You are on page 1of 18

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Karapatan at Tungkulin

AIRs - LM
LU_Q2_EsP9_Module1
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Karapatan at Tungkulin
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pag kuha ng bahagi ng
walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Loida O. Nabutil


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance
Content Reviewer: Janice Mae C. Domingo
Language Reviewer: Maria Clarideth A. Nuesca
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Christian Lorenzo D. Dumaguing

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D., CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D., EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of EsP
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Karapatan at Tungkulin
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong ulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Sapulin

Alam mo ba na ang lahat ng tao ay isinilang na pantay-pantay sa karangalan


at mga karapatan? Kahit na tayo ay mayaman o mahirap, lalaki o babae, bata o
matanda, lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatan. Walang sinuman ang
mayroong mas nakararaming karapatan kaysa sa iba.

Alam mo rin ba na ang bawat karapatan na ating tinatamasa ay mayroong


kakabit na responsibilidad o tungkulin? Lahat tayo ay pinagkalooban ng katwiran
at budhi at dapat magpalagayan ang isa’t isa sa diwa ng pagkakapatiran.

Ngayon, magtutuloy ka sa pagpapayabong ng iyong kaalaman. Matututuhan


mo ang mga konseptong may kinalaman sa ilang batayan ng karapatang pantao at
mga responsibilidad na kasama ng mga ito.

Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Ano


ang dapat gawin ng tao upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang
Karapatan? Bakit moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin? Inaasahan din
na maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pagunawa:

• Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao. (EsP9TT-IIa-5.1)

• Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,


paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa. (EsP9TT-IIa-5.2)

1
LU_Q2_EsP9_Module1
Simulan

Gawain 1:

Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag at isulat ang sagot
sa inyong sagutang papel.

______ 1. Ang Likas na Batas Moral ay batayan ng mga batas ng tao.


______ 2. Mahalaga ang pananagutan ng isang tao na maging mabuting
mamamayan.
______ 3. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang masabi
lamang na siya ay responsable.
______ 4. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang
hindi tumutupad ng tungkulin.
______ 5. Pangunahing karapatan ang karapatan sa pribadong ari-arian.
______ 6. Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga
batas at plano na nagtataguyod sa karapatan sa buhay.
______ 7. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
______ 8. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang
kapuwa na igalang ito.
______ 9. Hindi matatawag na kapangyarihang moral ang karapatan ng tao dahil
maaaring puwersahan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
______ 10. Ang karapatan ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lang ang
makagagawa ng moral na kilos.

2
LU_Q2_EsP9_Module1
Aralin Karapatan at
1 Tungkulin

Lakbayin

May pantay na karapatan ang lahat ng tao. Ang karapatan ay ang


kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga
bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Ang Likas na Batas Moral
ang batayan ng mga karapatan na itinakda ng isang lipunan o pamahalaan. Ito ang
batas na nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng tao na igalang ang mga karapatan
ng isang tao.
May anim na uri ng karapatang hindi maaalis (inalienable) ayon kay Santo
Tomas de Aquino (Quito, 1989). Ang mga ito ay karapatang mabuhay, magkaroon
ng mga ari-arian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at maghanapbuhay.
1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung
wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong
mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
2. Karapatan sa pribadong ari-arian. Kailangan ng tao ang mga ari-arian upang
mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa
lipunan.
3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa
pamamagitan ng kasal.
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Ang isang indibidwal ay may karapatang
lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o
komportableng buhay o ligtas sa anumang panganib.
5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya. May karapatan ang
bawat tao na piliin ang relihiyon na makatulong sa kaniya upang mapaunlad ang
kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa.
6. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay. May obligasyon ang lipunan o
pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan
upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.
Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad ng tungkulin. Tulad ng
karapatan, batay rin ito sa Likas na Batas Moral. Kaya kailangang tuparin ang mga
tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti. May kaakibat na tungkulin ang
bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na tutugon sa angkop na karapatan:

1. Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang


kaniyang kalusugan at ang kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan at
kaluluwa.

3
LU_Q2_EsP9_Module1
2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian, may tungkulin ang tao na pangalagaan at
palaguin ang anumang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa
at paunlarin ang pamayanan.
3. Sa karapatang magpakasal, may kaakibat na tungkulin na suportahan ang
pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao ang mga ito.
4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, may tungkulin na igalang ang mga
pribadong boundary.
5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, may tungkulin na
igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.
6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, may tungkulin ang bawat isa na
magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang
gawain.
Samakatuwid, ang pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay
pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga
ugnayan.

Galugarin

Gawain 2: Panuto: Basahin at unawain kung anong uri ng karapatan ang


tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
__________ 1. Ang aking kaibigan na si Mirasol ay pilit umiiwas sa eskandalo.
__________ 2. Sinusuportahan ni Cardo ang kaniyang pamilya ng kanilang sapat na
pangangailangan lalo na ang masustansiyang pagkain para sa
kaniyang mga anak upang makaiwas sa sakit.
__________ 3. Si Mang Satur ay isang mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga
birtud.
__________ 4. Ang mga mga magulang ay dapat gabayan ang kanilang mga anak para
makaiwas sa panganib.
__________ 5. Sa panahon ngayon na may pandemya, dapat nating
pangalagaan ang ating kalusugan.
__________ 6. Hindi maaaring gawing obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang
particular na relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging opisyal
ng pamahalaan.
__________ 7. Kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng
kapuwa.
__________ 8. Kailangan ang pagpokus sa gawain at hindi pinalilipas ang oras nang
walang ginagawa.
__________ 9. Mataas ang hangarin ni Jose na bumuo na ng sariling pamilya
sapagkat nasa hustong gulang na siya at may maayos ng trabaho.
_________10. Kailangang bigyan ng pagkain at iba pang pangunahing
pangangailangan ang mga nasalanta ng bagyo.

4
LU_Q2_EsP9_Module1
Palalimin

Gawain 3:

Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang lubusang


mapalawak ang iyong pagkaunawa sa aralin. Isulat ang sagot sa inyong sagutang
papel.

Ano ang karapatan? Ano ang tungkulin? Bakit Ano- ano ang epekto ng
Bakit ito kapangyarihang ito obligasyong moral? hindi pagtupad ng
moral? tungkulin?

Rubrik sa Pagsagot ng mga tanong

PAMANTAYAN NILALAMAN

Napakahusay Napakahusay ng sagot. Tiyak, malinaw at


(10 puntos) nakapagbigay ng patunay sa mga kasagutan.

Mahusay Mahusay ang sagot. Malinaw at maayos ang


(8 puntos) pagkakaugnay ng sagot sa katanungan.

Di-gaanong mahusay May kahusayan ang pagkakabuo ng sagot


(6 puntos) ngunit hindi gaanong malinaw at tiyak.

Nangangailangan pa ng Kasanayan Nangangailangan ng kahusayan ang sagot.


(4 puntos) Hindi malinaw at tiyak ang mga salita.

May Panimulang Kasanayan May ilang naisulat na salita ngunit walang


(2 puntos) kaugnayan sa hinihinging kasagutan.

5
LU_Q2_EsP9_Module1
Aralin Mga Paglabag Sa
2 Karapatang Pantao

Lakbayin

Ano ang dapat mo nang gawin dahil may karapatan ka? Ang bawat karapatan
na tinatamasa mo bilang tao sa lipunan, saang dako ka man naroroon ay may
katumbas na pananagutan. Ang pananagutan o tungkulin ay ang mga bagay na
inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo
nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring
magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa
mundo.

Ngayong alam mo na ang iyong mga karapatan at mga tungkuling nararapat


mong gawin, mas mabuting maging mulat ang iyong isip at puso sa iba’t ibang anyo
ng paglabag sa karapatang pantao. Ilan sa mga paglabag ay ang mga sumusunod:

1. Pagpatay sa sanggol. Ito ay pagkitil sa buhay ng bagong silang na sanggol. Tulad


ng isang babae na taga-Kenosha, Wisconsin, sa Amerika, na nahatulan ng sampung
taon na pagkakabilanggo sa salang pagpatay sa kanyang bagong silang na anak.
Ipinanganak niya ang sanggol nang buhay ngunit isinilid niya ito sa isang basurahan
sa hindi malamang kadahilanan. Kinasuhan siya ng first-degree intentional
homicide.

2. Pang-aabuso sa bata. Ito ay ang pagmamaltrato sa mga bata pati na ang


sapilitang pagpapagawa sa kanila ng mga krimen. Mayroong mga sindikato na
ginagamit ang mga paslit sa mga gawaing masama tulad ng pagnanakaw, pagtutulak
ng droga at cyber sex.

3. Diskriminasyon at karahasan sa kababaihan. Sa larangan ng showbiz at


kahit saang panig ng mundo ang kababaihan ang lumalantad at walang takot na
nagsasabi na sila ay biktima ng pisikal at sekswal na pang-aabuso ng kanilang mga
kabiyak. Ito ay labag sa karapatan ng mga babae.

4. Pagwawalang-bahala sa mga may kapansanan. Ito ay hindi makatwirang


pagtrato sa mga taong may kapansanan. Isa dito ay ang hindi pagbibigay ng
kaukulang pansin sa kanila sa lugar tulad sa loob ng tren o di kaya ang hindi
pagtanggap sa kanila sa larangan ng trabaho.

5. Diskriminasyong pangkasarian. Hanggang sa kasalukuyan, may mga


nangyayari na ang kasarian ang batayan upang matanggap sa trabaho. Usaping
stereotyping sabi nga sa wikang Ingles kung saan binibigyan o nilalagyan ng ganap

6
LU_Q2_EsP9_Module1
na kategoryao kahulagan ang isang tao o bagay. Ito ay may kinalaman din sa
kultura.

6. Pagbebenta o ginagawang kalakal ang tao. Laman ng pahayagan, mga bata


at mga kababaihan ay ipinagbibili upang maging kasambahay o hindi kaya ilagay sa
mga bahay aliwan o prostitution den.

7. Pagkamkam ng Lupa. Ang isyung ito ay madalas nangyayari sa mga probinsiya


kung saan ang lupang alam nila na pamana ng kanilang mga ninuno ay pilit
inaangkin ng mga mayayamang negosyante upang patayuan ng mga nagtataasang
gusali.

8. Galit sa ibang lahi. Tulad ng naranasan ni Mahatma Gandhi nuong nasa Aprika
nang minsang nakasakay siya sa isang tren. Isang malinaw na lahi ang naging
pamantayan ng kawani ng tren ng siya ay pinaalis sa kinalalagyan niyang first class
accommodation kung saan mayroon naman siyang tiket.

9. Terorismo. Ang Mindanao ay kilala sa pagkakaroon ng mga terorista. Nariyan(g)


nagkaruon ng digmaan sa Zamboanga. Ito daw ay dulot ng mga terorista na gusto
lamang ng gulo laban sa mga sundalo ng pamahalaan. May mga pagsabog na
naganap, at pagbihag sa mga tao at mga turista ay ilan lamang sa tinatawag natin
na terorismo.

Ang mga nabanggit na mga paglabag ay inyong matutunghayan sa mga


pang-araw araw na balita sa radyo, telebisyon at sa mga social networking sites.
Kalunos-lunos isipin ngunit talagang may mga paglabag na nagaganap sa ating
lipunan. Kung ang bawat tao ay maisasapuso ang mga karapatang pantaong kaloob
ng mga Banal na Nilalang, wala sanang masasawi at mamumuhay nang mahirap.

Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi pansarili lamang. Ang


kaganapan nito ay nasa pakikipagkapwa-tao sa lipunan. Kapag ang isang tao ay
mabuting nakikipagugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng kaligayahan,
kapayapaan at pagkakaisa. Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan
sa mga tungkulin ay dala ng kaloob na karapatang pantao. Ngunit tandaan na may
mga batas na kinakailangang sundin sa lipunan.

7
LU_Q2_EsP9_Module1
Galugarin

Gawain 4:

Panuto: Iguhit ang happy face kung ang pahayag ay nagsasaad ng mabuting
gawain na naaayon sa Likas na Batas Moral at sad face kung ito ay labag sa
Likas na Batas Moral at isulat ang salitang nagsasaad ng mabuti o labag sa Likas
na Batas Moral. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

________ 1. Nagsusumikap magtrabaho si Liza bilang kasambahay kahit wala pa siya


sa hustong gulang para makatulong sa kaniyang mga magulang sa
kahirapan.

________ 2. Madalas binubully ni Michael si John sa loob ng klase.

________ 3. Nanahimik sa nasaksihang krimen si Ben na nangangailangan ng


hustisya sapagakat takot siya kung may masamang mangyari sa kniya.

________ 4. Labag man sa kalooban ni Ana na magtrabaho sa beer house, kailangan


niyang gawin ito para may pambili sila ng pagkain ng kaniyang mga
kapatid dahil iniwan na sila ng kanilang magulang.

________ 5. Ang pagboto ng mga tao ng tapat sa oras ng halalan ay napakahalaga.

________ 6. Hindi pinapayagan ng mga magulang ni Ana na magkaroon siya ng


kasintahan kahit nasa wastong edad na siya.

________ 7. Pinarangalan si Gng. Dela Cruz sa kanilang paaralan at sa kanilang


barangay dahil sa kanyang kahusayan at dedikasyon sa kanyang
pagtuturo.

________ 8. Hindi ibinalik ni Kevin ang sobrang sukli na naibigay ng tagatinda


canteen.

________ 9. Palasimba si Aling Martina subalit maraming nagrereklamo sa kanyang


tindahan na kulang ang timbang ng tinda niyang mga asukal at bigas.

________ 10. Nakita ni Boyet na sinusuhulan ng drayber ng kanyang sinakyan ang


pulis dahil sa paglabag sa batas trapiko.

8
LU_Q2_EsP9_Module1
Palalimin

Gawain 5:
Panuto: Kopyahin mo ito sa iyong sagutang papel. Magmasid sa iyong pamilya, sa
paaralan, sa barangay/pamayanan at sa lipunan/bansa ng mga paglabag sa
karapatan ng tao. Itala kung ano ang pangyayari at ang nilabag na karapatang
pantao. Maaari kang magbasa ng mga pahayagan upang ikaw ay mulat sa
kaganapan. Suriin kung ikaw ay may nagawa para sa mga pangyayaring iyon.

Kapamilya, Kapuso at Kapatid Tsart


Sitwasyon o Pangyayari Nilabag na Karapatang Maaaring Gawin
Pantao Upang Maituwid ang
Paglabag

Rubrik sa Pagsagot ng mga tanong

PAMANTAYAN NILALAMAN
Napakahusay Napakahusay ng sagot. Tiyak, malinaw at
nakapagbigay ng patunay sa mga kasagutan.
(10 puntos)
Mahusay Mahusay ang sagot. Malinaw at maayos ang
pagkakaugnay ng sagot sa katanungan.
(8 puntos)
Di-gaanong mahusay May kahusayan ang pagkakabuo ng sagot
ngunit hindi gaanong malinaw at tiyak.
(6 puntos)
Nangangailangan pa ng Kasanayan Nangangailangan ng kahusayan ang sagot.
Hindi malinaw at tiyak ang mga salita.
(4 puntos)
May Panimulang Kasanayan May ilang naisulat na salita ngunit walang
kaugnayan sa hinihinging kasagutan.
(2 puntos)

9
LU_Q2_EsP9_Module1
Sukatin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa inyong sagutang papel.
_____ 1. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?
A. Ibinubulong ng anghel B. Itinuturo ng bawat magulang.
C. Naiisip na lamang. D.Sumisibol mula sa konsensiya.
_____ 2. May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o
disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabangan
nila ang karapatang mabuhay. Anong uri ng karapatan ang tinutukoy sa
pahayag?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
_____ 3. Alin sa mga uri ng karapatan ang nagsasabing puwedeng lumipat sa ibang
lugar na may oportunidad tulad ng trabaho?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
_____ 4. Ano ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
_____ 5. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-
arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng produktibo at
nakikibahagi sa lipunan. Anong uri ng karapatan ito?
A. Karapatang sumamba
B. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
C. Karapatan sa buhay
D. Karapatan sa pribadong ari-arian
_____ 6. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang HINDI
ibig sabihin nito?
A. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa
kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
B. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan.
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa
na igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng
moral na kilos.

10
LU_Q2_EsP9_Module1
_____ 7. Nagsabi na ang 32 gulang na si Cathy sa kaniyang ina na mag-aasawa na
siya. Napagtapaos na niya ang kaniyang dalawang kapatid. Ngunit sinabi
ng kanyang ina na kailangan munang magtapos ang bunso nila na nasa
Junior HS pa lamang. Siya lang ang inaasahan ng kaniyang ina. Anong
karapatan ni Cathy ang nalabag sa halimbawang ito?
A. Karapatang bumukod ng pamilya B. Karapatang mag-asawa
C. Karapatang magmahal D. Karapatang pumili ng mamahalin
_____ 8. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang
pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag-
kainan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
B. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
C. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang
pusa.
D. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.
_____ 9. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil
sa hindi pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan
nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang
kaniyang paslit na apo. Ano ang nararapat mong gawin kapag nakita mo
ang pangyayaring ito?
A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
B. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para
mamagitan sa kanila.
C. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan ko
sila na tumigil na.
D. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
_____ 10. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May
pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may kapansanan sa
paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa
binatilyo na tila uhaw at gutom na. Ano ang dapat ninyong gawin?
A. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang
naghihintay siya ng malulugaran.
B. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa
aking mga kaeskwela.
C. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan ng
lugar para sa mga taong may kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may
kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.

11
LU_Q2_EsP9_Module1
LU_Q2_EsP9_Module1
12
ARALIN 1
Gawain 1 Gawain 2
1. TAMA 1. Karapatan sa Buhay
2. TAMA 2. Karapatang Magtrabaho o Maghanapbuhay
3. MALI 3. Karapatan sa Buhay
4. TAMA 4. Karapatan sa Buhay
5. MALI 5. Karapatan sa Buhay
6. TAMA 6. Karapatang Sumamba o Ipahayag ang
7. TAMA Pananampalataya
8. TAMA 7. Karapatan sa Pribadong Ari-arian
9. MALI 8. Karapatang Magtrabaho o Maghanapbuhay
10. TAMA 9. Karapatang Magpakasal
10. Karapatan sa Buhay
ARALIN 2
Gawain 4 Sukatin
1. - Wala pa siya sa hustong gulang 1. D
2. - Madalas binubully 2. C
3. - Pananahimik 3. D
4. - Labag man sa kalooban 4. A
5. - Tapat 5. D
6. - Hindi pinapayagan 6. B
7. - Pinarangalan 7. B
8. - Hindi ibinalik 8. C
9. - Kulang sa timbang 9. D
10. - Sinusuhulan 10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Mga Aklat:
• De Torre, Joseph. The Roots of Society: The Metaphysical Ground of Social Ethics. 2 nd
Edition Manila: Sinagtala Publishers, Inc. (1977).

• Edukasyon sa Pagpapakatao. Grade 7 Learner’s Material para sa K to 12 Program. (2011)

• Gayola, Sheryll, Goeffrey Guevara, Maria Tita Bontia, Suzanne Rivera, Elsie Celeste,
Marivic Leano, Benedick Daniel Yumul, Aprilyn Miranda, at Nestor Alagbate. Edukasyon
sa Pagpapakatao 9- Gabay sa Pagtuturo, Unang Edisyon, Lungsod Pasig: FEP Printing Co.,
2015Compendium of the Social Doctrine of the Church. Word and Life Publishing. (2004)

• Gayola, Sheryll, Goeffrey Guevara, Maria Tita Bontia, Suzanne Rivera, Elsie Celeste,
Marivic Leano, Benedick Daniel Yumul, Aprilyn Miranda, at Nestor Alagbate. Edukasyon
sa Pagpapakatao 9-Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Lungsod Pasig: FEP
Printing Co., 2015

Website:
http://www.un.org/en/documents/udhr/ (retrieved October 1, 2013)
http://interactioncouncil.org/universal-declaration-human-responsibilities (retrieved
October 1, 2013)
http://www.lifewithdogs.tv
http://www.organizerightnow.com://interactioncouncil.org/universal-declaration-human-
https://ourhappyschool.com/halimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao
https://myinfobasket.com/mga-halimbawa-ng-paglabag-sa-karapatang-pantao-sa-
pamayanan-bansa-at-daigdig/

13
LU_Q2_EsP9_Module1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

14
LU_Q2_EsP9_Module1

You might also like