You are on page 1of 27

ARALIN 1.

2
Alamat : Thailand
PANITIKAN:

 Alamat ni Prinsesa Manorah


( Isinalin sa Filipino ni Dr.
Romulo N. Peralta )
KAISIPAN:

•Mababakas sa alamat ang yaman ng


kultura ng isang bansa. (Kung gusto
may paraan, kung ayaw maraming
dahilan)
WIKA:

 Mga pang-abay ng Pamanahon

 Pang-abay na may pananda (nang sa, noon, kung, tuwing, buhat, umpisa,
hanggang)

Pang-abay na walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)

 Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)


INAASAHANG PAGGANAP:

 Nakakalikhang sariling
alamat.
MGA LAYUNIN:

• A. Napapatunayan ang pagiging makatotohanan/ di-makatotohanan ng


akda.

• B. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at


pamaraan sa pagbuo ng alamat.

• C. Nakalilikha ng sariling alamat.


PAUNANG PAGSUBOK:

1. Uri ng panitikan na nauukol sa 2. Taon-taonay umuuwi sila sa probinsiya upang


pinagmulan ng mga bagay-bagay. dalawin ang kanilang mga magulang at dumalo
sa kanilang family reunion. Alin ang pang-abay
na pamanahon sa pangungusap?
A. Alamat
A. Dumalo
B. Kuwentong bayan
B. Taon-taon
C. Pabula
C. Dalawin
D. Epiko
D. Upang
PAUNANG PAGSUBOK:

3. ________ ang buhay ng ating mga 4. Uri ng pang-abay na nagsasaad ng


ninuno ay napakasimple. panahon

A. Dati A. Pamanahon
B. Noong araw B. Panlunan
C. Mula C. Pamaraan
D. Kahapon D. Pangayon
PAUNANG PAGSUBOK:

5. Kuwentong hango sa Bibliya na nagbibigay aral sa mga bumabasa.

A. Parabula
B. Pabula
C. Anekdota
D. Epiko
TUKLASIN:

A. Gawain.
Paghambingin ang alamat at maikling kuwento sa tulong ng Venn Diagram.

Alamat Maikling kwento


TUKLASIN:

B. Pokus na Tanong:

1) Paano nakilala ang kultura ng isang bayan tulong ng alamat?

2) Paano nakatututlong abg pang-abay na pamanahon sa pagbuo ng isang


kwento?
LINANGIN:

A. Talasalitaan 3) Mitikal
_ind__oto_

• Punan ang mga nawawalang letra upang mabuo ang


kahulugan ng mga salita. 4) Pantas
t _ o n _ n _ p _ k a _ u n _ n __

1) Babaeng kalahating sisne


k__nar__ 5) Lumilipana
_ak_k_l___

2) Kabilugan ng buwan
_ a n _ r__ __ i
STORY ( ANG ALAMAT NI
PRINSESA MANORAH)
5. Aling
bahagi ang kawili-wili?
 Pag-unawa sa Binasa Makatotohanan? Di makatotohanan?
1. Ilarawan ang tagpuan ng alamat.
2. Paano sinimulan ang paglalahad ng 6.Masasalamin ba sa alamat na iyong
alamat? binasa ang kultura ng Thailand?
Ipaliwanag.
3. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa
kwento?
4. Ano ang ginawa ni Prahnbun upang 7.Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa
mahuli si Prinsesa Manorah? kuwento, paano mo ito wawakasan?
GAWAIN 1.

• Ilahad ang alamat sa tulong ng story map:

Pamagat

Tagpuan Suliranin Tagpuan Mga pangyayari Wakas


TANDAAN…

 Ang alamat ay usang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan


ng mga bagay-bagay sa daigdig.

 Ito ay kuwento tungkol sa mga mahiwagang pangyayari na pasalin-salin sa bibig


ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari nito.

 Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa katutubong kultura, kaugalian o


kapaligiran. Ito ay tumatalakay rin sa mga katangiang maganda tulad ng pagiging
matapat, matapang, matulungin at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng
mapaghiganti, sakin at mapanumpa. Ngunit sa bandang huli, ang kuwento ay
kapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.
STORY ( ANG BUWANG HUGIS-SUKLAY )
Gawain 2.
• Upang higit na maunawaan ang alamat, bumuo ng gusto mong maging wakas at isalaysay ito sa
pamamagitan ng pagbabalita na sumasagot sa mga hinihingi sa graphic organizer.

Sino

Ano Saan

Wakas ng
alamat

Paano Bakit
STORY ( ANG BUWANG HUGIS-SUKLAY )

Gawain 3.
• Sagutin ang mga sumusunod na katanungan kaugnay ng nabasa sa akda.
1. Paano nagsimula ang kuwento?
2. Bakit tinawag na hugis suklay ang buwan?
3. Bakit nagkagulo ang mga mag-anak? Ilahad.
4. Paano ito nagwakas?
5. Kung ikaw ang may-akda, paano mo bibigyan ng wakas ang alamat?
GRAMATIKA:

• Pang-abay na pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang pangyayari o kilos.
Maaaring may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.

Mga Pang-abay na Pamanahon


1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang)
Mga Halimbawa:
a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda m, tiyak aabutan na siya ng dilim sa daan.
b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila'y may maulam.
GRAMATIKA:

Mga Halimbawa:
c. Pagod na bumalik sa tanghali ang mga kinaree matapos mangisda.
d. Tuwing umaga ay nagtutungo ang mga kinaree sa sapa upang magtampisaw.
e. Tuwing panarasi, isinasagawa ng matandang ermitanyo ang kaniyang meditasyon.
2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Mga Halimbawa:
a. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng tulong.
b. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
c. Ngayon darating ang mga kinaree sa kagubatan upang magliwaliw.
d. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kaniyang asawa.
e. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton.
GRAMATIKA:

3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)


Mga Halimbawa:
a. Ang mga kinaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa loob ng kagubatan upang
magtampisaw.
b. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinaree ay masayang tinatanaw ang nagtatayuang mga
puno.
c. Pumupunta taon-taon si Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa kaharian ng Bundok Grairat.
d. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili ng mga kagamitan.
PAGSASANAY 1.

• Piliin ang pang-abay na pamanahong ginamit sa mga pangungusap at tukuyin kung ito ay may pananda, walang pananda,
o nagsasaad ng dalas.

1. Kinausap kagabi ni Prahnbun ang dragon upang ipaalam ang kanyang plano.

2. Noong unang panahon isang mangingisda ang nagpaalam sa asawa na pupunta sa kabayanan.

3. Tuwing kabilugan ng buwan makikita ang mga kinaree na namamasyal sa lawa.

4. Taon-taon ay nagpupunta si Prahnbun sa kagubatan ng Himmapan upang makakita ng mga kinaree.

5. Ikinasal si Prinsesa Manorah sa prinsipe at mula noon ay namuhay sila ng maligaya.


______ ay naubos na ang pasensiya ni Perla at
nagalit kay Amparo na laging nagrereklamo sa
kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo "Anong
gusto mo alilain ako at busabusin. Ako ang
PAGSASANAY 2. masusunod dahil ako ang nakakatanda." Sabay
nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at
nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa
kaniyang buhok. _____ dumukwang si Amparo ay
 Basahin ang alamat at punan ng angkop na pang- tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sumigaw nang
abay na pamanahon ang bawat patlang. Piliin ang malakas si Perla "Paro! Paro!, marami ang nakarinig
sagot sa loob ng kahin sa ibaba. at tinulungan siya ngunit walang Amparo silang
Ang Alamat ng Paru-paro nakita. Habang balisang nagmamasid ang mga tao
sa ilog, ay may isang bulaklak anglumutang sa
_____ unang panahon may magkapatid na ulila na
kinahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw,
maninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna. Ito ay sina dahan-dahang nawala ang hugis bulaklak nito at
Amparo na ang palayaw ay Paro samantalang ang unti-unting umusbong ang pakpak na may iba't
nakababata naman ay si Perlana pawang sumisibol na ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at nakita
dalagita. _____silang dalawa ay nagtitinda ng bulaklak na ni Perla ito na pumunta halamanan at nagpalipat-
lipat sa mga bukaklak. Kinubutan si Perla at
siya nilang ikinabu- buhay. Magkaiba ang ugali nila, si
nasambit niya ang katagang "Paro! Paro!....!
Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang _____, ang maganda at makulay na munting
lumapit sa bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla nilikha ay tinawag ng mga tao na paruparo.
naman ay masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na
Nang Noong Isang
mabait si Perla. Pasensiya na lamang ang kaniyang binibigay
araw
sa kapatid na si Amparo na ubod ng tamad. Araw-araw Mula noon Tuwing
PAGNILAYAN AT UNAWAIN:
• Gawain 1.
Ilahad ang mga tradisyon o kultura na nakita sa mga alamat na binasa.

• Gawain 2.
Gumawa ng paglalagom.
Natutuhan ko _________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
Natuklasan ko ________________________ ________________________________________
_________________________________________________________________________________.
Masasabi ko __________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
PAGSASAGOT SA POKUS NA TANONG:

1. Paano nakilala ang kultura ng isang bayan sa


tulong ng alamat?

2. Paano nakatutulong ang pang-abay na


pamanahon sa pagbuo ng isang kuwento?
ILIPAT

• Kaya mo ito...
Makatutulong sa pagbuo ng sariling alamat ang paggamit ng
mga pang-abay na pamanahon upang maging malinaw ang
pagsasalaysay nito.
Ikaw ay naatasan ng magkuwento sa isang children's party.
Lilikha ka ng sarili mong kuwento at isalaysay mo ito nang
pasalita sa masining na paraan.
ANG PAGSASALAYSAY MO AY
KAILANGANG NAKABATAY SA MGA
SUMUSUNOD NA PAMANTAYAN:
i. Malikhaing pagsasalaysay...............50%

ii. Paraan ng pagsasalaysay................30%


(tono at lakas, wastong salita,
Paggamit ng mga pang-abay)
iii. Dating sa tagapakinig.....................20%

KABUUAN 100%
Magaling! Binabati kita! Matagumpay
mong natapos ang ikalawang aralin
sa module. Ngayon ay handa ka na
muling sumubok ng bagong aralin.

You might also like