You are on page 1of 23

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Kasipagan, Pagpupunyagi,
Pagtitipid at Wastong Pamamahala
sa Naimpok Ikalimang Linggo
Edukasyon sa Pagpapakatao – 9 na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cecil L. Amad
Editor:
Tagasuri: Jeannie Pearl Y. Niñonuevo, Robert C. Doria
Tagaguhit:
Tagalapat: Richard N. Escobido
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division


Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : info@deped-davaocity.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Kasipagan, Pagpupunyagi,
Pagtitipid at Wastong Pamamahala
sa Naimpok Ikalimang Linggo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina
nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa
iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod na
gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.

Kung mayroon kayong hindi naintindihan at nahihirapan sa pagsagot sa mga


inilaang gawain, huwag mag-atubiling magtanong sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan
ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim
na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

1
Alamin Natin

Masipag ka ba? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Paano kung ang isang
tao ay hindi nagtataglay ng ganitong katangian?.Ano kaya ang mangyayari sa
kaniyang buhay?

Sa nakaraang modyul, natuklasan mo ang kahalagahan sa kagalingan sa


paggawa. Ito ay nagsisilbing instrumento upang ang sarili ay maiangat at mapaunlad
ang ekonomiya ng isang bansa. Ang isang tao na nagpapakita ng kagalingan sa
pagggawa ay nakapagtatapos ng isang produkto o gawain na may kalidad.

Layunin ng modyul na ito na mas lalo kang bigyan ng sapat na pag-unawa sa


mga katangian na dapat taglayin ng isang manggagawa. Sa pamamagitan nito, hindi
ka lamang matutulungan upang mapaunlad ang iyong sarili kundi upang mapaunlad
ang bansang iyong kinabibilangan. Mula rito ay masasagot mo ang mahalagang
tanong na: “Bakit mahalaga ang kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong
pamamahala sa naimpok?”

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pagkatuto:

1. Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa


paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok; (EsP9KP-IIIe-
12.1)

2. Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan,


ayon sa pamantayan at may motibasyon sa paggawa. (EsP9KP-IIIe-
12.2)

Mula sa Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para


sa mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015)

2
Subukin Natin

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Mula sa saknong ng isang tula, “Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong
buhay. Araw-araw ay paggawang tila rin walang humpay; datapuwat isang
pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tayo ay
masikhay.”
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.

2. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahiwatig ng kahulugan ng magiging


masipag?
a. Pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b. Pagtingin nang may kasiyahan at positibo sa isang gawain.
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang
gawain, kapuwa at lipunan.
d. Nakatutulong ito sa tao na malinang ang mga mabubuting katangian
tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, at disiplina.

3. Si Ayessa ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga


gawain at sinisiguro niya na maayos ang kalalabasan ng mga ito. Anong
palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Ayesa?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain
b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal
c. Binibigay ang buong kakayahan sa paggawa
d. Hindi nagrereklamo sa paggawa

4. Ano ang tawag sa pagtitiyaga na maabot o makuha ang mithiin o layunin sa


buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon?
a. Kasipagan c. Pagsisikap
b. Katatagan d. Pagpupunyagi

5. Ano ang tawag sa kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin


upang higit na makapagbigay sa iba?
a. Pag-iimpok c. Pagtulong
b. Pagtitipid d. Pagkakawanggawa

3
Aralin Natin

Gawain 1: Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang bawat sitwasyon. Alamin kung
anong magandang katangian ang taglay ng bawat tao na ipinapahiwatig dito. Isulat sa
loob ng kahon ang iyong sagot.

1. Si Ayessa ay nasa ika-siyam na baitang. Araw-araw na niyang ginagawa ang


paggising nang maaga upang matulungan ang kaniyang ina sa mga gawaing
bahay katulad ng pagsasaing, pagwawalis ng bakuran at pagpapakain ng mga
alagang manok at baboy bago papasok sa paaralan. Anong magandang katangian
ang taglay ni Ayessa?

2. Isang Person with Disability o PWD si Mang Macario. Hindi siya nakakalakad dahil
tinamaan siya ng Polio noong kabataan niya. Ngunit, hindi hadlang ang kaniyang
kapansanan upang hindi niya maitaguyod ang kaniyang pamilya. Tinulungan siya
ng gobyerno upang makapagtrabaho sa munisipyo at mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kaniyang mga anak. Hindi siya sumusuko sa hamon ng buhay
dahil sa kaniyang kapansanan, bagkos ay naging matatag at masigasig siya na
pagbutihin ang kaniyang trabaho para masuklian ang tulong na ibinigay sa kaniya
ng pamahalaan. Anong magandang katangian ang taglay ni Mang Macario?

3. Nakasanayan na ni Marlon ang paglalakad kaysa sumakay ng dyip o traysikel


papuntang paaralan dahil hindi naman gaanong malayo ang kanilang bahay.
Ginagawa niya ito upang makatipid ng pamasahe dahil mayroon siyang gustong
bilhin na regalo sa kaarawan ng kaniyang ina. Anong magandang katangian ang
taglay ni Marlon?

Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga nabuo mong mga salita mula sa mga sitwasyong ipinahayag?
2. Sa iyong palagay tinataglay mo ba ang mga iyan? Pangatwiranan.
3. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa paggawa? Ipaliwanag.

4
Gabay sa Pagwawasto:

Pamantayan 5 4 3 2 1
• Ang pagpapaliwanag ay may tuwirang kaugnayan
sa paksa o katanungan
• Buo ang diwa
• Magkakaugnay
• Makatotohanan
5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay
4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok

Naniniwala ka ba na mahirap ang buhay? Marahil ay madalas mong naririnig ito sa


mga taong nakapaligid sa iyo, hindi ba? Ngunit ikaw, ano ang pananaw mo ukol dito?
Sa pagpapatuloy, ay nais kong ipabasa sa iyo ang isang tula upang mas lalo mong
mapagnilayan ang ating paksa.

Marami ang nagtuturing mahirap daw itong buhay,


Araw-araw ay paggawang tila din walang humpay;
Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay;
“Tagumpay ay nakakamit kapag tao ay masikhay.”

Ang sandali’y mahalaga hindi dapat na sayangin,


Kasipagay isagawa at itanim sa damdamin;
Kapag ito’y inugali walang liwag na kakamtin
Ang ginhawang inaasam at bungkos na pangarapin.

Hindi dapat na mahiya itong palad ay kumapal


Kung gawain ay mabuti at hangarin ay marangal;
Pagsisikap na may tiyaga, kasipagan ang kakambal
Ay sandatang pananggalang…pamuksa sa kahirapan.

Paalala’t pagunita sa diwa mo, kabataan…


Sa tuwina’y isaisip, sana’y laging tandaan:
‘Kasipaga’y ugaliin at gagawin mong pamantayan
Upang kamtin ang masaya at magandang kapalaran.”

www.pinoyedition.com/mga-tula/kasipagan-/ -

5
Napakaganda ng tula, hindi ba? Ano ang iyong naging kaisipan matapos mong
mabasa at mapagnilayan ang tula? Nakita mo ba ang kabutihang dulot nito sa iyo, sa
iyong kapwa at sa lipunan? Ito ay nagpapakita na ang kasipagan ay dapat isaisip,
isapuso at isagawa ng bawat nilikha. Kahit anong bagay at anomang larangan ang
ating -papasukin o gagampanan, kailangan natin ang kasipagan. Kung walang sipag
ang isang tao, wala siyang matatapos na gawain. Kung kaya’t, ang kaakibat ng sipag
ay tiyaga na kung wala ang mga ito, mahihirapan ang tao na makaahon sa buhay na
ito.
Ano nga ba ang kahulugan ng kasipagan? Ang kasipagan ay tumutukoy sa
pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. Ito ay
tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa
sarili, mahabang pasensiya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan na kung
saan malaki ang maitutulong ng mga ito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang
gawain, sa kaniyang kapwa at sa kaniyang lipunan.
Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang
kaniyang pagkatao. Nagagamit niya ito sa mabuting pakikipagrelasyon niya sa
kaniyang kapwa at mula sa kasipagan na taglay niya ay makatutulong siya na
mapaunlad ang bansa at lipunan na kaniyang kinabibilangan.

Narito ang ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan.

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi


nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang
kalalabasan ng kaniyang gawain. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang
kaniyang buong kakayahan, lakas at panahon upang matapos niya ito nang
buong husay.

2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay


ng kasipagan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay
niya ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa; ibig sabihin naroroon ang
kaniyang malasakit. Hindi lamang niya ito ginagawa upang basta matapos na
lamang kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.

3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa


anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya. Ito ay ginagawa niya
nang maayos at kung minsan ay higit pa na maging ang gawain ng iba ay
kaniyang ginagawa. Hindi na siya kailangan pang utusan o sabihan bagkus
siya ay mayroong pagkukusa na gawin ang gawain na hindi naghihintay ng
anomang kapalit.

Tunay ngang mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat isa
ito sa mga susi para sa magandang kinabukasan. Ang pagiging masipag ay
magbubunga ng mas maraming biyaya sa mga taong nagtataglay ng ganitong
katangian.

6
Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang buhay. Ito ay hindi lamang para
sa ating mga sarili, kundi pati na rin sa ating mga minamahal sa buhay. Kung mas
maganda o magiging sagana ang ating buhay, mas magkakaroon pa tayo ng higit na
pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa ating kapwa. Mahalaga sa tao ang
maging masipag upang siya ay mayroong maabot o marating na magandang bukas.
Kung ikaw ay masipag sa iyong pag-aaral ay makapagtatapos ka. Kung ang isang
empleyado ay masipag, siya ay kikita at aasenso. At kung ang isang nilikha ng Diyos
ay masipag na gumawa ng kabutihan, makakamit niya ang buhay na walang hanggan.
Lagi nating tandaan na ang kasipagan sa paggawa ng may kabutihan ang
magpapaunlad sa ating bayan.
Ang kabaliktaran ng kasipagan ay katamaran. Ito ay hindi natin dapat taglayin
sapagkat ito ang lumilipol sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ang katamaran
ang pumipigil o humahadlang sa tao upang siya ay magtagumpay. Ang isang taong
tamad ay ayaw tumanggap ng gawain. Hindi pa niya ito nasisimulan ay umaayaw na
siya. Palagi niyang nararamdaman ang kapaguran kahit kaunti pa lamang ang
kaniyang nagagawa. At kadalasan ay hindi niya natatapos nang maayos ang isang
gawain. Kung kaya’t dapat na puksain natin ang katamaran at huwag itong bigyan ng
puwang sa ating kalooban sapagkat wala itong maidudulot na maganda sa ating
kinabukasan.

Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita sa lahat ng oras at pagkakataon


ang iyong kasipagan sa iyong gawain.

Ngunit lagi mo ring tatandaan na sa isang gawain ay tiyak na makararamdam


ka ng hirap, pagod ng katawan at isipan, mga pagsubok at mabibigat na problema.
Ngunit sa mga ganitong pagkakataon ay hindi dapat sumuko sapagkat ang pagsuko
ay kaduwagan.

Pagnilayan natin ang isang awit ng Orient Pearl na may pinamagatang “Pagsubok”.

Isip mo'y litong lito


Sa mga panahong nais mong maaliw
Bakit ba bumabalakid
Ay ang iyong mundong ginagalawan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Sulirani'y di mapigilan
Itanim mo lang sa 'yong pusong
Kaya mo yan....

[Chorus:]
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban

7
Huwag mong isuko....at 'yong labanan
Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na Siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan....

[Chorus]
[Instrumental]
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan....

Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko....at 'yong labanan
Huwag mong isuko....at 'yong labanan
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong isuko ang laban

http://www.metrolyrics.com/pagsubok-lyrics-orient-pearl.html

Ano ang masasabi mo sa awitin? Kung hihimayhimayin mo ang bawat linya


nito, ano ang kahulugan nito para sa iyo? Tunay ngang bahagi ng buhay ng tao ang
mga pagsubok at problema ngunit ang mahalaga ay huwag sumuko bagkus kailangan
na magpatuloy. Ang pagpapatuloy sa gawain kahit na ikaw ay nahihirapan, ang
pagpatuloy kahit minsan ikaw ay nasasaktan o nagdurusa, ang pagpapatuloy kahit
maraming natatanggap na mga puna mula sa iba, at ang pagpapatuloy sa kabila ng
matinding pagod at hirap makamit mo lamang ang iyong minimithi sa buhay ay
palatandaan lamang ng pagpupunyagi.

Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin


o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at
determinasyon. Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan
at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na pagsubok ng mga gawain hangga’t hindi
nakakamit ang mithiin.

8
Ang pagpupunyagi ay mahalagang katangian na makatutulong upang
magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng mga balakid at mga problema na kanyang
susuungin ay hindi siya dapat panghinaan ng loob, bagkus kinakailangan na
magpatuloy at maging matatag.

Pag-isipan mo ito: Pagkatapos ng ulan ay sisikat ang araw, pagkatapos ng gabi


ay darating ang umaga, at pagkatapos ng hirap ay darating ang ginhawa. Ibig sabihin
lamang nito ay gaano man kahirap ang iyong pagdaraanan sa iyong gawain ay
pagsumikapan mo itong mabuti sapagkat darating ang araw na malalasap mo ang
kaligayahan at tagumpay na dulot nito.

Tingnan na lamang natin si Thomas Edison, isang Amerikanong imbentor. Siya


ang nakaimbento ng electric light bulb. Bago niya natapos ito ay dumaan siya sa
maraming pagsubok. Maraming beses siyang nagkamali ngunit hindi siya tumigil,
bagkus, nagpatuloy pa siya ng husto hanggang sa nakuha niya ng tama ang kaniyang
imbensyon. Mula dito ay nakilala siya hindi lamang sa bansang Amerika kundi sa
buong panig ng daigdig. Ngunit, paano kaya kung siya ay sumuko sa bawat
pagkakamali niya? Paano kung itinigil na niya ito at hindi na nagpatuloy? Ano kaya
ang mangyayari? Ikaw, katulad ka din ba ni Thomas Edison? Hindi ka rin ba sumusuko
hangga’t hindi mo natatapos ng buong husay ang iyong gawain? Kung ikaw ay may
ganitong katangian, ipagpatuloy mo lamang sapagkat ito ay magbubunga ng
tagumpay. Isang tagumpay na maaring makapagbibigay sa iyo ng masagana at
magandang buhay.

Bakit maraming mga tao na matapos kumita at magkaroon ng maraming pera


dahil sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay nabalewala lamang pagdating ng
panahon? Tulad na lamang ng ilang mga naging sikat na personalidad sa industriya
ng pelikula? na matapos kumita ng malaking pera ay bumalik ang kanilang buhay sa
paghihikahos o paghihirap. Ano kaya ang masasabi mo ukol dito? Paano kaya nila
ginamit ang pera na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila?

Naging matipid kaya sila o naging maaksaya sa kanilang kinita? Sila kaya ay
naging simple sa kanilang pamumuhay o naging praktikal? Walang kinalaman ang liit
o laki ng kinikita ng isang tao; ang mahalaga ay kung paano niya ito pinamamahalaan
nang tama.

Mayroong isang ina na sa tuwing papaubos na ang kanilang toothpaste ay


pinipiga pa niya ito nang husto, hinahati pa niya ang tube at sinisimot nang maigi ang
laman nito. Para sa kaniya, kahit kaunti lamang ang kaniyang makuha-nakukuha,
nagagamit pa niya ito. Para sa kaniya, hindi kailangan na punuin ng maraming
toothpaste ang haba ng sipilyo para lamang makapagsipilyo. Sa tuwing siya ay
pupunta sa palengke ay sinisiguro niya na umaalis siya nang maaga. Naglalakad
lamang siya imbis na sumakay ng tricycle mula sa kanilang bahay. Ayon sa kaniya

9
nakatutulong ang paglalakad sa kaniyang kalusugan at ang pera na dapat sana’y
gagamitin niya bilang pamasahe ay kaniyang itinatabi upang pagdating ng
pangangailangan ay makakatulong din ang kaunti niyang naitabi.

Sa tingin mo, ano kaya ang ipinapahiwatig nito sa iyo? Sa punto na ito,
ipinapakita ng isang ina ang kanyang pagiging matipid kahit sa pinakamaliit na bagay
lamang. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagtitipid?

Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa


tao na hindi lamang mamuhay ng masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit
na makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi pag-ubos sa pera o bagay na walang
saysay. Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginawang pagsisikap at
pagtitiyaga.

Upang lubos mong maunawaan, narito ang ilang paraan na nagpapakita ng pagtitipid.

1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskuwela. Mas makakatipid kung


magbabaon na lamang ng pagkain kaysa bibili pa sa kantina o kakain sa labas.

2. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan. Maganda itong
ehersisyo at natitipid mo pa ang pamasahe na gagamitin mo.

3. Mas matipid na bumili sa palengke kaysa mga malls. Maaring hindi gaanong
konbinyente sapagkat mainit at maputik ngunit mas malaki naman ang iyong
matitipid.

4. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang. Hindi mo


ba naiisip na sa bawat text mo na hindi naman mahalaga ay nag-aaksaya ka
ng pera? Ang pera na ipinapa-load mo ay maari mong ipunin pandagdag sa iba
pang mga gastusin.
5. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan at iba pa. Kung hindi naman
ito ginagamit ay patayin mo ang mga ito.

6. Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso. Huwag hayaang tumapon ang tubig mula


sa gripo.

7. Huwag nang bumili ng imported. Marami produkto sa ating bansa na pareho


lamang ang kalidad tulad ng mga imported na bagay. Kung sa tingin mo ay
mapapamahal ka pa ay mas tangkilikin mo na ang produkto natin.

Iyan ay ilan lamang sa mga paraan ng pagtitipid. Dapat mong maunawaan na


kailangan na maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa kung ano ang
meron ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid. Laging isaisip na hindi

10
makukuha ang kaligayahan mula sa mga materyal na bagay lamang. Ito ay hindi
mahahanap sa labas ng ating sarili sapagkat matatagpuan ito sa ating kalooban.

Bakit mo kailangan na bumili ng mamahaling relo kung nais mo lang naman


malaman ang oras? Bakit mo kailangang bumili ng mamahaling cellphone kung ang
pangunahing gamit lamang nito ay maka text o makatawag? Bakit mo kailangang
bumili ng mamahaling damit na may pangalan kumpara sa mura na babagay din
naman sa iyo? Iyan ay iilan lamang na mga katanungan sapagkat marami sa mga tao
ngayon ang hindi nagpapahalaga sa kanilang pinaghirapan o pinagpaguran na
nagiging dahilan ng kahirapan ng buhay.

Nasasayang ang kasipagan at pagpupunyagi ng isang tao kung hindi niya


napamamahalaan nang wasto ang kaniyang mga pinaghirapan. Kaya nga, kung ang
isang tao ay magtitipid, mapamamahalaan niya ng tama ang kaniyang mga naimpok.
Ang pag-iimpok ay paraan upang makapag “save” o makapag ipon ng salapi, na
siyang magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.

Bakit kailangan na mag-impok ng pera? Ayon sa Teorya ni Maslow, The


Hierarchy of Needs, ang pera ay makatutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang
seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap. Kung kaya’t dapat natin na pahalagahan
ang ating mga naipon sapagkat hindi napupulot ang pera, hindi ito mapipitas sa mga
puno, o di kaya ay nalalaglag mula sa langit. Ang pera ay pinagpapaguran upang
kitain. Kaya kinakailangan lamang na gastusin nang tama upang huwag itong mawala.
Ayon sa isang financial expert na si Francisco Colayco, mayroong tatlong dahilan kung
bakit kailangan na mag-impok ang tao.

1. Para sa proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring


mangyari sa buhay ng tao tulad na lamang ng pagkakasakit, kalamidad,
pagkawala ng trabaho o pagkabaldado. Kung sa hindi inaasahang
pagkakataon ay mangyari ito, kailangan na ang tao ay nakahanda at mayroong
magagamit na emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang
makabangon mula dito.

2. Para sa mga hangarin sa buhay. Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-
impok para sa hangarin sa buhay na mabigyan ng magandang edukasyon ang
mga anak, ang magkaroon ng sariling bahay at magkaroon ng maayos na
pamumuhay. Mahalaga na matamo ang mga ito bilang bahagi ng ating
kaganapan sa buhay.

3. Para sa pagreretiro. Hindi lamang kailangan na mag-impok para sa proteksyon


sa buhay at sa mga hangarin sa buhay. Mahalagang nag-iipon din para sa
pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay kakayanin pa ang magtrabaho.
Darating din sa kasukdulan ang buhay ng tao na siya ay magiging matanda at
mahina at hindi na kakayanin pang magbanat ng buto. Ayon pa rin kay

11
Francisco Colayco, kinakailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang
obligasyon at Hindi Optional. Gaano man kalaki o kaliit ang kinikita ay
obligasyon natin sa ating sarili ang pag-iimpok. Kaya, simulan mo na hangga’t
maaga sapagkat ito ang makapagbibigay ng masaganang bukas. Tingnan
natin ang isang langgam, sa tag-araw ay buong sipag silang nag-iipon ng
pagkain kung kaya’t sa pagdating ng tag-ulan ay kampante na sila na hindi
magugutom dahil matagal na nila itong pinaghandaan. Tayo rin bilang tao ay
dapat mag-ipon habang tayo ay malakas upang makamtan natin ang
magandang bukas.

Mangyayari lamang ito kung ang kasipagan at pagpupunyagi ay paiiralin at ang


pagtitipid ay pananatiliin. Kaya simulan mo na. Now na!

Pamprosesong Tanong:
Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong
sa iyong papel.

1. Ano ang kahulugan ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at wastong


pamamahala sa naimpok?
2. Bakit mahalaga na ito ay taglayin ng lahat ng tao? Ipaliwanag.
3. Ano-ano ang mga indikasyon ng taong nagtataglay ng kasipagan, pagpupunyagi,
pagiging matipid at wastong pinamamahalaan ang naimpok?
4. Paano makatutulong sa tao ang mga katangian na ito lalo na pagdating sa trabaho?
5. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa tao paghindi niya pinagsikapan na linangin
ito sa kaniyang sarili? Bakit? Ipaliwanag.

Gabay sa Pagwawasto:
Pamantayan 5 4 3 2 1
• Ang pagpapaliwanag ay may tuwirang
kaugnayan sa paksa o katanungan
• Buo ang diwa
• Magkakaugnay
• Makatotohanan
5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay
4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

12
Gawin Natin
Gawain 2: Matapos mong basahin, pagnilayan at gawin ang mga gawain sa modyul
na ito ay inaanyayahan kita na bumuo ng graphic organizer mula sa iyong nahinuha
sa konsepto. Maging malikhain sa paggawa at isulat ito sa isang malinis na papel.

1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Ano-ano ang maari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul
na ito?

Gabay sa pagwawasto
Kraytirya 5 4 3 2 1
Pagpapaliwanag ng konsepto
• Malinaw na naipaliwanag ang
lahat ng mahahalagang
konsepto
Paggamit ng graphic organizer
• Nakalikha ng sariling graphic
organizer na ginamit upang
maibigay o maibahagi ang
batayang konsepto
Kabuuang Puntos
5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay
4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

13
Sanayin Natin

Gawain 3: Journal Time

Ngayon ay nabatid mo ang kahalagahan ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at


wastong pamamahala sa naimpok. Ito ay makatutulong sa iyo upang mapaunlad mo
ang iyong sarili at ang iyong lipunan.

Ang kasipagan at pagpupunyagi ay mababalewala kung ito ay hindi lalakipan ng


pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok.

Panuto:
1. Kapanayamin ang iyong mga magulang at ipakuwento ang kanilang mga naging
karanasan sa kanilang trabaho at paano sila naging matagumpay. Isulat sa journal
notebook ang araw-araw na kanilang ginagawa na nagpapakita ng kasipagan,
pagpupunyagi, pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok.

Gabay sa pagwawasto
Kraytirya 5 4 3 2 1
• Malinaw at maayos ang
pagkakapanayam
• Makikita ang kasipagan,
pagpupunyagi, pagtitipid at wastong
pamamahala sa naimpok ang
kinapanayam sa mga sagot nito
Kabuuang Puntors
5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay
4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

14
Tandaan Natin

1. Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang


gawain na mayroong kalidad. Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba
pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya,
katapatan, integridad, disiplina at kahusayan na kung saan malaki ang
maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang
kapwa at sa kaniyang lipunan.

2. Ang kabaliktaran ng kasipagan ay katamaran. Ito ay hindi natin dapat taglayin


sapagkat ito ang lumilipol sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ang
katamaran ang pumipigil o humahadlang sa tao upang siya ay magtagumpay.
Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng gawain.

3. Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin


o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at
determinasyon.

4. Ang pagtitipid ay ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo


sa tao na hindi lamang mamuhay ng masagana, kundi gamitin ang pagtitipid
upang higit na makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi ubos-ubos sa pera
o bagay na walang saysay. Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong
ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.

15
Suriin Natin

Gawain 4: Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.

1. Mula sa saknong ng isang tula, “Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong
buhay. Araw-araw ay paggawang tila rin walang humpay; datapuwat isang
pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay nakakamit kapag tayo ay
masikhay.”
a. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahiwatig ng kahulugan ng magiging


masipag?
a. Pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
b. Pagtingin nang may kasiyahan at positibo sa isang gawain.
c. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang
gawain, kapuwa at lipunan.
d. Nakatutulong ito sa tao na malinang ang mga mabubuting katangian
tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan, at disiplina.

3. Si Ayessa ay sadyang masipag. Hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga


gawain at sinisiguro niya na maayos ang kalalabasan ng mga ito. Anong
palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Ayesa?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain
b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal
c. Binibigay ang buong kakayahan sa paggawa
d. Hindi nagrereklamo sa paggawa

4. Ano ang tawag sa pagtitiyaga na maabot o makuha ang mithiin o layunin sa


buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon?
a. Kasipagan c. Pagsisikap
b. Katatagan d. Pagpupunyagi

5. Ano ang tawag sa kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin


upang higit na makapagbigay sa iba?
a. Pag-iimpok c. Pagtulong
b. Pagtitipid d. Pagkakawanggawa

16
Payabungin Natin

Gawain 5. Panuto:

1. Gumawa ng chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-araw at kung


ito ay natutupad ng may kasipagan at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang
kung paano mo ito isasagawa.
2. Gumawa ng daily log na nagpapakita ng iyong gawain.
Gabay sa Pagwawasto
Kraytirya 5 4 3 2 1
Makatotohanan ang mga inilahad sa chart at daily log
Malinaw at maayos ang pagkakasunod-sunod ng
mga dapat gawin
Kabuuang Puntos
5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay
4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

Pagnilayan Natin

Gawain 6: Journal Time


Ano ang iyong natuklasan tungkol sa kahalagahan ng kasipagan, pagpupunyagi,
pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok. Sumulat ng pagninilay sa iyong journal
notebook ukol dito. Gawing gabay ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano-ano ang konsepto at kaalamang pumukaw sa akin?


2. Ano ang aking pagkaunawa at reyalisasyon sa bawat konsepto at kaalamang ito?
3. Ano-anong hakbang ang aking gagawin upang mailapat ang mga pang-unawa at
reyalisasyong ito sa aking buhay?

Gabay sa Pagwawasto
Kraytirya 5 4 3 2 1
Konkreto ang mga datos na isinaad sa journal.
Malinaw at maayos ang pagkakasulat.
Malinis ang pagkakagawa.
Kabuuang Puntos
5-Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang di mahusay
4- Mahusay 2-Di gaanong mahusay

17
18
Suriin Natin Aralin Natin
1. C 1. KASIPAGAN
2. B 2.PAGPUPUNYAGI
3. C 3. PAGTITIPID
4. D
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat:
Mula sa Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakato Baitang 9 Modyul para sa mag-
aaral (Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,2015)

Haring, Bernard (1997). The Virtues of An Authentic Life. Liguori Publications

Hinckley, Gordon B. (2000). Standing for Something: 10 Neglected Virtues that will
Heal our Hearts and Souls. New York: Times Book
Isaacs, David. (2001). Character Building: A Guide for Parents and Teachers.
Dublin Four Courts Press

Website:
www.jamesnara.com/2011/03/5-rules-to-help-you-manage-your-money-savings/

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph


20

You might also like