9
Edukasyon saPagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Lipunang Pampolitika, Prinsipyo ng Subsidiarity,
at Prinsipyo ng Pagkakaisa
(Ikatlong Linggo – Ika-apat na Linggo)
MODYUL 2: LIPUNANG PAMPOLITIKAL, PRINSIPYO
NG SUBSIDIARITY, AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
Alamin
Mga Layunin:
A. Naipaliliwanag ang dahilan kung bakit may Lipunang Politikal,
Prinsipyo ng Subsidiarity, at Prinsipyo ng Pagkakaisa;
B. Natataya ang pag-iral o kawalan ng Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa; at
C. Napatutunayan na may pangangailangan ang tao na hindi niya
makakamtan bilang indibidwal, mapanatili ang pagkukusa, at
maibahagi ang pag-unlad sa lipunan.
Subukin
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa iyong
sagutang papel.
1. Saan inihambing ang isang pamayanan?
A. Pamilya C. Barkadahan
B. Organisasyon D. Magkasintahan
2. Ang mahusay na pamamahala ay mga ganitong kilos:
A. sabay
B. mula sa namumuno patungo sa mamamayan
C. mula sa mamamayan patungo sa namumuno
D. mula sa mamamayan para sa mamamayan
3. Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong
kasaysayan ng pamahalaan.
A. Batas C. Kabataan
B. Mamamayan D. Pinuno
4. Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay ______________.
A. personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
1
B. kakayahang gumawa ng batas
C. angking talino at kakayahan
D. pagkapanalo sa halalan
5. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa
adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.
A. Ninoy Aquino
B. Nelson Mandela
C. Malala Yuosafzai
D. Martin Luther King
6. Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika ay ang ___________.
A. mamamayan C. pangulo at mamamayan
B. pangulo D. kabutihang panlahat
7. Ito ay proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos
ng sarili at ng pamayanan.
A. Lipunang Politikal C. Komunidad
B. Pamayanan D. Pamilya
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapaliwanag sa konsepto ng
Lipunang Politikal?
A. Ang pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito.
B. Kasama sa pamamahala ng pinuno ang ipinagkaloob na tiwala ng
mga tao
C. Pananagutan ng mga kasapi na pangalagaan ang nabuong
kasaysayan ng pamayanan
D. Kinakailangan ng mga kasapi na makisali sa pag-iisip at
pagpapasiya para sa lipunan.
9. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity, MALIBAN sa
_________________.
A. pagsisingil ng buwis
B. pagbibigay daan sa Public Bidding
C. pagsasapribado ng mga gasolinahan
D. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay
10. Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Pagkakaisa, MALIBAN sa
_________________.
A. pagkakaroon ng kaalitan
B. bayanihan at kapit-bahayan
C. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
D. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
2
Panimulang Aral
Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay-high-school ang paghahanap ng
mga matatalik na kaibigan. Mahirap manimbang sa simula subalit kapag naging
kaibigan mo na, tuloy-tuloy na ang ligaya. Sila ang kasamang sumusubok ng
maraming karanasan. Sila ang kabiguan at kaasaran. Sila ang kakuwentuhan sa
maraming mga seryoso at malalim na kaisipan. Sila ang kasamang pumalaot sa higit
pang dakilang tunguhin sa buhay.
Ngunit, habang lumalaki ang grupo, nagiging mas mahirap pakinggan
ang lahat at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at
pasensiyahan. Isang pagsisikap na abutin at tuparin ang makabubuti sa
nakararami ang pagpapatakbo ng lipunan. Pampolitika ang tawag sa paraan
ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay
malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling
mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Ang pamahalaan ang nangunguna
sa gawaing ito.
Ilan sa mga epektibong paraan sa pagbubuklod ng lipunan upang
makamit ang kabutihang panlahat ay ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa (Solidarity). Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng
pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad
sa kanila. Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang
magtulungan at ng pamahalaan na magtayo ng mga akmang estruktura
upang makapagtulungan ang mga mamamayan.
Sa Lipunang Pampolitika ang ideal ay mabigyang prayoridad at
pagpapahalaga ang mga ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga personalidad
ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang kabutihang panlahat, ang pag-unlad ng
bawat isa.
Ang modelo ay ang relasyon ng magkakabarkada. Walang "boss" sa
barkada. Hindi ang pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin naman ang iilan.
"Boss" ng bayan ang pinuno—magtitiwala ang bayan sa pangunguna ng
pinuno dahil may nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan
at kabutihang panlahat. "Boss"naman ng pinuno ang taumbayan—walang
gagawin ang pinuno kundi ingatan, payabungin, at paunlarin ang mga
karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan. Ngunit nakasukob sila sa kaisa-
isang kabutihang panlahat na nakikita at natutupad sa kanilang pag-uusap
at pagtutulungan.
Tandaan mo na ang Lipunang Pampolitika ay ang proseso ng
paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng
pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito. Dahil dito, ang tunay
na “boss” ay ang kabutihang panlahat—ang pag-iingat sa ugnayang
pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.
3
ARALIN 1: BARKADAHAN KATULAD NG PAMAYANAN
(Ikatlong Linggo)
Tuklasin at Suriin
A. Gawin mo ito.
1. Gumawa ng profile ng samahang iyong kinabibilangan. Pumili ng isa
sa mga sumusunod:
● pamilya
● kaklase sa paaralan
● barkada
● organisasyong kinaaniban
2. Magtala ng 3-5 kasapi sa iyong napiling samahan. Kopyahin at
sagutin ang tsart na ito sa isang short bondpaper.
“Profile ng Aking Samahan”
Katangian na kapareho Katangian na
Pangalan
sa iyo bukod-tangi
Halimbawa:
Shena mapagmahal sa kapatid magaling magpatawa
1.
2.
3.
3. Sa ibaba ng papel, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:
a. Paano nakakatulong ang inyong pagkakapare-pareho sa pagiging
matatag na samahan?
b. Paano naman ninyo/mo hinaharap ang pagkakaiba-iba upang
mapanatili ang magandang samahan?
B. Basahin mo ito.
Hawig sa isang barkadahan ang isang pamayanan. Pinagsama-sama
sila ng kanilang kinatatayuang lugar. Halimbawa, Brgy. Katapatan! Doon
sila nakatira at doo’y sama-sama silang bumuo ng mga sistema kung
paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May mga kuwento silang
pinagdadaanan. May kuwento silang binubuo. Ang valedictorian na anak
4
ni Aling Norma, tagumpay ng buong
kapitbahayan. Ang aksidente ni Manuel sa
motor ay lubhang ipinag-alala ng buong
baranggay. Ang pagliligawan nina Eric at
Jenny, ikinakilig ng lahat. Ang problema sa
patubig ang laman ng usapan sa barberya at
palengke.
Ang kuwentong nililikha nila at ang mga pagkilos upang ingatan at
paunlarin ang [Link]
kanilang pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura.
Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan, gaya ng:
1. mga tradisyon
2. nakasanayang gawin
3. pamamaraan ng pagpapasya
4. mga hangarin na kanilang pinagbabahagian sa paglipas ng
panahon
Iniukit ang mga ito sa mga awit, sining,
at ritwal upang huwag makalimutan. Gabay
ang mga tradisyong ito sa mga hamon sa
kinabukasan. Babalikan nila ang
nakaraang nakaukit sa kanilang kultura
upang makita ang mga landas na mainam
na tahakin sa kinabukasan.
[Link]
Isaisip
Ngayon na may ideya ka na kung paano nagsimula ang iyong samahan,
sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel:
1. Bakit mahalagang magkaroon ng samahan?
2. Paano pinagtitibay ng kultura ang isang samahan?
Isagawa
1. Balikan mo ang una mong ginawa sa Tuklasin at Suriin.
2. Maaari kang pumili ng isa (1) sa mga pamamaraang ito:
a. gumuhit ng isang kultura
b. maghanap ng larawan na nagpapakita ng iyong pagkakaibigan
5
3. Ilagay ito sa isang short bondpaper at sulatan ng maikling
pagpapaliwanag sa ibaba ng larawan.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa iyong
sagutang papel ang T kung ito ay TAMA at M naman kung ito ay
MALI.
_____ 1. Hindi magkaiba ang barkadahan at ang pamayanan.
_____ 2. Sa loob ng pamayanan ay may kani-kaniyang kuwento ang tao ngunit
pinagsasamahan pa rin nila ang mga karanasang ito.
_____ 3. Pinagkakaisa ng kultura ang isang samahan.
_____ 4. Mabubuo pa rin ang kultura kahit na binabalewala lang ito ng mga
kabataan.
_____5. Ang mga karanasang pinagdadaanan sa loob ng pamayanan ay
puwedeng maging gabay sa paglutas ng problema sa hinaharap.
ARALIN 2: LIPUNANG PAMPOLITIKA
Balikan (Review)
Mula sa nagdaang aralin, matatandaan mo pa ba ang ilan sa mga
konseptong ito:
1. Anu-ano ba ang mga dahilan ng pagkakabuo ng isang samahan?
2. Paano kaya napapanatili ng isang pamayanan ang pagkakabuklod
nito?
Tuklasin at Suriin
Sa isang lipunan, mas maraming interes na kailangang pansinin at
pakinggan, sa dami ng nagkakaiba-ibang pananaw, sa laki ng lugar na
nasasakop, nagiging mas masalimuot na ang sitwasyon. Hindi na lamang
iisang kultura ang mayroon, marami pang nagkakaiba-iba at
6
nagbabanggaang kultura ang umiiral na parehong nagnanasa ng
pagyabong.
Ito ang kinakaharap ng lipunan:
1. Paano siya makagagawa at maging produktibo sa harap ng
maraming mga kulturang ito?
2. Paano magiging isa pa rin ang direksiyon ng bayan sa dami ng
mga tinig at lugar na gustong tunguhan ng mga tao?
Hindi madali ang sagot sa mga tanong na ito. Isang pagsisikap na
abutin at tuparin ang makabubuti sa nakararami ang pagpapatakbo ng
lipunan. Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan
upang masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na
pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang
panlahat.
Ang pamahalaan ang nangunguna sa gawaing ito. Narito ang kanyang
mga tungkulin.
isatitik sa batas ang mga
pagpapahalaga at
adhikain ng mga
mamamayan
mag-iipon, mag-iingat, at magtatag ng estruktura na
magbabahagi ng yaman sa maninigurong nakakamit ng
pamamagitan ng pagbubuwis at mga tao ang kanilang batayang
pagbibigay-serbisyo pangangailangan
magpapatupad ng batas
upang matiyak ang soberanya
at mapanatili ang seguridad at
kapayapaan sa loob ng bansa
Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan ng pamahalaan, may tukso na
tingnan ito bilang nasa itaas ng mga tao. Palibhasa nasa kamay ng mga
namumuno ang kapangyarihan na bigyang-direksiyon ang kasaysayan at
kinabukasan ng estado, itinuturing kung minsan ng mga tao ang kanilang
mga sarili bilang sakop lamang ng pamahalaan. Totoo ito, ngunit,
kailangang idiin at ulit-ulitin na ang pamamahala ay kaloob ng mga tao
7
sa kapwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa
pamumuno at pangangasiwa.
Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala. Hindi iba ang
pagtitiwalang ito sa ipinagkaloob natin sa ating mga kabarkada o
kasamahan sa pamayanan minsan sa ating buhay.
Sa barkada at pamayanan, sumusunod agad ang mga kasapi sa
tumatayong lider kahit sa una’y ayaw naman talaga. Bakit kaya?
1. Mayroong nakikita sa kanilang pag-aalab ng
kalooban
2. May matatayog silang pangarap na maaaring
maabot sa pakikipagtulungan sa iba
3. May talas sila ng paningin upang makita ang
potensyal ng grupo o pamayanan
4. May husay sila sa pagsasalita [Link]
Hindi lahat ng tao ay ganyan. At ang mga ganyan, ang natural na
nagiging pinuno ng lipunan.
Isaisip
Maaaring naisip mo na ngayon ang dami ng pamayanan na may iba’t ibang
kultura na kailangang pagsilbihan ng pamahalaan. Subukan mo na
ngayong sagutin ang mga tanong na ito sa iyong sagutang papel:
1. Anu-ano kaya ang pwedeng umusbong na mga problema at
pangangailangan kung magiging mas marami ang mga samahan?
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mahusay na
pinuno sa lipunan.
Isagawa
Panuto: Basahin ang sitwasyon na nasa ibaba.
May isang bus na bumibayahe galing Baguio patungong Maynila. Ito ay
naglalaman ng humigi’t kumulang na apatnapung pasahero. Mayroon
silang iisang tunguhin: ang makarating sa Maynila. May iisa silang
paraan upang makarating sa paroroonan – ang bus. Sila ay may
ugnayang ginagawa tulad ng simpleng kuwentuhan tuwing hihinto ang
bus sa pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng bawat pasahero.
May mga batas silang sinusunod upang huwag mapahamak habang
naglalakbay at alituntunin katulad ng dapat ay may tiket upang
8
makasakay. Nagbabayad ang lahat para sa gastusin
ng sasakyan at sweldo ng driver at konduktor.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong
sagutang papel.
1. Anu-ano ang mga katangiang nakikita mo sa
sitwasyon na hawig sa isang lipunan? (magbigay lang
ng tatlo [3])
2. Mula sa mga katangiang ito, maaari bang ituring na isang lipunang
pampolitika ang sitwasyong ito? Ipaliwanag.
Tayahin
Panuto: Gumuhit ng graphic organizer sa iyong sagutang papel at ipahiwatig
ang iyong naiintindihan sa mga sumusunod na konsepto ng aralin:
1. mga katangian ng isang lipunan (4)
2. mga hamon na hinaharap ng pinuno sa lipunan (2)
3. mga katangian ng isang epektibong pinuno (4)
ARALIN 3: PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT
PRINSIPYO NG PAGKAKAISA (SOLIDARITY)
(Ikaapat na Linggo)
Balikan (Review)
Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang mga pamamalakad na dapat
gampanan ng isang pinuno habang mas dumadami pa ang mga grupo sa
isang lipunan;
1. gaano ba kahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay na
pinuno sa isang lipunan?
2. ano kaya ang posibleng mangyari kung magiging kurap ang
pinuno ng isang lugar?
9
Tuklasin at Suriin
Isang pagpapabaya ang isipin na ang mga pinuno lamang ang
dapat magpatakbo ng lipunan, na ilagak na lamang sa kanilang mga kamay
ang kasalukuyan at kinabukasan nating lahat dahil sa pagtitiwalang
magaling sila. Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Maaaring
mahusay ang isang pinuno, ngunit kailangan niya ng katuwang upang
maisagawa ang, malalaki niyang proyekto. Ang totoo, hindi naman talaga sa
kaniya ang proyektong kaniyang
sinimulan. Ang mga ito ay proyekto ng
kaniyang mga kasamahan na nagkataong
siya lamang ang nakapagpaliwanag at
nanguna sa paggawa. Ang proyekto ng
pinuno ay hindi proyektong para sa
kaniyang sarili. Ito ay proyekto ng at para [Link]
sa kanyang pinamumunuan.
Kaya’t hindi mula sa “itaas” patungo sa “baba” ang prinsipyo ng
mahusay na pamamahala. Kailangan ang pakikipagtalaban ng nasa “itaas”
sa mga nasa “ibaba.” Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga
pinamumunuan at ang pinamumunuan naman sumusunod din sa gabay ng
kanilang pinuno. Gabay sa ugnayang ito ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa (Solidarity) na pangunahing kondisyon upang maging maayos ang
lipunan.
Prinsipyo ng Pagkakaisa
Prinsipyo ng Subsidiarity
(Solidarity)
Tutulungan ng pamahalaan ang
Tungkulin ng mga mamamayan
mga mamamayan na magawa nila
na magtulungan
ang makapagpapaunlad sa kanila.
Sisiguraduhin nito na walang
hahadlang sa kalayaan ng mga Magtatayo ang pamahalaan ng
mamamayan mula sa mga pinuno akmang estruktura upang
sa pamamagitan ng pag-aambag makapagtulungan ang mga
sa estado ng kanilang buwis, mamamayan.
lakas, at talino.
Hindi panghihimasukan ng mga
Tungkulin ng mga mamamayan
lider ng pamahalaan kung paano
na magtulungan tungo sa
mapauunlad ng mga mamamayan
ang kanilang sarili.
pag-unlad ng lipunan.
10
Marahil, sasabihin ng iba na, “Hindi rin naman mahalagang magsalita
pa. nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang marami”. Hindi
mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno
at/o ng mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na opinion isinilang
ang pinakamahusay na katarungan. Narito ang ilan sa mga tao na ginamit
ang kanilang munting tinig upang maipahayag nila ang saloobin:
1. Ninoy
– siya ang nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang ibang
sinisikil ng diktadurang Marcos
2. Martin Luther King
– siya ang tinig ng mga African-American na sumigaw ng pagkilala
sa tao lagpas sa kulay ng balat
3. Malala Yuosafzai
– isang tinig ng musmos na naninindigan para sa karapatan ng mga
kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng
pagtatangka sa kaniyang buhay.
Hindi utang na loob ng taumbayan sa mga pinuno ang kanilang
paglilingkod.
Tandaan:
● Ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno
● Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno
● Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang
● Nangunguna lamang sila sa grupo at hindi nasa itaas ng iba
Utang na loob nila sa taumbayan na ipanaubaya sa kanila ang
pangunguna sa mga hangarin ng bayan.
Sa lipunang pampolitika, sino ba ang ating maituturing na “boss”?
Kabutihang Panlahat
Ito ay ang pag-iingat sa
ugnayang pamayanan at ang
pagpapalawig ng mga
tagumpay ng lipunan
Pinuno Taumbayan
Siya ay Dapat na ingatan,
pagtitiwalaan ng payabungin, at
bayan sa kanyang paunlarin ang
pangunguna Sino kanilang karapatan
ang at kalayaan
tunay
na
"boss"?
11
Ang Lipunang Pampolitika ay ang proseso ng paghahanap sa
kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit
na mapatupad ang layuning ito. Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang
panlahat – ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at ang pagpapalawig ng
mga tagumpay ng lipunan.
Isaisip
Panuto: Narito na tayo sa panghuling bahagi ng modyul na ito. Ngayon,
subukan mong sagutin ang mga tanong na ito sa iyong sagutang
papel:
1. Ano ba ang pinagkaiba ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Solidarity?
2. Bakit mahalaga pa rin na gamitin ang munting tinig sa pagpapahayag
ng saloobin?
3. Sino nga ba ang tunay na “boss” sa lipunan?
Isagawa:
Panuto:
1. Gumuhit ng slogan na nagpapakita ng kagustuhan mo na maabot ang
kabutihang panlahat sa pamamagitan ng maliit ngunit epektibong
kakayahan na magmumula sa iyo.
2. Gawin ito sa short bondpaper at lagyan ng disenyo bilang margin.
Tayahin
A. Unawain ang bawat sitwasyon at tukuyin kung alin sa mga konsepto
ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa ang
umiiral dito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Halimbawa:
Sa panahon ng COVID-19 pandemic, sinisiguro ng ating pamahalaan na
ligtas ang bawat mamamayang Pilipino kaya may ibang lugar na inilagay
sa Enhanced Community Quarantine.
Tamang sagot: ___prinsipyo ng subsidiarity___
12
1. Noong buwan ng Mayo 2020, nabigyan ang libu-libong pamilyang
Pilipino ng 6,000 Php bilang ayuda mula sa pamahalaan.
Tamang sagot: _________________________
2. Si Aling Doris ay namahagi ng pagkain sa kaniyang mga kapitbahay
na nawalan ng hanapbuhay dahil sa lockdown.
Tamang sagot: _________________________
3. Nalilito si Erick kung paano siya makakapag-enroll ngayong
pasukan. Humingi siya ng tulong mula sa kaniyang kaibigang si
Mark at hindi ito nagdalawang-isip na tulungan siya.
Tamang sagot: _________________________
4. Nalulungkot si Mang Kulas sapagkat bawal na siyang
makapamasada dahil naka-ECQ ang kanilang lugar. Buti nalang at
binigyan ng pamahalaan ang bawat tsuper ng dyip ng tig-iisang sako
ng bigas at isa siya sa mga nakatanggap nito.
Tamang sagot: _________________________
5. Kahit pagod na sa kaniyang trabaho bilang nurse sa pampublikong
hospital, lagi pa ring umaalay ng dasal si Doris sa bawat pasyente
na kaniyang inaalagaan.
Tamang sagot: _________________________
Pangkalahatang Pagsubok
Panuto: Piliin ang tamang salita sa loob ng saknong na bubuo sa bawat
pangungusap at isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Ang pinakamasayang bahagi ng buhay-high-school ay ang paghahanap
ng ______________ (kaibigan, kasintahan).
2. Maihahalintulad natin ang _______________ (barkadahan, pamilya) sa
isang lipunan.
3. _______________ (Tradisyon, Kultura) ang tawag sa mga nabuong gawi
ng pamayanan.
4. Habang ______________ (lumalaki, lumiliit) ang grupo, nagiging mas
mahirap na pakinggan ang lahat.
13
5. Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na
ang bawat isa ay magkakaroon ng maayos na pamumuhay ay
_______________ (pampolitika, pang-ekonomiya).
6. Ang pamamahala ay usapin ng _______________ (kawalan, pagkakaloob)
ng tiwala.
7. Sa Prinsipyo ng _______________ (Subsidiarity, Pagkakaisa), tutulungan
ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang
makapagpapaunlad sa kanila.
8. Sa Prinsipyo ng _______________ (Subsidiarity, Pagkakaisa), tungkulin
ng mga mamamayan na magtulungan tungo sa pag-unlad ng lipunan.
9. Si ________________ (Malala Yuosafzai, Martin Luther King) ang tinig ng
mga African-American na sumigaw sa pagkilala sa tao lagpas sa kulay
ng balat.
10. Sa lipunang pampolitika, ang tunay na boss ay ang _______________
(pinuno, kabutihang panlahat, taumbayan)
Susi sa Pagwawasto
14
Sanggunian
Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul Para sa Mag-aaral
T. Punsalan, et al: Pagpapakatao 9, Manila, 2014
Mga larawan
[Link]
[Link]
[Link]
w_legal_public_society_icon
[Link]
15