You are on page 1of 10

9

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 – MODULE 3
IMPLASYON
ALAMIN
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kaisipan tungkol sa konsepto,
dahilan at pagtugon sa implasyon. Naglalaman din ito ng mga nakatakdang
pagkakasunod-sunod ng aralin para lubusang maunawaan ng mga mag-
aaral.

(MELC) Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto


Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon.

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nauunawaan ang konsepto ng implasyon;
b. nasusuri ang iba’t ibang dahilan at epekto ng implasyon;
c. napahahalagahan ang mga tugon ng pamahalaan sa
paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon.

TUKLASIN AT SURIIN
IMPLASYON

Ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling


produkto na nasa basket of goods. Ayon sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang
implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng
presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang
ekonomiya, ang kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan ang dami ng
produkto na maaaring mabili ng mamimili. Kahit sa kasalukuyan panahon, ang implasyon ay
isang suliraning hindi mapigilan. Ang mga pangunahing produkto tulad ng bigas, asukal,
manok, karne, isda at iba pa ay hindi nakaliligtas sa pagtaas ng presyo.

Dahilan ng Implasyon
 Demand-pull – Nagaganap ang demand-pull inflation kapag nagkakaroon ng paglaki sa
paggasta ang sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor ngunit
ang pagtaas ng aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki ng kabuuang
produksiyon. Dahil dito, nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng
bilihin ay tumataas.

 Cost-push – Ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang sanhi ng


pagtaas sa presyo ng mga bilihin. Kung ang salik sa produksiyon, halimbawa ay lakas
paggawa, ay magkakaroon ng pagtaas ng sahod, maaari itong makaapekto sa
kabuoang presyo ng mga produktong ginagawa. Maipapasa ng mga prodyuser ang
pagtaas sa halaga ng lakas paggawa sa mga mamimili.

 Structural Inflation – Isang uri ng implasyon na bunga ng mga patakaran na


ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa istruktura ng ekonomiya na
siyang pwersa na nagiging dahilan ng implasyon. Ang pinagmulan ng implasyon ay
ang kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na maiayon ang anumang pagbabago sa
lebel at dami ng kabuoang demand ng ekonomiya, pagtutunggalian ng mga pangkat sa
lipunan upang makakuha ng malaking bahagi ng kabuoang kita ng bansa at
tunggalian ng mga wage earners at profit earners. (Balitao et al., 2017, p.308)

1
Dahilan ng Implasyon Bunga ng Implasyon

Tataas ang demand o ang paggasta kaya


Pagtaas ng suplay ng Salapi mahahatak ang presyo paitaas.

Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar,


o kaya tumaas ang presyo ng materyales na
inaangkat, ang mga produktong umaasa sa
Pagdepende sa importasyon para importasyon para sa mga hilaw na sangkap
sa hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo.

Dahil sa kakulangan ng pumapasok na


dolyar, bumababa ang halaga ng piso.
Pagtaas ng palitan ng piso sa Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng
dolyar. mga produkto.

Kapag kulang ang suplay sa lokal na


pamilihan dahil ang produkto ay
iniluluwas, magiging dahilan ito upang
Kalagayan ng pagluluwas tumaas ang presyo ng produkto, ito ay
(export) nagdudulot ng pagtaas ng presyo.

Nakapagkokontrol ng presyo ang


sistemang ito. Kapag nakontrol ang presyo
Monopolyo o Kartel
at dami ng produkto, malaki ang
posibilidad na maging mataas ang presyo.

Sa halip na magamit sa produksiyon ang


Pambayad-utang bahagi ng pambansang badyet, ito ay
napupunta lamang sa pagbabayad ng utang.

Epekto ng Implasyon

Nakikinabang Di-nakikinabang

 Mga mangungutang Mga taong may tiyak na kita


 Mga negosyante/may- Ang mga taong nagpapautang
ari ng kompanya
 Mga speculator Mga taong nag-iimpok

Ibat-Ibang uri ng Price Index

1. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator – Ito ang average price index na ginagamit
para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang totoong GNP. Ito ang
sumusukat sa pangkahalatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyong nagawa
ng ekonomiya sa loob ng isang taon. (Balitao et al., 2017, p. 309-310)
2
2. Wholesale or Product Price Index (PPI) – Index ng mga presyong binabayaran
ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa
mga mamimili.

3. Consumer Price Index (PPI (CPI) – Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga
produkto at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer.Batayan sa pagkompyut ng
CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo ng bawat
pamilya na nasa loob ng tinatawag na market basket.

Makikita sa talahanayan ang hypothetical na pangkat ng mga produktog


karaniwang kinokonsumo ng pamilyang Pilipino.

Weighted Price ng Pangkat ng mga Produktong


Kinokonsumo ng isang Pamilyang Pilipino (sa piso)
Aytem 2011 2012
Bigas 700 750
Asukal 120 130
Mantika 200 220
Isda 175 190
Karne ng baboy 250 300
Total Weighted Price 1,445 1,590

Upang makuha ang consumer price index, gamitin ang pormula sa ibaba.
CPI = Total weighted Price ng Kasalukuyang Taon x 100
Total Weighted Price ng Basehang Taon

Batay sa naturang formula ang consumer price index ay


CPI= 1,590 x 100
1,445
= 110.03

Upang makompyut ang antas ng implasyon, gamitin ang pormulang:


Antas ng implasyon = CPI ng Kasalukuyang Taon – CPI ng Nagdaang Taon x 100
CPI ng Nagdaang Taon

Antas ng implasyon = 110.03 – 100 x 100


100
= 10.03%

Batay sa formula, ang antas ng implasyon ay 10.03%. Ibig sabihin, nagkaroon ng


10.03% na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa pagitan ng taong 2011 at 2012.
Nangangahulugang mas mahal ang bilihin ngayong 2012 kompara noong (2011) dahil
sa implasyon. (Balitao et al., 2017, p.307)

3
Sa pamamagitan ng CPI, maaari nang makuha ang kakayahan ng piso bilang
gamit sa pagbili o purchasing power ng piso, gamitin ang pormulang ito:

Purchasing Power = CPI ng Batayang Taon x 100


CPI ng Kasalukuyang Taon

Purchasing Power = 100 x 100


110.03
= 0.9088

Ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili sa taong 2012 ay 0.9088. Ibig
sabihin, ang piso sa taong 2012 ay makabibili na lamang ng halagang .91 sentimos
batay sa presyo noong taong 2011 dahil sa implasyon. Mahalagang malaman na lumiliit
ang halaga ng piso habang tumataas ang CPI. Mapapansin na habang tumataas ang CPI
ay bumababa naman ang kakayahang bumili ng piso.

Paraan ng paglutas ng Implasyon

“Sa bawat problema ay may solusyon”. Ito ang madalas na pahayag sa tuwing
tayo ay nahaharap sa mga suliranin. Kaugnay sa suliranin ng implasyon, ang
pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at polisiya upang masiguro na
mapangasiwaan ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Ito ay paraan din upang
hindi ganap na maapektuhan ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya at maging ang bawat
mamamayan. Ang mga patakarang pananalapi at pisikal ang mga instrumentong
ginagamit ng pamahalaan upang matiyak ang katatagang pang-ekonomiya ng bansa.

Maraming salik ang sama-samang dahilan ng implasyon kaya hindi madali ang
paglalapat ng solusyon. Mahalaga ang ginagampananng pamahalaan, produksiyon at
pagkonsumo upang mabawasa ang epekto ng implasyon.

Ipinatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga patakaran sa


pananalapi ng bansa. Dapat na takdaan ang dami ng suplay ng salapi sa sirkulasyon.

Maaaring taasan ang interes sa pagpapahiram, taasan din ang reserba ng


mga bangko at iwasan ang pagpapahiram sa pamahalaan. Layunin ng mga patakarang
ito na bawasan ang suplay ng salapi. Dapat pahalagahan ng pamahalaan ang maayos
na paggastos, pagbabadyet, pangungulekta ng buwis at pangungutang.(Cruz et al.,
2000, p.21)

4
MGA GAWAIN
Gawain1: Mag-Compute Tayo
Panuto: Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Gamitin ang 2009 bilang
batayang taon sa pagkompyut batay sa sumusunod na pormula.

a. CPI = Total weighted Price ng Kasalukuyang Taon x 100


Total Weighted Price ng Basehang Taon

b. Antas ng implasyon = CPI ng Kasalukuyang Taon – CPI ng Nagdaang Taon x 100


CPI ng Nagdaang Taon

c. Purchasing Power = CPI ng Batayang Taon x 100


CPI ng Kasalukuyang Taon
Halimbawa: CPI = 1400 x 100 Antas ng Implasyon
1200 116.66 – 100 x 100
= 116.66 100
= 16.66%

Purchasing Power = 100 x 100


116.66

=85.71

Taon Total CPI Antas ng Purchasin Pa


Weighte Implasyon g Power
gp ro
d Price
se so
2009 1,200 - -
ng
2010 1,400 116.66 16.66% 85.71
2011 1,660
2012 1,975
2013 2,100
2014 2,400
Gawain:

1. Batay sa iyong sagot, anong taon ang may pinakamataas na CPI?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Ano ang maaring dahilan nito?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. Ano ang karaniwang reaksyon ng iyong nanay sa tuwing may pagtaas ng


presyo sa mga pangunahing bilihin? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5
Gawain 2: Concept Definition Map
Panuto: Mula sa mga konseptong natutuhan tungkol sa implasyon, bumuo ng Concept Map
gamit ang modelo sa ibaba.

Ano ang mga dahilan ng Mga nakikinabang sa


implasyon? implasyon.

_________________
_________________ ________________
_________________ ------------------------
__________ ------------------------
------------------
___________________
___________________ ________________
___________________ ________________
______ ________________
_________
_____________________
_____________________ ________________
_____________________ ________________
_________ ________________
_______
______________________
______________________
______________________ IMPLASYON _________________
______________________ _________________
______ _________________
_________________
_______________________
_______________________
_______________________
________

Gawain 3: IKAMPANYA MO
Panuto: Gumawa ng isang komitment bilang isang mag-aaral kung paano ka makatutulong sa
pamahalaan sa paglutas ng suliranin kaugnay ng implasyon.

Komitment

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

6
TAYAHIN
I. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Piliin ang
letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel

Hanay A Hanay B
1. Pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling
produkto. a. Demand – pull

2. Pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa b. Implasyon


pamilihan.
c. Structural Inflation
3. Nagaganap kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta ang
sambahayan. d. Cost –push

e. Deplasyon
4. Kaganapan kung may pagtaas ng mga gastusing
pamproduksiyon na sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga
bilihin.

5. Uri ng implasyon sa bunga ng mga patakaran na


ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa
istruktura ng ekonomiya.

II. Panuto: Punan ang talaan ng mga dahilan ng epekto ng implasyon


ngayong panahon ng pandemya.

DAHILAN EPEKTO
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

III. Panuto: Sumulat ng maikling talata kaugnay ng mga programa at hakbang


ng local na pamahalaan sa paglutas ng implasyon sa kasalukuyan.
.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________

7
SAGOT SA MGA GAWAIN:
GAWAIN 1
CPI Antas ng implasyon Purchasing Power
116.66 66.66% 85.71
138.33 38.33% 72.29
164.58 64.58% 60.76
175 75% 57.14
200 100% 50

GAWAIN 2 Iba’t iba ang inaasahang sagot mula sa mga mag-aaral.


RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SANAYSAY/TALATA

INDICATOR DESKRIPSYON ISKALA ISKOR

Nilalaman Lohikal ang presentasyon at 10


magkakaugnay ang mga konsepto.
Organisasyon May ebidensya ng pagkaunawa sa mga 5
pangunahing konsepto.
Mekaniks Wasto ang mga pangungusap at malinis 5
ang pagkakasulat.
Kabuuang epekto Epekto sa nagwawasto 5
Kabuuang Iskor 25

GAWAIN 3
Dahilan ng Implasyon
1. pagtaas ng suplay ng salapi
2. pagdepende sa importasyon para sa hilaw na materyales
3. pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
4. kalagayan ng pagluluwas ( export )
5. monopolyo o kartel
6. pambayad utang
Mga nakikinabang
1. mga umuutang
2. mga negosyante/may-ari ng kompanya
3. mga speculator at mga negosyanteng may malalakas ang loob na mamuhunan

SANGGUNIAN
A. MGA AKLAT:
Balitao, Bernard R., et al., EKONOMIKS Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral (Vibal Group, Inc.), pp.302-315
B. ONLINE AT IBA PA: https://www.bing.com.images./search?view=detailV2&ccid

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Miriam L. Jimenez


Tagasuri:
Dr. Marilex A. Tercias
Jeannerose R. Acosta
Ofelia G. Cerdeniola
Jessibel O. Taganas
Jennifer L. Lacbayan
Gloria F. Fernandez
Florecita M. Ananayo
Tagalapat: Geni M. Sarmiento
Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison
Dr.Teodora V. Nabor
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

8
SAGOT SA TAYAHIN

I.
1. B
2. E
3. A
4. D
5. C

II at III Iba’t-iba ang inaasahang sagot mula sa mga mag-aaral.


RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SANAYSAY/TALATA

INDICATOR DESKRIPSYON ISKALA ISKOR


Nilalaman Lohikal ang presentasyon at 10
magkakaugnay ang mga konsepto.
Organisasyon May ebidensya ng pagkaunawa sa 5
mga pangunahing konsepto.
Mekaniks Wasto ang mga pangungusap at 5
malinis ang pagkakasulat.
Kabuuang Epekto sa nagwawasto 5
epekto
Kabuuang Iskor 25

You might also like