You are on page 1of 23

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Lipunang Sibil, Media At Simbahan

(Ikapitong Linggo – Ikawalong Linggo)


MODYUL 4: LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

Alamin

Mga Layunin:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng lipunang sibil, media at
simbahan.
2. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil na naghahatid ng
kawanggawa sa pamilya, baranggay, o lipunan.
3. Nasusuri kung ang mga layuning isinusulong ng iba’t-ibang
lipunang sibil ay nakatugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan.

Subukin
Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem at isulat ang titik ng


pinakaangkop na sagot gamit ang isang papel.

1. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating


magpatulong sa iba:
A. iba’t-iba tayo ng mga kakayahan.
B. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
C. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-
isa
D. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais
gawin.

2. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas


upang matiyak na:
A. bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.
B. matutugunan ang pangangailangan ng lahat.
C. walang magmamalabis sa lipunan.
D. ang lahat ay magiging masunurin.

1
3. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang
pangangailangan ng nakararami?
A. Sa ganito maipapakita ang ating pagkakaisa.
B. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
C. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.

4. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:


A. pagtatalakay ng mga suliraning panlipunan.
B. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan.
C. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan.
D. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.

5. Ang kahulugan ng mass media ay :


A. impormasyon ng marami.
B. paghahatid ng maraming impormasyon.
C. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami.
D. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impomasyon.

6. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:


A. pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon.
B. wala tayong mapagkukunan ng impormasyon.
C. nagpapasiya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
D. maari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.

7. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:


A. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan.
B. pagpapahayag ng sariling kuru-kuro.
C. paglalahad ng isang panig ng usapin.
D. pagbabanggit ng maliliit na detalye.

8. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon


ay bunga ng:
A. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.
B. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
C. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
D. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng
katuturan ng buhay.

2
9. Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, MALIBAN
sa:
A. panghihimasok ng estado.
B. kawalan ng pangmatagalang liderato.
C. kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
D. pagsasalungatan ng iba’t-ibang paninindigan.

10. Ang samahang nagsasagawa ng ______ay maituturing na


isang lipunang sibil.
A. malayuang pagbibisikleta
B. pagmamasid sa mga ibon
C. pagtatanim ng mga puno
D. pagsisid sa mga bahura (coral reefs)

Panimulang Aral
Ang pagbuo ng isang organisasyon o samahan upang matugunan ang
mga pangangailangan ay likas na karapatan ng bawat indibidwal. Ang bawat
isa ay may naisin tungo sa maayos na pagpapaunlad sa sarili. Upang
makamtan ang naising ito, kailangang makiugnay siya sa ibang tao bukod sa
kanyang pamilya at mga kakilala. Ang mga organisasyon sa lipunan ay
pinangangasiwaan, pinagsama-sama, at pinalakas ng mga kasapi upang mas
madaling maabot ang kanilang layunin.

Ang organisasyon ay may dalawang uri: ang pampamahalaan o


Government Organization (GO) at di pampamahalaan o Non-government
Organization (NGO).

Kasalukuyan, ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng mga


batas upang matiyak na matutugunan ang mga pangangailangan ng
mamamayan –mga may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at
iba pa. Gayunpaman, hindi rin ganap na matutugunan ng pamahalaan ang
lahat ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa iba’t-ibang
kadahilanan, Dahil dito, ang pribadong sektor ay bumbubuo ng
organisasyon. Sila ay nag-uukol ng panahon, pagod, at salapi para sa
ikabubuti ng mga kababayan. Wala silang hinihintay na anumang kapalit
maliban marahil sa kasiyahan na sila ay nakatutulong sa iba. Dahil na rin
ito sa kalikasang panlipunan ng tao kaugnay sa pagtulong at pagdamay sa
kapuwa. Ang ganitong kusang- loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo
sa sama-samang pagtuwang sa isa’t-isa ang tinatawag nating lipunang sibil.
Ang lipunang sibil ay hindi isinusulong ng mga politiko o mga negosyante na
maaaring may sari-sariling interes.

3
Sa mga hindi pa bahagi ng pampamahalaan o di pampamahalaang
organisasyon, sila ay makatutulong pa rin. Makababahagi sila sa mga layunin
at gawain ng mga samahang ito sa pamamagitan ng pagiging sensitibo sa
pangangailangan ng iba at pagpapabatid sa kinauukulan ng kalagayan ng
mga nangangailangan sa kanilang paligid.

ARALIN 1: ANG LIPUNANG SIBIL

Tuklasin at Suriin

A. May naalala ka bang isang organisasyon na dumayo sa inyong


lugar upang maghatid ng kawanggawa? Itala ang iyong sagot sa
talahanayan gamit ang isang buong malinis na papel.

Halimbawa:
Pangalan o uri ng
Sword & Fire of the Spirit
organisasyon
Servant Community
Pagbibigay ayuda sa mga mahihirap sa
Uri ng paglilingkod
Quarantine Period
Pananaw mo o ng mga tao
sa resulta o epekto ng
serbisyo o kawanggawa

1. Nabibigyan ka ba o ang iyong pamilya ng ganitong paglilingkod-bayan?

2. Ano kaya ang nagtulak sa mga taong ito upang magpapakaabala at


makapagpagastos gayong hindi naman nila kayo kilala?

B. May nabalitaan o nasaksihan ka ba na mga organisasyon na


nagsagawa ng kilos-protesta? Tungkol sa anong usapin ang
kanilang ipinoprotesta? Gumawa ng talaan ng natandaang mong
kahalintulad na pagkilos na iyong nabalitaan o nasaksihan.
Isulat ang iyong sagot sa papel.

Usaping Ipinoprotesta
Pangalan o Uri ng Organisasyon
1. Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito upang iprotesta ang
mga ganitong usapin?
____________________________________________________________

4
2. Sa iyong opinyon, tama ba na makilahok ang isang estudyante na
katulad mo ng kilos-protesta? Pangatwiran.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Suriing mabuti ang graphic organizer upang mapalalim ang iyong


pag-unawa sa bagong konsepto.

Panuto: Bumuo ng isang pangungusap kung ano ang lipunang sibil.


Isulat ito sa papel.
____________________________________________________________

5
Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod gamit ang isang papel.

1. Ano ang personal mong pananaw sa pagtulong sa ibang tao?

2. Ano ang iyong masasabi tungkol sa mga taong


nagsasagawa ng kilos-protesta?

3. Dapat bang makiisa ka o ang iyong pamilya sa tungkuling


pagtulong sa nangangailangan? Pangatwiran.

4. Kung ikaw o ang iyong pamilya ay mahirap din ang katayuang


pangkabuhayan, dapat bang tumulong ka pa rin sa iba?
Pangatwiran.

5. Ano kaya ang mangyayari sa pamayanan kung walang mga


institusyong gumagawa ng mga programa sa mga mahihirap?

6
Isagawa
Panuto: Basahin ang sanaysay tungkol sa isa pa pinakaaktibong
organisasyon sa Pilipinas at sagutin ang mga tanong sa sagutang
papel.
Ang Gawad Kalinga (GK) ay isang
huwaran ng pribadong organisasyon o
kilusang nakabase sa Pilipinas. May
layunin itong tapusin ang kahirapan sa
pamamagitan ng pagtatayo muna ng
dignidad ng mga tao at pamayanan sa
pamamagitan ng paghubog ng
mabubuting pagpapahalaga at paglinang gk1world.com/programs

ng pamumuno. Naitatag noong 2003,


kasalukuyang may kasaping 2000 pamayanan. Nabigyang-parangal na ito
ng 2006 Ramon Magsaysay Award at 2012 Skoll Award for Social
Entrepreneurship.
Ang kultura ng Gawad Kalinga ay pasiglahin at ganyakin ang mga
kasapi, mga katuwang, at mga volunteers, na magbigay-kalinga hindi
lamang para sa sarili nila at ibahagi ang kanilang mga talento, kakayahan,
panahon, at yaman para sa pagtulong sa mahihirap na abutin ang kanilang
kaganapan. Maaaring tingnan sa http://www.gklworld.com/ ang kanilang
kapuri-puring mga gawain para sa mga nangangailangan.

1. Anong uri ng organisasyon ang Gawad Kalinga (GK)?


2. Ano ang pangunahing misyon ng Gawad Kalinga?
3. Paano naisakatutuparan ng organisayon ang kanilang adbokasiya
upang matulungan ang mga mahihirap?
4. Ano ang nakapukaw ng iyong damdamin sa kultura ng Gawad
Kalinga?

Tayahin

Panuto: Sabihin kung Tama o Mali ang pangugngusap. Isulat


sa papel.
1. _____ Kusang loob ang samahang lipunang sibil.
2. _____ Ang organisasyon ay pampamahalaan o di- pampamahalaan.
3. _____ Lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan ay kayang
tugunan ng pamahalaan.
4. _____ Ang layunin ng lipunang sibil ay tungo sa kabutihan ng mga
miyembro ng organisasyon.
5. _____ Isang pribadong sektor ang lipunang sibil.

7
ARALIN 2: ANG MEDIA

Balikan
1. Ano ang lipunang sibil?
2. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?

Tuklasin at Suriin
A. Alam mo ba ang pangunahing halimbawa ng lipunang sibil?
Pag-aralan ang tsart upang matamo kung tumpak ang iyong
sagot. Linangin din ang layunin nito.

1. Mabigay ng mga halimbawa ng uri ng media batay sa larawan.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

8
Karagdagang Aral
Ang lipunan ngayon ay napalolooban ng media na may
napakabilis na pagbabago sa teknolohiya. Ang samo’t saring
balita kasama ng iba’t-ibang uri ng patalastas ay napakadaling
mabasa o makita at mapakinggan. Sa isang pindot ay madaling
mapasaiyo lahat ng balita pati na ang hindi mo kailangang
malaman. Kaya may mga samahan sa lipunan na nagsusulong
ng media education. Ito ay naglalayong mabawasan kung hindi
man matanggal ang negatibong epekto ng media lalo na sa mga
bata. Layunin din nito na palakasin ang kakayahang
gumamit, sumuri, magtaya, at gumawa ng mga produkto ng
media. Ang isang taong nagkaroon ng media education ay may
kakayahang bawasan ang paggamit nito, may intelihenteng
pamimili ng gagamiting media, mas magaling na kakayahan sa
paglikha at panonood, at tamang pag-unawa sa politikal,
sosyal, ekonomiko, at emosyonal na maaaring kahihinatnan
ng lahat ng uri nito.

Isaisip

1. Ano-ano ang layunin ng media education?


2. Paano nakatutulong ang pag-angat ng teknolohiya sa
pagpapalaganap ng media?
3. Ano ang mga negatibong dulot ng pag-angat ng teknolohiya
sa pagpapalaganap ng media?
4. Bilang isang tin-edyer, masasabi mo ba na ikaw ay may
kakayahang gumamit, sumuri at magtaya ng mga
impormasyong nakalap mula sa social media? Patunayan.

9
Isagawa
Panuto: Basahin ang sanaysay at pagkatapos, sagutin ang mga
tanong.
Noong 2008, nagsimulang sumulat ng blog sa internet ang isang
walong taong gulang na babaeng mag-aaral ngunit ayaw
magpakilala. Inilarawan niya sa blog kung gaano kahirap mag-
aral dahil sa panggigipit ng Taliban, isang grupo ng katutubong
Muslim sa dako ng Pakistan at Aghanistan na naniniwala na
hindi dapat magkaroon ng edukasyon ang mga kababaihan.
Ipinamanhik niya sa pamahalaan ng Pakistani na maglaan ng
dagdag na pananalapi para sa mga paaralan, at hinimok niya
ang lahat ng kabataang babaeng Pakistani na igiit ang kanilang
time.com karapatang matuto. Sa isang press conference, hindi inaasahang
aminin ng tatay ng bata ang tunay niyang pagkakakilanlan, ngunit naging daan ito
upang lalong dumami ang sumubaybay sa kaniyang blog. Kinilala ang batang blogger
na ito bilang si Malala Yousafszai.
Noong Oktubre 16, 2012, habang nasa daan pauwi sakay ng school bus si
Malala at iba pang mag-aaral, pinatigil ng ilang lalaking pinaghihinalaang kasapi ng
Taliban ang kanilang sasakyan. “Sino si Malala?” tanong ng mga ito. Napasulyap sa
kaniya ang ibang mga mag-aaral kaya’t madali siyang natukoy. Sa kasamaang-
palad, binaril siya ng isa sa mga lalaki sa ulo, ngunit sa maagap na pagtulong ng
ibang mamamayan, mabilis na naihatid si Malala sa pagamutan. Itinuring na isang
milagro ang pagkakaligtas niya sa pangyayaring iyon. Sa tulong ng napakaraming
nagkawanggawa sa loob ng Pakistan, naipagamot siya sa Birmingham, England, at
doon niya ipinagpapatuloy ang pagsusulat ng blog. Sa gulang na labing-anim, milyon-
milyong dolyar na mula sa iba’t-ibang bansa naipagkakatiwala sa kaniya bilang
donasyon. Balak niya kasama ang kaniyang ama na magpatayo ng mga paaralan sa
buong Pakistan na makatutulong sa pagbibigay ng edukasyon higit lalo sa
kababaihan.

1. Anong isyu o problema ang hinaharap ni Malala Yousafzai?


_______________________________________________________________________
2. Anong pagpapahalaga ang isinusulong niya?
________________________________________________________________________
3. May nakita ka na bang katulad ni “Malala” sa ating lugar o lipunan? Bakit
mo siya naihintulad sa kaniya?
________________________________________________________________________
4. Kung ikaw si “Malala” sa inyong lugar, ano ang gagawin mo sa isang isyu
ng iyong barangay katulad ng pamimigay ng Social Amelioration Program
o SAP o ano pang ayuda na naibigay sa panahon ng pandemiya?

10
Tayahin
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na sagot. Isulat sa
sagutang papel.
1. Ang media ay dapat magsasabi ng _____________________ lamang.
2. Kapag mali ang impormasyong naihatid ng media, ito ay
kailangan kaagad na __________.
(3-5). Ang mga layunin ng media ay ______________________________,
____________________, at _______________________.

ARALIN 3: ANG SIMBAHAN

Balikan
1. Ano ang pinakapangunahing halimbawa ng lipunang sibil?
2. Ano-ano ang mga layunin nito?

Tuklasin at Suriin
Bukod sa media, isa pang mahalagang halimbawa ng
lipunang sibil ay ang simbahan. Basahin ang layunin nito sa
graphic organizer.

11
Tandaan mo
Ang pagiging mananampalataya mo ay hindi nakawawala
ng iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya
ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan, at
pagtugon sa panawagan ng lahat.

Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga dato sa talahanayan tungkol sa


ilang mga nagawa ng simbahan para makapaghatid ng kabutihan sa mga
mamamayan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba gamit ang sagutang papel.

Organisasyon o Adbokasiya
Taon
Samahan (Isinulong na usapin)
Pagtutugon ng iba’t-ibang
Basic Ecclesial
pangangailangan ng iba’t-
Community ng
ibang pamayanan katulad 1999
Simbahang Katoliko
ng pagtutol at pagbantay sa
mga magtotroso.
Couples for Christ ng Pagpapatayo ng mga
1997
Simbahang Katoliko pabahay sa mga mahihirap
Seventh Day Adventist
Tumutotol sa paninigarilyo 1989
Church

1. Paano naisasabuhay ng iba’t-ibang simbahan o relihiyon ang


kanilang mga katuruan sa mga mananampalataya?
_________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing hindi nawawawala ang pagkamamamayan ng tao


dahil sa kaniyang pananampalataya?
________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, magkahiwalay ba o kasanib ang simbahan sa


layunin ng pamahalaan? Bakit mo nasabi ito?
________________________________________________________________

12
Isaisip

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

http://clipart.library.com http://clipart.library.com htpp://library.kissclipart.com

1. Ano ang epekto ng gawaing simbahan sa moral na buhay ng tao?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Paano isinasabuhay ng simbahan ang mga katuruang moral sa


mga mamamayan upang maging katuwang sa moral, ekonomiko,
at sosyal na buhay ng mga mananampalataya ayon sa nais ng
Panginoon?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Sa iyong opinyon, dapat ba na ang isang kabataan na katulad


mo ay makibahagi sa mga programa ng simbahan?
Pangatwiran.
_____________________________________________________________
______________________________________________________________

13
Isagawa
Panuto: Punan ang talahanayan sa isang pagtugon na ginawa ng
iba’t-ibang simbahan o relihiyon sa inyong pamilya, barangay o
lipunan ngayong Quarantine Period. Isulat ito sa sagutang papel.

Ang aking naradamdaman sa


Paglilingkod o serbisyo ng
paglilingkod o serbisyong
simbahan sa mga Tao
nagawa ng simbahan

Halimbawa: Pagkupkop at
pagpapakain ng mga paring
Nagagalak
Jesuita sa mga taong nasa
lansangan.

Tayahin

Panuto: Sabihin kung Tama o Mali ang pangungusap. Isulat sa


papel ang sagot.
1. _________ Ang simbahan ay isang anyo ng lipunang sibil.
2. _________ Magkahiwalay ang layunin ng simbahan sa
pamahalaan.
3. _________ Ang simbahan ay binubuo ng mga lider na
tagapaglingkod at mga mananampalataya.
4. _________ Ang mga katuruan ng simbahan ibang-iba sa mga
organisasyon ng lipunan.
5. _________ Mawawalan ng saysay ang mga katuruan ng
simbahan kung ito ay hindi naisasabuhay ng mga kasapi nito.

14
ARALIN 4: ANG IBA PANG ANYO NG LIPUNANG
SIBIL

Balikan
1. Ano-ano ang layunin ng simbahan?
2. Bakit mahalaga ang anyo ng lipunang ito?

Suriin at Tuklasin

Isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas ang nagtipon-


tipon noong 1984 at nabuo sila bilang isang lipunan sibil.
Sila ang Gabriela. Dahil sa kanilang pagsusulong,
naisabatas ng Kongreso ang mga sumusunod:

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa papel.


1. Sino-sino sa ating lipunan ang pinapahalagahan ng mga
batas na ito? ___________________________________________

2. Bakit kaya sila ang pinapahalagahan ng mga kasapi ng


Gabriela? ____________________________________
3. Bilang isang tin-edyer na babae o lalaki, ano ang iyong
nararamdaman sa mga batas na ito? _____________________

15
Dapat Tandaan:

Ang ibig sabihin ng mga katangiang ito ay napapaloob sa


talahanayan sa ibaba ng graphic organizer:

16
Isaisip
Panuto: Pagnilayan ang mensahe ng pahayag at isulat ang iyong
saloobin nito gamit sa iyong sagutang papel.

Ang kahirapan ay nangyayari kapag


nakalimutan natin ang kumalinga sa ating kapuwa.
Kontento sa ating sariling buhay at sa ating pamilya’t
mga kaibigan, nakakaligtaan natin ang
pangangailangan ng iba at hindi natin nakikilala na
tayo ay bahagi ng isang malaking pamilya. Para
matapos ang kahirapan, dapat umapaw ang
pagmamahal mula sa ating mga tahanan at dumaloy Tony Meloto,
GK Founder
sa buong mundo. -Gawad Kalinga (GK)

_____________________________________________________________

Isagawa
Photo credits: John P. & Roxanne de Castro

Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataon ngayong panahon ng


pandemiya na makapaglilingkod o makapagseserbisyo sa mga
kabataang katulad mo sa kanilang mga pangangailangang
edukasyonal, emosyonal, sosyal o ispiritwal, paano mo ito
gagawin? Lumikha ng sariling pangalan sa iyong samahan. Isulat
ito sa sagutang papel.

Organisasyon

Paraan ng paglilingkod

Layunin ng paglilingkod

Araw at oras ng pagsisilbi


Inaasahang kinalabasan ng
pagsisilbi

17
Tayahin
Post-Test

Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang


pinapahayag ng pangungusap.

1. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-


isa kaya kailangan nating magpatulong sa iba.

2. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas


upang matiyak na matutugunan ang pangangailangan ng
lahat.

3. Nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang


pangangailangan ng nakararami dahil sa ganitong paraan
lamang natin maipapakita ang ating pagkakaisa.

4. Pangunahing layunin ng lipunan sibil ang pagbibigay lunas


ng karamihan.

5. Ang kahulugan ng mass media ay impormasyong hawak ng


marami.

6. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan


dahil nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.

7. May kasinungalingan ang mass media kung mayroong


pagbanggit paglalahad ng iisang panig lamang.

8. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong


panrelihiyon ay bunga ng kapangyarihang hawak ng mga
lider.

9. Ang lipunang-sibil ay panghihimasok sa estado.

10. Ang samahang nagsasagawa ng pagtatanim ng mga puno


ay maitututuring na isang lipunang-sibil.

18
Susi ng Pagwawasto

Paunang Pagtataya

1. C 6. C
2. B 7. C
3. D 8. D
4. B 9. A
5. D 10. C

Aralin 1
Gawain 1

1. Pribadong sektor o lipunang sibil


2. Tapusin ang kahirapan
3. Hinuhubog ang mga tao sa mabubuting pagpapahalaga at
paglinang ng pamumuno
4. Answers may vary

Tayahin
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama

Aralin 2
Suriin
radyo, diyaryo, telebisyon, pahayagan, internet
Isaisip
1. Mababawasan ang negatibong epekto ng media, palakasin ang
kakayahing gumamit, sumuri, magtaya, at gumawa ng
produkto ng media
2. Mas napadali ang paghatid ng impormasyon at tulong
3. Madali lamang mapakalat ang negatibo o maling impormasyon
4. Answers may vary

19
Gawain

1. Pagkait ng mga kabataang babae na makapag-aral sa kanilang


bayan.
2. Edukasyon, pagkapantay-pantay ng kasarian (Gender equality)
3. Answers may vary
4. Answers may vary

Tayahin
1. Katotohanan
2. Ituwid
3-5. Magsabi ng katotohanan
Pagsulong ng ikabubuti sa lipunan
Pagtuwid ng kamalian sa sakaling may naipahatid ng maling
impormasyon

Aralin 3

1. Tumutugon sila sa pangangailangan ng mga tao ayon sa


makapagpabuti sa kanilang kalagayan sa buhay
2. Nagiging katuwang sila sa pagtugon ng pangangailangan sa lipunan
3. Answers may vary

Isaisip
Answers may vary
Aralin 4
Suriin
1. Mga kababaihan at mga kabataan
2. Mas mahihina sila at kailangang proteksiyonan ng pamahalaan
3. Answers may vary

Tayahin

1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama

20
Mga Sangguanian

Mga Aklat:

Edukasyon sa Pagpapahalaga 9, Modyul Para sa Mag-aaral


T. Punsalan, C. Gonzales, M. Nicolas, N. Marte: Pagpapakatao 9,
Manila, 2014
Mula sa Internet:

Baker, A. (2012). Runner-Up: Malala Yousafzai the Fighter. Hinango noong


Nobyembre 13, 2013, mula http://poy.time.com /2012/12/19/runner-up-
malala-yousafzai-the fighter/.

Baker, A. (1979). Howard Hughes’ Doctor gives a Chilling Description of his


Strange Patient’s Final Hours. Hinango noong Nobyembre 13, 2013 mula sa
http://www.people.com.people/article/0,,20074229,00.html

Media Influence in our Society. Kinuha noong Disyembre 2012 mula sa


http://voices. yahoo.com/media-influence –our-society-10802.html

Gawad Kalinga.http://www.gk1world.com/

John Paul (1999) Mass media: A Friendly Companion to those in Search of the
Father.Hinango noong Noveyembre 13, 2013 mula sa
http://www./vatican.va/holy_father/john_paulii/messages
/communications/documents/hf_ip_-ii_mes_204011999_world-
communcations-day_en.html.

Philippine Council for NGO Certification (PCNC).


http://www.pcnc.com.ph/ngo-list.ph

What are the Effects of Media in Our Society.Kinuha noong Disyembre 2012
mula sa http://lifesytle.ilove.india.com.com/lounge/what are -the- effects- of –
media- in- our- 822.html/

www.google.images.com

www.slipperybrick.com

www.socialmediajump/on

21
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Bureau Office: Cebu City Division
(Office Address): New Emus Road, Cebu City
Telefax: (032)- 255– 1516
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph

22

You might also like