You are on page 1of 5

Ang Alibughang Anak

Tauhan:

Ama

Elias(Bunso)

David(Panganay)

ibang tauhan:

huling hiningian

negosyante

Alipin

Narrator:Ang kwento ng alibughang anak

-may isang mayaman na pamilya siya ay may dalawang anak ang bunso ay tamad at reklamador
ngunit ang kanyang kapatid na panganay ay kabaligtaran niya dahil siya ay tapat,masipag at
masunurin

Elias (Bunso): pagod na ako sa mga pinapagawa saakin ni ama, araw- araw na lang akong
nagpapakain sa mga alaga nya hay! nakakapagod

Narrator: ang pabuntong hininga ng reklamador na anak

-kinabukasan siya ay ginising na kanyang kapatid

David(Panganay): Elias tumayo kana dyan hapon na may gagawin pa tayo

Elias (Bunso): ano ba yan kuya inaantok pa ako

David (Panganay):hay! tumayo kana dyan, wag mong pailarin ang iyong katamaran

Narrator: tumayo si Elias at sumama kay David upang gawin ang ipinag utos ng ama ngunit sa
kanyang pagpapahinga siya ay nakaisip ng paraan upang makatakas sa mga trabaho at maging
malaya

Elias (Bunso): */bumangon at sumama sa kanyang kuya

*/ parang nagpapakain sa mga hayop

*/nagpahinga
Elias (bunso):Aha! alam kona ang aking gagawin para maging malaya na ako at walang iniisip na
trabaho

*/ naglakad papunta sa ama

Elias (Bunso):Ama may sasabihin po ako sainyo

Ama: ano yun anak sige sabihin mo saakin

Elias (Bunso): Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko pagod na po ako sa araw-araw na
iyong pinapagawa gusto ko naman pong magsaya at maging malaya

Ama: kung ayan na ang iyong napagdesisyonan, sige anak pumapayag ako

Narrator: hinati ng ama ang kanyang ari-arian at ibigay sa kanyang anak. Pagkalipas ng ilang araw,
ipinagbili ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga
bisyo ang lahat niyang kayamanan. Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa
lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap.

Bunso: saan na ako tutuloy nito ubos na ang aking kayamanan at nagugutom na ako

*/humihingi ng tulong sa mga tao

Bunso: tao po! Maari po ba akong makituloy sa inyong tahanan kahit ilang araw lamang tsaka maaari
din po sana makahingi ng kahit kaunting pagkain (2x na sasabihin pero magkaibang bahay tapos
magpapakita pa na ilang kinatukan na bahay then hnd na need ng voice over parang ipapakita lng na
kinakausap tapos sinarado ung pinto)

Bunso:tao po! pwedeng po ba akong makituloy sa inyong tahanan kahit ilang araw lamang tsaka
maaari din po sana makahingi ng kahit kaunting pagkain nagugu-(naputol)

Huling hiningian: hay naku! sino kaba para patuloyin sa aking tahanan? tsaka dagdag ka lng
palamunin ehh wala nga rin kaming makain umalis ka dito sa iba ka humingi ng tulong dun sa mga
mayayaman, istorbo

*/ sinarado ang pinto

Bunso:patawad po!(sinabi pagsarado ng pinto) Saan na ako pupunta nito nagugutom na ako

*/pumunta sa isa pang bahay

Bunso:tao po! Maari po ba akong makituloy sa inyong tahanan kahit ilang araw lamang tsaka maaari
din po sana makahingi ng kahit kaunting pagkain

Negosyante: hay naku! Wala rin akong maibibigay sa iyo at hnd pwede patuloy sa aking tahanan pero
may iaalok ako saiyo kung gusto mong magkapera magtrabaho ka saakin

Bunso:sige po! Ano pobang trabaho

Negosyante:sa babuyan,halika sumama ka sakin

*/dinala sa babuyan
Narrator: agad siyang pumayag at Namasukan sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang
babuyan dahil sa desperado na siyang magkapera para sa pagkain. Pagrating nya roon siya ay iniwan
ng negosyante, dahil sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng
pagkain, nang makita niya ang pinagbalatang ng mga bungang kahoy na pinapakain sa mga baboy ay
agad niya itong pinulot at halos kainin niya ito habang hawak niya ito napag-isip-isip niya ang
kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili

Bunso:Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa
gutom! Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo.
Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong
mga alila.

Narrator:At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila. Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at
dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan.

Bunso: Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak
ninyo.

Narrator: Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila

Ama: mga alila Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo
siya ng singsing at ng sandalyas. Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang.
Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling
natagpuan.’

Narrator: At sila nga'y nagdiwang. Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at
malapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan.

Panganay:

*/Tinawag niya ang isang utusan at nagtanong

Panganay: Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?

Alila: Dumating po ang inyong kapatid!

Narrator:sagot ng alila.

Alila: Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang
buháy at walang sakit.

Narrator:Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama
at pinakiusapan.Ngunit sumagot siya

Panganay: Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway.
Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami
ng aking mga kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong
kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!

Ama:Anak, mahal kita at ang iyong kapatid dahil anak ko kayo, ikaw ang lagi kung kapiling at ang lahat
ng aking ari-arian ay sa iyo. kaya patawarin mo siya tulad ng pagpapatawad ko sakanya dahil ito ang
kagalakan ng diyos ang magpatawad sa nagsakala sa atin. Nararapat lang na tayo'y magsaya at
magdiwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling
natagpuan.

*/nakahawak sa balikat ung ama sa kanyang anak

End

Narrator: Ang pagpapatawad sa kapwa ay kagalakan ng ating panginoon sapagka't ang


pagpapatawad ay nakakagaan sa ating loob at daan ito sa mapayapang buhay dahil wala tayong dala
dala na galit na namumuo sa ating puso sabi nga sa ephisian 4:31:32

" Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw,
manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain;
magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo."

Narrator: at yun lamang po, sana'y may natutunan po kayo sa kwento ng Alibughang Anak

Maraming Salamat sa inyo pakikinig

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

-Sa mga taong nagrereklamo naman sa buhay dahil lang sa maraming ginagawa at inuutos ng mga
magulang katulad ng bunsong anak sa kwento imbes na magreklamo dapat tayong magpasalamat sa
ating magulang at sa diyos dahil ito ang tatandaan mo hnd lahat ma swerte na may tahanan na
natutuluyan at may nakakain sa araw-araw kaya ma swerte ka sa buhay na meron ka dahil hnd kanila
pinapabayaan, at may magandang buhay ka.

tama lang na gumagawa tayo ng mga gawaing bahay at mga gawain na nakakatulong sa trabaho ng
ating mga mgulang dahil sila ang bumubuhay sa atin. Wag nating isipin na

"ginagawa ba natin iyong mga gawain na yun kapalit ng responsiblidad nila saatin" "pinapagawa ba
nila iyon para bayad sa mga perang nilibas nila saakin"

hnd iyon bayad kundi dapat nga kusa natin itong ginagawa, kaya dapat lang na tulungan natin sila sa
mga gawain, dahil sa paghihirap nila para mabuhay ka, ang mga gawain na yan ang tanging
magagawa mopa lamang para mapalitan ang kanilang hirap na ginawa sa iyong buhay

Narrator: kung katulad ka ng bunsong anak na gumawa ng maling desisyon, lahat naman tayo ay
nagkakasala, minsan nakakapagod naman talga pero hnd na yun sapat na dahilan para gumawa ka ng
desisyon na alam mong makakasama sayo at hnd ikakatuwa ng diyos. kaya sa bawat kilos natin dapat
maisip na natin na hindi na ito ituloy kung ito ay nakakasama o mali dahil sa mga aral na napulot na
natin sa paggawa natin ng maling gawain at desisyon at dapat nating pagsisihan ang ating mga
kasalanan, dahil napakabuti ng ating panginoon sa likod ng ating mga kasalanan bukas ang daan
para sa pagbago ng buhay dahil ang diyos ang pinakamabuti sa lahat dahil siya ay maunawain at
mapagpatawad Ayon nga sa 1 Juan 1:8-9

"Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang
katotohanan.Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos
sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid."
Narrator: at kung katulad mo nmn ang panganay na anak, hnd maganda na nagpapanggap at
tinatago mo ang iyong tunay na nararamdaman ,hnd rin maganda na tumutulong ka na may
hinihintay na kapalit ayon nga sa Lukas 6:30

Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong
"

hinging muli."

kung ang iyong kapwa ay nangangailangan ng tulong, bigyan mo siya ng taos sa iyong puso. dahil
ang tunay na pagtulong ay walang hinihintay na anumang kapalit.

Narrator: at yun lamang po, sana'y may natutunan po kayo sa kwento ng Alibughang Anak

Maraming Salamat sa inyo pakikinig

You might also like