You are on page 1of 28

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Modyul 7:
Ang Paggawa bilang Paglilingkod at
Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
Gawain # 1: Learning Together

Panuto:
Ang bawat pangkat ay magbabahagi ng
kanilang mga kasagutang nakalap sa tanong na:

Bakit Kailangang
maghanapbuhay ng tao?
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong nabuong


opinyon ukol sa lumalabas na
pangunahing dahilan na
ibinibigay ng mga mag-aaral sa
paghahanapbuhay?
2. Tama ba ang kanilang katwiran
o hindi? Pangatwiranan.
Gawain #2: Role Play

Pangkatang Gawain:
Ang bawat pangkat ay magsasadula ng iba’t-
ibang uri ng gawain ng mga ss: langgam, ibon,
kalabaw, at tao.
Unang Pangkat: Langgan
Ikalawang Pangkat: Ibon
Ikatlong Pangkat: Kalabaw
Ikaapat na Pangkat: Tao
Ayon sa aklat na “Work : The Channel of Values
Education”,

Ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao.

Maari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng


bahay.

Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning


makatugon sa pangangailangan ng kapwa. Kung tayo
ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos
lamang katulad ng hayop o makina.
Tao lamang ang may kakayahan sa
paggawa.

Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang


tao para sa paggawa (Institute for
Development Education, 1991).

isang gawain ng tao na nangangailangan ng


orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain; at
ang produkto nito, materyal man o hindi ay
magbubunga ng pagbabago sa anomang
bagay
Gawain #3: Picture Analysis

Panuto: suriin ang mga larawang ipinapakita


Ang Mga Layunin ng Paggawa

1. upang kitain ng tao


ang salapi na kaniyang
kailangan upang matugunan
ang kaniyang mga pangunahing
pangangailangan.
2. Upang makibahagi sa patuloy na
pag-angat at pagbabago ng agham at
teknolohiya.
3. Upang maiangat ang kultura at
moralidad ng lipunang kinabibilangan.
Ang paggawa ay
mayroong panlipunang
aspekto at hindi
kailangang ihiwalay
ang pananagutan ng
tao para sa pag-angat
ng kultura at moralidad
ng lipunang ating
kinabibilangan
4. Upang tulungan ang
mga nangangailangan .
5. Upang higit na magkaroon ng
kabuluhan(meaning) ang pag-iaral
ng tao.
Ang buhay na walang
patutunguhan ay walang
katuturan at ang
paggawa ang
nagbibigay ng katuturan
dito.
Kailangang ibigay ng tao ang
lahat ng kaniyang makakaya
sa paggawa upang kaniyang
matamasa ang bunga ng
kaniyang pinagpaguran.
Nakalulungkot na may mga
taong tinitingnan ang
paggawa bilang tunguhin
(goal) at hindi daan (means)
sa pagkamit ng tunguhin
Ang pagbibigay ng iyong
lahat ng panahon at pagod
sa paggawa ay hindi dapat
nagwawaglit sa pag-aalay
nito para sa kapurihan
ng Diyos. kaligayahan na
siyang pinakahuling
tunguhin ng tao.
Gawain # 4: Video Analysis

Panuto:
Suriing mabuti ang episode ng tadhana.
Humanda sa pagbabahagi sa klase ng inyong mga
nasuri.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang inyong naramdaman habang


pinapanood ang video?
2. Anu-ano ang mga angtutulak sa isang Pilipino
na magtrabaho sa ibang bansa?
3. Gumawa ng buble map / concept web na
nagpapakita ng konsepto sa paggawa
SUBHETO AT OBHETO NG PAGGAWA

• Ang obheto ng
paggawa ay ang
kalipunan ng mga
gawain, resources,
instrumento, at
teknolohiya na
ginagamit ng tao
upang makalikha ng
mga produkto.
Nilikha ang teknolohiya upang gawing
perpekto ang gawain ng tao.
•Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang tao sa
paglikha ng mga teknolohiya na patuloy na
makatutulong upang mas maging madali
ang paggawa para sa tao.
•Ang teknolohiya ay kakampi ng tao.
• Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito,
unti-unti ng nagiging “kaaway” ng tao ang
teknolohiya, nawawalan na ng malawak
na kontribusyon ang tao sa paggawa,
hindi na niya nararamdaman ang kasiyahan at
hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging
malikhain.
• Mahalaga ito upang patuloy na
maramdaman ng tao ang kaniyang
halaga sa proseso ng paggawa.
Ang pagdami ng mga teknolohiya
sa paggawa ang siyang umaagaw
sa tao sa kaniyang trabaho.
• Lumalabas na ang tao na ang
nagiging alipin ng teknolohiya.
• Tunay na ang pag-unlad ng
teknolohiya ang isa sa palatandaan
ng pag-unlad ng ekonomiya ng
isang bansa ngunit sa wari ay
nakaliligtaan na unti-unting
nailalayo sa tao ang kaniyang tunay
na esensya sa mundo – ang
paggawa na daan tungo sa
1.pagbuo ng tao ng kaniyang
pagkakakilanlan at kakaniyahan
2.pagkamit ng kaganapang pansarili
at
3. pagtulong sa kapwa upang
makamit ang kaniyang kaganapan.
Ang tao lamang ang may kakayahan na
kumilos bunga ng proseso ng kaniyang pag-
iisip; siya ang may kakayahan na magpasya para
sa kaniyang sarili at may kakayahan na kilalanin
nang lubusan ang kaniyang sarili. Nasa kaniya
ang kakayahan na gumawa at gumanap ng iba’t
ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa.
Samakatwid, maituturing na ang subheto
ng paggawa ay ang tao.
Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang
gumawa, ngunit binibigyang-diin na ang
paggawa ay para sa tao at hindi ang tao
para sa paggawa.
Hindi maaaring ituring ang tao bilang
isang kasangkapan na kinakailangan para
mapagyaman ang paggawa; bagkus,
kailangan niya ang paggawa upang
makamit niya ang kaniyang kaganapan.
Ang tunay na halaga ng tao ay
nakabatay sa kung paano niya
pinagsisikapang hubugin ang
kaniyang mabuting pagkatao.
Hindi ito nakabatay sa anomang
pag-aari o yaman. Mahalagang
iyong tandaan na ang paggawa ay
higit pa sa pagkita lamang ng
salapi; ang tunay na
pinakamataas na layunin ng
paggawa ay ang pagkamit ng
kaganapan bilang tao.
GAWAIN #5: REPORTERS’ NOTEBOOK

Journal Making:
Pagsulat ng bawat
magaaral sa kanilang
journal kung paano nila
maisasabuhay ang
pagkakaroon ng dignidad
sa paggawa.

You might also like