You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

3 Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikatatlong Markahan- Modyul 7:
Epiko ng Hindu

Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mercedita R. Pableo


Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: Chona R. Baradillo
July G. Saguin
Maricel B. Jarapan
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Edgardo Jamillar Jr.
Tagalapat: Peter Alavansa, Mercedita R. Pableo
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO VI
Oliver P. Talaoc, Ed.D.
Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.
Jephone P. Yorong, Ed.D.
Lindo O. Adasa Jr.

Manunulat: Mercedita R. Pableo


Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: July G. Saguin
Maricel B. Jarapan
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Mercedita R. Pableo
Tagapamahala: Felix Romy A.Triambulo CESO VI
Dr. Oliver B. Talaoc
Ella Grace M. Tagupa
Lindo O. Adasa
Jephone Yorong
Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang maipamamalas
ang sumusunod:
 Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko.
(F9PB-IIIg-h-54)
 Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa
sa kanlurang Asya. (F9PS-IIIg-h-56)
 Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at
bayani ng Kanlurang Asya. (F9EP-IIIg-h-21)

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at bilugan ang titik ng iyong
tamang sagot. ( 1 puntos bawat bilang)

1. Aling rehiyon sa Asya napasakop ang bansang India?


A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya
D. Timog-Silangang Asya
2. Paano mo malalakbay at mauunawaan ang kultura at tradisyon ng isang bansa?
A. Sa pakikinig ng musikang dayuhan
B. Sa pamamagitan ng mga akdang pampanitikan
C. Sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang bansa
D. Pag-awit at pagsayaw ng mga makabagong banyagang tugtugin
3. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang Epiko?
A. Ito ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari.
B. Ito ay nakatuon sa kabayanihang nagawa ng isang tao
C. Ito ay naglalaman ng isang makatotohanang pangyayari
D. Ito ay isang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay
Aralin
7
Epiko ng Hindu

Tuklasin
Panuto: Piliin ang mga pahayag sa loob ng kahon na naglalarawan sa bansang
India. Isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang espasyo.

1._________ 3. _________
INDIA

2.______________
A. Hilagang Asya
B. Mayaman sa kultura at paniniwala
C. Kanlurang Asya
D. Napakarami rin ang kanilang mga tradisyon

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa epiko


mula sa India na may pamagat na “Rama at Sita”. Binibigyang tuon kung paano
naipapakita sa epiko ang mga kabayanihan ng isang tao. Matutuklasan din natin na ang
India ay mayaman sa kultura,paniniwala,pananampalataya,at pakikipagkapwa.
Suriin
Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Rama at Sita ( Isang Kabanata)


Epiko- Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni : Rene O. Villanueva

Sa gubat tumira sina Rama,Sita,at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa


kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam na
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana na hari
ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging asawa” sabi nito kay Rama “Hindi
maaari”, sabi ni Rama. “May asawa na ako”.Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya.
Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka. Sa
galit ay bigla siyang nagging higante.Nilundag niya si Sita para patayin.Pero mabilis na
nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang
pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama.Binunot ni Lakshamana ang kaniyang espada
at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana
nang Makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Suparnaka kay Ravana para
makaganti ni Rama.sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at
inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw
niya, tinagpas ng isang prinsepe ang kaniyang ilong at tenga. “Tulungan mo ako ,Ravana
,” sabi pa nito. “Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana
sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at hugis.
Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi
itong tumulong. Kakampi nila ang mga Diyos,” sabi ni Maritsa.
Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita ng hindi
masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman ni Ravana kaya nag-isip sila ng patibong
para maagaw nila si Sita.
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak , nakakita si Sita ng isang gintong usa.
Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng
mamahaling bato ang sungay. “Baka higanti rin iyan,” paalala ni Lakshamanan. Dahil
mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang klanyang pana at busog. “Huwag mong
iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw
si Sita. “Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”
Matagal na naghihintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit
ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi
nito. Ilang oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na
sigaw. Napaiyak si Sita dahil sa takot pero ayaw pa rin umalis ni Lakshamanan kaya
nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari,” sabi
nito kay Lakshaman. Nasaktan si Lakshaman sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal
niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas
ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap
naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba
at humingi ng siya ng tubig kay Sita. Hindi nakagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng limang
libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at
nabitawan ang hawak na banga!
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni
Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga kabayong
may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa.
Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang
mga bulaklak sa kaniyang buhok. Nagdasal siya nasana ay makita iyon ni Rama para
masundan siya at mailigtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol
ng ibon ang karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong
bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila.
“Dinala ni Ravana ang asawa no sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng
magkakapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang
hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga
higante at demonyo. “mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,”
sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hinihingi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa
labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante
ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang
naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari
ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang
kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at
muling nagsama nang maligaya.

Panitikang Asyano-Ikasiyam na Baitang Modyul ng Mag-aaral sa Filipino pp179-186


Alam mo ba na……….
May dalawang uri ang kaantasang pahambing
a. Paghahambing na magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian.Ginagamitan ito ng mga panlaping
ka,magka,ga,sing,kasing,magsing,magkasing at mga salitang
pares,wangis,/kawangis,gaya,tulad,hawig/kahawig,mistula,at
mukha/kamukha.
Hal. 1. Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.
2. Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore
b. Paghahambing na Di-Magkatulad
Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,pagtanggi,o pagsalungat sa
pinatutunayang pangungusap.
Dalawang uri ang hambingang di-magkatulad
1. Hambingang Pasahol-may mahigit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.Ginagamit ang mga
sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng
paghahambing.Ginagamit ang mga salitang lalo,di-gasino,di-gaano,di-
totoo at iba pa.
Hal. 1. Di-totoo nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa
karaniwang uri.Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.
2. Hambingang Palamang – may mahigit na katangian ang
inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng
sumusunod
Higit/mas tulad ng kaysa/kay sa/kay/sa sarili ay nagsasaad ng
kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
Hal. 1.Higit na malinis ang isa sa isa.
3. Modernisasyon/Katamtaman-naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-
uring may panlaping ma-,sa paggamit ng salitang medyo sinusundan ng
pang-uri,sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring
nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.
Pagyamanin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot. ( 1 puntos bawat bilang)

1. Paano pinatutunayan nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan?


A.Nilabanan nila ang Higanteng si Ravana.
B. Lumayas sila at tumira sa malayong lugar.
C. Nagtago sa kweba sa malawak na kagubatan.
D. Nagpakamatay sina Rama at Sita upang hindi na sila magkahiwalay pa.

2. Bakit ayaw labanan ni Maritsa ang magkatid na Rama?


A. Marahil ay natakot sila sa magkapatid.
B. Dahil ang magkapatid ay kakampi ng Diyos.
C. Sapagkat mahal at iginalang nila ang magkapatid.
D. Dahil tumanaw sila ng utang na loob sa magkapatid.

3. Isa-isahin ang mga pangyayaring nagpakita ng kababalaghan sa kwento


maliban sa:
A.Bumalik sa anyong higante si Ravana.
B. Nagpanggap si Ravana na isang matandang paring Brahmin.
C. Karwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak.
D. Muling nagsama sina Rama at Sita at namuhay na maligaya at tahimik.

Gawain
Gawain A
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag sa loob ng kahon at
salungguhitan ang mga salitang nagpapahayag ng paghahambing
na magkatulad at di-magkatulad. ( 5 puntos )

1.Magkasingyaman sa kultura at paniniwala ang mga bansang India at


Pilipinas.
2.Kasindami ang kanilang mga tradisyon at ito ay pumukaw ng mga
dayuhang manlalakbay.
3.Ang bansang India ay lalong maunlad kaysa bansang Pilipinas
4.Di-totoong ang mga bansang India at Pilipinas ay nasasakop sa
Silangang Asya
5.Ang pagmamano sa kamay ng mga magulang ay kabilang sa
kaugaliang Pilipino.
Gawain B
Panuto: Ibigay ang katangiang ipinakita ng bayaning tauhan sa kwento
( 3 puntos )

1._________________________________________

2._________________________________________

3._________________________________________

3._________________________________________
_
Mabait, Matapang, Mapaglinlang, Mapagmahal, Mayabang, Masungit

Isaisip

Panuto: Sagutin ang hinihingi sa bawat patlang piliin ang angkop na salita sa loob ng
kahon upang mabuo ang tamang kaisipan. (3 puntos )

tula, India, epiko, pampanitikan, komunikasyon


Nalalaman ko sa modyul na ito na ang bansang
_______________ ay mayayaman sa kultura, paniniwala,
pananampalataya at pakikipagkapwa ito ay matatagpuan sa
Kanlurang Asya

Natutunan ko na ang akdang _________________at kasaysayan ay ang


nagpapakilala sa pagiging bansa at ang mga ito ay magka-ugnay.

Natutuklasan ko rin na masasalamin sa kanilang mga naisusulat tulad


ng__________________ ang kanilang mga pangarap, mithiin, paniniwala, kultura
at tradisyon.

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at bilugan ang titik ng iyong
tamang sagot.

1. Aling kulturang Asyano ang nailalarawan at masasalamin sa binasang epiko?


A. Ang matinding pagmamahal sa sarili.
B. Ang di-hamak na galit at pag-aalipusta sa kapwa.
C. Ang pakikipagkalakalan upang mas uunlad ang kanilang bansa.
D. Ang pagmamahal sa asawa at pamilya, paggawa ng mabuti at pananalig sa
Diyos.

2. Labis ang pagmamahalang ipinakita nina Rama at Sita.


Aling salita sa pangungusap ang naghahambing ng higit na katangian?
A. Labis
B. kanila
C. Rama at Sita
D. Pagmamahalan
3. Aling pahayag ang tunay na nalalarawan sa bansang India?
A. Maunlad sa larangan ng pagnenegosyo.
B. Sagana sa mga likas na yaman tulad ng petrolyo.
C. Kilala sa mga magagaling na artista at mang-aawit.
D. Mayaman sa kultura,paniniwala,pananampalataya,at pakikipagkapwa.

4. Paano ipinakita sa epiko ang kabayanihan ng isang tao?


A. Sa pamamagitan ng pagnenegosyo o palitan ng kalakal.
B. Sa pamamagitan ng matinding pagdarasal sa Panginoon.
C. Sa pamamagitan ng pagtitiis ng anumang pagsubok sa buhay.
D. Sa pamamagitan ng pagtulong at paggawa ng kabutihan sa kapwa na walang
hinihinging kapalit.

5. Ang dalawang bansa ay magkasingyaman sa kultura at tradisyon.


Aling salita sa pangungusap ang nagpapakita ng paghahambing na magkatulad?
A. Bansa
B. kultura
C. Tradisyon
D. Magkasingyaman
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat isang talatang naglalarawan ng tunay na kabayanihang


ipinakita sa epikong binasa at ang kabayanihang ipinakita ng mga frontliners
dulot ng pandemic. Gumamit ng mga akmang salita sa paghahambing.
(5 puntos)

_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG TALATA

Pamantayan 5 3 1

Maayos at malinaw Hindi masyadong Lumihis sa


ang organisasyon ng malinaw ang ipinapagawa o sa
Organisasyon
mga ideya. organisasyon ng mga dapat ipapahayag na
ideya. mensahe ng gawain.

Gramatika at Walang mali sa May 1-5 mali sa May 6 o higit pang


Pagbaybay pagbaybay at pagbaybay at mali sa pagbaybay at
gramatika. gramatika. gramatika.

Napakalinis ng Kakikitaan ng 1-5 Kakikitaan ng 6 o


awtput; walang pagbura ng mga salita higit pang pagbura ng
makikitang bura at at hindi nasunod ang mga salita at hindi
Kalinisan nasusunod ang tamang anyo ng nasunod ang tamang
tamang anyo ng pagsulat ng talata, gaya anyo ng pagsulat ng
pagsulat ng talata, ng wastong palugit at talata, gaya ng
gaya ng wastong pasok. wastong palugit at
palugit at pasok. pasok.
Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin

1.A

2.B

3.D

Gawain A:
1.Magkasingyaman sa kultura at
paniniwala ang mga bansang
India at Pilipinas. 5.D
2.Kasindami ang kanilang mga 4.D
tradisyon at ito ay pumukaw ng 3.D
Note: any order mga dayuhang manlalakbay.
3.Ang bansang India ay lalong
D 2.A
C maunlad kaysa bansang 1.D
B Pilipinas
4.Di-totoong ang mga bansang Tayahin
Tuklasin: India at Pilipinas ay nasasakop
sa Silangang Asya
5.Ang pagmamano sa kamay ng epiko
mga magulang ay kabilang sa pampanitikan
kaugaliang Pilipino. India
3.B Isaisip:
2.B
1.B Mapagmahal
Matapang
Balikan: Mabait
Gawain B:

Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon Unang Edisyon 2014 Muling Limbag 2016,2017 Panitikang Asyano-Ikasiyam na Baitang
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino ph. 179-186
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like