You are on page 1of 11

9

FILIPINO
KUWARTER3 – MODYUL 2

 Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa


usapang napakinggan .
 Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring
napakinggan .
 Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko .
 Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa
sa Kanlurang Asya .

K to 12 BEC CG (Competency Code F9-PN-III-f-53, F9-PB-III-g-h-54, F9-PT-


III-g-h-54)
PANGALAN: PETSA:
BAITANG AT SEKSYON: GURO:
MGA KASANAYAN: PAKIKINIG, PAGBASA, PAGSASALITA,
PAGSULAT,PAGLINANG NG TALASALITAAN

RAMA AT SITA (Isang Kabanata) Epiko-Hindu (India)


Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

PANIMULA

Isang mapagpalang araw!

Nagagalak ako at matagumpay mong nalampasan ang Ikalawang Markahan. Ngayon


naman ay papalaot tayo sa pagkilala sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa mula sa
Timog Kanlurang Asya. Muli nating palawakin at pagyamanin ang iyong kaalaman at
kakayahan tungkol dito. Subukan mong tuklasin kung ang iyong mga ideya at pananaw ay
umaayon sa bawat konseptong saklaw ng aralin. Umpisahan mo nang lakbayin ang
panibagong yugto ng aralin sa Filipino 9.

Unahin mong pasukin ang mundo ng panitikan ng bansang India. Katulad din nang
maraming bansa, mayaman ang bansang ito sa kultura at paniniwala kaugnay sa kagandahan,
katotohanan at kabutihan. Naniniwala silang pinagpapala ng Diyos ang maganda at matalino
at kumikilos ayon sa kanilang lipunan. Napakarami rin nilang mga tradisyong kinagisnan na
halos hindi nagbago sa loob nang apat na libong taon. Ito ang pumukaw sa interes ng mga
dayuhang manlalakbay. Ang kultura ng India ay tumutukoy sa Dharma, paniniwala,
kaugalian, tradisyon, wika, seremonya, sining, paraan ng pamumuhay ng mga taong
naninirahan dito. Malimit na nababasa ang kanilang kultura sa akdang pampanitikan gaya ng
epiko.

Isa sa mga natatanging ambag ng India ay ang pagpapayaman ng kanilang


pandaigdigang panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula (Panchatantra),
unang dulang epiko( The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang
tulang epiko(Mahabharata at Ramayana), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig
(Bhagavad Gita).

1
Alam mo ba na…
Ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at
katapangan ng pangunahing tauhan. Inilalarawan din ang kanyang pakikipagsapalarang
pinagdaanan at binibigyang-diin ang katangiang supernatural ng tauhan. Nagtataglay
siya ng pambihirang lakas na hindi kapani-paniwala.
Karaniwan, ang mga likhang-tauhan sa epiko ay mga diyos at diyosa na nag-aangkin
ng pambihirang katangian. Ito ay gumigising sa damdamin ng mambabasa upang hangaan
ang mga pangunahing tauhan sa kanilang pananagumpay sa paglutas sa mga suliraning
kinakaharap.
Sa Pilipinas, ang ating mga ninuno ay naglayong gamitin ang epiko para sa mga
gawaing panritwal at ipangaral sa mga mamamayan ang kanilang tungkulin sa sambahayan.
Kinapapalooban ito o pinahahalagahan dito ang mga paniniwala, kaugalian, mithiin sa buhay
ng mga tao partikular ang isang pangkat o rehiyong kinabibilangan. Mahirap masabi kung
alin sa mga epiko ang pinakamatanda sapagkat ito ay isang uri ng panitikang pasalindila.
Maraming epiko ang nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno sa bawat pangkat o
rehiyong kanilang kinabibilangan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Lam-ang (Iloko),
Handiong (Bikol), Hudhud (Ifugao), Bantugan (Maranaw), Indarapatra at Sulayman
(Magindanaw), Tulalang (Manobo), Ulalim (Kalinga), Dagoy at Sudsud (Tagbanua) at
Kabunian at Bendian (Ibaloi).

Mapag-aaralan mo sa araling ito ang epiko ng India na pinamagatang Rama at Sita.


May mga gawaing inihanda upang matamo mo ang iyong layunin sa pagtatapos ng araling ito.
Matutuklasan mo ang kaibahan ng epiko sa iba pang akdang pampanitikan.

Paunawa: Ipabasa ang epiko sa isa sa mga kasama sa bahay. Makinig nang mabuti at
pagkatapos ay gawin ang unang gawain upang mataya ang iyong husay sa pakikinig.

Rama At Sita (Isang Kabanata)


Epiko - Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian
ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap

2
lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at
demonyo. “Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “Hindi maaari sabi ni Rama,
“may asawa na ako. ”Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita
sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka.Sa galit ay bigla siyang naging
higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at
agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.

“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada
at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?”, sigaw ni Ravana
nang makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti
kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya
itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng
isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin
mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid.
Pumayag siyang ipaghiganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit
anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang
magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa.
“Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan
sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si
Sita. Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa.
Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling
bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang
asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang
mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama.Agad itong
tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita
si Lakshamanan na sumunod sa gubat.”Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi nito. Ilang
oras pa silang naghintay nang bigla silang nakarinig nang isang malakas na sigaw. Napaiyak
si Sita sa takot pero ayaw pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.” Siguro gusto

3
mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.”sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si
Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang
sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana. Sa
gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si
Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya
ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana.“ bibigyang kita nang limang libong alipin at
gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na
banga! Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana
ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwahenghila ng mga kabayong may malalapad
na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita
sa ginawa niya kina Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak na nasa kanyang
buhok.Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig nang isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol
ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak
sa lupa. Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila.
“Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid
ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa
Lanka . Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo.
“Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.”,sabi ni Ravana. Pero
hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa
labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang
bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga
higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno.
Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang
maligaya.

4
Pagkatapos mapakinggan ang epiko ay handa ka na para sagutin ang mga sumusunod
na gawain.
Gawain 1: Ugnay-Salita
Panuto: Punan ang bubble map ng mga ideya o salitang maiuugnay sa salitang nasa gitna.

Kultura

Gawain IIA: Hula-hinuha


Panuto: Isulat sa patlang ang maaaring nangyari batay sa napakinggang pangyayaring
naganap sa akda.
1. Nagselos nang husto si Surpanaka nang
2. Sa galit ay bigla siyang naging higante at
3. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at
4. Napaniwala ni Surpanaka si Ravana sa nangyari kaya’t
5. Tumanggi si Maritsa na labanan sina Rama at Lakshamanan sapagkat
Gawain IIB: Ikonek Mo!
Panuto: Pag-ugnayin ang hanay A at B batay kinalabasan ng mga pangyayaring napakinggan.
Hanay A Hanay B
6. Nakakita si Sita nang isang gintong usa a. pero mas maraming higante ang
7. Nagawang mabihag ni Ravana si Sita bumagsak na pugot ang ulo.
8. Humingi ng tulong si Rama b. sa hari ng mga unggoy para salakayin
9. Maraming kawal na unggoy ang napatay ang Lanka.
10. Matagal na naglaban sina Rama at Ravana c. at hiniling na hulihin nina Rama at
Lakshamanan.
d. hanggang sa mapatay ni Rama ang
hari ng mga higante.
e. at dinala sa kaharian ng mga higante
at demonyo.

5
Gawain III:KKK(Karakter, Kilalanin at Kilatisin)
Panuto: Makikilala mo kaya ang kahulugan ng mga kilos, gawi at karakter ng mga tauhan
batay sa kanilang mga ginawa o sinabi? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Gusto kitang maging asawa”, sabi ni Surpanaka kay Rama. “Hindi maaari”, sabi ni Rama,
“May asawa na ako.” Ipinakikilala nito na si Rama ay_ .
a. matapang at may paninindigan c. mapagmahal at tapat na asawa
b. seloso at walang tiwala
2. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi
itong tumulong. “Kakampi nila ang Diyos”. Masasabing sina Rama at Lakshamanan ay .
a. may pambihirang lakas c. may pananalig sa Diyos
b. hindi nakagagawa ng kamalian
3. “Tulungan mo ako”, sabi ni Ravana. “Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.”
Naniwala si Ravana sa kuwento ng kapatid. Ang ginawi ni Ravana ay nagpapatunay na .
a. mahal niya ang kapatid c. sunud-sunuran siya sa kanyang kapatid
b. mas makapangyarihan si Surpanaka kaysa sa kanya
4. “Bibigyan kita nang limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni
Ravana kay Sita. Masasabing si Ravana ay .
a. hamak na mas makapangyarihan at mayaman c. ayaw tumanggap ng pagkatalo
b. masidhi ang pagnanais na mapasakanya si Sita
5. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana.
Pero hindi niya napasuko si Sita. Ipinakikilala nito na si Sita ay .
a. hindi mapaghangad sa anumang kayamanan c. tapat na nagmamahal sa
kanyang asawa
b. may angking katapangan at lakas ng loob
Gawain IV: Salamin, Salamin
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga kulturang Asyano na masasalamin sa epikong Rama at
Sita at ekis (X) kung hindi .
1. Pinagpapala ang may matibay na pananalig sa Diyos .
2. Pagiging matapat sa asawa .
3. Matibay na bigkis ng pamilya .
4. Kinasisiyahan ng Diyos ang kumikilos ayon sa kanilang lipunan .
5. Palaging nangingibabaw ang kabutihan kaysa kasamaan.
Nagagalak akong napagtagumpayan mong isagawa ang mga gawain. Alam kong
handaka na sa pagtataya. 6
PAGTATAYA
A. Paglinang ng talasalitaan
Panuto: Punan ang mga patlangng nawawalang titik upang mabuo ang kahulugan ng salitang
nakadiin. Pagkatapos ay gamitin ito sa sariling pangungusap.
1-2 Iniutos ni Surpanaka kay Ravana na bihagin nito si Sita. _k_l_n_
Pangungusap:
3-4. Nagawang hablutin ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita. h__a_i_
Pangungusap:
5-6. Nagpanggap si Ravana na isang matandang paring Brahman. _ _ g k_ _ w _ _ _
Pangungusap:
7-8. Nakumbinsi ni Surpanaka si Ravana sa kanyang kuwento. n_p___w_l_
Pangungusap:
9-10. Nakaisip sila ng patibong para maagaw si Sita. b___g
Pangungusap:
B. Suriin
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan. Itala ang mga sagot sa inilaang
patlang.
1. Paano nagkakaiba ng mga katangian ang bawat tauhan?

2. Sa paanong paraan pinatunayan nina Rama at Sita ang kanilang pag-iibigan?

3. Bakit noong una ayaw kalabanin ni Maritsa ang magkapatid na Rama at Lakshamanan?

4-5. Magtala ng tatlong (3) pangyayari sa akda na nagpapakita ng kababalaghan.

Villanueva, Danica C., et al


7
C1. Magsaliksik, Magsuri at Maghambing
Panuto: Magsaliksik nang isang epikong Pilipino at paghambingin ang mga pangunahing
tauhan. Maaari ring gamitin ang halimbawang epikong Pilipino na Biag ni Lam-ang kung
nais.Gayahin ang diagram sa ibaba at sagutan sa iyong sagutan papel. (5 puntos).

Epikong Pilipino Biag ni Lam-Ang Tauhan: Lam-Ang


Epiko sa Timog-Kanluran
Rama at Sita Tauhan: Rama

Mga Pagkakaiba Mga Pagkakaiba


Mga Pagkakapareho

C2.
Panuto: Itala ang mga pangyayari sa dalawang epikong nabanggit na nagpapakita ng mga
kababalaghan o di-kapani-paniwala. Gayahin ang dayagram sa ibaba at sagutan sa iyong
sagutang papel. (5 puntos).

Epikong Pilipino Epiko sa Timog-Kanluran


Biag ni Lam- AngRama at Sita
Pamagat Pamagat

Mga Pangyayari: Mga Pangyayari:

8
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain I: Ugnay-Salita
Gawain IIA:
Bilang 1-6 Hula-hinuha
Mga inaasahang sagot: tradisyon, paniniwala, pilosopiya, kinagisnan sa
1. niyakap ni Rama sikaugalian,
ninuno, kalinangan, sining,
Sita sa harap pamahiin, pananalig
ni Surpanaka
Paunawa: Ang pagiging wasto ng mga sagot ng mga mag-aaral ay depende sa guro.
2. nilundag niya si Sita para patayin
3. nahagip niya ang tenga at ilong ng higanteng si Surpanaka
4. pumayag siyang ipaghiganti ito
5. kakampi umano sila ng Diyos
Gawain IIB: Ikonek Mo
6. c
7. e
8. b
9. a
10. d
Gawain III: KKK (Karakter, Kilalanin at Kilatisin)
1. c
2. c
3. a
4. b
5. c
Gawain IV: Salamin, Salamin
1. / 4. /
2. / 5. /
3. /

9
Sanggunian:

Ambat, Vilma C., et al, 2014, Panitikang Asyano Filipino 9 Modyul ng Mag-aaral,
5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City Philippines 1600
Vibal Group Inc. pa. 182-187

Dayag, Alma M., et al, 2012, Pinagyamang Pluma 7, Phoenix Publishing House,
Inc. 927 Quezon Ave., Quezon City

Dayag, Alma M., et al, 2015, Pinagyamang Pluma 9, Phoenix Publishing House,
Inc. 927 Quezon Ave., Quezon City

Internet site
Hayzkul.blogspot.com

m.facebook.com>permalink

1
0

You might also like