You are on page 1of 17

TULA NG PILIPINAS

KULTURA: PAMANA NG NAKARAAN,


REGALO NG KASALUKUYAN AT
BUHAY NG KINABUKASAN
Ni: Pat Villafuerte

- Mga Salitang Naglalarawan ng mga


Pangyayari, Tao at Lugar
ELEHIYA PARA KAY RAM
Ni: Pat V. Villafuerte

Kung ang kamatayan ay isang mahabang


paglalakbay
Di mo na kailangang humakbang pa
Sapagkat simula’t simula pa pinatay ka na
Ng matigas na batong naraanan mo
Habang nakamasid lamang
Ang mga batang lansangang nakasama mo
Nang maraming taon
Silang nangakalahad ang mga kamay
Silang may mga tangang kahon ng kendi’t
sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim
na pasilyo.
Sa pagitan ng maraming paghakbang at Pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos
Ang maraming bakit aat paano
Ay nanantili kang mapagakumbaba at tanggaping
ika’y tao
At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo.
Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili
Buhay na di mo matanggihan dahil nasa palad mo
Ang pagsang-ayon, ang pagtango, at pagtanggap
Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang
kapatid.
1. Banggitin ang mga damdamin
ng tao na inilalarawan sa tula?
Bakit ganitong damdamin ang
nadarama niya? Makatwiran ba
na ganiting mga damdamin ang
iyong madarama? Bakit?
Suriin ang Tulang "Elehiya Para kay Ram," anong
kalagayan, pook o pangyayari ang inilalarawan
dito?
A. KALAGAYAN :
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
___________________
B. POOK
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
____________________
C. PAGSUSURI
________________________________________________
________________________________________________
_____________________________
Basahin ang Tulang:
KULTURA: ANG PAMANA
NG NAKARAAN, REGALO
NG KASALUKUYAN AT
BUHAY NG KINABUKASAN
ni Pat. V. Villafuerte
Tulang Naglalarawan- Naglalarawan ng
pagpapahalaga o maaring pagkamuhi ng makata
o may-akda sa isang kalagayan, pook o
pangyayari

Mga Halimbawa:
a. Tulang naglaalarawan ng isang kalagayan
"Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang kurus,
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos

"Sa aking paanan ay may isangbatis,


Maghapo't magdamag na nagtutumangis,
Sa mga sanga ko ay nangakasabit,
Angpugad ng mga ibon ng pag-ibig"
(Mula sa "Isang Punongkahoy" ni Jose Corazon de Jesus)
Tulang naglalarawan ng isang pook

"Ang simoy ng hangin sa sariling bayan,


Halik ng pag-asa't kundiman ng bayan,
Waring nagsasabing ang kaligayan
Sa nagisnang pugad tanging makamtan

Sangmundo mang tuwa sa iba galing


Sa sariling puso'y hindi tumitim,
Ngunit mabigat man ang dalang hilahil,
Nagiging magaan sa sariling atin.
Sa Sariling lupa, lahat ay pag-ibig,
Lahat ay pag-asa at lahat ay tamis,
Ang lahat ng dusa'y pawang matiis,
Kung nalilimliman ng sariling langit.
(Mula sa, Tulang Pambayan," ni Inigo Ed.Regalado)
Tulang naglalarawan ng isang pangyayari
"Nangatigil ang gawain sa bukirin,
Napahinga ang makina sa pabrika,
Natiwangwang ang daunga't pamilihan.
At sa madla ay nagbanta ang dalita.

"Nanlulupaypay ang puhuna't kalakal,


Nangasara ang lahat na.. Welga!
Welga!
Bawat sipag, bawat lakas ay umaaklas,
Diwang dungo't ulong yuko'y itinayo."
(Mula sa, "Ang Aklasan," Amado V. Hernandez
Salitang Naglalarawan
Naglalarawan ng hugis, kulay at
anyo ng mga bagay sa ating kapaligiran
ng mga salitang naglalarawan.
Naglalarawan din ito ng katangian,
ugali ng isang tao at hayop. Ang mga
salitang naglalarawan ay tagapagpagana
ng imahinasyon ng isang tagapakinig o
mambabasa upang mabuo ang isang
malinaw at buong larawan sa kanyang
isipan.
a. Hugis
"Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog
Kapag may malaking bombang sinusubok,
Ang ehe ng mndo ay baka matuwid,
at saka malihis sa kanyang pag-ikot
Pag ito'y nangyari, mundo'y matatapos,
Dahil sa paghinto ng kanyang pag-inog.

b. Kulay
"Tanggapin mo anak, itong munting guryon,
Na yari sa patpat at papel de Hapon
Magandang laruang kulay pula, puti, asul
Na may pangalan mong gitna naroon."
(mula sa "Ang Guryon."
C.Anyo
"Isang batang pipituhing taon,
Limahid ang damit,
Maalikabok ang may galis na binti,
Tumatawid sa kalye sa tapat ng paaralang,
Walang pulis na nagtatanod."
(Mula sa, "Sa Libing ng kaskaserong Tsuper" ni Pedro L. Ricarte)

D. Katangian ng Tao
"may isang maganda't marilag,
Lahat ng naisi'y natatamong lahat,
Subalit nang minsang limutin ng liyag,
Ay lason ang naging pahimakas."

"May isang lalaking marunong at bantog,


Halos pati langit kanyang maabot,
Ngunit nang bumagsak sa pagkakatampok,
Sa sariling buhay, punla ang lumagot."
-mula sa, "Ang Buhay" ni Amado V. Hernandez
E. Ugali ng Isang Tao
"Ama, kung si kuya ay mag-asal-kain,
Sa payapang payo kang dinggin,
Gapusin mo siya't saka padapain,
At sino pa may huwag pakialaman,"
-mula sa, "Bakit ang Kahanggan?" ni teo S. Baylen
Sagutan sa Bahay:
>Pagsasanay
>Gawain 1
>Gawain 2
>Gawain 3
>Gawain 4

See you again next


Wednesday!

You might also like