You are on page 1of 24

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 3:
Mga Batas na nakabatay sa
Likas na Batas Moral
(Week 3-Aralin 1)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Self Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot saKagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Renante Tabigo-on
Editors: Gladeline L. Biescas, Ramir G. Flores and Jocelyn A. Gahum
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Carlo C. Melendres PhD, Rolex H. Lotilla and Arvin Tejada
Tagasuri: Evelyn C. Frusa, PhD, Rolex H. Lotilla and Arvin Tejada
Tagalapat: Reggie D. Galindez, Kent Corpuz and Arcadio G. De Jesus III
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE- Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero CESE- Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. - REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug-REPS, ADM
Leonardo B. Mission- REPS, Filipino
Belen L. Fajemolin PhD- CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD- Division EPS In Charge of LRMS
Bernardita M. Villano- Division ADM Coordinator
Carlo C. Melendres PhD – EPS, Subject Area Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address region12@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Mga Batas na Nakabatay sa Likas
na Batas Moral
(Week 3-Aralin 1)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - 9 ng Self


Learning Module (SLM) para sa araling Mga Batas na Nakabatay sa Likas na
Batas Moral.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mgapaalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao – 9 ng Self Learning


Module (SLM) ukol sa Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at mag-
sakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay
na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang – akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay
Gawain sa iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat s iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Modyul
Mga Batas na Nakabatay sa
3 Likas na Batas Moral

Alamin

Nakatutuwang basahin ang isang tula mula ay Robert Fughum na


nagsasabi natutuhan na natin ang lahat ng kailangan nating malaman noong tayo
ay musmos pa lamang (All I Really Need to Know I learned in Kindergarten). Tulad
ng huwag mandaya, huwag manakit ng kapwa, maghugas ng kamay bago kumain,
matulog nang maaga, mag-ingat sa pagtawid, at iba pa. Ilan lamang ang mga ito sa
kaniyang mga binanggit at kung iisipin, sa dami ng mga ipinatutupad na batas, at
sa mga tungkuling dapat gampanan, gayundin sa dami ng mga sinasabi sa atin na
dapat at hindi dapat gawin, napakasimple lang naman ng utos sa tao: magpakatao,
maging makatao. Ngunit anong mga dahilan bakit kahit marami sa mga tao ang
nauunawaan ang mga utos na ito, marami din ang nabibigong sundin ito? Sa mga
naunang modyul particular sa pagtalakay tungkol sa lipunan at kabutihang
panlahat, na ang bawat isa sa atin ay bahagi ng kabuuan ng lipunan. Lahat ay
nararapat magpasakop at maging tagasunod sa mga lider na siyang binigyan ng
kapangyarihang mamahala at mamuno nang maayos.
Sa Modyul 4, naunawaan muna ang kahalagahan ng Lipunang Sibil, Media
at Simbahan bilang isang organisasyong na naghahatid ng tulong sa mga
mamamayan. Dito nagsisimula ang relasyon ng bawat isa para magkakaroon ng
maayos na sistema at maging isang matibay na pundasyon sa ating lipunan.
Sa Modyul na ito, maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga batas na
nakabatay sa likas na batas moral. At sa pagtatapos nito ay masasagot mo ang
mahahalagang tanong na: Ano ang batas na gabay sa ating pagpapakatao? Bakit
kailangan umayon sa batas na ito? Gagabayan ka ng modyul na ito upang
maunawaan mo ng lubos ang mga batas na umiiral sa lipunan.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
 Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral
 Nasusuri ang mga batas na umiiral, panukala tungkol sa
kabataan o tuntunin sa pamilya batay sa pagsunod ng mga ito
sa likas na batas moral

1
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagtataya upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin na ating tatalakayin.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Saan nagmula ang Likas na Batas Moral?


a. Galing sa Diyos.
b. Inimbento ng mga pilosopo.
c. Nilikha ni Santo Tomas de Aquino.
d. Pagkauunawaan ng mga tao.

2. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ano ang ibig ipakahulugan nito?


a. Ito ay angkop sa pangangailangan at kakayahan
b. Ito ay ayon sariling tantiya
c. Ito ay walang pasubali
d. Ito ay tama sa lahat ng pagkakataon

3. Ano ang pinakadahilan kung bakit nilikha ang mga batas?


a. Upang ingatan ang interes ng nakararami
b. Upang itaguyod ang karapatang pantao
c. Upang mapigilan ang mga masasamang tao
d. Upang maprotektahan ang mga mayayaman

4. Paano natutunan ang likas na batas moral?


a. Binubulong ng anghel
b. Iinuturo ng magulang
c. Basta alam mo lang
d. Sinisigaw ng konsensya

5. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa isa.


a. Ito ay sukatan ng kilos.
b. Ito ay nauunawaan ng kaisipan.
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat.
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.

2
6. Ano ang nagiging gabay ng tao sa pagpili ng mabuti?
a. Ang isip at puso c. Mga batas
b. Ang kamay at paa d. Mga payo

7. Anong batas ang batayan ng lahat ng batas na binuo ng tao?


a. First Do No Harm
b. Likas na Batas Moral
c. Aklat ni Santo Tomas De Aquino
d. Sampung utos ng Diyos

8. Ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito ay
lumalabag din sa sarili niyang kalikasan. Anong batas ito?
a. Maging Makatao
b. Mga naisulat ni Santo Tomas De Aquino
c. Ordinansa
d. Republic Act

9. Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Dapat pumayag sa lahat ng gustuhin ng tao.
b. Likas sa tao ang maging makatao.
c. Likas sa tao ang hindi naghahangad ng masama.
d. Walang taong isinilang na masama.

10. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng
kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito,
bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
a. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
b. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
c. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
d. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.

3
Aralin Mga Batas Na Nakabatay
1 Sa Likas Na Batas Moral

Sa araling ito ay matutunghayan mo ang mga konseptong may kinalaman sa


mga batas na may kinalaman sa Likas na Batas Moral. Ang mga gawain ang siyang
gagabay sa iyo upang maunawaan at maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga
batas na nakabatay sa likas na batas moral, ang batas na gabay sa ating
pagpapakatao at kung bakit kailangan umayon sa batas na ito. Gagabayan ka ng
modyul na ito upang maunawaan mo ng lubos ang mga batas na umiiral sa
lipunan.

Balikan

Kumusta ka? Naalala mo pa ba ang mga aralin mo mula sa Ikapitong


Baitang sa Edukasyon sa Pagpapakatao? Ngayon, susukatin natin ang dati mong
kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot ng KWL na nasa ibaba.

Ang aking KWL!

Panuto: Gamit ang KWL Technique, ilagay mo sa hanay ng K (know) kung


ano ang alam mo na at sa hanay ng W (want) kung ano ang gusto
mong malaman; huwag mo munang sagutan ang hanay L
(learned).

K (know) W (want) L (learned)

Mga batas

Likas na Batas
Moral

4
Tuklasin

Gawain 1: Semantic Web

Panuto: Sa gawaing ito, bubuo ka ng isang semantic web na sasagot sa core


question na ―Bakit mayroong batas?‖. May apat na elemento ang semantic
web: ang (1) core question, (2) web strand, (3) strand support, at (4) strand
ties. Ang core question ang magiging pokus ng web. Lahat ng mga
impormasyon ay nauugnay sa core question. Ang sagot sa core question ay
ang web strand at isusulat ito sa paligid ng core question. Ang mga
katotohanan (facts) o paghinuha (inferences) na ginagamit sa pagsuporta
sa bawat web ay tinatawag na strand support. Ang strand support ay
nagmumula sa web strand. Ang ugnayan ng mga strand ay tinatawag na
strand ties.

1. Makakatutulong sa iyo ang template na nasa ibaba. Kalakip nito ang core
question para sa gawaing ito.

5
2. Gumawa ng katulad na pormat sa iyong malinis na papel. Mula sa core
question (Bakit mayroon batas?), isulat ang mga naisip na sagot sa paligid
nito (web strand). Matapos maitala ang mga sagot, isulat sa ibaba ng bawat
strand (strand support) ang mga impormasyon o nakuhang kaalaman na
susuporta sa iyong sagot.

Mga Tanong:

1. Batay sa mga sagot sa nabuong semantic web, ano ang layunin ng batas?
2. Sino ang tuon ng batas? Ipaliwanag.
3. Bakit kailangang sundin ang batas? Ano ang epekto sa tao ng hindi
pagsunod dito?

Suriin

Mga Batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral

Narinig mo na ba ang prinsipyong


First Do No Harm (Primum non nocere) ng
mga manggagamot? Sinasabi nitong ang
unang layunin ng mga manggagamot ay
hindi makapagdulot ng higit pang sakit.
Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi
positibo gaya ng "Magbigay lunas,"
positibo ang nais sabihin nito: laging may
pagnanais na makapagpagaling at
iiwasan ang lahat ng makapagpapalala
ng sakit o makasasama sa pasyente. First Do No Harm
Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong sabihin. Hindi ba't
kaya nga pinili ng mga doktor ang ganitong larangan dahil sa pagnanais na
makapanggamot? Walang doktor ang magbibigay ng payong medikal na ikasasama
lamang ng kondisyon ng pasyente. Walang doktor ang papasok sa operasyon nang
hindi handa. Laging ang nasa isip nila ay ang makagaling ng pasyente.
Magkagayon man, may nasaksihan ka na rin marahil na mga paglala ng
mga sakit dahil sa maling mga reseta ng doktor. May mga kaso rin ng kamatayan
dahil sa mga maling prognosis. Nilabag na nga ba ng mga doktor ang kanilang
sinumpaang tungkulin dahil sa mga pangyayaring ito?

6
Paniwala ng pilosopong si Sto. Tomas de Aquino: lahat ng tao ay may
kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.
Para sa pilosopong si Max Scheler, ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi
lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng
pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang
masama. Walang sinuman ang magnanais na Ang pag-alam sa
mapasama siya. Kahit na tinatamad akong mag-aral, kabutihan ay hindi
alam kong mabuti ang mag-aral. Kahit na natatakot lamang gumagalaw sa
larangan ng pag-iisip
akong magpatingin sa doktor, alam kong mabuting
kundi sa larangan din
gawin ito upang makita ang kalagayan ng aking ng pakiramdam.
kalusugan. Kahit gustong-gusto kong kunin ang -Max Scheler
cellphone ng kapatid ko, alam kong masama ito.
Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Tinuro sa atin
ng ating mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay. Napanood sa
telebisyon. Nabasa. Narinig. Ang nakamamangha dito ay sa dami ng ating mga
narinig, sa dami ng ating nalaman, may maliit na
Lahat ng tao ay may tinig pa rin ng kasiguraduhan sa ating loob na
kakayahang mag-isip. nagsasabi sa atin kung ano ang mabuti.
Lahat ng tao ay may
Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko
kakayahang makaunawa
sa kabutihan. ang tama kahit na kung minsan ay parang sinasabi
ng isip ko na mali ito. At sa kilos ng pakiramdam ko
-Santo Tomas De Aquino kung ano ang dapat kong gawin, napapanatag ako
at natatahimik kapag sinunod ko ang tinig na ito.
Konsensya ba ito? Diyos ba ito? Takot ba ito sa aking magulang? Pressure
mula sa mga kaibigan? Tukso ng media? Isa ang totoo: naaakit ako sa alam kong
mabuti.

Ang Mabuti

Pansinin na hindi pa talaga natin pinag-uusapan Ang mabuti ay ang


dito kung ano ang mabuti. Sinasabi lang na may siyang kilos ng
natural na pagkaakit ang tao sa mabuti. Ang mabuti pagsisikap na laging
ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang kumilos tungo sa
gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May pagbubuo at
matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis pagpapalago ng sarili
at ng mga ugnayan.
sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti.
Mabuti bang tumulong sa gawaing bahay? Mabuti bang
tumambay kasama ng barkada? Mabuti bang uminom ng alak? Ang tanungin ang
tanong na "Mabuti ba?" bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng masikap na
paghahangad na matupad ang mabuti. Hindi agadagad lumulusong sa paggawa
nang walang pagtitimpi at pagmumuni sa kabutihan ng gagawin. Nakatatakot at
delikado ang taong agad may sagot at hindi nag-iisip dahil malamang, ang
ginagawa niya ay piliin lamang ang pinakakawili-wili sa kaniya. Ang nag-iisip ay
namimilipit pa sa pagtimbang kung tama ba talaga ang pipiliin, kung ano ang mga
posibleng epekto ng pagpili, at kung mapaninindigan ba niya ang mga bungang

7
kaniyang kakaharapin. Sa pinakapayak na paliwanag, ang mabuti ay pagsisikap
na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapalago ng sarili at ng mga ugnayan.
Tulad ng doktor, maaaring magkamali siya sa diagnosis at prognosis ng sakit ng
pasyente. Ang pinakamahalaga ay ang paghahangad na makagaling at hindi
makapagdulot ng sakit ang ginawa. Sapat na ito upang tawaging mabuti.

Ang Tama ay iba sa mabuti

Ngunit sapat na nga ba talaga ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa


inaakalang mabuti? Paano kung ang inaakalang mabuti ay nakasasakit o
makasisira lamang? Mahirap ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensiyon
para kilalaning mabuti ang gawain. Gusto kong pakainin ang aking pamilya kaya
magnanakaw ako. Gusto kong manalo sa palaro kaya dadayain ko ang edad ng
mga kasamahan ko sa team. Gusto kong kumita nang malaki kaya mamanipulahin
ko ang timbangan ng tinda namin sa palengke. Kabutihan ang hinahangad ng mga
nabanggit sa itaas. Kaya lamang, kailangang maunawaang: hindi maaaring
ihiwalay ang mabuti sa tama. Maaari bang sabihin ng ama sa kaniyang mga anak
na, "Magpasalamat kayo sa ninakawan ko, may nakakain kayo ngayon." O ng ale
sa kaniyang suki, "Suki, pasensya ka na, babawasan kita ng isang guhit dahil may
hinuhulugan pa akong alahas"? Maibabalik ba ng isang tao ang buhay ng kapwa
kung sa maling desisyon niya ay naging dahilan ito ng kamatayan ng kaibigan?
Sapat na ba ang sabihing, "Mabuti ang aking hangarin"?
Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa
pagkabuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon,
kasaysayan, konteksto at sitwasyon. Tinitingnan ditto
Tulad din sa likas na
ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng
batas moral,
pagpili. Kung nakikita ni Ramil na makabubuti sa preskripsyon ang
kaniya ang isports, hindi lang siya basta-basta sasabak mabuti, ang tama ay
sa laro. Kailangan niyang tingnan ang kaniyang ang angkop sa tao.
kakayahan bago siya magsimulang magboksing. Kung
nais nang magpakasal ni Estella at Ruben, kailangan nilang siguraduhing handa
na ang kanilang loob para sa kanilang kinabukasan bilang mag-asawa—ang
bahay, ang pambayad ng koryente, ng tubig, pagkain, at iba pa. Mabuti ang mag-
asawa, tama na ba ito agad? Kahit sa gamot, mabuti ang uminom ng gamot.
Ngunit marapat ding tingnan ng doktor ang kakayahan ng pasyente na bumili ng
gamot at ang mga partikular na reaksiyon ng pasyente sa bisa ng gamot na
ibibigay. Mabuti ang gamot, ngunit may tamang gamot para sa tao. May ibang
gamot na nagdudulot ng mga allergies sa mga partikular na tao. May mga gamot
na hindi mabisa sa mga ibang tao. Ganito ang prinsipyo ng generics. Ang pasyente
na ang bahalang humanap ng hihiyang sa kaniya batay sa reseta ng doktor. Tulad
din sa likas na batas moral, preskripsyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop sa
tao.

8
Pagyamanin

Ano-anong batas na umiiral, panukala tungkol sa kabataan at tuntunin sa


pamilya ang alam mo. Gamit ang table sa ibaba, magtala ng hindi bababa sa
dalawa at isulat ang naging o magiging tugon mo rito.

Tugon
Batas na umiiral (susundin, sumusunod, hindi
susundin)

1.

2.

Tugon
Panukala tunkol sa kabataan (susundin, sumusunod, hindi
susundin)

1.

2.

Tugon
Tuntunin sa pamilya (susundin, sumusunod, hindi
susundin)

1.

2.

9
Isaisip

Napagtagumpayan mong malampasan ang pagpapayaman ng iyong


kaalaman at Matapos mapagnilayan ang mga gawain, maaari mo nang isabuhay
ang mga natutuhan mo sa ngayon. Handa ka na ba?

Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan at isulat ang sagot patlang.

1. Bakit mahalaga ang kamalayan sa mga batas, panukala o tuntunin?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Ano ang tungkulin ng bawat tao kaugnay sa mga batas, panukala o


tuntunin?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Saan nakatuon ang pagsunod mo sa mga batas, panukala o tuntunin?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Paano nalalaman ang mabuti?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

10
5. Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
6. Ano ang ipinag-uutos ng Likas na Batas Moral? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Paalala: Mula sa mga gawaing naihanda ang pamantayang na nasa ibaba ang
magsisilbing gabay para sa pagwawasto ng sanaysay.

Pamantayan sa Pagwawasto ng mga Sanaysay


May
Di-gaanong Mag-
Napakahusay Mahusay malaking
Batayan mahusay ensayo pa
(5) (4) kakulangan
(3) (1)
(2)
Pagtalaka Sapat, wasto, Sapat, Angkop ang Ang mga Hindi alam
y sa konkreto at wasto ang salitang impormasyon ang paksa
Paksa makabuluhan ginamit na ginamit ay hindi at hindi
ang impormasyo ngunit hindi sapat. makapag-
impormasyon. n maliban sapat ang isip ng
Wasto ang sa kaunting impormasyon tamang
mga salitang kalituhan . salita.
ginamit at upang
angkop upang maipaliwan
maipaliwanag ag ng
ng maayos. maayos.

11
Isagawa

Ang aking KWL!

Panuto: Batay sa iyong natutunan, ano ba ang iyong maidagdag sa mga naging
sagot mo sa Know at Want sa pasimulang aralin? Handa mo na bang gawin? Isulat
sa talahanayan ang mga natutuhan tungkol sa mga Batas at Likas na Batas Moral.

K (know) W (want) L (learned)

Mga batas

Likas na Batas
Moral

12
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong.
Isulat sa malinis na papel ang titik ng napiling sagot.

1. Saan nagmula ang Likas ma Batas Moral?


a. Nilikha ni Tomas de Aquino
b. Nauunawaan ng tao.
c. Inimbento ng mga pilosopo.
d. Galing sa Diyos.

2. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang ____________.


a. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
b. Ingatan ang interes ng marami.
c. Itaguyod ang karapatang-pantao.
d. Pigilan ang masasamang tao.

3. Paano natututunan ang likas na batas moral?


a. Binubulong ng anghel.
b. Tinuturo ng magulang.
c. Basta alam mo lang.
d. Sinisigaw ng konsensya.

4. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil _________.


a. Umaayon sa lahat ng pagkakataon.
b. Mula ito sa sariling tantya.
c. Angkop sa pangangailangan.
d. Para sa ikabubuti ng lahat.

5. Tama ang isang bagay kung _______________.


a. Ito ay ayon sa mabuti.
b. Walang nasasaktan.
c. Makapagpapabuti sa tao.
d. Magdudulot ito ng kasiyahan.

6. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang


panlahat. Alin sa sumusunod ang HINDI tunay na diwa nito?
a. Protektahan ang mamamayan at may kapangyarihan.
b. Ingatan ang interes ng marami.
c. Itaguyod ang karapatang-pantao.
d. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.

13
7. Paano nagbibigay ng proteksyon sa tao ang prinsipyong ―First Do No Harm‖ sa
mga medikal na doktor?
a. Sa paggawa nila lagi ng tama.
b. Sa hindi pagtingin sa kalagayan ng tao.
c. Sa paggamot muna sa sarili bago ang iba.
d. Sa pag-iingat na huwag makasakit ng iba.

8. Ano ang nagiging gabay ng tao sa pagpili ng mabuti?


a. Ang isip at puso
b. Ang kamay at paa
c. Mga batas
d. Mga payo

9. Ang pagbebenta ng pirated na gamit ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil
mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na
ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at
marami ang natutulungan. Ang sitwasyong na ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa
benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababale-wala
kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakatutulong
sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng
gumagawa nito.

10. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa isa.


a. Ito ay sukatan ng kilos.
b. Ito ay nauunawaan ng kaisipan.
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat.
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang lubusang


mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin. Isulat ang sagot sa
malinis na papel.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-anong hakbang ang


kaalamang pumukaw sa pagkaunawa at aking gagawin upang
iyo bilang kabataan reyalisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
ngayon? konsepto at kaalamang unawa at reyalisasyong
tungkol sa ating paksa? ito sa aking buhay upang
maging matagumpay?
Halimbawa:

1. Mga Batas

2. Likas Na Batas
Moral

15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian

Mga Aklat:

DECS. Sangguniang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. pp. 177 – 179. Rex
Bookstore, 1995

Joseph M. De Torre. Roots of Society. Manila: Sinag-Tala Publishers, Inc.,


1977.

Sheryll T. Gayola et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral.


Pasig City: Department of Education- Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR),
2017.

Twila G. Punsalan et al. Kaganapan sa Paggawa III. Quezon City: Rex Printing
Company, INC, 2007.

Twila G. Punsalan et al. Sangguniang Aklat para sa Ikaaapat Edukasyon sa


Pagpapahalaga IV. Quezon City: Bookman Printing House, 1995.

17
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng
modyul sa ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

18

You might also like