusap.
A. SAKA B.SUBALIT C. SAPAGKAT D. SA WAKAS

E. KUNG GAYON

1. Huwag mo siyang tularan____


masama ang ginagawa niya.
A. KUNG
B.KAPAG C. NGUNIT D. SA WAKAS
GAYON

E. DAHIL SA

1. Hindi na rin lang naman tayo


magkasundo____ mabuting pang
maghiwalay na tayo .
A. SAKA B.SUBALIT C. SAPAGKAT D. BAGAMAN

E. KUNG GAYON

3.Nakatakda siyang umani ng


tagumpay____ maraming naninira sa
kanya.
A. SAKA B.DAHIL SA C. SAPAGKAT D. SA WAKAS

E. KUNG GAYON

1. Namaos siya __________ tagal ng


pananalumpati.

You might also like