You are on page 1of 17

9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Wastong Pamamahala sa Paggamit ng Oras

(Ikatlo - Ika-apat na Linggo)

0
MODYUL 2: WASTONG PAMAMAHALA SA
PAGGAMIT NG ORAS
Alamin

Mga layunin:
A. Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa
paggawa ng isang gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit
ng oras para rito;
B. Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o
kagalingan sa paggawa sa isang gawain o produkto kasama na ang
pamamahala sa oras na ginugol dito;
C. Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa sa
paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat
ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan
ang Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob;
D. Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o
kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras.

Subukin
Paunang Pagtataya (Pretest)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Alin ang pinakamabisang pagtaya na ang isang maggagawa ay may
kasipagan sa paggawa?
A. Nabubuo niya ang inaasahang gawain sa panahong itinakda para
tapusin ito.
B. Tinatapos niya ang kaniyang gawain ng madalian para mapansin ng
kaniyang boss.
C. Humihingi siya ng tulong sa mga eksperto upang mabilis na matapos
ang gawain.
D. Nasasabi niya ang mga tiyak na hakbang sa mahusay na pagganap sa
isang gawain.
2. Alin ang magiging bunga sa pagkatao ng isang maggagawa na masipag
at matiyaga sa gawain na sa simula pa ay mahirap nang gawin?
A. Siya ay mababagot at mawalan ng kumpyansa sa sarili.
B. Mag-iisip siya ng malalim upang masolusyunan ang mahirap na
bahagi ng gawain.
C. Siya ay magiging maingat sa pagtanggap ng mga gawain na ayon sa
kaniyang kakayahan.
D. Lalakas ang kaniyang disiplina na ipagpatuloy ang paggawa sa
harap ng iba’t ibang sitwasyon.

1
3. Sino sa sumusunod ang higit na nagsasabuhay ng pagtitiyaga sa
paggawa?
A. Si Roger na nagsisimula agad ng isang bagong gawain na itinakda
ng kaniyang tagamapahala.
B. Si Ernest na iniiwasan na magkamali upang mabuo ang gawain
nang mahusay at maayos.
C. Si James na may tiwala sa sarili at hindi na kailangan pa ng tulong
mula sa mga kasamahan.
D. Si Allen na humihinto sa kaniyang ginagawa kapag nakakaramdam ito
ng pagod.
4. Aling gawi ang titiyak na mabisang magagamit ang oras sa simula pa
man ng gawain?
A. Pagsisimula sa gawain sa anumang oras mo gusto.
B. Paglilista ng mga dapat unahing gawain bago umalis sa samahang
pinagsisilbihan.
C. Laging isasaisip ang itinakdang oras o petsa para matapos ang
itinakdang gawain.
D. Laging isaisip na ang wastong paggamit ng oras sa gawain ay
paraan ng pagsisilbi sa kapuwa.
5. Lumapit ang isa mong kamag-aral upang magpatulong sa pagsagot sa
mga gawain sa modyul. Madalas na nakikita mo siyang nakaonline sa
messenger. Alin ang maari mong gawin sa sitwasyong ito?
A. Tuturuan ko siya para hindi siya magagalit sa akin.
B. Sasabihan ko na tutulungan ko siya kapag natapos na ang gawain ko.
C. Sasabihin ko na hindi alam ang mga sagot sa mga gawain na nasa
modyul.
D. Pagsabihan ko siya na magkaroon ng prayotisasyon sa mga gawaing
dapat unahin upang hindi mahuli sa dedlayn.
6. Ano ang ibig sabihin ng katagang, “Ang oras ay kaloob na
pinagkatiwala ng Diyos sa tao”?
A. Pinagpala ang tao dahil binigyan siya ng oras.
B. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto
niya.
C. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at
ipinagkatiwala ito sa kaniya.
D. Tungkulin ng tao na gamitin ang oras nang tama para sa kabutihan
niya, ng kanyang kapuwa at ng bansa.
7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong
pamamahala ng oras?
A. Naglaro ng mobile legends ang magkaibigan hanggang madaling araw.
B. Inuna muna ni Melissa ang pagtapos ng takdang-aralin bago
namasyal.
C. Nanonood ng TV si Dennis habang nag-aaral upang makapagrelaks
naman siya.
D. Nag-facebook si Lorraine habang minamadaling matapos ang modyul
sa Araling Panlipunan.

2
8. Kung ang isang tao ay walang mga ____________, ang pamamahala ng
oras ay walang katuturan.
A. bagay C. karanasan
B. hakbang D. layunin
9. Ayon kay Stephen Covey, sa kanyang akdang “7 Habits of Highly
Effective People”, saan nakadepende ang kinabukasan ng tao?
A. Ganda C. Ugali
B. Kakayahan D. Yaman
10. Ang sumusunod ay mga dahilan ng wastong pamamahala ng oras
MALIBAN sa isa:
A. Makikilala ka bilang matapat, masipag, at mapagkatiwalaang tao.
B. Magkakaroon ng positibong pananaw sa paggawa.
C. Magiging mapagmataas sa tungkuling nagawa.
D. Maiiwasan ang pagmamadali.

Panimulang Aral

“Oras na! …Time na! …. Deadline na!


Ito ang mga katagang naririnig natin bilang hudyat ng simula o
katapusan ng isang gawain. Pinaalala sa atin ng mga katagang ito na may
hangganan ang oras na nakalaan sa bawat gawain. Ngunit may mga
pagkakataong ang damdaming hatid ng mga katagang ito ay pagkabalisa,
pagkabahala, o pagkatakot. Para sa mga estudyanteng katulad mo na hindi
pa tapos sa lahat ng mga gawain sa modyul at mayroon na namang
dumating na iba, nakakabahalang marinig ang: “ Tapos na ang dedlayn.”
Sadyang mahirap ang nasa ganitong sitwasyon, diba? “Nakaka-pressure,”
ikanga, lalo na kung kailangan nating ibigay ang ating kagalingan sa
paggawa sa lahat ng pagkakataon.
Sadyang mapaghamon ang pagtakbo ng oras sa pagkakaroon ng
gawaing may kalidad o kagalingan dahil naapektuhan ang ating paggawa
sa ating magkahiwalay na aksiyon at kombiksiyon – ang hindi
pagkakatugma ng alam natin na tama at sa aktuwal nating ginagawa, sa
ideyal at sa reyalidad ng ating personal na mga kilos. Isa sa di
pagkakatugmang ito ang paraan ng paggamit natin ng oras. Ngunit may
oras ka pa para magbago. Ang anumang pagbabago ay nagsisimula sa
sarili, maging ang pagbabago sa lipunan. Ang pagsasakatuparan sa
pagbabagong ito ay nakasalalay sa pagsusuri sa sarili (self-examination).
May kailangan bang gawing pagbabago sa kasalukuyan mong paraan sa
paggamit ng oras nakaloob sa iyo para sa iyong sarili, sa iyong paggawa at
para sa lipunang iyong ginagalawan? Bakit kailangan ang pamamahala
sa paggamit ng oras upang magkaroon ng kalidad at kagalingan sa
paggawa? Halika at sabay nating unawaain kung paano.

3
ARALIN 1: ANG KAGALINGAN SA PAGGAWA
(Ikatlong Linggo)

Tuklasin at Suriin

Natatandaan mo ba kung bakit kailangang gumawa ang tao?


Ano-anong kasanayan ang kailangan sa paggawa na may kalidad?
Ayon sa Laborem exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa
pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili,
kapuwa at sa Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang
nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kagalingan sa paggawa.
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang
sumusunod na katangian:

1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga:


A. Kasipagan
Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang
isang gawain nang buong puso na may malinaw na
layunin sa paggawa. May kagalingan ang produkto o
gawain o paggawa sa kabuuan kung ito ay bunga ng
pagmamahal at pagkagustong gawin ito ng buong husay.

B. Tiyaga
Ito ay ang patuloy sa paggawa sa kabila ng hadlang sa
kaniyang paligid. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang
mga kaisipang makahahadlang sa paggawa ng isang
produkto o isang gawain tulad ng: pagrereklamo,
pagkukumpara ng gawain na likha sa iba, at pag-iisip
ng mga dahilan upang hindi isagawa ang isang gawain.
C. Masigasig

Ito ay pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at


siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o
produkto. Ang atensiyon o oras niya ay nakatuon
lamang sa produkto o gawaing kaniyang likhain.

4
D. Malikhain
Ang produkto o gawaing ginawa ay bunga ng
mayamang pag-iisip at hindi panggagaya o
pangongopya ng gawa ng iba.

C. Disiplina sa sarili
Ang taong may disiplina sa sarili ay alam ang
hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong
paggalang sa ibang tao. Maaari niyang isantabi ang
pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng
ibang tao.

2. Nagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan:


A. Pagkatuto Bago ang Paggawa – tumutukoy sa yugto ng paggawa
ng plano na gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto. Binubuo
ito ng mga kasanayan sa:
1. pagbuo ng mga layunin
2. paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang
kalalabasan(outcomes)
3. pagtukoy ng paraan o istratehiya sa paggawa batay sa
konseptong binuo
4. paghahanda ng mga kagamitang gagamitin
5. pagtukoy sa mga tutulong sa pagsasagawa ng gawain
6. pagtatakda ng kakailnganing panahon upang isagawa ang isang
gawain

B. Pagkatututo Habang Ginagawa - ito ang yugto na magtuturo ng


iba’t ibang estratehiya upang magawa ang planong nabuo.
C. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain – yugto ng
pagtataya kung ano ang naging resulta o kinalabasan ng isang
gawain.
Ang sumusunod na mga katangian ay makatutulong upang
magkaroon ng matalinong pag-iisip upang maisabuhay ang kagalingan
sa paggawa:
A. Pagiging Palatanong (Curiosita) – ang taong mausisa ay may
likas na inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang
paligid.

5
B. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi
(Persistence) at ang Pagiging Bukas na Matuto sa mga
Pagkakamali (Dimostrazione) – ito ang pagkatuto mula sa mga
hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anumang pagkakamali.
C. Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang
Paraan Upang Mabigyang-buhay ang karanasan (Sansazione)
– tumutukoy ito sa tamang paggamit ng mga pandama sa
pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.
D. Pagiging Bukas sa Pagdududa, kawalang Katiyakan (Stumato)
– ito ang pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng
isang buhay, mga bagay na hindi pamilyar, mahirap alamin o
ipaliwanag, o may higit sa isang interpretasyon o kahulugan.
E. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensya, Lohika at
Imahinasyon (Arte/Scienza) -ito ay pagbibigay halaga nang may
balanse sa paghahanap sa kagandahan (beauty) at katotohanan
(truth) gamit ang sining (art) at siyensya (Science).
F. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise
(Corporalita) -ito ay tamang pangangalaga sa katawan ng tao
upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon ng
karamdaman.
G. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay
(Connessione) - ito ang pagkilala at pagbibigay-halaga na may
kaugnayan lahat ng bagay at mga pangyayari sa isa’t-isa.
3. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos
Ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ng paggawa ay
kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay naaayon sa kalooban
ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng pagpupuri at pasasalamat sa Kaniya.
Ngunit ang mga nabanggit na mga katangian at paraan ay hindi
sapat kung hindi tataglayin ng tao ang wastong pamamahala sa kaniyang
oras upang magkaroon ng kalidad at kagalingan sa paggawa.
Ang kakulangan sa epektibo at produktibong pamamahala sa
paggamit ng iyong oras sa paggawa ay maaring nagdudulot sa iyo ng
kabiguang umabot sa dedlayn, hindi mabuting daloy ng paggawa,
mababang kalidad ng trabaho, hindi magandang reputasyon sa paggawa,
pagtigil ng karera, o di kaya ay mataas na lebel ng tensiyon.
Ang mga sumusunod ay makakatulong upang pamamahalaan ng
tao ang wastong oras:
1. Pagtakda ng Tunguhin sa Paggawa
Upang masimulan ang epektibong pamamahala sa paggamit ng
oras, kailangan ang pagtakda ng tunguhin (goal) sa iyong paggawa.

6
Sa pagtakda ng tunguhin, may isang paraan na subok na. Ito
ay ang SMART:
Specific (Tiyak) – tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay
nakasisiguro na ito ang iyong nais na mangyari sa iyong
paggawa.
Measurable (Nasusukat) – kailangan na ang isusulat mo na
tunguhin sa iyong paggawa ay kaya mong gawin at
isakatuparan.
Attainable (Naabot) – ang tunguhin mo ay makatotohanan,
maaabot, at mapanghamon.
Realistic (Reyalistiko) – ang kaangkupan ng iyong gawain sa
pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa at timbangin
mo ang mga ito upang makita mo ang higit na makakabuti.
Time Bound (Nasusukat) – ang pagtakda ng panahon o oras kung
kalian mo maisasakatuparan ang iyong tunguhin.
2.Pagsisimulasa Tamang Oras
Ang hamon sa pamamahala sa paggamit ng oras ay nag-
uumpisa sa bawat pagsisimula ng araw mo. Ito ay sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng tunay na pagbabago na gawing “On Time” ang
“Filipino Time”.
3.Prayoritisasyon
Ang pagbibibay ng prayoridad kung ano ang kailangang gawin
at tapusin sa takdang oras ay napakahalaga. Kung wala ito, maaring
isinusobsob mo masyado ang iyong sarili sa isang gawain subalit
maaring hindi mo pa rin makakamit ang iyong tunguhin. Sa
pamamagitan ng prayoritisasyon, maiiwasan mo ang
pagkabuholbuhol ng iyong iskedyul at aabot ka sa itinakdang
dedlayn ng iyong ginagawa.

Isaisip
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Itinuturing mo bang paraan ng papuri at pasasalamat sa Diyos ang
iyong gawain? Sa paanong paraan?

7
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot.
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
A. Mapapabilis ang paggawa
B. Magkakaroon ng sense of achievement.
C. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa
paggawa.
D. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon
ng pagbibinata/pagdadalaga

2. Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin sa paggawa?


A. Pagsisikapan ang mahihirap na gawain.
B. Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn.
C. Paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang
oras.
D. Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging
maayos ang kalalabasan ng ginagawa.
3. Anong pagpapahalaga ang tinataglay ng taong nagpapatuloy sa
paggawa sa kabila ng hadlang sa kaniyang paligid?
A. Masigasig B. Matulungin C. Pagkamalikhain D. Tiyaga
4. Paano masasabing may kagalingan ang produkto o isang gawain ng
tao?
A. kung ito ay bunga ng pagkagustong gawin ng buong husay.
B. kung ito ay bunga ng panggagaya mula sa iba
C. kung ito ay bunga ng pagkukumpara
D. lahat ng nabanggit

5. Anong pagpapahalaga ang tinataglay ng tao kung ang produkto o


gawain ay bunga ng pag-iisip at hindi pangongopya ng gawa ng iba?
A. Kasipagan B. Malikhain C. Masigasig D. Tiyaga

8
Isagawa

Panuto: Sa iyong sagutang papel, bumuo ng iskedyul sa buong araw mo na


gawain. Sundan ang format sa ibaba.
ANG AKING ISKEDYUL SA BUONG ARAW
Petsa:________________
Kabuuang Tunguhin: (Halimbawa): Napamahalaan ko ang paggamit ng aking
oras sa paggawa tungo sa pagiging mapanagutang mag-aaral at mamamayan ng
bansa.
Oras ng Oras ng Kabuuang Prayoridad
pagsimula Pagtatapos Oras Gawain Tunguhin 1 – Mababa
2 – Katamtaman
3 - Mataas
Hal. 5 Magabayan
5:00 AM 5:05 AM minuto Panalangin ng 3
Panginoon
sa buong
araw ng
paggawa.

9
ARALIN 2:
KAGALINGAN SA PAGGAWA AT WASTONG
PAMAMAHALA NG ORAS:
TUNGO SA PAG-UNLAD NG BUHAY
(Ika-apat na Linggo)

Balikan (Review)

Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang mga hakbang sa pamamahala


ng oras. Gaano ba ito kahalaga kung ating isama ang kagalingan sa paggawa?

Tuklasin at Suriin

Lahat tayo ay binigyan ng Diyos ng magkaparehong haba ng


panahon para gamitin sa araw-araw. Kadalasan ang palagay natin ay
ginagamit natin ang panahon ngunit nagdaraan ang araw na ang
pakiramdam natin ay naaksaya pala ito. Ang pag-aaral ng wastong
pamamahala ng panahon ay nagtuturo sa atin na maiwasang maaksaya ang
napakahalagang biyaya sa atin ng Diyos.

10
Ayon kay Stephen Covey (1988), isang kilalang sikologo, sa kanyang
akdang “7 Habits of Highly Effective People”, mayroong mga ugali na
nararapat taglayin upang marating ang mga pangarap. Sabi niya,
nakadepende sa ugali ng isang tao ang kanyang kinabukasan. Kung
parati mong gagawin ang mga ugaling ito, mas maayos ang magiging
kinabukasan mo.

Mga Pitong Ugali na Dapat Tularan ayon kay Stephen Covey

1. Maging “Proactive”
Paggawa ng paraan o pag-control sa isang pangyayari, para maging
maayos ang kalalabasan.
Halimbawa:
Kung ikaw ay mayroong exam, siguraduhing nag-aaral, upang
maganda ang kalalabasan.

2. Magsimula sa Dulo
Isipin parati ang gusto mong kahinatnan sa buhay, at siguraduhin na
ang ginagawa mo ngayon ay patungo sa dulo.
Halimbawa:
Kung nagsisimula ka pa lamang sa pag-aaral, isipin mo parati kung
ano ang mga bagay na dapat mong gawin, upang maka-graduate.

3. Unahin ang mahalaga


Unahin muna ang mga mahahalaga, tulad ng pamilya at kinabukasan.
Hindi ang mga bagay na magdadala lamang ng panandaliang ligaya.
Halimbawa:
Kung gusto mong magkaroon ng magandang trabaho, unahin ang pag-
aaral, hindi ang pagtambay sa computer shop.

4. Panalo-panalo
Mahalaga sa relasyon na mayroong pantay na pag-unawa, respeto, at
pagmamahal. Hindi dapat maging mapang-lamang.
Halimbawa:
Sa larong basketball, kung ikaw ay natalo, dapat isipin na panalo ka
pa rin, dahil ibinigay mo ang lahat ng iyong kakayanan, ikaw ay nag-
practice, at naglaro ng walang pandaraya.

5. Umintindi muna, bago maintindihan


Bago mo ipaintindi sa isang tao ang nais mo, matutong umintindi
muna sa iba. Hindi sa lahat ng bagay, ikaw ang tama.
Halimbawa:
Kung ikaw ay may pagtatalo sa iyong mahal sa buhay, kadalasan, mas
mainam na makinig na lamang, kaysa makipag-away. Wala naman

11
kasing nananalo sa pag-aaway. Sa halip ay makinig at baka ikaw pala
ang may mali.

6. Synergize
Pagsamahin at sumama sa mga taong positibo. Umiwas sa
nanghahatak sa iyo pababa.
Halimbawa:
Piliin ang barkada. Kung ang iyong kaibigan ay parating may
masamang balita at pilit kang dinadala sa mga bagay at lugar na
makakapigil sa iyong pangarap, iwasan sila at sumama sa mga taong
responsable.

7. Talasan ang lagari


Matutong magbalanse ng kung anong mayroon ka. Patuloy na turuan
ang sarili kung ano ang tama at nakabubuting bagay.
Halimbawa:
Tulad ng pag-aaral, ito ay dapat araw-araw ginagawa upang maging
mahusay. “Practice makes perfect” ika-nga. Ganun din sa lahat ng
bagay.

Isaisip
Ayon sa isang online site, isa sa pinakamahalagang bagay na
isasaalang-alang sa pamamahala ng oras ay ang iyong mga layunin.
Kung ang isa ay walang mga layunin, ang pamamahala ng oras ay
walang katuturan.

Isagawa
Ano kaya ang magagawa mo upang mapaunlad ang iyong
pamamahala sa oras? Iguhit ito sa iyong papel at maglista ka ng
limang (5) pamamaraan.

12
Tayahin

A. Basahin ang bawat pangungusap na nasa ibaba. Piliin mula sa kahon


ang tamang salita na inilalarawan ng mga ito.

maging proactive unahin ang mahalaga synergize


magsimula sa dulo panalo-panalo
talasan ang lagari umintindi muna bago maintindihan

1. Hindi ka dapat maging mapanglamang sa iyong kapwa. ___________


2. Sumama sa mga taong may positibong pananaw sa buhay.
___________
3. Isipin palagi kung ano ang gusto mong kahihinatnan sa buhay at
siguraduhin na ang ginagawa mo ay patungo sa dulo. ____________
4. Patuloy na turuan ang sarili kung ano ang tama at nakabubuting
bagay. _____________
5. Gumawa ng paraan sa isang pangyayari upang maging maayos ang
kalalabasan nito. _____________
6. Unahin muna ang mahahalaga, hindi ang mga bagay na magdadala
lamang ng panandaliang ligaya. _____________
7. Matuto kang umintindi sa iba – hindi sa lahat ng bagay, ikaw ang
tama.

B. Pagnilayan ang pahayag na nasa ibaba. Sumulat ng lima hanggang


sampung pangungusap lamang sa sagutang papel.

Lahat tayo ay binigyan ng Diyos ng magkaparehong haba ng panahon


para gamitin sa araw-araw. Paano mo kaya masusuklian ang biyayang
ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

13
Tayahin
Panghuling Pagtataya (Post Test)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Isulat ang titik sa sagutang papel.

1. Sino sa sumusunod ang higit na nagsasabuhay ng pagtitiyaga sa


paggawa?
A. Si Roger na nagsisimula agad ng isang bagong gawain na itinakda
ng kaniyang tagamapahala.
B. Si Ernest na iniiwasan na magkamali upang mabuo ang gawain
nang mahusay at maayos.
C. Si James na may tiwala sa sarili at hindi na kailangan pa ng tulong
mula sa mga kasamahan.
D. Si Allen na humihinto sa kaniyang ginagawa kapag nakakaramdam
ito ng pagod.

2. Aling gawi ang titiyak na mabisang magagamit ang oras sa simula pa


man ng gawain?
A. Pagsisimula sa gawain sa anumang oras mo gusto.
B. Paglilista ng mga dapat unahing gawain bago umalis sa samahang
pinagsisilbihan.
C. Laging isasaisip ang itinakdang oras o petsa para matapos ang
itinakdang gawain.
D. Laging isaisip na ang wastong paggamit ng oras sa gawain ay
paraan ng pagsisilbi sa kapuwa.

3. Alin ang pinakamabisang pagtaya na ang isang maggagawa ay may


kasipagan sa paggawa?
A. Nabubuo niya ang inaasahang gawain sa panahong itinakda para
tapusin ito.
B. Tinatapos niya ang kaniyang gawain ng madalian para mapansin ng
kaniyang boss.
C. Humihingi siya ng tulong sa mga eksperto upang mabilis na
matapos ang gawain.
D. Nasasabi niya ang mga tiyak na hakbang sa mahusay na
pagganap sa isang gawain.

4. Alin ang magiging bunga sa pagkatao ng isang maggagawa na masipag


at matiyaga sa gawain na sa simula pa ay mahirap nang gawin?
A. Siya ay mababagot at mawalan ng kumpyansa sa sarili.
B. Mag-iisip siya ng malalim upang masolusyunan ang mahirap na
bahagi ng gawain.
C. Siya ay magiging maingat sa pagtanggap ng mga gawain na
ayon sa kaniyang kakayahan.
D. Lalakas ang kaniyang disiplina na ipagpatuloy ang paggawa sa
harap ng iba’t ibang sitwasyon.

14
5. Lumapit ang isang mong kamag-aral upang magpatulong sa pagsagot
sa mga gawain sa modyul. Madalas na nakikita mo siyang nakaonline sa
messenger. Alin ang maari mong gawin sa sitwasyong ito?
A. Tuturuan ko siya para hindi siya magagalit sa akin.
B. Sasabihan ko na tutulungan ko siya kapag natapos na ang gawain
ko.
C. Sasabihin ko na hindi alam ang mga sagot sa mga gawain na nasa
modyul.
D. Pagsabihan ko siya na magkaroon ng prayotisasyon sa mga gawaing
dapat unahin upang hindi mahuli sa dedlayn.

6. Kung ang isang tao ay walang mga ____________, ang pamamahala ng


oras ay walang katuturan.
A. bagay C. karanasan
B. hakbang D. layunin

7. Ayon kay Stephen Covey, sa kanyang akdang “7 Habits of Highly


Effective People”, saan nakadepende ang kinabukasan ng tao?
A. Ganda C. Ugali
B. Kakayahan D. Yaman

8. Ang sumusunod ay mga dahilan ng wastong pamamahala ng oras


MALIBAN sa isa:
A. Makikilala ka bilang matapat, masipag, at mapagkatiwalaang tao.
B. Magkakaroon ng positibong pananaw sa paggawa.
C. Magiging mapagmataas sa tungkuling nagawa.
D. Maiiwasan ang pagmamadali.

9. Ano ang ibig sabihin ng katagang, “Ang oras ay kaloob na


pinagkatiwala ng Diyos sa tao”?
A. Pinagpala ang tao dahil binigyan siya ng oras.
B. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na
gusto niya.
C. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at
ipinagkatiwala ito sa kaniya.
D. Tungkulin ng tao na gamitin ang oras nang tama para sa
kabutihan niya, ng kanyang kapuwa at ng bansa.

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong


pamamahala ng oras?
A. Naglaro ng mobile legends ang magkaibigan hanggang madaling
araw.
B. Inuna muna ni Melissa ang pagtapos ng takdang-aralin bago
namasyal.
C. Nanonood ng TV si Dennis habang nag-aaral upang makapagrelaks
naman siya.
D. Nag-facebook si Lorraine habang minamadaling matapos ang
modyul sa Araling Panlipunan.

15
Susi sa Pagwawasto

Aralin 2
Aralin 1 Isagawa
Isaiisip
Maaaring magkakaiba ang
Maaaring magkakaiba ang sagot
sagot
Isagawa
Tayahin
Maaaring magkakaiba ang
sagot A.
1. panalo-panalo
Tayahin 2. synergize
1. C 3. magsimula sa dulo
4. talasan ang lagari
2. C 5. maging proactive
3. D 6. unahin ang
mahalaga
4. B 7. umintindi muna
bago maintindihan
5. B
B.
Maaaring magkakaiba
ang sagot

Mga Sanggunian

Mula sa aklat

• EdukasyonsaPagpapakatao.Grade 9 Learner’s Material para sa K to 12


Program.(2014)
• Punsalan,T.G.et.al.(2014).Pagpapakatao(BatayangAklatsaEdukasyonsaP
agpapakatao ng Sekondarya).Sampaloc,Manila.Rex Book Store, Inc.

Mga larawan
• https://www.slideshare.net/ednaazarcon7/es-p-9-modyul-10-kagalingan-
sa-paggawa
• https://www.slideshare.net/temarieshinobi/kasipaganpagpupunyagipagtiti
pid
• https://ltanganco12.files.wordpress.com/2010/10/picture-post-cards-
001.jpg
• https://1.bp.blogspot.com/7Xk7p9mhNuQ/VQVa29v0tUI/AAAAAAAAAGE/
IuwGRP20DzM/s1600/11026530_912511242146494_534644275_n.jpg
• pinterest.ph
Mula sa Internet
• https://www.john15.rocks/7-habits-ng-mga-epektibong-estudyante/

16

You might also like