You are on page 1of 23

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity
at Prinsipyo ng Pagkakaisa

AIRs - LM
1

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Unang Markahan –Modyul 3: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa
Ikalawang Edisyon, 2021

Edukasyon sa
Karapatang sipi © 2021
La Union Schools Division
Region I

Pagpapakatao 9
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan
Unang Bumubuo Markahan – Modyul 3
sa Pagsulat ng Modyul
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng
Manunulat: Catherine C. Balbin
Subsidiarity
Christopher Caranta at Prinsipyo ng
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Pagkakaisa
Content Reviewer: Janice Mae C. Domingo
Language Reviewer: Maria Clarideth A. Nuesca
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Jerik Christoffer O. Gaspar

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph. D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph. D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS
Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
Sapulin

Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging kailangan upang


magtagumpay ang kasamaan ay ang hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.”
(All that is necessary for the triumph of evil is that good men do nothing)? Kung
minsan, hindi naman sinasadya ng mga tao na wala silang gawin. Maaaring
hindi lamang nila alam kung ano ang papel nila at kung paano sila
makatutulong. Kung minsan, akala nila ay may ibang gagawa. Sa takot na
magkagulo pa, lumalayo na lamang sila sa eksena. Ito ay mahalagang
maintindihan kung paano tayo nabubuhay sa isang lipunan. Sa loob ng
lipunan ay may ugnayang umiiral sa aspektong pampolitika. May mga gawaing
kailangang mabigyang-linaw upang hindi maging hadlang sa pagkamit ng
kabutihang Panlahat.
Lahat ng tao ay may mga pangangailangan. Mga pangangailangan na
kayang abutin kung tayo ay magsumikap at magtiyaga sa buhay. Ngunit may
mga pagkakataon na ang mga pangangailangan na nais natin ay kaya lamang
ibigay ng ating kapwa, mga organisadong samahan at ng pamahalaan.
Isa-isa nating alamin ang mga sagot sa mga katanungang-ano ang
dahilan kung bakit may lipunang politikal? Ano ang ibig sabihin ng prinsipyo
ng subsidiarity at ano ang prinsipyo ng pagkakaisa? Tara na at magsimula na
tayong tuklasin ang ating mga nais malaman.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang sumusunod kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakikilala kung ano ang Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa
2. Naipaliliwanag ang Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa
3. Naipaliliwanag ang: a. dahilan kung bakit may Lipunang Politikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa (EsP9PL-Ic-2.1)
Napapatunayan na:

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
a. May mga pangangailangan ang tao bilang indibidwal na makakamit
lamang niya sa pamahalaan o sa organisadong pangkat tulad ng mga
pangangailangang pangkabuhayan, kultural, at pangkapayapaan.

b. Kung umiiral ang prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang


pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na
nasa mahabang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat
kasapi ng pamayanan.

c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na


mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-
angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-
unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa). (Esp9PL-ld-2.3)

Handa ka na ba para tugunan ang mga gawaing nakapaloob sa


modyul na ito? Halina at paghusayan mo.

Simulan

Gawain 1-A PANUTO: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng mga
pangungusap ay may katotohanan at MALI kung walang katotohanan.
__________1. Kapag wala ang lipunang politikal kakayanin pa rin ng tao na
makamtan ang kapayapaan at matiwasay na pamumuhay sa isang
baryo o lungsod.
__________2. Iilan lang ang nakakaintindi sa tunay na halaga ng lipunang politikal
dahil sa mga maling hakahaka ukol sa mga kontribusyon nito sa
pamayanan.
__________3. Ang lipunang politikal ay laging naiuugnay sa salitang kapangyarihan.
__________4. Ang layunin ng politika ay upang paganahin ang mga miyembro ng
isang lipunan na kolektibong makamit ang mga mahahalagang layunin
ng tao na hindi nila makamit nang iisa lamang.
__________5. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay gawa lamang ng mga namumuno.
__________6. Isa sa magandang epekto ng sistemang politikal na ginagamit ng
prinsipyong subsidiarity ay ang pagtulong ng mga namamahala sa mga
mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
__________7. Minsan ang ating lipunang politikal ang nakakatulong sa atin na
makamit natin ang mga pangangailangan gaya nang edukasyon,
tahimik na pamayanan at iba pang importanteng serbisyo sa
komunidad.
__________8. Ang ating lipunang politikal, ang siyang pangangasiwaan ng mga
mamamayan upang magkaroon sila nang magandang kabuhayan.
__________9. Sa isang lipunan ay maaaring sundin natin kung sino ang may
malakas
ang dating, may pera at impluwensya sa nakakarami kahit na ito ay
magdudulot nang kaguluhan.
__________10. Ang lipunang politikal ang nangangasiwa ng ating pamayanan, ang
mga materyal na pangangailangan nito at lalo na ang katahimikan at
kapayapaan.
Gawain 1-B Panuto: Batay sa sitwasyon na nasa unang kolum, punan ang
ikalawang kolum at ikatlong kolum. Maging batayan ang naibigay
na halimbawa. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Sitwasyon Madalas na nangyayari Resulta

Halimbawa: Dumagsa at nagkagulo Tumaas ang antas ng


ang mga tao sa mga mall. hawaan ng COVID-
Mataas ang bilang ng may
19.
COVID ngunit binuksan
ang mga naglalakihang
mall kahit walang
pahintulot mula sa IATF.
Walang gurong
nagbabantay habang may
pagsusulit.
Namigay ng ayuda si
Cardo sa isang barangay
na walang paalam sa
barangay chairman.
Wala ang mga magulang
sa bahay.

Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.


1. Ano ang natuklasan mo sa iyong mga sagot sa tsart?

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
2. Ano ang karaniwang resulta kung walang namamahala o nangunguna sa
isang gawain? Ipaliwanag.

3. Bakit mahalagang maisaayos ang pagsasagawa ng mga gawain?


4. Paano magiging maayos at magiging makabuluhan ang isang gawain?
5. May kakayahan ka bang tumulong kapag nakaranas ng ganitong
sitwasyon?

5 Puntos 4 na Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Punto


*Napakahusay *Napakahusay *Mahusay, *Angkop *Kulang at
, buo at , buo at hindi buo ang hindi angkop
angkop ang angkop ang ngunit angkop kasagutan ang
kasagutan. kasagutan. ang kasagutan. ngunit kasagutan.
*Tama ang *May 1 o 2 *Maraming kulang ito. *Maraming
gramatika. mali sa mali sa *Maraming mali sa
gramatika. gramatika. mali sa gramatika.
gramatika.

Ano nga ba ang Lipunang


Aralin Politikal, Prinsipyo ng
1 Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa?

Lakbayin

Lipunang Politikal

Bakit mahalagang pag-aralan kung ano ba ang lipunang politikal? Ano naman
ang malaking bahagi ng prinsipyong subsidiarity sa lipunan? Mahalaga ba ito?
Ano-ano naman ang epekto nito sa ating lipunan? Ano naman ang prinsipyo ng
pagkakaisa o solidarity? Gaano ito kahalaga at ano-ano naman ang epekto nito sa
ating lipunan? Marahil isa ka sa mga indibidwal na nagtatanong kung ano talaga

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
ang halaga ng politika sa lipunan. Ano-ano ang mga papel na ginagampanan nito
sa lipunan? Minsan ba ay napapatanong ka kung kailangan ba talaga nating mga
mamamayan ang lipunang politikal?

Ang salitang politika ay tumutukoy sa mga pinuno ng gobyerno, mga


mambabatas at ang lipunan at mamamayan. Ang politika ay talagang naroroon
kapag mayroong isang koleksyon ng mga tao na bumubuo ng isang
pamayanan. Ang lipunang politikal ay sinasabing isang hanay ng mga aksyon
o pangyayari na nag-aangat ng mga katanungan sa komunidad o lipunan sa
kabuuan. Ang kanilang mga gawain, pagpaplano at desisyon ay may malaking
epekto sa pangkalahatang populasyon sa isang partikular na oras. Ang lipunan
ay maaaring ihambing sa isang barkadahan.

Ang lipunang politikal ay binubuo ng mga pinuno at lider ng gobyerno. Ang


mga indibidwal na ito ay bumubuo ng mga panukalang batas, nagmumungkahi ng
mga patakaran at nagtataguyod ng kanilang mga pananaw sa kung paano
mapahusay ang pagganap ng ekonomiya ng bansa. Minsan ang ating lipunang poli

tikal ang nakakatulong sa atin na makamit natin ang mga pangangailangan gaya
ng edukasyon, tahimik na pamayanan at iba pang importanteng serbisyo sa
komunidad.

Ito ay naglalayon na paganahin ang mga miyembro ng isang lipunan na


kolektibong makamit ang mga mahahalagang layunin ng tao na hindi nila makamit
nang paisa-isa. Ang ating mga pinuno ang siyang gagawa ng mga hakbang at plano
ukol sa mga programang makakatulong sa mga mamamayan na magkaroon nang
matiwasay na pamumuhay. Ang isang lipunang politikal ay naglalarawan sa
sistemang nagbibigay pansin sa organisasyon, kaayusan, at pamahalaan. Itinatag
ito para magkaintindihan at hindi magkagulo ang mga tao sa isang lipunan sa
pagdedesisyon para sa bayan.

Ang prinsipyo ng subsidiarity ay ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa


mga mamamayan para sa ikauunlad nito. Maaaring pairalin ang prinsipyo ng
subsidiarity sa pamilya kung ang lahat ng miyembro nito ay makikipagtulungan sa
bawat isa. Halimbawa, ang mga gawaing-bahay na maaaring paghatian ng bawat
isa, tiyak makatutulong ito sa ikauunlad at pagbubuklod ng pamilya. Ang
pagkakaroon ng pagkakaisa sa bawat pamilya ang simula upang mas maisagawa

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
ito sa ating lipunan. Nagmula ito sa salitang subsidium (Latin) na ang kahulugan
ay tulong. Ito ay ipinapakita na likas sa isang panlipunang gawain ang pagbibigay
tulong o suporta sa lahat ng kasapi ng lipunan. Ang pagtulong ay isang virtue na
taglay ng isang tao na handang ialay kahit ang sarili para sa kabutihang panlahat.
Ang pagmamamalasakit ay nakikita sa mga pagsuporta tulad ng pakikilahok sa
programa ng komunidad na makatutulong sa paglutas ng mga suliranin nito.
Ang prinsipyo ng solidarity ay tinatawag ding prinsipyo ng pagkakaisa. Sa
prinsipyo na ito, kung ano ang gusto ng mga pinamumunuan o mamamayan ay
siyang gagawin ng pinuno at ang pinamumunuan ay kailangan na sumusunod sa
giya ng kanilang pinuno. Ito ay tungkol sa interes kung saan ang pinakamahalaga
ay ang kapakanan ng lahat at kung ano ang interes ng nakararami ay siyang
papangibabawin. Ito rin ay tungkol sa responsibilidad kung saan ganap na
tinutugunan ng bawat indibidwal ang gampaning nakaatang sa kanya. Ito ay
mahalaga upang magkaroon ng mabilis na pag-unlad ang pamayanang kanyang
kinabibilangan.

Galugarin

Gawain 1: Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa loob ng bilog.


Ilagay ang inyong sariling kasagutan sa nakalaang kahon.

Ang matatag na
lipunang politikal
ay nagdudulot
ng:

Ang pagpapairal
ng prinsipyo ng
subsidiarity ay
nagdudulot ng:
6

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
Ang pagpapairal
ng prinsipyo ng
solidarity ay
nagdudulot ng:

Rubriks sa Pagsagot ng mga tanong

5 Puntos 4 na Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Punto


*Napakahusay *Napakahusay *Mahusay, *Angkop *Kulang at
, buo at , buo at hindi buo ang hindi angkop
angkop ang angkop ang ngunit angkop kasagutan ang
kasagutan. kasagutan. ang kasagutan. ngunit kasagutan.
*Tama ang *May 1 o 2 *Maraming kulang ito. *Maraming
gramatika. mali sa mali sa *maraming mali sa
gramatika. gramatika. mali sa gramatika.
gramatika.

Palalimin
Gawain 2: Panuto: Tignang mabuti ang larawan sa ibaba. Ano kaya ang nais
ipahiwatig nito sa atin? Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
Mga Tanong:
1. Bakit may lipunang politikal? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang prinsipyo ng pakikipagtulungan at pakikipagbukluran
sa loob ng lipunan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Rubriks sa Pagsagot ng mga tanong

5 Puntos 4 na Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Punto


*Napakahusay *Napakahusay *Mahusay, *Angkop *Kulang at
, buo at , buo at hindi buo ang hindi angkop
angkop ang angkop ang ngunit angkop kasagutan ang
kasagutan. kasagutan. ang kasagutan. ngunit kasagutan.
*Tama ang *May 1 o 2 *Maraming kulang ito. *Maraming
gramatika. mali sa mali sa *maraming mali sa
gramatika. gramatika. mali sa gramatika.
gramatika.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
Aralin Makibahagi Para sa
2 Pag-unlad Kaibigan!
Lakbayin

Panuto: Basahin at unawain ang tekto.

Sa Panahon ng Pandemyang- COVID 19

Ang tao, kahit siya ang pinakamalakas, pinakamayaman at


pinakamatalino ay hindi niya kakayanin ang maraming problema na
dumarating sa kanyang buhay. Kailangan niya ng kasangga.

Ang bansang Pilipinas ay hindi rin nakaligtas sa dagok na dala ng


COVID-19. Maraming suliranin ang lumitaw dahil sa COVID-19, ngunit dahil
sa pandemiya, nakita ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa,
pamahalaan at iba pang organisadong pangkat.

Ang tao ay hindi masasabing matagumpay kung ang lipunang


kinabibilangan niya ay lugmok sa isang matinding laban. Mahirap takbuhan
ang katotohanan na ikaw ay kabilang sa isang lipunan. Ngunit minsan, may
mga mamamayan na iniaasa lahat sa pamahalaan. Dahil ayon sa kanila,
gampanin ng pamahalaan na ibigay lahat ang kanilang mga pangangailangan.
Pero hindi lahat ng pagkakataon ay may nakahandang tulong. Mas maigi na
habang naghihintay ka ng tulong ay mayroon ka ring ginagawang mga
hakbang. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno o ng mga
mamamayan lamang. Gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng mga
kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Solidarity at Subsidiarity


1. Pakikipagkapwa tao
Binubuo, hindi ng isang indibidwal lamang kundi ng mga sama-
samang tao ang isang komunidad. Mahalagang isagawa at isapuso ang
pagpapahalagang ito upang makasiguro ng matibay na samahan.

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
2. Pagkakaisa
Paano nga makapagtatagumpay ang isang samahan kung walang
pagkakaisa? Isa rin itong mahalagang salik na makapagsasabi kung
magtatagumpay ang isang pamayanan.

3. Interes
Kailangang maging malinaw ang layunin o hangarin hindi lang ng
isang indibidwal kundi maging ng buong pamayanan.

4. Pagiging Responsable
Mahalaga ito upang mapabilis ng pag-unlad ng pamayanan. Kung ang
bawat isa ay magiging responsable sa kanilang mga gampanin bilang
bahagi nito, tiyak na magtatagumpay.
5. Matatag Na Samahan
Mawawalan ng saysay din ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity kung
hindi rin matatag and samahang magkakapitbahayan. Kung namumuno
sa kanilang pagitan ang napakatibay na bigkis, na di basta-basta
mapapatid, ay magiging epektibo ang lahat ng mga layuning maganda
para sa bawat isa na makatutulong sa pagpapanday ng maunlad at
pamayanan.
Dahil dito, hindi lamang natutulungan sa mga materyal na bagay ang
mga taong nangangailangan kundi tuturuan din sila ng mga paraan upang
umunlad ang kanilang mga sarili. Lahat ng mabuting lipunan o samahan ay
dapat may mabubuting-loob na tumulong o magbigay ng suporta, magpaunlad
at luminang. Sa bawat hamon ng buhay lalo na ngayon sa panahon ng
pandemya ay ipakita natin ang halaga ng pagkakaisa. Huwag nating kalimutan
na ang bawat isa sa atin ay may pangangailangan sa bawat isa. Lahat tayo ay
may sariling kakayahan na makatulong para sa kabutihang Panlahat

Galugarin

10

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
Gawain 3: Panuto: Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa
mga pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa
lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan. Ibigay ang
hinihinging kasagutan ng mga nasa kahon upang maipakita ang
pakikibahagi sa pag-unlad ng sarili at lipunan.

Ano-anong mga Ano naman ang iyong


pangangailangan mo magagawa upang
ang naibibigay ng makatulong at makibahagi
sumusunod na sector sa pagpapaunlad sa mga
sa lipunan? sector na ito?

1. Pamilya

2. Paaralan

3. Simbahan

4. Pamayanan

Rubriks sa Pagsagot ng mga tanong

5 Puntos 4 na Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Punto


*Napakahusay *Napakahusay *Mahusay, *Angkop *Kulang at
, buo at , buo at hindi buo ang hindi
angkop ang angkop ang ngunit angkop kasagutan angkop
kasagutan. kasagutan. ang kasagutan. ngunit ang
*Tama ang *May 1 o 2 *Maraming kulang ito. kasagutan
gramatika. mali sa mali sa *Maraming .
gramatika. gramatika. mali sa *Maramin
gramatika. g mali sa
gramatika.

11

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
Gawain 4: Panuto: Basahin ang mga sitwasyon ng taong nangangailangan ng
tulong sa unang kolum. Isulat sa ikalawang kolum kung sino ang
maaaring tumulong sa sitwasyong nabanggit. Uriin kung sino ang
inaasahang pinanggagalingan ng tulong sa pamamagitan ng pag-
tsek sa tatlong pagpipilian dito.

Mga taong Mga Uri ng panggagalingan ng tulong


nangangailangan ng maaaring
Pamahalaan Kapwa Kapwa
tulong tumulong
mamamayan mamamay
an at
may
suporta
ang
pamahala
an
1. Mga taong hindi
makauwi sa
kanilang
probinsiya o
munisipalidad
dahil sa COVID 19
2. Taong walang
pambayad sa
ospital
3. Drayber na
nawalan ng
trabaho dahil sa
COVID-19

Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno:

a. Ano ang natuklasan mo sa iyong mga sagot? Ipaliwanag.


b. Ano kaya ang mangyayari kung walang tulong na matatanggap ang
mga nangangailangan?

12

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
c. Kailangan ba na hindi lamang ang pamahalaan ang tutulong sa mga
nangangailangan kundi pati rin ang kapwa mamamayan? Bakit?
Rubriks sa Pagsagot ng mga tanong

5 Puntos 4 na Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Punto


*Napakahusay *Napakahusay *Mahusay, *Angkop *Kulang at
, buo at , buo at hindi buo ang hindi angkop
angkop ang angkop ang ngunit angkop kasagutan ang
kasagutan. kasagutan. ang kasagutan. ngunit kasagutan.
*Tama ang *May 1 o 2 *Maraming kulang ito. *Maraming
gramatika. mali sa mali sa *Maraming mali sa
gramatika. gramatika. mali sa gramatika.
gramatika.

Palalimin

Gawain 5: Panuto: Isulat sa patlang ang (/) kung ang sitwasyon sa


bawat bilang ay nagpapakita ng pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na
mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/ bansa, at (X) naman kung hindi.

_______1. Tumulong si Ana sa pamimigay ng ayuda sa mga frontliners.


_______2. Pinanood lang ni Enteng ang pagwawalis ng mga Barangay Health
Workers sa harap ng kanilang bakuran.
_______3. Nagbigay ng sampung karton na coupon bond si Janong sa isang
paaralan para may magamit sa pag-imprenta ng mga modyuls.
_______4. Binili na ni Elmer ang lahat na gagamitin ng bunsong kapatid para
sa susunod na pasukan.
_______5. Ginabayan ni Jenny ang bago niyang kasama sa kanyang trabaho.
_______6. Tuwang-tuwa si Marisa habang nagtuturo ng libre sa mga
kapitbahay na bata.
_______7. Pinabayaan lang ni Almera na kainin ng alaga niyang kambing ang
mga halaman ng kanilang kapitbahay.
_______8. Binigyan ni Marren ng libreng papel ang kaniyang kamag-aral na
walang gamit.
_______9. Tinawanan lang ni Ruben ang pagtulong ng mga kapitbahay
niya sa may sakit na matanda.

13

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
_______10. Nagbigay si Piolo ng pondo para sa scholarship ng mga matatalino
ngunit walang kakayahang makapag-aral na estudyante.

Gawain 6: Panuto: Isulat sa mga kahon kung ano ang mga naging epekto ng
pandemyang COVID 19 sa tao at kung ano-ano ang ginawa ng tao
at ang pamahalaan para mapabuti ang uri ng pamumuhay sa
kasagsagan ng kwarentina dahil sa pandemyang COVID 19?

Epekto ng COVID 19 Prinsipyong Subsidiarity Prinsipyo ng Solidarity


Halimbawa: Nakatanggap ng ayuda Nangalap ng tulong ang
mula sa kanilang TODA grupo ng mga pasahero
Nawalan ng trabaho ang
para makapaghatid
mga tricycle drivers.
tulong sa mga
nangangailangan
1.
2.
3.
4.
5.

Narito ang mga kraytirya sa pagmamarka

1. Makatotohanan at konkreto ang pangyayaring binanggit.


2. Mapanuri ang pagtataya at paghuhusga sa mga pangyayaring
nabanggit
3. Malinaw ang pagninilay sa bawat nataya at nahusgahang
pangyayari.

Gawain 7- Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng pakikibahagi ng


bawat tao sa pagsisikap na mapabuti ang uri ng pamumuhay kahit
na may COVID-19. Ilagay ito sa isang malinis na papel (15 puntos)

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos


Nilalaman – 5 puntos
Orihinalidad -5 puntos
Kalinisan – 5 puntos

14

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
Sukatin

A. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang


tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa
sagutang papel.

1. Anong pagpapahalaga ang dapat isagawa at isapuso upang masiguro


ang pagkakaroon ng matibay na samahan?
A. Pakikipagkapwa tao B. Interes

C.Pagiging responsible D. Matatag na samahan

2. Ang pag-unlad ng lipunan ay gawa ng isang pinuno?


A. Tama B. Mali
C. Walang kasigurahan D. Wala sa Pagpipilian
3. Ano ang nararapat gawin ng isang mamamayan para hindi siya maging
pasanin ng lipunan?
A. Siguraduhing walang impluwensiya galing sa ibang kultura
B. Siguraduhing masaya ang mga mamamayan sa bawat araw
C. Magkaroon ng sariling pagkakakitaan
D. Hindi umaasa sa pamahalaan, subalit nakikiisa siya rito

4.“Ang pagpapatakbo sa lipunan ay iasa sa mga pinuno.” Sang- ayon ka ba


dito?
A. Oo, dahil ang pamumuno ay isang kaloob na tiwala.
B. Oo, dahil alam nila ang sistema tungo sa kabutihang panlahat.
C. Hindi, dahil marami ang may kakayahang mamuno sa lipunan.
D. Hindi, dahil may tungkulin ang mamamayan na makilahok sa
gawaing panlipunan.
5. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?
A. Upang mabisang maisulong ang pag-unlad ng lipunan
B. Upang mabigyang lunas ang suliranin ng lipunan
C. Upang maisulong ang pagkakaisa ng bansa
D. Lahat ng nabanggit

15

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
6.Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa
kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
A. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
B. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
C. itaguyod ang karapatang- pantao
D. ingatan ang interes ng marami

7.Bakit kailangang may umiiral na batas sa lipunan?


A. Para may kaayusan B. Makukulong ang may sala
C. Aangat ang mayayaman D. Walang mangyayari

8. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya?


A. magdudulot ito ng kasiyahan B. makapagpapabuti sa tao
C. ito ay ayon sa mabuti D. walang nasasaktan

9. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay


nakikilahok?
A. pag-unlad B. pagkakaisa
C. kabutihang panlahat D. pagtataguyod ng pananagutan

10. Ano ang mangyayari kung responsable ang mga mamamayan?


A. Magtatagumpay sa hangarin B. walang mangyayari
C. Marami ang maiiwan D. walang pinuno

B. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng mga pangungusap ay


katotohanan at MALI kung hindi.
________1. Ang lipunang politikal ay ang nangangasiwa ng ating pamayanan, ang
mga materyal na pangangailangan nito at lalo na ang katahimikan at
kapayapaan.
________2. Iilan lang ang nakakaintindi sa tunay na halaga ng lipunang politikal
dahil sa mga maling hakahaka ukol sa mga kontribusyon nito sa
pamayanan.
________3. Ang layunin ng politika ay upang paganahin ang mga miyembro ng
isang

16

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
lipunan na kolektibong makamit ang mga mahahalagang layunin ng
tao na hindi nila makakamit nang mag-isa lamang.
________4. Ang lipunang politikal ay laging naiuugnay sa salitang kapangyarihan.
________5. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay gawa lamang ng mga namumuno.
________6. Minsan ang ating lipunang politikal ang nakakatulong sa atin na
makamit
natin ang mga pangangailangan gaya nang edukasyon, tahimik na
pamayanan at iba pang importanteng serbisyo sa komunidad.
________ 7. Isa sa magandang epekto ng sistemang politikal na ginagamit ng
prinsipyong subsidiarity ay ang pagtulong ng mga namamahala sa mga
mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila.
________8. Ang ating lipunang politikal ang siyang pangangasiwaan ng mga
mamamayan upang magkaroon sila nang magandang kabuhayan.
________9. Sa isang lipunan ay maaring sundin natin kung sino ang may malakas
ang dating, may pera at impluwensya sa nakakarami kahit na ito ay
magdudulot nang kaguluhan.
________10. Kapag wala ang lipunang politikal kakayanin pa rin na makamtan ang
kapayapaan at matiwasay na pamumuhay sa isang baryo o lungsod.

Susi ng Pagwasto

SIMULAN ARALIN 1
Gawain 1-A
Galugarin
1. Mali
Gawain 1
2. Tama
3. Tama 1. √ 6. √
4. Tama 2. X 7. √
5. Mali 3. √ 8. √
6. Tama 4. √ 9. √
7. Tama 5. √ 10. √
8. Tama
9. Mali
10. tama

17

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
ARALIN 2 SUKATIN

Galugarin A.
Palalimin
Gawain 3 1. A 6. A
Gawain 5
Iba-iba ang sagot 2. B 7. A
1. √
2. X 3. C 8. B
3. √ 4. D 9. C
4. √
5. D 10. A
5. √
6. √
7. X B.
8. √
9. X 1. Tama 6. Tama
10.√ 2. Tama 7. Tama
3. Tama 8. Tama
4. Tama 9. Mali
5. Mali 10. Mali

18

LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
Sangggunian:

Aklat:
Gayola, Sheryll , Goeffrey Guevara, Maria Tita Bontia, Suzanne Rivera, Elsie
Celeste, Marivic Leano, Benedick Daniel Yumul, Aprilyn Miranda, at Nestor
Alagbate . Edukasyon sa Pagpapakatao 9-Modyul para sa Mag-aaral, Unang
Edisyon, Lungsod Pasig: FEP Printing Co., 2015, p. 21-34.

Gayola, Sheryll , Goeffrey Guevara, Maria Tita Bontia, Suzanne


Rivera, Elsie Celeste, Marivic Leano, Benedick Daniel Yumul, Aprilyn
Miranda, at Nestor Alagbate. Edukasyon sa Pagpapakatao 9- Gabay
sa Pagtuturo , Unang Edisyon, Lungsod Pasig: FEP Printing Co., 2015

Dy, M B. Contemporary Social Philosophy, Makati City: Katha Publishing Co., Inc. ,
2013

Mula sa Internet:

Modyul 2 Lipunang Pampolotika, Prinsipyo ng Subsidairity at Prinsipyo ng Pagkakaisa nuong


17 Marso 2017. http://www.powtoon.net/mobile/jon

https://www.google.com/search?q=prinsipyo+ng+solidarity+at+subsi
diarity&oq=prinsipyo+ng+solidarity+at+subsidiarity&aqs=chrome.69i57.15703j0j7&sour
ceid=chrome&ie=UTF-8

http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm

http://www.federalunion.org.uk/subsidiarity-man/

https://www.google.com.ph/search?q=subsidiarity&source=lnms&tb m=isch
&sa=X&ei=uvqC

20
LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3
20
LU_Q1_Edukasyon_sa_Pagpapakatao_9_Module3

You might also like