You are on page 1of 24

LIPUNANG

EKONOMIYA
Module 2.1
Nakikilala ang mga katangian ng mabuting
Ekonomiya

Nakapagsusuri ng maidudulot ng
magandang Ekonomiya

Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat –
walang taong sobrang mayaman at mahirap.

b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad


kundi sa pag-unlad ng lahat
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Sa modyul na ito ay
inaasahang masasagot ang
mahalagang tanong na:
Bakit mahalaga ang
Lipunang ekonomiya?
Pantay-pantay ang lahat dahil
likha tayo ng Diyos. May mga
nagsasabi namang hindi pantay-
pantay dahil may mga
mayayaman at may mga
mahihirap.
Max Scheler: “Bahagi ng pagiging tao
ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa
hulma ng ating katawan ang kakayahan
nating maging isang sino. Dahil na rin
sa hindi pagkakapantay-pantay na ito,
kailangang sikapin ang pagkakapantay-
pantay sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng yaman ng bayan.”
Ayon kay Sto. Tomas de
Aquino: “Ang angkop na
pagkakaloob ng naaayon
sa pangangailangan ng
tao.”  Hindi man pantay-
pantay ang mga tao, may
angkop para sa kanila.
Kailangang maging patas
ayon sa kakayahan, ayon
sa pangangailangan.
BAKIT HINDI NA LANG IBIGAY SA LAHAT, BAHALA
NA SILANG MAGPAMAHAGI SA MAS
NANGANGAILANGAN?

Dahil una ang halaga ng tao kaysa sa anumang bagay


na ipinapamigay o ibinabahagi. (May yaman man o
wala ang tao, siya ay may halaga bilang tao.) 
Pangalawa, gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi
upang makipagmayabangan o makipagkumpetensya sa
iba o pahiyain ang iba. Gumagawa ang tao dahil nais
nyang ipamalas ang kanyang sariling galing.
Gumagawa siya upang maging produktibo sa kanyang
sarili
HANAPBUHAY HINDI TRABAHO 

Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang buhay.


Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera kundi
para ito sa buhay na hinahanap nya.  Ang kanyang
pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng kanyang
pagpapagal. Ito rin ang mga gamit nya upang
matulungan siyang mahanap ang kanyang buhay.  Ang
mga gamit at yamang pinagbabahaginan ay hindi
iniipon para higit na palakihin lamang ang yaman.
Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga layunin ng
tao.
NAIPAKIKILALA NG TAO ANG
SARILI SA KANYANG PAGGAWA
Ang buhay ng tao ay isang
pagsisikap na ipakilala ang sarili.
Hindi ang yaman, hindi ang mga
gamit na mayroon o wala siya ang
humuhubog sa tao.  Ang tunay na
mayaman ay ang taong nakikilala
ang sarili sa bunga ng kanyang
paggawa.
“Ekonomiya” galing sa mga griyegong salita
na “oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala)
 Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng
pamamahala sa bahay. May sapat na budget
ang namamahay. Kailangan itong
pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang
makapamuhay nang mahusay ang mga tao
sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang
kanilang buhay sa bahay at upang maging
tahanan ang bahay.
LIPUNANG PANG-
EKONOMIYA
Ang lipunang pang-
ekonomiya ay pagsisikap na
pangasiwaan ang mga
yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao.
PATAS. Ito ay ang mga pagkilos na
masiguro na ang bawat bahay ay magiging
tahanan.  Pinapangunahan ito ng estado na
tumitiyak na maayos ang pangangasiwa at
patas ang pamamahagi ng yaman ng
bayan.  Sinisikap gawin ng estado na
magin patas para sa nagkakaiba-ibang tao
ang mga pagkakataon upang malikha ng
bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-
kanilang tunguhin at kakayahan.
Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga
tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-
unlad ng bansa.  Kung maunlad ang bansa, higit
na mamumuhunan ang mga may kapital na syang
lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga
tao – pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi
pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang
pamumuhay.  Sa lipunang pang-ekonomiya,
ginagawa ng mga tao na malaking tahanan ang
bansa – isang tunay na tahanan kung saan
maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik,
pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang
mahanap ang kanilang mga buhay.
SCAFFOLD ACTIVITY 2.1
Panuto:
Panuorin ang GMA News TV segment na Kape at Balita na
may titulong
“Ekonomiya ng Pilipinas
, itinuturing na 'Best Performing in Asia' ng Phil. Chamber of
Commerce .https://www.youtube.com/watch?v=KZAypzf8Y40

sagutin at isulat sa isang short bond paper ang mga gabay


na tanong:
1. Ano-ano ang mga bagay na nakatulong sa pag-angat
ng ekonomiya ng pilipinas?
2. Ano ang maaari mong magawa o plano upang makatulong
sa pag-unlad na ito sapamamaraan na kaya mo sa ngayon?
3. Paano pinauunlad ng gawaing pagpaplano ang buhay ng
isang tao?
WRITTEN ACTIVITY
Tayahin ang Iyong Pag-unawa

1. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?


2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng
bayan kaysa sa pantayna pamamahagi?
3. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanap-buhay?
4. Ano ang tamang-ugnayan ng tao sa kanyang pag-aari?
5. Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang
Ekonomiya?
WRITTEN ACTIVITY
Tayahin ang Iyong Pag-unawa

1. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?


2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng
bayan kaysa sa pantayna pamamahagi?
3. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanap-buhay?
4. Ano ang tamang-ugnayan ng tao sa kanyang pag-aari?
5. Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang
Ekonomiya?

You might also like