You are on page 1of 37

Karapatan at

Tungkulin
Modyul 6

 Ashly Joy L. Manalili,


 Rizza Pangilinan,
 Paulyn Ocampo
1 Karapatan at
Tungkulin

2 Ano ang
Inaasahang
Maipapamalas Mo?
3 Paunang Pagtataya

4 Pagtuklas ng
Dating
Nilalaman Kaalaman
5 Paglinang ng mga
Kaalaman, Kakayahan,
at Pag-unawa
6 Pagpapalalim

Pagsasabuhay ng
7 mga Pagkatuto

Nilalaman
“With great power comes great responsibility”

 Sa Modyul 5, naunawaan mo ang kahalagahan ng Likas na Batas Moral bilang batayan ng mga
batas na binuo ng tao. Nakita mo ang kaugnayan ng pagkakatugma ng dalawang batas na ito
upang makamit ang kabutihang panlahat

Sa modyul na ito, pag-iisipan mo ang karapatan at kaakibat nitong tungkulin.


Mahalagang maunawaan mo ito upang makilala mo sa makabuuang paraan ang
tungkulin ng tao sa lipunan at ang epekto ng pagtupad o hindi pagtupad nito sa
pagbuo ng kaniyang pagkatao.
1 Mahalagang Tanong:

1.1 Ano ang dapat gawin ng tao upang


magkaroon ng tunay na kabuluhan ng
1.2 Bakit moral na gawain ang pagtupad sa
karapatan?
1.3 tungkulin?
Ano-ano ang dalawang obligasyon na
kaakibat ng karapatan ng isang tao?
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.

1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao


sa kaniyang kapuwa?

a. Karapatan
b. Isip at kilos-loob
c. Kalayaan
d. Dignidad
Paunang Pagtataya

2. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. alis sa mga


sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?

a. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang


kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga
bagay na kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng
kaniyang kapuwa na igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang
ang makagagawa ng moral na kilos.
Paunang Pagtataya

3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao hindi


gawin (o maiwasan) ang isang gawain. Alin sa
sumusunod ang hindi ibig-sabihin nito?

a. Nakasalalay ang tugkulin sa isip


b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan
d. May malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan ang
hindi pagtupad ng mga tungkulin.
Paunang Pagtataya
Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din
ng pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang sa
pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng
mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda.

4. Ano ang buod ng talata?


a. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting
mamamayan.
b. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang
magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao
c. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mga
mamayang hindi tumutupad ng tungkulin
d. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago
mahubog ang indibiwal ang sarili
Paunang Pagtataya

5. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat


ng karapatan sa buhay

a. Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na


pagkain
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa
mga batang biktima ng pang-aabuso.
c. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad
ng car racing.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa
Peru para sa mga batang kalye.
Paunang Pagtataya

Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa
Roma. Namumuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang bulsa.
Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon mula sa Social Security, naglalakad siya ng
higit sa isang milya upang ibigay ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan (tithing)

6. Anong karapatan ang ipinahayag sa talata na kaakibat


ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?

a. Karapatang sa pribadong ari-arian


b. Karapatan sa buhay
c. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay
Paunang Pagtataya

Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria,


patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo
ng Islamic State.
7.Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa
Katotohanan” (Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan?

a. Karapatang mabuhay
b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang
magkaroon ng maayos na pamumuhay.
c. Karasa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
(migrasyon)
d. Karapatan sa patas na proteksisyon ng batas
Paunang Pagtataya

Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa


kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura - ay labag sa katotohanan at isang
panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan
at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hinidi maipagtatanggol nang
may mataas na antas na determinasyon. (Pacem in Terris)

8. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?

a. Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.


b. Isang panloloko at paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa
aborsyon.
c. Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang ,ga batas at
plano na nagtataguyod ng paglabag sa karapatan sa buhay.
d. Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.
Paunang Pagtataya
 Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain.
 Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
 Maging mabuting halimbawa sa pagsasabuhay ng mga birtud.
 Pag-iwas sa eskandalo.

9. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na


nasa kahon?

a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay
Paunang Pagtataya

10. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy


na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang
antas ng pamumuhay?

a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
2 Karapatan at
Tungkulin

Kailan masasabing iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan


ipinakikita ito? Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may
pananagutan?
Karapatan bilang Kapangyarihang Moral
Ano ang karapatan?
Ang karapatan ay
pakikinabangan ng tao
ito ang kapangyarihang


lamang dahil tao lamang
moral na gawin, hawakan, ang makagagawa ng moral
pakinabangan at angkinin ang na kilos
mga bagay na kailangan ng
tao sa kaniyang estado sa
buhay.
Kaakibat sa karapatan ng
Moral ito dahil hindi isang tao ang obligasyon ng
maaaring puwersahin ng tao kaniyang kapuwa na igalang
ang kaniyang kapuwa na ito. Kapag nilabag ang
ibigay sa kaniya nang sapilitan karapatang ito, magkakaroon
o puwersahan ang mga bagay siya ng damdamin ng
na kailangan niya sa buhay. pagsisisi.
Mga Uri ng Karapatan

May anim na uri ng karapatang hindi maaalis ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989)

Karapatan:

Magtrabaho o
sa Buhay
maghanapbuhay

Ipahayag ang
sa Pribadong Ari-arian
pananampalataya

na Magpakasal Pumunta sa ibang lugar


Mga Uri ng Karapatan

May anim na uri ng karapatang hindi maaalis ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989)

Karapatan sa Buhay

 Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi
mapapakinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang
karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
Halimbawa nito ang karapatan ng fetus na ipanganak, kaya ipinagbabawal ang
sapilitang aborsiyon. Binigyang diin ito ni Papa Juan XXII sa kaniyang pahayag:
 Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng
karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura - ay labag sa
katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay, ang
pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang
karapatang personal, ay hinidi maipagtatanggol nang may mataas na antas na
determinasyon. (Pacem in Terris)
Mga Uri ng Karapatan

May anim na uri ng karapatang hindi maaalis ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989)

Karapatan sa Pribadong Ari-arian

 Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang
mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho
nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan. Sa kabilang dako,
magiging isang pang-aabuso ang karapatang ito kung naaapi o
naagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo.
Mga Uri ng Karapatan

May anim na uri ng karapatang hindi maaalis ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989)

Karapatang Magpakasal

 May karapatan ang taog bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng


kasal. Nagsimula ito noong panahon ng slavery, na kailangang humingi
ang slave ng pahintulot sa kaniyang amo upang makagpag-asawa.
Pinag-iingat din sa pag-aasawa ang mga may nakakahawang sakit o
may sakit sa isip, kahit taglay pa rin nila ang karapatang magpakasal.
Mga Uri ng Karapatan

May anim na uri ng karapatang hindi maaalis ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989)

Karapatang pumunta sa ibang lugar

 Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang


lugat na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o
ligtas sa anumang panganib, tulad ng paglikas ng mga taga-Syria
upang takasan ang kamatayan o pananakot sa kamay ng Islamic
State. Nagbibigay din ng asylum ang ibang bansa sa mga taong
pinarurusahan o binibilanggo nang walang katarungan.
Mga Uri ng Karapatan

May anim na uri ng karapatang hindi maaalis ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989)

Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya

 May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na


makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at
pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi maaaring gawing
obligasyon ang pagkakaroon o paglipat sa isang partikular na relihiyon
upang matanggap sa trabaho o maging opisyal ng pamahalaan.
Mga Uri ng Karapatan

May anim na uri ng karapatang hindi maaalis ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, 1989)

Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay

 May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng


trabaho o disenteng hanapbuhay sa mga mamamayan upang
mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. May karapatang
magtrabaho sa ibang bansa ang mamamayan kung walang
oportunidad sa kanilang bansa na mapunlad ang kanilang estado sa
buhay batay sakanilang pangangailangan.
KARAPATAN

Ilang karapatang pang-


indibidwal ang kinilala ng
Karapatang mabuhay at
encyclical na “Kapayapaan sa
Katotohanan”
01 kalayaan ang pangkatawang
panganib
Karapatan sa mga
Pacem in Terris.
02 batayangpangangailangan
upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay .
Karapatan sa malayang
03 pagpapahayag ng opiniyon at
impormasyon.

04 Karapatan sa malayang
pagpili ng relihiyon at
pagsunod sa konsensya
KARAPATAN

05 Karapatan sa pagpili ng
propesyon

06 Karapatan sa malayang
paglipat sa ibang lugar
upang manirahan.
Karapatan sa aktibong
07 pakikilahok sa mga
pampublikong gawain o
proyekto
08 Karapatan sa patas na
proteksiyon ng batas
laban sa mga paglabag ng
mga karapatang ito.
Tungkulin

3 bilang
Obligasyong
Moral
Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ano naman
ang tungkulin?
Tungkulin bilang Obligasyong
MoralIto ang ang obligasyong
moral ng tao na gawin o
Add your
hindi gawin (o iwasan)
title ang isang gawain.

ANO Kasama sa pagiging moral


ng tao ang pagtupad ng
tungkulin. Moral na
ANG
gawain ito dahil ang
TUN moral ay ang
GKU nagpapanatili ng ating
LIN
? Ang pagtalikod o hindi
buhay-pamayanan.
pagtupad ng tungkulin ay
pagsalungat sa buhay-
pamayanan na may malaking
epekto sa sarili at mga
ugnayan.
Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na
tutugon sa angkop na karapatan:

sa Karapatan sa Buhay
 May tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan at ang
kaniyang sarili sa mga panganib ng kataean at kaluluwwa. May tungkulin
siyang paunlarin ang kaniyang mga talento at kakayahan sa aspektong
pangkatawan, pangkaisipan at moral. Obligasyon ng bawat isa ang
pagpapagamot kug may sakit o pumunta sa ospital kung kailangan.
Kailangang iwasan ang mga isport na mapanganib.

 Mahalaga ang patuloy na pag-aaral o pagkuha ng kurso upang umangat ang


antas ng pamumuhay. Kailangan din ng paglinang ng mga birtud.
Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na
tutugon sa angkop na karapatan:
sa Karapatan sa Pribadong Ari-
arian

 May tungkulin ang ta na pangalagaan at palaguin ang anumang ari-


arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapwa at paunlarin ang
pamayanan. Isang halimbawa nito ang pagtulong sa mga
nasasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain,
damit, o pera, mga bagay na tunay na kailangan.
Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na
tutugon sa angkop na karapatan:
Karapatang Magpakasal

 May kaakibat na tungkulin na suportahan ang pamilya at gabayan ang


anak upang maging mabuting tao ang mga ito. Kasama rito ang
pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na
magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya at pagsasabuhay ng
mga birtud bilang isang pamilya.
Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na
tutugon sa angkop na karapatan:
Karapatang pumunta sa ibang lugar

 May tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary. Kaakibat ng


karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling
kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa. Mahalaga ang paggalang na
ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan.
Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na
tutugon sa angkop na karapatan:
Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya

 May tungkulin na igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba.


Kahit magkakaiba ang mga relihiyon, may pagkakapareho rin ang mga
ito - ang pagsamba sa isang nilalang nahigit na makapangyarihan sa
tao. Kasama sa tungkuling ito ang paggalang sa paraan sa pag-alaala sa
mga patay at ninuno.
Mga Tungkulin

May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na
tutugon sa angkop na karapatan:
Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay

 May tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa trabaho o hanap buhay


at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain. Mahalaga ang
katapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho - ibig sabihin,
nakapokus sa gawain at hindi pinalilipas ang oras ng walang ginagawa.
Kasama sa karapatang ito ang karapatang mag-alsa.
LOGO Add your
title
May 19 na artikulo (articles) ito. Narito ang unang apat na Batayang Prinsipyo ng
Sangkatauhan (Fundamental Principles for Humanity).

Artikulo 1. Artikulo 4.
Ang bawat tao, anuman ang Lahat ang tao, gamit ang kanilang isip at
kasarian, lahi, estado sa lipunan, konsensiya, ay dapat na tanggapin ang
opinyon sa mga isyung politi kal, wika, kanilang tungkulin sa bawait isa, sa mga
edad, nasyonalidad, o relihiyon ay pamilya at pamayanan lahi, bayan at
may tungkulin na pakitunguhan ang relihiyon nang may pagkakaisa: Huwag
lahat ng tao sa paraang makatao. mong gawin sa iba ang anumang ayaw mong
gawin nila sa iyo.
Artikulo 2.
Walang tao ang dapat sumuporta Artikulo 3.
sa anumang uri ng hindi makataonng Walang tao, pangkat, organisasyon,
asal, kaya ang lahat ng tao ay may bansa, army o pulisya ang dapat
tungkuling pagsumikapang mangibabawsa mabuti at masama; lahat
ay dapat sundin ang pamantayang moral.
pangalagaan ang dignidad at ti awala
Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang
sa sarili . mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng
bagay.
Repleksiyon

Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito at ang
kaniyang obligasyon na tuparin ang kaniyang mga tungkulin. Mahalaga sa bawat isa, lalo na sa
yugtong ito ng iyong kabataan, ang pagsasaloob ng mensaheng ito. Matutugunan mo ang tawag sa
pagbuo ng iyong pagkatao sa lipunan kung igagalang mo at ng kalipunan ang mga karapatan
kapuwa. Mahalagang patuloy na tayahin ang sarili kung napaunlad mo ang kaloob ng Diyos sa
pamamagitan ng pagtupad ng iyong mga tungkulin at paglilingkod.
THANKS
Karapata Tungkuli
n n

You might also like