You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Mga Gawaing Pampagkatuto para sa


Mag-aaral
Edukasyon sa sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan - Linggo 4
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
1
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Learners’ Activity Sheet
Unang Markahan, Linggo 4: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Development Team of the Learners Activity Sheets


Writer/s: Jesselly C. Vales
Editor/s: Leonora G. Tabangcora, Gloria E. Bante, Cheryl Masalta, Lyn B. Tolentino
Illustrator:
Layout
Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Soroysoroy, PDO
Management Team: Minerva T. Albis
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Leonora G.
Tabangcora
Zandro T. Saturinas
Marilou P. Curugan

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Unang Markahan, Linggo 4
Gawaing Pampagkatuto Blg. 4
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa

Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksyon: ___________


Guro: ___________________________________ Petsa; _________________________
Paaralan: _______________________________ Iskor: ________________________

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

 Napatutunayan na: a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya


makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o
organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural, at pangkapayapaan. b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity,
mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat
na nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng
pamayanan. c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na
mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng
kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pagunlad ng lipunan
(Prinsipyo ng Pagkakaisa; (EsP9PL-Id2.3)
 Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay),
at lipunan/bansa. (EsP9PL-Id2.4)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang lipunan ay hindi pinatatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ang


taumbayan, gawin ang kayang gawin ng bawat isa at ibahagi ang bunga ng paggawa sa
bayan.

Hindi mula sa “itaas” patungo sa “baba” ang prinsipyo ng mahusay na


pamamahala. Kailangan ang pakikipagtalaban ng nasa “itaas” sa mga nasa “ibaba.”
Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang pinamumunuan
naman ay susumunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang
Prinsipyo ng pagbabalikatan (Subsidiarity) at Pagkakaisa (Solidarity)

Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na


magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang
hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng
pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino. Hindi panghihimasukan ng
mga lider ng pamahalaan kung paano mapauunlad ng mga mamamayan ang kanilang
sarili.

3
Prinsipyo ng Pagkakaisa (Solidarity), tungkulin ng mga mamamayan ang
magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang
makapagtulungan ang mga mamamayan.

Kung ang bawat isa ay may damdamin para sa kabutihang panlahat, kaya nito na
makiayon sa iba na may kaparehong adhikain.

Isang halimbawa nito ang samahan ng mga gansang ibon. Ipinapakita nito ang
pagtutulungan upang matamo ang pagkakaisa tungo sa pagkamit ng ninanais. Isang
pagtutulungan na binubuo ng pagkakaisa hindi lamang sa kaligayahan pati na rin sa
kagipitan. Ito ay nagpapahayag na ang tagumay at pag-unlad ng isang lipunan ay
matatamo lamang sa pagbahagi ng bawat isa upang maging mas malakas ang boses at
matibay ang pagkakatayo nito. Anumang pagsisikap kapag nag-iisa ay hindi
makakapantay sa pangkalahatang pagkilos

Lipunang Pulitikal - Proseso ng Paghahanap sa Kabutihang Panlahat

Sa unang talumpati ng Pangulong Benigno Aquino, Jr. pagkatapos niyang


manumpa bilang pangulo ng bansa, sinabi niyang “Kayo (ang taumbayan) ang boss ko!”
Taliwas ito sa nakasanayang pangingibabaw ng mga pinuno sa lipunan. Hudyat ito ng
pagbabago sa pagtingin sa pamahalaan bilang nasa itaas at ang mamamayan ang nasa
ibaba. Inilagay ang mga mamamayan sa pedestal; ang pangulo ang maglilingkod sa
kanila. Subalit, hindi pa rin maaalis ang katotohanang may higit na kapangyarihan at
lawak ng pananaw ang pinuno na kailangang yukuan at pagkatiwalaan ng ordinaryong
mamamayan. Kaya’t sino talaga ang “boss”?

Kapuwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan. Tulad ng isang barkada, walang
sinuman ang nangunguna. Totoo, may mas bibo at may hindi aktibo, ngunit kapuwa
silang nag-uugnayan sa loob ng barkada. Sa Lipunang Pampulitika ang ideal ay
mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga
personalidad ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang kabutihang panlahat, ang pag-unlad
ng bawat isa. Ang modelo ay ang relasyon ng magkakabarkada. Walang "boss" sa
barkada. Hindi ang pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin naman ang iilan. "Boss" ng
bayan ang pinuno— magtitiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil may
nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat.
"Boss" naman ng pinuno ang taumbayan—walang gagawin ang pinuno kundi ingatan,
payabungin, at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan. Ngunit
nakasukob sila sa kaisa-isang kabutihang panlahat na nakikita at natutupad sa
kanilang pag-uusap at pagtutulungan.

Ang Lipunang Pampulitika ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang


panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang
layuning ito. Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat—ang pag-iingat sa
ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.

4
III. Pinatnubayang Pagsasanay

Gawain 1: Itala Mo! Mahalaga Ito! Pansinin Mo!


____________ ____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________ ____________
Panuto: Itala mo ang mga bagay o gawain ____________
____________ na ibinabahagi mo sa mga sumusunod:
____________ ____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________ ____________
PAARALA BARANG
____________
PAMILYA ____________ ____________ BANSA
____________
N AY
_____ _____ _____ _____

Ano ang napatunayan mo sa iyong sarili pagkatapos mo itong


sagutan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________________________________________

file://source/pasay/Grade9-week-4.pdf

Gawain 2: KASABIHAN: MULAT SA KATOTOHANAN!

Panuto: Basahin at suriin ang pahayag. Ipaliwanag ang kasabihang ito at iugnay
sa Prinsipyo ng Subsidiarity. Gawing gabay ang tanong sa
ibaba.

Mula sa pahayag, paano nais


“Huwag mo silang bigyan ng makatulong ng pamahalaan
isda, bagkus ay turuan mo pagdating sa Prinsipyo ng
silang manghuli ng isda.” Subsidiarity? Maaaring
-Chinese Proverb magbigay ng halimbawa
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________

5
Gawain 3: Ipakita ang Saluobin!

Panuto: Ang mga sumusunod ay mga naging programa ng pamahalaan sa


pagtugon sa panahon ng pandemiya. Iguhit mo ang  kung ito ay nagtagumpay at 
kung ito ay hindi nagtagumpay. Ilahad sa bawat programa kung bakit ito nagtagumpay
at hindi nagtagumpay.

PROGRAMA NG SALOOBIN DAHILAN KUNG BAKIT ITO


PAMAHALAAN NAGTAGUMPAY O HINDI
/ NAGTAGUMPAY
Social Amelioration
Program
(SAP)
Enhanced Community
Quarantine (ECQ)

Balik Probinsiya, Bagong


Pag-asa (BP2) Program

IV. Pang-isang Pagsasanay

Gawain 1: Programa, Yugto sa Pagpaplano!


Panuto: Pumili lamang ng isang programa ng pamahalaan. Mula sa programang
ito, bumuo kayo ng pinahusay na plano/programa (enhanced plan/program) upang ito
ay magtagumpay

Enhanced Plan/Program:
___________________________________________________________________________
Maaaring Output

________________________
Layunin/Petsa

Mga Hakbang

________________________
1. 1.
________________________
2. 2.
________________________
3. 3.
________________________
4. 4.
________________________
5. 5.
________________________
________________________

6
Gawain 2: Tayahin ang iyong Pag – unawa!

Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. Ano ang naunawaan mo sa iyong
binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang
sumusunod na tanong:

1. May mga pangangailangan ba ang isang tao na hindi niya makakamtan bilang
indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat
tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan?
2. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, napapanatili ba ang pagkukusa,
kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at
maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan? Bakit?
3. Bakit kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti
ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapa?
4. Paano umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o
nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa?

V. Pagkikilatis

Panuto: Ang mga nakatala ay ang mga hakbang upang maibahagi ang pakikiisa
sa panahon ng pandemiya. Lagyan ng puso ang hanay na sa palagay mo ay
ginagawa mo.

Mga Indikasyon ng Pakikiisa

1. Pagsusuot ng face mask lalo na sa mga


pampublikong lugar.

2. Pagpapanatili ng physical distancing kahit saan


man magpunta.

3. Pagsunod sa panawagan ng pamahalaan hinggil


sa curfew o Enhanced Community Quarantine
(ECQ).
4. Pinanatili ang kalinisan sa kapaligiran o pagtapon
ng sariling basura sa tamang tapunan.

5. Pagtulong sa lipunan upang sawatain ang mga


nagmamalabis sa kapangyarihan sa mga
simpleng paraan.

7
Mga tanong:
1. Bakit mahalagang pagtuonan ng pansin ang mga suliraning ito?
2. Bakit hadlang ang mga ito sa pagkakamit ng pagkakaisa at kaunlaran ng
bansa? Pangatwiranan.
3. Paano nakakatulong ang sama-samang paggawa sa paglutas ng mga
suliraning

VI. Ebalwasyon

Panuto: Sa unang hanay ay mga gawain ng mga mamamayan at mga programa ng


ating pamahalaan. Isulat sa kabilang kolum ang mga letra na kung saang prinsipyo ito
nabibilang.

Mga Gawain at Programa Mga Prinsipyo


A. Pagbibigay ng Social Amelioration Program PRINSIPYO NG
(SAP). SUBSIDIARITY
B. Pagbabayad ng tamang buwis.
C. Pagsusuri at pagpili sa mabuting pinuno
ng bansa. 1.
D. Pamamahagi ng relief goods sa panahon
ng sakuna. 2.
E. Libreng gamot at bakuna sa Barangay
3.
Health Center.
F. Pagsunod sa mga batas at mga polisiya 4.
ng bansa.
G. Pag-iwas sa pagiging makasarili o sakim 5.
at anumang mayroon ka ay ibinabahagi
mo sa iba.
H. Pagbabalik sa mga naipit na manggagawa
sa pamamagitan ng Balik Probinsiya,
Bagong Pag-asa (BP2) Program. PRINSIPYO NG
I. Pagdalo sa mga pagpupulong sa PAGKAKAISA
pamayanan at pagsisikap na makipag- (SOLIDARITY)
ugnayan upang maisagawa ang mga
proyektong may kaugnayan sa 6.
pagpapabuti ng lipunan.
J. Libreng matrikula sa mga pampublikong 7.
pamantasan o unibersidad tulad ng 8.
Polytechnic University of the Phils. (PUP) at
iba pa. 9.

10.

8
VII. Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang salaysay o pangungusap gabay ang pormat sa ibaba.


Gawin ito sa journal.

Ano-anong hakbang ang


Ano - ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa aking gagawin upang
kaalamang pumukaw sa at reyalisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
akin? konsepto at kaalamang ito? unawa at reyalisasyong ito
sa aking buhay?

Prinsipyo ng Subsidiarity

Prinsipyo ng Pagkakaisa

9
VIII. Susi sa pagwawasto

Pinatnubayang Gawain
Pagkikilatis
Gawain 1
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
Ebalwasyon
Gawain 2
1. A 6. B
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
2. D 7. C
Gawain 3
3. E 8. F
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
4. H 9. G
Pang-isahang Pagsasanay
5. J 10. I
Gawain 1
Karagdagang Gawain
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
Gawain 2

(ang sagot ay maaaring magkakaiba)

10
IX. Mga Sanggunian:

Mga Aklat:

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 2 Pahina 21 - 32

Mga Mudyol

 Pasay ESP 9 Learning Materials, ESP 9 Learners Modules,

Learning Module Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN


XII

Alternative Delivery Mode - Learning ModuleKagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA


Region - Sangay ng Palawan

Website:

https://www.slideshare.net/geneferbuizon/esp-9-modyul-2-layunin-ng-lipunan-
kabutihang-panlahat

https://www.google.com/search?q=Lipunang+Politikal
%2C+Prinsipyo+ng+Subsidiarity+at+Prinsipyo+ng+Pagkakaisa&oq=Lipunang+Politikal
%2C+PrinsipyO

11
Writer/s: Jesselly C. Vales
School/ Station:
Division: Schools Division of Agusan del Sur

For inquiries or feedback, please write or


call:
Department of Education- Agusan del Sur

depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

12

You might also like