You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Mga Gawaing Pampagkatuto


para sa Mag-aaral
Edukasyon sa sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan-Linggo 5
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at
Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph

1
(085) 839-5456

2
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Learners’ Activity Sheet
Ikalawang Markahan, Linggo 5 Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng
Dignidad ng Tao
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Development Team of the Learners Activity Sheets


Writer/s: Febe M. Rivera, Genisis L. Abila, Glorina A. Omallao
Editor/s: Leonora G. Tabangcora, Gloria E. Bante, Cheryl Masalta, Lyn B. Tolentino
Illustrator:
Layout Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Soroysoroy, PDO
Management Team: Minerva T. Albis
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Leonora G. Tabangcora
Zandro T. Saturinas
Marilou P. Curugan

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456

3
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Ikalawang Markahan, Linggo 5
Gawaing Pampagkatuto Blg. 5
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng
Dignidad ng Tao

Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksyon: ___________


Guro: _________________________________ Petsa; ________________________
Paaralan: _____________________________ Iskor: _______________________

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

 Naipaliwanag kahalagahan ng paggawa bilang tagapaguyod ng


dignidad ng tao at paglilingkod. (EsP9TT-IIe-7.1)

 Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya,


pamilya, paaralan o barangay/pamayanan ay nagtataguyod ng
dignidad ng tao at paglilingkod (EsP9TT-IIe-7.2)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ano ba ang kahulugan ng paggawa? Bakit ba ito mahalaga para sa


isang tao? Karapat-dapat bang maunawaan ng lahat ang tunay na esensya
ng paggawa? Ang Gawaing Pampagkatutong ito ay makatutulong sa iyo
upang lubos mong maunawaan ang malalim na kahulugan ng paggawa.

Paggawa bilang Paglilingkod, at bilang Pagtataguyod


ng Dignidad ng Tao

Bilang kabataan, nagsisimula na marahil mabuo sa iyo ang pananaw


sa paggawa bilang reyalidad ng buhay: isang bagay na hindi na
matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw. Sa paglipas ng
panahon, matututuhan mo kung bakit mahalagang kilalanin ang paggawa
bilang malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na
isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan (Esteban, S.
J. 2009).

4
Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education”, ang
paggawa ay isang aktibidad ng tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng
paggawa ng bahay. Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga
nag-iisip ng patalastas para sa mga produkto at pangangailangan ng kapwa.
Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o Ito ay resulta ng pagkilos
ng tao na may layuning makatugon sa kumikilos lamang katulad ng hayop
o makina. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay
para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa.
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng
orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal
man o hindi ay magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay. Halimbawa,
ang isang karpintero na gumawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang
saysay sa kahoy na kaniyang ginamit upang maging kapaki-pakinabang
para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang kilos ay hindi matatawag na
paggawa.

Sinabi sa panulat ni Pope John Paul II sa kaniyang akda na Laborem


Exrcens na ang paggawa ay anomang gawain - pangkaisipan man ito o
manwal, anoman ang kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao,
nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. Bilang siya ay maraming kaya
at alam na gawin. May mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya ay
katangi-tanging nilikha. Sa simula pa lamang ng paglikha sa tao, inilaan na
siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain. Nang nilikha ng Diyos
ang tao ayon sa kaniyang wangis, ipinagkatiwala Niya ang pangangalaga at
pamamahala sa lahat ng kaniyang mga nilikha. Inilaan siya upang gumawa
ng mga katangi-tanging gawain. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay,
tanging ang tao lamang ang inatasan ng mga gawaing ginagamitan ng
kaniyang talino. Hindi katulad ng mga hayop na gumagawa lamang kapag
ginagabayan o inaatasan ng tao o maaaring gumagawa lamang sila sa dikta
ng kanilang instinct upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Taliwas sa mga hayop, may malalim na layunin ang paggawa ng tao.
Patunay ito na ang kakayahan sa paggawa ang isa sa nagiging dahilan
upang tawaging katangi-tangi ang tao.

Hindi maaaring ihalintulad sa iba pang mga nilikha ng Diyos ang tao.
Hindi matatawag na paggawa ang ginagawa ng mga hayop upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Samakatwid, tao lamang
ang may kakayahan sa paggawa; sa kaniyang pag-iral, siya ay gumagawa.
At sapamamagitan ng paggawa, napatutunayan ang isa pang dahilan ng
pag-iral ng tao… ang pagiging bahagi ng isang komunindad, ang gumawa
hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa at sa
paglago nito.

5
III. Pinatnubayang Pagsasanay

Gawain 1

Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na larawan sa ibaba


a. Mga langgam na naghahakot ng pagkain
b. Isang ibong gumagawa ng pugad
c. Isang kalabaw sa bukid na ginagamit sa pag-aararo
d. Mga taong nagtatrabaho

Layunin ng Layunin ng Layunin ng


Layunin ng Ibon sa Kalabaw sa Tao sa
Langgam sa ginagawa Kanilang
ginagawa
ginagawa nito nito ginagawa
nito

Matapos ang pagsusuri ay sagutan ang mga tanong:


1. Ano ang pagkakaiba ng langgam, ibon, kalabaw, at tao sa kanilang
layunin sa ginagawa? Ipaliwanag.
2. Bakit nagkakakaiba iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga
bawat buhay na nilikha ng Diyos?
3. Sa lahat ng mga nasa larawan, sino ang may pinakamalalim na
dahilan ng Paggawa?

Gawain 2

Gawain 1:

Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod gabay ang mga tanong sa
ibaba:

6
A. C.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Langgam

https://tl.wikipedia.org/wiki
/magasasaka

B.

https://tl.wikipedia.org/wiki/gagamba

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pagkakaiba ng langgam, gagamba at mga tao sa layunin nila sa


kanilang ginagawa? Ipaliwanag.

2. Bakit nagkakaiba-iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga may


buhay na nilikha ng Diyos?

3. Sa lahat ng nabanggit, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng


paggawa? Bakit?

IV. Pang-isang Gawain

Panuto: Pumili ng isang gawain sa ibaba.

A. Unang Gawain Gumawa ng concept map tungkol sa natutunan mo


sa iyong binasa.

7
B. Ikalawang Gawain Gumawa ng infomercial na nagpapatunay na sa
pamamagitan nga paggawa ay nakakamit niya ang kaganapan ng
kanyang pagkatao

8
V. Pagkikilatis

Gawain

Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa paggawa. Gabay


na tanong:

1. Paano naipamamalas ng tao ang mga pagpapahalaga niya sa paggawa at


paglilingkod sa kapuwa at lipunan?

(Rubriks para sa Paggawa ng Sanaysay. )

2. Naiaangat ba ng mga pagpapahalagang ito ang kaganapan ng kanyang


pagkatao? Ipaliwanag
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

VI. Ebalwasyon

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang


pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nangangahulugan ng salitang


paggawa?

A. Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw


B. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng likas na pagkukusa at
pagkamalikhain
C. Isang pagkilos na hindi batay sa kaalaman
D.Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa ng may
pananagutan

2. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod,


maliban sa:

9
A. Suporta para sa pansariling pangangailangan
B. Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba
C. Mataas na tiwala sa sarili
D. Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba

3. Kailan masasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa


kapuwa, pamilya, at lipunan na kaniyang kinabibilangan?
A. Kapag iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa
B. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang
makatutulong sa kaniyang kapuwa.
C. Kapag kinakailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang
layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit

4. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan


upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang
pangungusap ay _____________.
A. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan.
B. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung
wala siyang pera.
C. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa
D. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan
ng kapuwa bago ang sarili

5. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. Sa haba ng panahon na iginugol upang malikha ang isang produkto
D. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao

10
VII. Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga tanong. (5 Puntos)

1. Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga layunin ng tao sa paggawa na


inyong naitala? Ipaliwanag.
2. Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao?
3. May kabuluhan ba ang paggawa sa lipunan? Pangatwiranan.

11
VII. Susi sa pagwawasto

Pinatnubayang Pagsasanay 2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at


pagbabago ng Agham at Teknolohiya.
Gawain 1
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang
1. Mga langgam na naghahakot ng pagkain, kinabibilangan
Ang ibon ay gumagawa ng pugad, Ang
kalabaw sa bukid ay ginagamit sa pag- 4. Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-
aararo sa taniman ng palay, at ang tao ay
iral ng tao.
nagtatrabaho para sa pamilya.
2. Ang pagkakaiba ng Gawain ng langgam,ibon,
Pagkikilatis
kalabaw,at tao ay sa pamamaraan nila sa
paggawa upang matugunan ang kanilang (Rubriks para sa Paggawa ng Sanaysay.)
pangangailangan sa buhay.
3. Piliin ang kahit ano ayong sa (Tanggapin ang ibang kasagutan)
panganagtuwiran
( Tanggapin ang ibang kasagutan) Ebalwasyon

Gawain 2 1. C
(Iba-iba ang mga kasagutan) 2. B
3. D
Pang-isang Gawain 4. A
5. D
(Mga layunin sa paggawa)
Karagdagang Gawain
1. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na (Tanggapin ang iba-ibang kasagutan)
kanyang kailangan upang matugunan ang mga
pangunahing pangangailangan.

Pamantayan sa Paggawa ng informatial

Rubriks
PAMANTAYAN PINAKAMAHUSA MAHUSAY KATAMTAMAN NANGANGAI KABUUAN
Y -LANGAN NG
ENSAYO

NILALAMAN
(50%) ✓
Malinaw na
naipapakita
ang paksang
nais talakayin
o ang kanyang
nais ibahagi
sa mga
kamag-aral

PAGIGING
MALIKHAIN
(25%) ✓
Mahusay na
naipakita ang
paggamit ng
iba’t-ibang
istratehiya
upang maging
masaya,
kaakit-akit

12
ang
infomercial na
nabuo.

GAMIT NG
WIKA AT
SALITA (25%)
✓ Angkop ang
mga salitang
ginamit

KABUUAN
(100 %)

VIII. Mga Sanggunian:

13
Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 pahina 96-108

SLM_Edukasyon sa Pagpapakatao 9-Ikalawang


Markahan Modyul 3 pahina 3-14

de Torre J.M. (1987).Social Morals

. Greenhills. Southeast Asian Science Foundation,Inc.

 de Torre J.M. (1980).

Christian Philosophy . Manila. Sinag-Tala Publishers.

 Esteban, Esther J. (2009). The Work of Children. New York.


Scepter Publishers, Inc.

Institute for Development Education, Center for Research and


Communication.(1991). Work: The Channel of Values Education. Manila.
Sinagtala Publishers,Inc.

Pontifical Council for Justice and Peace. (2004).

Compendium of the Social Doctrineof the Church.

Vatican. Libreria Editrice Vaticana Ioannes Paulus PP. II. (1981)

Laborem Exercens. Retrieved

fromhttp://www.vatican.va/holy_father/john_paul_ii/encyclicals/document
s/hf_jp-ii_enc_14091981_laborem-exercens_en.html on August 20,2011

14
Writer/s: Febe M. Rivera, Genisis L. Abila, Glorina A. Omallao
School/ Station: Agusan Del Sur National high school
Division: Schools Division of Agusan del Sur

For inquiries or feedback, please write or


call:
Department of Education- Agusan del Sur

depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

15

You might also like