You are on page 1of 16

Department of Education

9 National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid,
at Wastong Pamamahala sa Naimpok

May-akda: Jocelyn E. Javellana

Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan


Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda upang mapalalim ang iyong pag-unawa sa
araling ito. Inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa batay sa sumusunod na kompetinsi:
● Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa,
nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok

● Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon


sa pamantayan at may motibasyon sa paggawa

Subukin
Handa ka na ba? Subukin muna ang iyong sarili na sagutan ang mga
katanungan sa ibaba.

Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na talata. Piliin at isulat


sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A. Pagreretiro D. Emergency Fund

B. Francisco Colayco E. Maslow

C. Pagpupunyagi F. Pagtitipid

_______1. Ang _______________ _ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na


gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.

_______2. Ang ______________ay pagtitiyaga na maabot o makuha ang mithiin o


layunin sa buhay na kalakip na pagtitiis at determinasyon.

_______3. Isinigawa ni _____________ ang teorya “The hierarchy of needs,” na ang pera
ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay
lalo na sa kahirapan.

_______4. Sinasabi ni____________________na kinakailangan na tratuhin ang pag-


iimpok na isang obligasyon at hindi opsiyonal. Simulan hanggat maaga pa
sapagkat ito ang makapagbibigay ng magandang buhay.

_______5. Ang ________________ ay isa sa dahilan kung bakit kailangan mag-impok


ang isang tao lalo na’t hindi sa lahat ng oras ay malakas ang tao upang
magtrabaho.
Aralin Mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi

1 sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang


naimpok

Pagmasdan ang larawan.

Ang bawat paggising sa umaga ay nagpapakita lamang ng kasipagan. Handang ialay


ang sarili na gumawa ng panibagong natatanging gawain. Kasabay nito ang
pagtitiyaga na tapusin ang anumang nakaatang na tungkilin. Ikaw ba ay masipag at
nagpupunyagi sa iyong ginagawa? Kung oo, mabuti, ipagpatuloy mo lang yan. Paano
kung ang isang tao ay hindi magtataglay ng ganitong katangian, ano kaya ang
mangyayari sa kaniyang buhay?

Layunin ng araling ito na mas lalo kang bigyang sapat na pagkaunawa sa mga
katangian na dapat taglayin ng isang mangagagawa. Sa pamamagitan nito,
matutulungan ka hindi lamang upang mapaunlad ang iyong sarili kundi upang
mapaunlad ang bansa na iyong kinabibilangan at mula rito ay masasagot mo ang
mahalagang tanong na: Bakit mahalaga ang kasipagan, pagpupunyagi, Pagtitipid at
Wastong Pamamahala sa Naimpok?

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng
Edukasyon, 2015), 162

Handa ka na ba? Magsimula ka na sa balikan.

Balikan
Sa nakaraang modyul ay napag-aralan mo na ang oras ay ipinagkaloob ng
Diyos sa tao. Tayo ay ginawang katiwala ng may-ari ng lahat ng bagay. Isa na rito
ang oras. Bilang katiwala, tinawag tayo na gamitin ang oras ng may pananagutan
sapagkat hindi na ito maibabalik kailanman. Ika nga “TIME IS GOLD.” Gamitin ang
oras nang maayos sa ating paggawa para sa kabutihan ng lahat.

Dahil sa oras ang lahat ng ating ginagawa ay may katumbas na iskedyul. May
oras para sa sarili, sa pamilya, may oras para sa pag-aaral, oras sa paglilingkod sa
kapwa, oras para sa paglilibang at pamamahinga, at oras para sa ating ugnayan sa
Diyos.

Ngayon, ikaw naman. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Paano mo pinahahalagahan ang iyong oras? Ipaliwanang. Isulat ang iyong sagot sa
iyong journal.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Tuklasin
Basahin ang pag-uusap ng magpinsan. Pagkatapos sagutin ang mga katanungan
sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Kamusta Jim? Alam mo ba kagabi Kahapon ko pa pinasa kay


pinagtiyagaan ko talagang matapos ma’am insan. Ako rin! natutuwa
ako kasi nakakuha ng mataas
ang proyekto natin sa ESP. Ang galing
na score. Ginamitan ko ng
kasi nakakuha ako ng mataas na
recycled materials para
score. Tapos yong “Ipon piso makatipid. Sabi nga ni ma’am
challenge” na pinapagawa sa atin ni napaka-creative daw ang
ma’am, alam mo bang umabot ng pagkagawa. Yon namang piso
5k? Hahaha! tuwang tuwa ako noong challenge pareho tayo binigay
binilang ko. Ayon binigay ko kay ko kay mama. Halika, nagbaon
nanay pangdagdag gastos sa bahay. ako ng snack gawa ni mama.

Mga tanong:
1. Anong katangian mayroon ang magpinsan upang matapos at maipasa nila ang
proyekto sa EsP?
__________________________________________________________________________

2. Nakitaan ba ng indikasyon si Jim ng pagiging masipag, nagpupunyagi sa paggawa,


nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok? Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________________

3. Nakitaan din ba ng indikasyon ang pinsang babae ni Jim ng pagiging masipag,


pagtiyatiya at pinamamahalaan ang naimpok? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________

4. Ano ang epekto nitong mga katangiang kanilang taglay sa kanilang paglaki?
_______________________________________________________________________________

5. Gaya ng magpinsan, ikaw rin ba ay isang masipag, nagtiyatiya at pinamahalaan


nang wasto ang naimpok? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________
Suriin
Anumang larangan ang ating gagawin ay kailangan natin ang kasipagan.
Kung walang sipag ang isang tao, wala siyang matatapos na gawain. Kung kaya’t
kaakibat ng sipag ay tiyaga na kung wala ang mga ito, wala siyang mararating at
walang mangyayaring pag-unlad sa kanyang buhay.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng kasipagan, pagpupunyagi at pag-iimpok?

KASIPAGAN
Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawain
na maroong kalidad. Ito ay tumtulong na malinang ang iba pang
mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang
pasensiya, katapatan, integridad, disiplina, at kahusayan na
kung saan malaki maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon
sa kaniyang gawain , sa kaniyang kapwa, at sa kaniyang
lipunan.
Pag-aralan ang tatlong palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan sa mga
sumusunod:

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.


2. Ginagawa ang Gawain nang may pagmamahal.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain.

PAGPUPUNYAGI
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maabot o makukuha
ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay kalakip ay may
kalakip na pagtitiis at kasipagan upang anumang hamon ang
dumating ay mahaharap mo ito ng may kahinahunan hanggat
hindi makakamit ang mithiin.

PAG-IIMPOK
Ang pag-iimpok ay paraan uapng makapag save o
makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon. Ayon sa Teorya ni
Maslow, "The Hierarchy of Neeeds" ang pera ay makatutulong sa
tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na
sa hinaharap. Kung kaya 't dapat dapat pahalagahan ang ating
mga naipon. Sapagkat hindi napupulot ang pera sa kung saan-
saan. Ang pera ay pinagpaguran upang kitain ito. Kaya
kailangan na gastusin ito sa tama upang huwag ito mawala.
Ayon sa isang financial expert na si Francisco Colayco, kinakailangan na
tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi opsiyonal. Kaya pag-aralan
ang kanyang pahayag ukol sa tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok
ang tao.
1. Proteksiyon sa buhay
Maraming mga hindi inaasahan na maaring mangyari sa buhay ng tao
tulad na lamang ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng trabaho,o
pagkabaldado. Kailangan na ang tao ay nakahanda at mayroong magagamit na
emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon mula
dito.
2. Hngarin sa buhay

Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay na mabigyan ng magandang


edukasyon, magkaroon ng sariling bahay, at magkaroon ng maayos na
pamumuhay. Mahalagang matamo ito bilang bahagi ng ating kaganapan sa buhay.

3. Pagreretiro

Mahalagang mag-ipon din para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng


oras ay kakayanin pa ang magtrabaho. Darating din sa kasukdulan ang buhay
ng tao na siya ay magiging matanda at mahina at hindi kakayanin pa na
magbanat ng buto.
Ano naman ang kahulugan ng pagtitipid?

Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Ang pagtitipid ay hindi paggagasta


ng pera nang walang saysay. Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong
ginawang pagsisikap at pagtitiyaga. Dapat mo ding maunawaan na kailangan na
maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung ano ang meron ka. Ito
ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.

Laging tandaan, nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao


kung hindi niya napapamahalaan nang wasto ang kaniyang mga pinaghirapan. Kaya
nga, kung ang isang tao ay magtitipid ay mapamamahalaan niya nang tama ang
kaniyang mga naimpok.

Pagyamanin
Piliin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa iyong journal.

HANAY A HANAY B

___1. Matutong makuntento at umiwas sa a. Pagpupunyagi


paggasta ng pera nang walang saysay.
b. Maslow
___2. Ang pagsisikap na gawin o tapusin ang
isang gawain na may kalidad. c. Francisco Colayco
d. Pagtitipid
___3. Ang paraan na makapag-ipon ng salapi
upang may magamit kung kailangan e. Kasipagan
takdang panahon.
f. Pag-iimpok
___4. Ayon sa kanyang teorya “The Hierarchy of
Neeeds" ang pera ay makakatulong sa tao upang maramdaman ang kaniyang
seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
___5. Ang pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kinahunan at hindi
nagrereklamo.

Isaisip
Mahalaga na habang bata pa ay taglay mo na ang pagiging masipag, matiyaga,
pagtitipid at may sapat na kakayahan upang pangasiwaan ang anumang naimpok.
Kung taglay mo ang mga ito ay tiyak kakayanin mong harapin ang mga dumating
na pagsubok. Ito ay may magandang maidudulot sa iyong kinabukasan at
hinaharap.

O, marami ka ng napulot na aral. Ipagpatuloy ang iyong pag-unlad sa


pamamagitan ng pagsagot sa inihandang gawain.

Tingnan ang kahon sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ✔ ) ang kolum kung ito ay iyong
dapat ipamalas at ekis ( X ) kung hindi dapat ipamalas.

Sitwasyon Dapat Hindi dapat


ipamalas ipamalas

1. Sinisiguro na may kalidad ang natapos na gawain.

2. Hindi nagpapatalo sa anumang pagsubok at


pagod upang matapos ang gawain.

3. Mahusay na natapos ang isang gawain sa


itinakdang oras

4. Sumakay ng traysikel kahit malapit lang naman


ang pupuntahan.

5. Ibinibigay ang buong husay sa mga bawat gawain.

6. Inuubos ang oras sa paglalaro ng online games


kesa unahin ang mahalagang gawain gaya ng
pagsagot ng modyuls.

7. Nakatala ang mga mahahalagang gagawin upang


hindi makaligtaan.

8. Nililinang ang kakayahan sa pamamagitan ng


magdamag ng pag facebook.

9. Ginagamit ang regular na load sa pag access ng


internet imbes na ipa register sa mga promos na
ini-offer.

10. Bukal sa loob na gampanan ang isang gawain


at hindi na kailangang utusan pa ng magulang o
mas nakatatanda.
Isagawa
Punan ang tsart. Magbigay ng dalawang halimbawa na ikaw ay nagpapakita ng
mga sumusunod na katangian sa bawat kolum.

Wastong
Kasipagan Pagtitiyaga pamamahala sa Pagtitipid
naimpok

Tayahin
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Bilugan ang pangalan ng tao sa
sitwasyon ang nagpapamalas ng pigiging masipag, pagpupunyagi, pagtitipid at
pamamahala ng wasto sa naimpok?

1. Napagdesisyonan ni Aling Minda na ihulog ang kaunting naipon na pera sa isang


bangko upang mapalago ang kanyang pera.

2. Hindi alintana ni Mikoy ang kanyang kapansanan sa kaliwang paa upang


ipagpatuloy ang kanyang pagsali sa isang marathon sa susunod na buwan.

3. Madalas nag-online shopping si Nihan kahit hindi naman niya ito kailangan kaya
pati ang kanyang naipon ay nagagamit niya.

4. Tuwing namamalengke si Sally ay naglalakad na lamang ito dahil hindi naman


kalayuan ang pamilihan ng kanilang lugar.

5. Ugali na ni France ang paglalaro ng kanyang cellphone habang nakabukas ang


kanilang telebisyon rason nito nakikinig na man daw siya sa tv habang naglalaro.

Karagdagang Gawain

Ano ang mahalagang konsepto ang hindi mo makakalimutan sa araling ito?


Ipaliwanag sa tatlong pangungusap sa iyong journal.
Aralin Paggawa ng Dyornal ng mga Gawaing Natapos

2
Ayon sa Pamantayan at may Motibasyon sa
Paggawa

Ikaw ba ay mahilig magsulat? Yong tipong


lahat ng plano mong gawin ay itala sa isang papel.
Gaya ng bata sa larawan, sinusulat ang kanyang
nararamdaman, naiisip at nangyayari sa kanyang
buhay. Alam mo ba sa ganitong paraan ay sinasanay
mo na ang iyong sarili na magkaroon ka nang
malinaw na pag-iisip at pokus sa kung ano ang gusto
mong layunin, maabot o mithiin sa buhay?

Balikan

Kompletuhin ang konsepto o ideya na nasa ibaba sa pamamagitan ng


pagsulat o pagbigay ng sariling pagkaunawa sa mga ito. Gawin ito sa iyong journal.

1. Kaya ang tao ay nagtitipid dahil ___________________________________________


__________________________________________________________________________________

2. Mahalaga na taglayin ng tao ang pagpupunyagi, pagtitipid at wastong


pamamahala ng naimpok ____________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ang pagiging mahusay at wastong pamamahala sa anumang naipon


ay_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tuklasin
Hanapin at bilugan ang mga sumusunod na salita sa crossword puzzle. Tao,
Kasipagan, Tiyaga, Tagumpay, Pagsubok, Karuwagan at Gawain. Pagkatapos mong
mahanap ang mga ito, ipaliwanag ang ugnayan ng mga ito sa ibaba. Gawin ito sa
iyong journal.
N N R W R T T I T

A I V M P I A I A

G D F C Y Y O L G

A W S A G I A K U

P A G S U B O K M

I A G A W A I N P

S P A G A A L P A

A G A P M A T D Y

K A T A M A R A N

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Suriin
Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita sa lahat ng oras at pagkakataon
ang iyong kasipagan sa iyong gawain. Ngunit lagi mo ring tandaan na sa isang
gawain ay tiyak na makaramdam ka ng hirap, pagod ng katawan at isipan, mga
pagsubok at mabibigat na problema ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay hindi
dapat sumuko sapagkat ang pagsuko ay karuwagan.
Pag-aralan at unawain ang mga nakasulat sa bilog. Ito ay iyong gabay upang
makabuo ng isang dyornal sa susunod na gawain.

Mga plano at
mithiin sa
buhay

Mga tagumpay
na iyong trabaho o
naipamalas sa hanapbuhay na
buhay bilang gustong
mag-aaral o makamtan
anak. DYORNA
L

paraan upang Mga natapos na


bumangon sa gawain bilang
maling desiyon isang mag-aaral
Isaalang-alang din ang mga sumusunod na salita upang mas mapagnilayan
mo pa ang iyong paggawa bilang pag-abot sa iyong mga hangarin sa buhay kung
saan ito ay tutulong upang mapaunlad ang iyong pagkatao.

Determinasyon- Ito ay ang paninindigan , tatag o tibay ng iyong layunin o hangarin


sa buhay.

Motibasyon- Ito ay mga dahilan para ikilos o kumilos sa isang partikular na paraan.
(http://en.wikipedia.org/wiki/Motivation)

Ang dalawang nabanggit na salita at ang kahulugan nito ay malaki ang


kinalaman nito sa paggawa ng tao. Ang bawat natapos na gawain ay nakikita kung
gaano ka deteminado ang tao. Kikilos ang tao na naaayon sa kanyang motibasyon
upang malinang ang kanyang pagkatao.

Ikaw ba ay matatag na tao upang maayos mong magampanan at makamtan


ang iyong hinahangad sa kasalukuyang sitwasyon?

Ano ang iyong pamatayan sa paggawa upang malinang mo ang iyong


pagkamalikhain at makapagbahagi sa iyong kapwa?

Ano-ano ang iyong mga motibasyon sa paggawa? Ito ba ay magdudulot ng


kabutihan sa iyong sarili at sa iyong kapwa?

Pagyamanin

Lapatan ng akmang salita ang nakalaang patlang upang maayos mong


mabuo ang talata.

Hindi ko makakalimutan sa panahon ng aking buhay ang


______________________. Ngayon, tinitiyak ko ang mga ___________________ ay
makatulong sa aking pag-unlad bilang tao. Sisikapin ko na ang lahat ng ito ay
________________ at makabuluhan. Kahit ang pakiramdama ko ay___________________
mananatili akong __________________ upang makamtan ang ____________________
buhay. Hindi ako magpapatalo sa ___________________ upang pagbubutihin ang lahat
ng aking ___________________. Ako ay _________________ at ____________________ sa
tamang panahon.
Isaisip
Ipagpatuloy ang mga gawain na nakapagpapaunlad sa iyo. Huwag pairalin
ang karuwagan dahil ito ay pumipigil sa iyo upang magtagumpay sa anumang
larangan na iyong tatahakin.

Sumulat ng isang pagninilay gamit ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong
journal.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang
kaalamang pumukaw sa at reyalisayon sa bawat aking gagawin upang
akin? konsepto at kaalamang ito? mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisayong ito sa
aking buhay?

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng
Edukasyon, 2015), 177

Isagawa
Gumawa ng dyornal kung saan nakapaloob ang lahat ng iyong mga nakamit
bilang isang mag-aaral, bilang isang anak, at bilang isang tao. Ipaliwanag kung ano
ang dahilan kung bakit nagawa mo ang mga ito, epekto nito sa iyong sarili at sa
ibang tao at paano ito nakatulong upang ika’y umunlad bilang isang tao. Ang mga
natalakay sa bahaging Suriin ay iyong gabay upang makabuo ng isang orihinal,
mapanlikhang dyornal.
Dagdagan ng mga guhit ito upang mas kaakit akit itong tingnan at basahin.
Ang rubriks sa ibaba ay maging batayan sa pagbuo ng iyong dyornal.
PAMANTAYAN 25 20 15 5

Nilalaman Natapos ng buong Kulang ang detalye ng Maraming kulang


husay ang dyornal. dyornal. sa detalye ng
dyornal

Pagkakaayos Maayos at Hindi masyadong Nakakalito ang


naiintindihan ang maayos ang mga isinasaad na
Walang
pagkasunod-sunod pagkasunod-sunod ng detalye sa dyornal.
nagawa
ng bawat detalye bawat detalye
ng
Pagkamalikhai Kawili-wili at at Hindi masyadong Marumi ang output
n kaakit -akit basahin kaaki-akit basahin pagkagawa.
dahil sa mga dahil sa may
dagdag na maraming bura at
ilustrations, at kulay hindi akma ang
nito. pagkulay nito.
Tayahin
Bilugan ang titik kung ang pahayag ay tama at bilugan ang titik
kung ang pahayag ay mali.

T M 1. Ang karuwagan ay pumipigil sa pag-unlad ng isang tao.

T M 2. Tinatahak ng taong may deteminasyon ang kanyang layunin sa


buhay.

T M 3. Ang pagkakaroon ng motibasyon sa buhay ay minsan nagtutulak ito


upang mapahamak ang isang tao.

T M 4. Sa pagbuo ng dyornal, tinutulungan ang tao na mahasa at lumitaw


ang kaniyang pagkamalikhain.

T M 5. Ang pagsusulat ng dyornal ay para lamang sa mga taong hindi abala


sa kanilang buhay.

Karagdagang Gawain

Ipaliwanag sa isang talata ang kaugnayan ng salawikaing ito sa iyong buhay.


“ Kapag may tiyaga, may nilaga.”
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Maikling Pagsusulit – Modyul 5


A. Basahin at unawain mabuti ang mga aytem. Piliin ang tamang letra ng
pinakatamang sagot. . Gawin ito sa iyong journal.

1. Ang isa sa palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi pag-iwas sa


anumang Gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita?
A. Tuwing nagsasagot si Nica sa kanyang modyul ay sinisigurado niyang
binasabasa ang bawat bahagi nito upang maayos niyang masagutan ang
bahaging Tayahin.
B. Laking pasasalamat ng magulang ni Ronna ang hindi na siya kailangan pang
utusan. Bukal sa kaniyang kalooban na gampanan ang gawaing bahay araw-
araw. Ginagawa niya ito upang mabawasan ang pagod ng kanyang magulang
sa paghahanapbuhay.
C. Laging bukas ang pintuan sa tahanan ni Arnold tuwing may mga kaibigan
siyang nangangailangan. Hindi naman niya ito binigo upang handugan ng
anumang tulong.
D. Masipag magtrabaho si Fel kaya ganun na lamang ibinuhos ang kanyang
atensyon at oras upang magampanan niya ito nang buong husay.
2. Ito ay pagtitiyaga na maabot ang mithiin o hangarin sa buhay na may kalakip
na katatagan o tibay ng loob sa anumang haharaping pagsubok.
A. Pagsisikap B. Determinasyon C. Pagtitiyaga D. Bukal sa loob

3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng


pagpupunyagi sa kanyang paggawa?

A. Anim na taon ng na-diagnosed si Adeline sa sakit ng polio. Ngunit hindi


ito hadlang sa kanyang natamasang tagumpay ngayon. Siya ay hinirang
bilang kauna-uahang Pilipina na nanalo sa sports na powerlifting noong
nakaraang 2000.
B. Labis na ikinatuwa ni Faye ang kanyang pagpasa sa bar exam noong
nakaraang buwan. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya sa isang law firm na
matagal na rin niyang pinangarap na pasukan.
C. Maliit lamang ang naipon ni Zaldy kung kaya’t hindi na niya itinuloy pa
ang mag-ipon muli.
D. Matalinong bata si Yasmine na gustong makatapos sa pag-aaral ngunit
sobrang kapos ang kanilang pamilya sa pera kaya minabuti niyang
kumuha ng DOST scholarship program. Hindi naman siya nabigo sa
kanyang nakuhang resulta.

4. Sino sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng pinakamahalagang paraan


ng pagtitipid?
A. Si Grace ay mahilig mag-abot ng tulong lalo sa kanyang mga kamag-
anak.
B. Mapapansin kay Floyd sa kanyang mga ginagawa at desisyon sa buhay
ang pagiging mapagkumbaba at marunong makontento.
C. Hindi tinatapon ni Leni ang kanyang pinagbanlawan. Ito ay kanyang
nilalagay sa isang balde na may takip upang magamit na pambuhos sa
palikuran.
D. Sinisigurado ni Wacky na gumamit ng baso tuwing nagsesepilyo upang
hindi masayang ang tubig at upang hindi rin lumaki ang bill sa tubig.

5. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan ng tao na mag-impok


ayon ito sa isang Financial Expert na si Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa proteksyon sa buhay
b. Para sa pagreretiro
c. Para may ipamana sa mga anak at apo
d. Para sa hangarin sa buhay

B. Ipaliwanag sa tatlong pangungusap ang kahalagahan at epekto ng paggawa


ng mga tao na nagpapamalas ng kasipagan, pagpupunyagi at pagtitipid sa
mga sumusunod na larawan.

1.
2.

3.

5. A 5. A
4. B 4. B
3. F 3. E
3, 5
2. E. 2. C
1. D 1. F 1-2, 4

Pagyamanin Subukin Tayahin


ARALIN 1 ARALIN 2

Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa


Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 162-177

( http://en.wikipedia.org/wiki/Motivation)

http://clipart-library.com/clipart/428120.htm

http://clipart-library.com/clipart/8izKb7yLT.htm
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jocelyn E. Javellana (Guro, Parang High School)

Mga Tagasuri: Flerida D. Venzon (Guro, Jesus Dela Peña NHS)


Leilani N. Villanueva (Superbisor sa EsP)

Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like