You are on page 1of 32

PATAKARANG

PISKAL
Kahulugan ng Patakarang Piskal

PATAKARANG PISKAL -ay isang konseptong


makroekonomiks at patakaran kung saan ginagamit
ang paggastos ng pamahalaan at pagbubuwis upang
naimpluwensyahan ang daloy ng ekonomiya ng
bansa.
Sa patakarang piskal, maaaring baguhin ng pamahalaan ang
paraan ng paggastos at pagbubuwis nito upang matugunan
ang mga layuning pangkaunlaran at masiguro ang maayos na
pamumuhay ng mga mamamayan nito.
Ang pagbili ng pamahalaan ng mga kalakal at paglilingkod,
pagkakaloob ng subsidiya at tulong pinansyal, at
pangongolekta ng buwis ay mga paraan na ng patakarang
piskal.
Ang patakarang piskal ay binubuo ng tatlong mahahalagang
salik—ang buwis, gastusin ng pamahalaan, at transfer
payments. Ang mga ito ang siyang minamanipula ng
pamahalaan upang tugunan ang mga layunin ng patakaran.
Bawat pagbabago sa paraan ng paggastos,
pagbabadyet, at pagbubuwis ng pamahalaan ay
nararamdaman ng mga mamamayan ng bansa.
Halimbawa, kapag nagpatupad ang pamahalaan ng
tax cut (pagbabawas sa sinisingil na buwis) sa isang
pamilya na binubuo ng mga magulang at mga anak,
ang halaga na dapat ay nakalaan para sa buwis ay
mapupunta sa disposable income ng pamilya. Lalaki
nang kaunti ang kakayahan ng pamilya sa
pagkonsumo o pag-iimpok.
Ang konsepto ng patakarang piskal ay batay sa teorya ni
John Maynard Keynes, isang Ingles na ekonomista. Ayon kay
Keynes, ang ekonomiya na nakabatay lamang sa pamilihan
ay mahina at pabago-bago kaya’t madalas itong nakararanas
ng recession (kung saan mababa ang kabuuang demand) at
implasyon (kung saan mataas ang demand). Kailangang
kumilos ang pamahalaan upang mapigilan ang biglaang
paglakas at pagbagsak ng kabuuang demand at suplay sa
isang bansa sa pamamagitan ng pagpaplano at
pagpapatupad ng mga patakarang pang-ekonomiya. Para kay
Keynes, dapat maging mas aktibo ang papel ng pamahalaan
sa ekonomiya, lalo na sa panahon ng recession at depression.
Nasubok ang kapasidad ng patakarang piskal sa pagpapabuti ng
ekonomiya noong panahon ng Great Depression noong 1930s, kung
kailan nasadlak sa krisis pang-ekonomiya ang daigdig. Sinasabing
nagsimula ito sa pagbagsak ng stock market na nagdulot ng sunodsunod
na pagbagsak ng iba’t ibang salik ng ekonomiya tulad ng antas ng pag-
iimpok, kapital, pamumuhunan, at bilang ng bukas na trabaho.
Nagkaroon ng malawakang kawalan ng trabaho, kawalan ng puhunan,
at kita. Gayunpaman, nanatiling may pondo ang pamahalaan mula sa
mga buwis na binabayad ng mga tao. Si Keynes ang nanawagan na
ipatupad ang pump priming, kung saan ang pamahalaan ay hinihikayat
na gumastos at gumawa ng mga bagong proyekto upang magkaroon ng
panibagong puhunan sa pamilihan, nang sa gayon ay muling
manumbalik ang daloy ng ekonomiya. Mahihinuha na hanggang sa
ngayon ay patuloy pa ring ginagamit ng mga pamahalaan ang
konseptong ito.
Mga Uri ng Patakarang Piskal

Expansionary Fiscal Policy -ay patakarang nagpapalaki ng gastusin ng


pamahalaan habang pinaliliit ang buwis na nililikom nito. Kadalasang
ginagamit ang expansionary fiscal policy kapag ang pamahalaan ay
nasasadlak sa recession at ang aggregate demand (halimbawa ay ang
GDP) ay nasa antas na mas mababa kumpara sa panahon na ito ay nasa
full employment.
Contractionary Fiscal Policy -ay patakarang nagbabawas sa gastusin ng
pamahalaan habang pinalalaki ang buwis na sinisingil nito mula sa mga
kompanya at mamamayan sa bansa. Kadalasang ipinatutupad ang
contractionary fiscal policy sa mga panahon kung kailan nawawalan na
ang pamahalaan ng kontrol sa economic growth ng bansa.
 Ang labis na paglago ng ekonomiya ay maaaring magdulot ng implasyon
at asset bubbles, kaya naman ginagamit ang patakarang ito upang ibaba
sa isang mas sustainable at stable na antas ang paglago ng ekonomiya.
Maaari ring gamitin ang polisiyang ito kapag nais ng pamahalaan na
bawasan ang mga utang na naipon sa panahon ng recession.
Layunin ng Patakarang Piskal

Maiwasan ang kawalang- balanse ng ekonomiya na


nagdudulot ng mga negatibong implikasyon sa
pamumuhay. Isang halimbawa nito ang implasyon. Ang
patakarang piskal ay itinuturing bilang isang tugon sa
implasyon kung saan ang pagsasaayos ng gastusin at
pagbubuwis ng pamahalaan ay nakabatay sa
pangangailangan ng bansa.
May tatlong layunin ang patakarang piskal:
1. ang paggamit ng price stability
2. pagkamit ng full employment,
3. at paglago ng ekonomiya.
Layunin ng Patakarang Piskal

1. PAGGAMIT NG PRICE STABILITY


 sinisigurado nitong makakabili ng sapat na dami ng
kalakal at paglilingkod ang mga mamamayan sa
parehas na antas ng sahod.
 Kapag tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa
implasyon, nahihirapan ang mga mamamayang
mabuhay dahil kakailanganin nila ng mas malaking
sahod na hindi naman agad maibibigay ng mga
negosyo dahil sila din ay apektado ng pagtaas ng
presyo ng materyales para sa produksiyon.
Layunin ng Patakarang Piskal

1. PAGGAMIT NG PRICE STABILITY


 Hindi rin maganda ang epekto ng deflation o ang
pagbaba ng presyo ng mga bilihin dahil maaaring
tumaas ang pangangailangan ng kalakal at paglilingkod
ng higit pa sa kayang iprodyus ng ekonomiya. Sa
kalaunan, mapapalitan ang ekonomiya na magprodyus
lampas sa kapasidad nito, na maaaring magdulot din
ng implasyon. Sa panahong ito, maaaring bawasan ng
pamahalaan ang kaniyang paggastos, at itaas ang
buwis upang piliting tumaas ang presyo ng bilihin sa
mas maagang panahon at bumaba agad ang demand.
Layunin ng Patakarang Piskal

2. PAGKAMIT NG FULL EMPLOYMENT


 FULL EMPLOYMENT ay tumutukoy sa panahon kung
saan ang pamilihan ay nasa pinaka-produktibong antas
at ang karamihan sa mga manggagawa ay
nakapagtatrabaho.
 Ang pagkakamit ng sitwasyong ito ay isa sa
pinakamahalagang layunin ng patakarang piskal
sapagkat ang kawalang-trabaho, na siyang kabaliktaran
ng full employment, ay nagdudulot ng mabigat at
negatibong epekto sa ekonomiya ng isang bansa.
Layunin ng Patakarang Piskal

2. PAGKAMIT NG FULL EMPLOYMENT


 Sa panahon ng recession kung kailan mababa ang antas ng
pamumuhunan sa isang ekonomiya, maaaring gumastos
ang pamahalaan upang makapagbigay ng maraming
oportunidad ang pang-ekonomiya. Batay sa patakarang
piskal, ang dagdag na paggastos ng pamahalaan o
pagpapalaganap nito ng mas maraming proyekto, tulad ng
mga programang pangkalusugan, pag-aaral, at pang-
edukasyon ay magbubukas ng mas maraming oportunidad
sa mga ahensya at indibiduwal upang makakalap ng kita at
nang sa gayon ay mapanatili ang estadong full employment.
Layunin ng Patakarang Piskal

3. PAGLAGO NG EKONOMIYA
 Ang magandang takbo ng ekonomiya at ang paglago
nito ay isang layunin ng anumang bansa sa mundo.
Gayunpaman, ang mabilis na paglago ng ekonomiya
ay hindi makakamit ng isang bansa kung walang
stability ang ekonomiya nito. Kaya naman, ang mga
paraang piskal katulad ng pagbubuwis, panghihiram
ng salapi, at deficit financing ay kailangang gamitin
nang maayos upang hindi lubusang makaapekto sa
paikot na daloy ng ekonomiya.
Layunin ng Patakarang Piskal

3. PAGLAGO NG EKONOMIYA
 Ang patakarang piskal ng isang pamahalaan ay
nararapat lamang na maging sensitibo sa mga
pagbabagong dala ng iba pang salik ng ekonomiya.
Layunin ng patakarang piskal na pagyamanin ang
kabuuang ekonomiya ng isang bansa tungo sa
pagpapalago ng pambansang kita at income per
capita.
Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagpapatupad ng Patakarang Piskal

Ang pambansang pamahalaan ay maituturing na


isang mahalagang institusyon sa pagpapanatili ng
matatag at mabuting ekonomiya ng bansa. Kaugnay
nito ay ang wastong paggamit ng badyet ng bansa
upang lubusang matustusan ang iba’t ibang gawaing
pambansa. Bagama’t pabago-bago ang daloy ng
ekonomiya, kinakailangan ding maging handa ang
isang pamahalaan sa pagpapatupad ng patakaran na
magbibigay-solusyon sa suliraning ito.
Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagpapatupad ng Patakarang Piskal

Ang Pamahalaan
ang pamahalaan ang nagpapatupad ng patakarang
piskal upang tuparin ang mga layunin nito at sa
kalaunan ay makapagbigay ng isang sustainable na
ekonomiya para sa isang bansa.
Ang pamahalaan ay may dalawang pangunahing
paraan upang maipatupad ang patakarang piskal sa
bansa—ang buwis at paggastos: buwis at paggastos
Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagpapatupad ng Patakarang Piskal

Buwis
ay isang inboluntaryong kontribusyon na sinisingil mula sa mga indibidwal o
korporasyon.
Ang buwis ay sinisingil ng pamahalaan—pambansa man o lokal—upang gawing
pondo sa mga proyekto at gawain nito.
Nakaaapekto ang pagbubuwis sa mga mamamayan sa iba’t ibang paraan.
Maaari din itong makabawas sa disposable income sa pamamagitan ng income
tax. Kaya naman, kapag nabawasan ang buwis na sinisingil mula sa
mamamayan ay inaasahan na mas lalaki ang kanilang kakayahan sa
pagkonsumo o pag-iimpok.
Maaari ring gamitin ang buwis upang magbigay ng karagdagang suporta sa
isang industriya na may potensyal na pagkunan ng mas malaking pambansang
kita.
Hal:Noong 1970 hanggang 1980, ipinatupad ang Coco Levy Fund na may
layuning singilin ng buwis ang mga magniniyog upang palaguin ang industriya
ng niyog sa bansa at gawing shareholders ang mga magsasaka sa industriyang
ito. Gagamitin dapat ang nakolektang buwis upang mapabuti ang kalidad at
mapataas ang halaga ng mga produktong mula sa industriyang ito.
Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagpapatupad ng Patakarang Piskal
Buwis
Minsan, ginagamit din ang buwis upang pababain ang demand
at kompetisyon sa mga prodyuser ng isang kalakal. Halimbawa,
halos lahat ng mga inaangkat na kagamitan ay mayroong buwis
na higit na mas mahal kaysa sa mga gawa sa Pilipinas.

Ang pamahalaan lamang ang maaaring magtaas at magbaba sa


antas ng buwis sa isang bansa, pati na rin ang pagdedesisyon
kung anong mga produkto at serbisyo ang papatawan ng buwis.
Ang pagtaas at pagbaba ay kinakailangan naaayon sa kung
anong resulta ng pang-ekonomiya ang ninanais matamo ng
pamahalaan. Ang panukala sa pagbabago sa pagbubuwis ay
kadalasang nagmumula sa mga sangay ng pamahalaan tulad ng
Department of Finance (DOF) at nakabase sa pambansang
badyet, at kailangang ipasa sa senado.
Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagpapatupad ng Patakarang Piskal

Paggastos
ay isang paraan ng patakarang piskal upang tugunan ang
pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng bansa.
Ang paggasta ng pamahalaan ay nakahanay sa mga layuning
pang-kaunlaran na may aspektong politikal, kultural, at sosyal.
Anumang sektor ng pamahalaan na pinaglaanan ng panggastos
batay sa patakarang piskal ay magkakaroon ng karagdagang
badyet upang tugunan ang kani-kanilang adhikain. Upang
magawa ang kanilang mga layunin, kailangan ng mga sangay
ng gobyerno ng lakas-paggawa at mga materyales na isusuplay
naman ng mga negosyo at mamamayan mismo ng bansa.
Ang salapi ng unang nakolekta bilang buwis ay inilaan para sa
mga ibang pangangailangan ng bansa, na siya namang
nagsisilbing kita muli ng mga mamamayan.
Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagpapatupad ng Patakarang Piskal

Paggastos
Ang paggasta ng pamahalaan ay kailangang alinsunod sa
probisyon ng pambansang badyet.
Ang pambansang badyet ay inihahanda ng sangay
tagapagpaganap ng pamahalaan at mga departamento nito.
Pinag-uusapan sa kongreso kung makatuwiran ba ang mga
proyekto at ang kaakibat na badyet na hinihingi ng iba’t ibang
sangay ng pamahalaan at saka naman aaprubahan ng pangulo
ng bansa. Ibibigay naman ang aprubadong badyet sa
Department of Budget and Management (DBM) na siya namang
mamamahala sa paglabas ng pondo. Sa mga pagkakataong mas
malaki ang kinakailangang pambansang badyet at hindi
kakayanin tustusan ito ng pagbubuwis, responsibilidad ng
pamahalaan na maghanap ng ibang paraan upang siguraduhin
mayroong pondo para sa aprubadong badyet.
Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagpapatupad ng Patakarang Piskal
Paggastos
Bilang pangunahing tagapagpatupad ng patakarang piskal, ang
pamahalaan ang siyang tagapagpaganap ng sumusunod na
responsibilidad:
pagsisiguro ng matatag na ekonomiya sa pamamagitan ng matalinong
paggastos at paggamit ng buwis
pagpapanatili ng balanseng ekonomiya at mga salik nito upang
maiwasan ang negatibong epekto tulad ng implasyon
pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa at ahensya upang umutang ng
badyet at panggastos ang pamahalaan kung kinakailangan
pagsasagawa ng mga short-term at long-term na pag-aaral upang
matantiya ang takbo at daloy ng ekonomiya sa hinaharap
pagpapanatili ng matalinong paggamit ng mga likas na yaman ng
bansa, pagbabago ng mga polisiyang ekonomiko batay sa
pangangailangan ng bansa, at matalinong pagresolba sa isyu ng
deficits at pangungutang
Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagpapatupad ng Patakarang Piskal
Ang Proseso ng Patakarang Piskal
Ang patakarang piskal ay isang proseso kung saan ang iba’t ibang
ahensya na pangekonomiya ng isang bansa ay nakikilahok upang
tugunan ang mga suliraning pang-ekonomiya ng isang bansa.
Ang pagbubuo ng patakarang piskal ay nagsisimula sa fiscal
authority na siyang nagpapatupad ng mga polisiya sa
pagbubuwis upang kontrolin ang demand at suplay ng isang
bansa.
Sa Pilipinas, ang ahensya na gumawa nito ay ang Department of
Finance (DOF).
Ang patakarang piskal ay ipinatutupad batay sa iba’t ibang
sitwasyong kinakaharap ng isang bansa.
Gayunpaman, ang bawat sitwasyon ay binubuo ng mga
pagbabago sa paggastos o paggamit ng buwis. Ating isa-isahin
ang mga sitwasyong ito.
Ang Papel ng Pamahalaan sa Pagpapatupad ng Patakarang Piskal
Ang Department of Finance
Ang Department of Finance (DOF) ay ang
pangunahing ahensya ng pamahalaang nangangasiwa
sa mahusay na patakarang piskal. Bumubuo ito ng
polisiya upang masiguradong mayroong pondo ang
mga programa ng gobyerno at maitaguyod ang
kapakanan ng mga mamamayan ng bansa.
Nabuo ang DOF noong 1897 at bagama’t maraming pagbabago
ang dinaanan nito, ang pangunahing layunin ng ahensyang ito ay
nananatili. Ang mga pangunahing trabaho ng DOF ay ang
sumusunod:
1. pagbuo at pangangasiwa nang maayos na patakarang piskal
2. pagpapabuti ng mga pamamaraan sa pagkolekta ng buwis
3. paggamit ng pinagkukunang-yaman sa paraang kapaki-
pakinabang sa mas nakararami sa pamamagitan ng pagtugon
sa pambansang badyet
4. maayos na pamamahala sa mga utang ng pampublikong sektor
5. pagsisimula at pagpapatupad ng mga reporma sa estruktura at
patakarang piskal
Patakaran sa Pambansang Badyet at
Paggasta

Ang Papel ng Pambansang Badyet sa


Patakarang Piskal
Ang pambansang badyet ng bansa ang siyang
basehan ng gagastusin ng pamahalaan sa loob ng
isang partikular na panahon (kadalasan ay kada
isang taon). Sa Pilipinas, ang badyet ng bansa ay
pinamamahalaan ng Department of Budget and
Management (DBM).
Patakaran sa Pambansang Badyet at Paggasta

Ang Papel ng Pambansang Badyet sa Patakarang


Piskal
Ang pambansang badyet ay hindi lamang isang revenue
statement ng isang korporasyon. Dahil sa laki nito, malaki
ang epekto ng pambansang badyet sa ekonomiya ng isang
bansa. Kung ikukumpara sa mga pribadong kompanya,
naiiba ang pambansang badyet sapagkat ito ay nakatuon sa
pagpapabuti ng ekonomiya. Maaari nitong babaguhin ang
alokasyon ng paggastos batay sa pangangailangan ng bansa.
Sa kabilang banda, ang pribadong organisasyon naman ay
nakatuon lamang sa pagkamit ng kita mula sa kanilang mga
produkto at serbisyong ibinibigay.
Pamahalaan
 Kapag ang badyet o kita ng pamahalaan ay may parehong
halaga sa mga inaasahang gastusin nito, kabilang na ang
pagbili ng mga produkto at serbisyo o ang mga transfer
payment kagaya ng pensyon, masasabi natin na ang
pamahalaan ay mayroong balanced budget.
 Sa kabilang banda, kung nais naman ng pamahalaan na
dagdagan ang paggastos nito sa panahon ng recession, maaari
itong magsagawa ng budget deficit sa pamamagitan ng
pagpapababa ng buwis at pagdaragdag ng gastusin.
 Ang budget deficit ay napopondohan sa pamamagitan ng
pagbebenta ng public securities o government bonds.
 Ayon kay Keynes, sa panahon ng recession, ang mababang
antas ng paggasta ng mga konsyumer ay masosolusyunan sa
pamamagitan ng pagpapataas ng paggastos ng pamahalaan
upang maitama ang antas ng aggregate demand at maiwasan
ang mataas na unemployment rate.
Pamahalaan
Ang budget surplus naman ay nangyayari kapag ang
kita o badyet ng bansa ay sobra sa inaasahang
gastusin nito.
Ang pagkakaroon ng budget surplus ay isang
indikasyon ng maayos na pamamalakad ng
pamahalaan.
Ang pagbabago sa laki ng deficit ay kadalasang
ginagamit upang matukoy kung ang patakarang
piskal ay nagbibigay ng mas maraming demand
stimulus (nagpapataas ng demand) o demand
restraint (nagpapababa o nagkokontrol sa antas ng
Ang Department of Budget and Management
Ang Department of Budget and Management

Ang Department of Budget and Management


(DBM) ay ang pangunahing ahensya sa Pilipinas na
namamahala at nag-aaral sa mga layuning
makroekonomiko ng bansa, revenue projections,
antas ng pangungutang, mga gastusin, at badyet ng
pamahalaan.
Ang ahensya ang siyang nagrerekomenda ng
estratehiyang pananalapi ng bansa sa gabinete at
pangulo.
Ang Department of Budget and Management

Ang kagawarang ito na noon ay tinatawag pang Development


Budget Coordination Committee (DBCC) ay nabuo noong Mayo
1970 sa pamamagitan ng Executive Order No. 232.
Ang mga pangunaging trabaho ng kagawaran ay ang sumusunod:
1. Magrekomenda sa pangulo ng bansa ng taunang government
expenditure program at ceiling ng paggastos ng pamahalaan
para sa pangkabuhayan at panlipunang usapin, pambansang
depensa, at iba pa.
2. Magrekomenda sa pangulo ng karampatang alokasyon ng
badyet sa bawat programang nais gawin ng pamahalaan.
3. Magrekomenda ng halagang itatabi para sa capital outlay para
sa mga proyektong pang-impraestruktura ng bansa.

You might also like