You are on page 1of 24

MODYUL 11 :

KASIPAGAN,
PAGPUPUNYAGI,
PAGTITIPID, AT WASTONG
PAMAMAHALA SA
NAIMPOK
Bakit mahalaga ang
kasipagan, pagpupunyagi,
pagtitipid, at wastong
pamamahala sa naimpok?
Naniniwala ka ba na mahirap ang
buhay? Marahil ay madalas mong
marinig ito sa mga taong
nakapaligid sa iyo hindi ba? Ngunit
ikaw ano ang pananaw mo ukol
dito?
 Basahin ang tula upang lalo mong Ang ginhawang inaasam at
mapagnilayan ang ating aralin. bungkos na pangarapin.
Marami ang nagtuturing Hindi dapat na mahiya itong
mahirap daw itong buhay, palad ay marangal;
Araw - araw ay paggawang Pagsisikap na may tiyaga,
tila din walang humpay; kasipagan ang kakambal
Datapuwat isang pantas ang Ay sandatang
nagbadya at nagsaysay; pananggakang .... pamuksa sa
kahirapan.
“Tagumpay ay nakakamit
Paalala't paggunita sa diwa
kapag tao ay masikhay”
mo, kabataan ....
Ang sandali'y mahalaga hindi
Sa tuwina'y isaisip, sana'y
dapat na sayangin,
laging tandaan:
Kasipaga'y isagawa at itanim “Kasipaga'y ugaliin at gawin
sa damdamin; mong pamantayan
Kapag ito;y inugali walang Upang makamtan ang masaya
liwag na kakamtin at magandang kapalaran.”
Ang tulang ating binasa ay nagpapakita na ang
kasipagan ay dapat isaisip, isapuso, at isagawa
ng bawat isang nilikha. Sa kahit anong bagay o
larangan ang ating gawin kakailanganin natin ang
kasipagan. Kung walang sipag ang isang tao,
wala siyang matatapos na gawain. Kung kaya't
kaakibat ng sipag ang tiyaga na kung wala ang
mga ito, mahihirapan ang tao na makaahon sa
buhay na ito.
Ano nga ba ang
kahulugan ng
kasipagan?
Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o
tapusin ang isang gawaing mayroong kalidad, Ito ay
tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting
katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya,
katapatan, disiplina, at kahusayan na kung saan malaki ang
maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa gawain,
kapwa, at lipunan. Ang kasipagan din ay nakatutulong na
mapaunlad ang pagkatao ng isang tao. Magagamit nya ito
sa mabuting pakikitungo sa kaniyang kapwa at mula sa
kasipagan na tinataglay ay makatutulong pa sa pagpapa
unlad ng bansa at lipunang kinabibilangan.
Ilang mga palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan :
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi
nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang
kalalabasan ng kaniyang gawain. Hindi siya nagnagpapabaya, ibinibigay niya ang
kaniyang buong kakayahan, lakas, at panahon upang matapos niya ito ng buong husay.
2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal. Ang isang tao nagtataglay ng kasipagan
ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabahao. Ibinibigay ang kaniyang puso sa
kaniyang ginagawa ibig sabihin naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi lamang niya ito
ginagawa upang basta matapos lamang kundi naghahanap ng kagandahan at
perpeksyon dito.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa gawaing
nakaatang sa kanya. Ito ay ginagawa niya ng kusa, maayos at minsan ay maging
gawain ng iba ay kanyang ginagawa.Hindi na niya kailangan pang utusan bagkus siya
ay mayroong pagkukusa na gawin ang gawain na hindi naghihintay ng ano mang
kapalit.
Tunay nga na mahalaga na taglayin ng isang tao ang
kasipagan sapagkat isa itong susi sa magandang
kinabukasan. Ang pagiging masipag ay magbubunga ng
mas maraming biyaya sa mga taong magtataglay ng
ganitong katangian. Lahat ng tao ay naghahangad ng
magandang buhay. Ito ay hindi lamang para sa ating mga
sarili, kundi pati narin sa ating mga minamahal sa buhay.
Kung mas maganda o maging mas sagana ang ating
buhay mas magkakaroon pa tayo ng higit na
pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa ating
kapwa.
Mahalaga sa tao ang maging masipag upang siya
ay mayroong maabot o marating na magandang
bukas. Kung ikaw ay masipag sa iyong pag aaral ay
makapagtatapos ka . Kung ang isang empleyado ay
masipag siya ay kikita at aasenso. At kung ang isang
nilikha ng Diyos ay masipag na gumawa ng
kabutihan makakamit niya ang buhay na walang
hanggan. Laging pakakatandaan na ang kasipagan
sa paggawa ng may kabutihan ang magpapaunlad
sa ating bayan.
Tuna'y ngang bahagi ng buhay ng tao ang mga
pagsubok at problema ngunit ang mahalaga ay
huwag sumuko bagkus ay kailangan itong
magpatuloy. Ang pagpapatuloy sa gawain kahit na
ikaw ay nahihirapan, ang pagpapatuloy kahit minsan
ikaw ay nasasaktan o nagdurusa, ang pagpapatuloy
kahit maraming natatanggap na mga puna mula sa
iba, ang pagpapatuloy sa kabila ng matinding pagod
at hirap makamit mo lamang ang iyong minimithi sa
buhay ay palatandaan na ng pagpupunyagi.
Ang pagpupunyagi ay pagtityaga na maaabot o
makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito
ay may kalakip na pagtityaga, pagtitiis, kasipagan at
determinasyon. Ito ay pagtanggap sa mga hamon o
pagsubok ng may kahinahunan at hindi
nagrereklamo. Sa kabila ng ng mga balakid na
kanyang susuungin ay hindi siya dapat panghinaan
ng loob bagkus kinakailangan na magpatuloy at
maging matatag.
Pag isipan mo ito :
Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang
araw, pagkatapos ng gabi ay darating
ang umaga, at pagkatapos ng ng hirap
ay mararanasan ang ginhawa.
Ibig sabihin lamang nito ay gaano
man ang iyong pinagdaraanan na hirap
sa iyong buhay ay pagsumikapan mo
itong mabuti sapagkat darating ang
araw na malalasap mo ang kaligayahan
at tagumpay na dulot nito.
Mayroong isang ina na sa tuwing papaubos na ang
kanilang toothpaste ay pinipiga niya ito ng husto, kumukuha
pa siya ng gunting upang hatiin ang tube ng toothpaste at
simutin ng maigi ang laman nito. Para sa kaniya kahit kaunti
ang makuha niya dito ay magagamit pa niya ito sa kaniyang
pagsisipilyo. Para sa kaniya, hindi kailangan na punuin ng
maraming toothpaste amg haba ng sipilyo, para lamang
makapagsipilyo. Sa tuwing siya ay pupunta ng palengke ay
sinisiguro niya na umaalis siya ng maaga at naglalakad na
lamang imbes na sumakay ng tricycle mula sa kanilang
bahay.
Ayon sa kanya makatutulong ang paglalakad sa kanyang
kalusugan at ang pera na dapat sana'y gagamitin niya
bilang pamasahe ay kaniyang itinatabi sa upang sa
pagdating ng pangangailangan ay makakatulong din ng
kaunti ang kanyang naitabi.

Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang


birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay ng
masagan, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na
makapagbigay sa iba. Ito ay hindi ubos - ubos sa pera o
bagay na walang saysay.
Upang lubos mong maunawaan narito ang ilang paraan na nagpapakita ng pagtitipid.
1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela. Mas makakatipid kung magbabaon na lamang
ng pagkain kaysa bibili pa sa kantina o kakain sa labas.
2. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan. Maganda itong ehersisyo
at natitipid mo pa ang pamasahe na gagamitin mo sana.
3. Mas matipid na bumili sa palengke kaysa mga malls. Maaaring hindi gaanong konbinyente
sapagkat mainit at maputik ngunit mas malaki naman ang iyong matitipid.
4. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang. Hindi mo ba naiisip na
sa bawat text mo na hindi naman mahalaga ay nag aaksaya ka ng pera. Ang pera na
ipinapaload mo ay maaari mong ipunin pandagdag sa iba pang mga gastusin.
5. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan at iba pa. Kung hindi naman ito
ginagamit ay patayin na lang amg mga ito.
6. Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso. Huwag hayaang tumapon ang tubig mula sa gripo.
7. Huawag bumili ng imported. Marami na tayong produkto ng ating bansa na pareho lamang
ang kalidad tulad ng mga imported. Kung sa tingin mo ay mapapamahal ka pa ay mas
tangkilikin mo na ang produkto natin.
Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng
isang tao kung hindi niya napapamahalaan ng wasto
ang kaniyang mga pinaghirapan. Kaya nga, kung
ang isang tao ay magtitipid ay mapamamahalaan
niya ng tama ang kaniyang mga naimpok. Ang pag
iimpok ay paraan upang makapag “ save ” o
makapag ipon ng salapi, na siyang magagamit sa
ating pangangailangan sa takdang panahon.
Ayon sa teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs, ang
pera ay mahalaga na makakatulong sa tao na
maramdaman ang kanyang seguridad sa buhay lalo na sa
hinaharap. Kung kaya't dapat nating pahalagahan ang ating
mga naipon. Sapagkat hindi napupulot ang pera, hindi ito
mapipitas sa mga puno, o di kaya hindi ito nalalaglag mula
sa langit. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito.
Kaya kinakailangan lamang na gastusin sa tama upang
huwag itong mawala.
Ayon naman sa isang financial expert na si Francisco
Colayco, mayroong tatlong dahilan kung bakit kailangang
mag impok ng tao.
1. Para sa proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi
inaasahan na maaaring mangyari sa buhay ng tao tulad
na lamang ng pagkakasakit, kalamidad, pagkawala ng
trabaho o pagkabaldado. Kung sa hindi inaasahang
pagkakataon ay mangyari ito, kailangan na ang tao ay
nakahanda at mayroong magagamit na emergency fund
sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon
mula dito.
2. Para sa mga hangarin sa buhay. Ito ang nagiging motibasyon ng
iba. Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay na mabigyan ng
magandang edukasyon ang mga anak, ang magkaroon ng
sariling bahay at magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Mahalaga na matamo ang mga ito bilang bahagi ng itang
kaganapan sa buhay.
3. Para sa pagreretiro. Hindi lamang kailangan na mag-impok para
sa proteksyon sa buhay at mga hangarin sa buhay, mahalagang
nag-iipon din para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras
ay kakayanin pa ang magtrabaho. Darating din sa kasukdulan
ang buhay ng tao na siya ay magiging matanda at mahina at
hindi kakayanin pa na magbanat ng buto.
Ayon pa rin kay Francisco Colayco, kinakailangan na
tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi
optional. Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ay
obligasyon natin sa ating sarili ang pag-iimpok. Kaya,
simulan mo na hangga't maga. Sapagkat ito ang
makapagbibigay ng masaganang bukas. Tingnan natin ang
isang langgam, sa tag-araw ay buong sipag silang nag-
iipon ng pagkain kung kaya't sa pagdating ng tag-ulan ay
kampante na sila na hindi magugutom dahil matagal na nila
itong pinaghandaan.
Tayahin natin ang iyong pag-unawa.
1. Ano ang kahulugan ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at
wastong pamamahala sa naimpok?
2. Paano makakatulong sa tao ang mga katangian na ito lalo na
pagdating sa trabaho?
3. Bakit mahalaga na ito ay taglayin ng lahat ng tao? Ipaliwanag.
Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao pag hindi niya
pinagsikapan na linangin ito sa kanyang sarili? Bakit? Ipaliwanag.
Arenzana, Jude G.
Castro, Jerriane L.
Timbol, Jhanna F.

Thankyou!

You might also like