You are on page 1of 33

Edukasyon sa

9
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan, Linggo 1 at 2 –
Modyul 12
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang
Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal,
Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Mula sa Gabay Pangkurikulum ng EsP

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan, Linggo 1 at 2 - Modyul 12: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng
Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-
Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o
Hanapbuhay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD, CESO V
Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Jessa Ann M. Gaite


Mga Tagasuri: Aga Christy A. Dologmandin at Judith V. Esmillaren, MEd
Ilustrador/Potograpo: Maria Tita Y. Bontia, MARE, MEd, MT I

MgaTagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Pangalawang Tagapangulo: Shambaeh A. Abantas-Usman, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Mga Miyembro: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief


Amelita M. Laforteza, EdD, Division EsP Coordinator
Rustico Y. Jerusalem, PhD, EPS, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan, Linggo 1 at 2 -
Modyul 12

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang


Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal,
Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP


Junior High School sa Dibisyon ng Iligan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa iligan.city@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
This page is intentionally blank
Talaan ng mga Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya …………………………..........….................... i

Nilalaman ng Modyul …………………………..........….................... i

Pangkalahatang Panuto …………………………..........….................... ii

Mga Icon na Ginagamit sa Modyul ......………………………........................... iii

Alamin …………………………..........….................... 1

Subukin …………………………..........…..................... 2

Balikan …………………………..........….................... 3

Tuklasin …………………………..........….................... 4

Linangin …………………………..........…................... 8

Suriin …………………………..........….................... 8

Pagyamanin …………………………..........….................. 15

Isaisip …………………………..........….................... 16

Isagawa …………………………..........….................. 16

Buod …………………………..........….................. 18

Tayahin …………………………..........….................. 18

Karagdagang Gawain ………………………………………………... 19

Susi sa Pagwawasto …………………………..........….................. 21

Sanggunian …………………………..........…................... 21
This page is intentionally blank
Pangkalahatang Ideya
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan at
paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging
makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kaniya at sa lipunan.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon, K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 1-10.
(Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa
mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman
ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Bloom’s Taxonomy ng
Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng
bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul
at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging Tuklasin ay
tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa
kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga maling kaalaman
(misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang
Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s
Taxonomy.

Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa


Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga
kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa
pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon (Evaluation)
sa Bloom’s Taxonomy.

Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman


at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang Etika at Career
Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP3), na nakatuon sa pagsukat
ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod (Synthesis) sa Bloom’s Taxonomy. Gabay
ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa dalawang gawain sa Pagyamanin at sa Tayahin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-unawa


ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga sitwasiyon ng
buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto
(PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat (Application) at Paglikha (Creating) sa
Bloom’s Taxonomy.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57

i
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga
aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan dahil
sa pandemya. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin,
sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin o paalala:

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anomang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadget (hal. cellphone, tablet, laptop, computer) kung kinakailangan
ito sa iyong pinag-aaralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o
pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensiyon sa pag-aaral.

3. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

4. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng
modyul.

5. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin o paalala ng modyul.

6. Sundin ang sinasabi ng iyong guro kung sa kuwaderno, Yellow paper o sa nakahandang
sagutang papel ipasusulat ang iyong mga sagot.

7. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat gawain bago ito isulat.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga gawain. Gamiting gabay ang layuning
matuto, mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga
gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kamag-aral, kaibigan, o sa mga


awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2

ii
Mga Icon na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin na


Alamin
dapat makamit sa pag-aaral mo ng modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
Subukin
kung ano na ang iyong alam tungkol sa bagong
tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutuhan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin
iba’t ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


Suriin nararapat mong matutuhan na mga konsepto upang
malinang ang pokus na kasanayang pampagkatuto.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


Pagyamanin natutuhan at magbibigay ng pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip
mahahalagang natutuhan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


Isagawa ang iyong mahahalagang natutuhan sa mga
pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.

iii
This page is intentionally blank
Modyul
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang
Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal,
12 Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Alamin
“Handa ka na ba?” ang malimit na tanong ng taong
hinihintay ang iyong paghahanda sa isang gawain. Madalas ito
rin ang linya ng iyong guro bago ang pagsusulit o di kaya
naman, ito ay nasasambit ng isang Game Master sa kaniyang
contest bago magsimula ang kompetisyon o laro. Kawili-wiling
tanong ngunit nakakagulat kung paano ito sasagutin nang
mabilisan. Ikaw, handa ka na rin bang pumili ng nais mong track
o kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School (Baitang 11 at
12)? Ito na ang huling markahan bago magtapos ang iyong taon
sa Baitang 9, ngunit bago ito mangyari, kailangan mo munang
magpasiya at pumili para sa iyong sarili kung ano ang nais mong Ang larawang ito ay kinunan nang may
kuning track o kurso. Nais mo bang masagot ang mga tanong na pahintulot ni Gng. Airlene Lagas at ng
kanyang anak na si Christopher Gabriel
iyan nang sigurado ka at nang walang alinlangan? May mga Lagas
dapat bang pagbantayan sa mga pagpili mong ito, o sapat na
bang makinig na lamang at umasa sa mga taong nakapaligid sa iyo? Ang mga tanong na
iyan ay malinaw na sasagutin at ipaliliwanag sa iyo ng modyul na ito kasama ng susunod na
tatlo pang bahagi ng markahang ito. Ang mga kaalaman na makukuha mo rito ang
magsisilbing unang hakbang patungo sa direksiyong minimithi mo at ang pangarap ng mga
taong sa iyo ay nagtiwala.
Inaasahang masasagot mo ang mga Mahalagang Tanong pagkatapos ng modyul na
ito: Bakit mahalagang tugma ang mga pansariling salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Disenyo, at Isports?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

A. Para sa kasalukuyang linggo ng iyong pag-aaral sa Ikaapat na Markahan


(Unang linggo), ang una at ikalawang layunin ang iyong pag-aaralan:

13.1. Natutukoy ang mga pagbabago sa iyong pansariling salik (talento,


kasanayan, hilig, pagpapahalaga, at mithiin) mula Baitang 7 hanggang
ngayon at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing track o kursong akademiko,
teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports
13.2. Nasusuri ang mga pansariling salik na nagsasaalang-alang ng mga
panlabas na salik (kakayahang pinansiyal, lokal na demand, pamilya,

1
paaralan at kaibigan o barkada) sa pipiliing track o kursong akademiko,
teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports.
B. Para sa susunod na linggo ng iyong pag-aaral sa Ikaapat na Markahan
(Ikalawang linggo), ang ikatlo at ikaapat na layunin ang iyong pag-aaralan:

13.3. Naipaliliwanag na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga


pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng
makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo
at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
13.4 Nakagagawa ng mga hakbang upang paghandaan ang pipiliing track o
kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9. Modyul Para sa Mag-aaral. (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 201

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Sino ang nagbuo ng teoryang Multiple Intelligences na nagsasabing ang lahat ng tao ay
may angking likas na kakayahan at iba’t iba ang talino o talento?
A. Jurgen Hubermas B. Santo Tomas de Aquino
C. Howard Gardner D. John Holland
2. Bakit mahalaga ang mga kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob sa pagpili ng track
o kurso sa Senior High School?
A. Dahil kailangang mamili ng tamang track o kurso
B. Dahil magagamit ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagpapasiya
C. Dahil kailangang mag-isip ng track o kurso kapag magpa-enrol sa Senior High School
D. Dahil magagamit ito sa pagpapasiya at malayang pagpili ng kurso nang may
pananagutan

3. Natutuhan mo sa EsP ang teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner. Batay
rito bilang mag-aaral sa Baitang 9, ano ang dapat mong gawin sa pagpili mo ng kurso sa
Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong
ipinagkaloob sa akin.
B. Pagtuunan ko ng pansin at palaguin ang angking likas na kakayahan, talino o
talentong ipinagkaloob sa akin.
C. Paunlarin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin
para sa sarili at ibahagi ito para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin at
gamitin ito sa pagpapaunlad mula sa tinapos na kurso.

4. Bilang mag-aaral sa Baitang 9 na may angking likas na kakayahan, talino at talento,


paano mo maipakikita ang pagpapahalaga rito?
A. Pahalagahan ang angking kakayahan at talento para sa sarili.
B. Palaguin ang angking kakayahan at talino para sa aking ikabubuti.
C. Tuklasin ito ng mas magamit ko para sa mga bagay-bagay na gusto kong gawin.

2
D. Paunlarin ko ang aking angking kakayahan, talino at talento para sa ikabubuti ng aking
sarili at ng maibabahagi ko rin ito sa iba para sa kabutihang panlahat.
5. Alin ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga
pagpipiliang kurso para sa Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon

6. Si John ay interesado sa kursong TECH-VOC. Ang local na pamahalaan ng Iligan ay


naghahanap ng mga potensiyal na mag-aaral para sa kursong ito. Anong pansariling
salik ang isaalang-alang ni John sa programang ito ng local na pamahalaan?
A. In-demand na kurso
B. Kursong kagustuhan ng marami
C. Kunin ang kursong gusto ng magulang
D. Mithiin, kasanayan, pagpapahalaga, hilig, talino at talento
7. Isa ka sa mga mag-aaral na nalilito kung anong track o kurso ang kukunin pagtuntong mo
ng Senior High School dahil sa hindi pa naging malinaw sa iyo ang sarili mong
kakayahan at talento. Batay sa iyong natutuhan sa EsP 9, ano ang gagawin mo?
A. Magkaroon ng kalinawan ng isip at masayang kalooban
B. Magkaroon ng kagalingan sa pangangatwiran at matalas na pag-iisip
C. Magiging mahusay sa pagsusuri at magkaroon ng matinong pag-iisip
D. Sanayin ang sarili sa paggamit ng kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
8. Si Theo ay may interes sa pagbabasa ng pahayagan, pagsusulat ng sanaysay at sumali
sa mga paligsahan ng Press Conference ng paaralan. Aling pansariling salik ang
nakatutulong kay Theo?
A. Ang pagtuklas ng kaniyang hilig B. Pagpapahayag ng mithiin
C. Pagtukoy sa kasanayan D. Pagpapahalaga sa iba
9. Paano maipakikita na pinapahalagahan ang paglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng
track o kurso?
A. Kunin ang kursong pinili ng magulang
B. Tingnan kung aling kurso ang mas sikat
C. Alamin kung alin sa mga kurso ang maraming nag-enrol
D. Suriin ng mabuti ang kabuuan at ang iba’t ibang anggulo sa pagpili

10. Bakit mahalagang pundasyon o haligi ng pagpili ng track o kurso ang pagpapahalaga?
A. Dahil lahat ng tao ay may pagpapahalaga
B. Kaibig-ibig ang taong may pagpapahalaga
C. Dahil lamang o angat ang taong may pagpapahalaga
D. Dahil maging gabay ito sa tamang pagpapasiya sa pagpili ng kurso

Balikan
Sa modyul 10, naunawaan mo na kailangan ang kagalingan sa paggawa at
paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad
ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kaniyang kaloob
sa tao. Sa modyul na ito, gagabayan ka upang maunawaan mo na bilang isang mag-aaral,

3
kailangan mo ng payo at tamang paggabay mula sa mga nakatatanda sa iyo upang
magkaroon ng wastong pagpapasiya sa pagpili ng angkop na track o kurso na makatutulong
sa pagpapaunlad ng iyong mga talino o talento at kakayahan na hindi maaksaya ang iyong
panahon at perang gugugulin pagdating mo sa Senior High School.
Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Bakit
mahalagang tugma ang mga pansariling salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining at
Disenyo, at Isports?

Tuklasin
Gawain 1a: Multiple Intelligences Survey Form (Copyright 1999 Walter McKenzie)
Panuto: Noong nasa Baitang 7 ka pa lamang nasagutan mo na itong Multiple Intelligences
Survey ni Walter McKenzie. Di ba? Alamin kung bakit kailangan mong sagutin uli ito
ngayong nasa Baitang 9 ka na. Relaks ka lang. Simulan mo munang sagutin ito uli.

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag ng Siyam (9) na seksiyon ng


Multiple Intelligences Survey sa ibaba.
Seksiyon 1
1. Nasisiyahan akong pagsama-samahin ang mga bagay batay sa kanilang
pagkakatulad.
2. Mahalaga sa akin ang mga isyung ekolohikal o pangkapaligiran.
3. Ang klasipikasyon o pag-uuri ay nakatutulong upang mauunawaan ko ang mga
bagong datos.
4. Nasisiyahan ako sa paggawa sa hardin.
5. Naniniwala akong mahalaga ang pangangalaga sa ating mga parke at
pambansang pasyalan.
6. Mahabang oras ang ginugugol ko sa labas ng bahay.
7. Mahalaga sa buhay ko ang mga hayop.
8. May pamamaraan ng pagre-recycle sa aming bahay.
9. Nasisiyahan akong mag-aral ng Biology, Botany at Zooloy.
10. Nasisiyahan akong magtrabaho sa lugar na maraming halaman.
Seksiyon 2
1. Madali akong makasunod sa patterns.
2. Nabibigyang-pansin ko ang tunog at ingay.
3. Madali para sa akin ang sumunod sa tiyempo.
4. Nasisiyahan ako sa paglikha ng musika.
5. Nasisiyahan ako sa mga tula.
6. Natatandaan ko ang mga bagay kapag nilalagyan ko ito ng ritmo.
7. Mahirap mag-concentrate sa ginagawa habang nanonood ng telebisyon o
nakikinig ng radyo.
8. Nasisiyahan akong pakinggan ang iba’t ibang uri ng musika.
9. Ang mga musika ay higit na nakagaganyak kaysa mga drama.
10. Madali para sa akin na makaalala ng titik o liriko ng awitin.
Seksiyon 3
1. Pinanatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit.

4
2. Malaki ang naitutulong sa akin kung ang mga panuto ay isa-isang ipinaliliwanag.
3. Madali para sa akin ang lumutas ng mga suliranin.
4. Madali akong mainis sa mga taong burara.
5. Mabilis akong magtantiya gamit ang isip lamang.
6. Masaya ang lumutas ng “logic puzzles”.
7. Hindi ako makapagsisimulang gumawa ng takdang-aralin hangga’t hindi nasasagot
ang aking mga tanong.
8. Nakatutulong sa akin ang pagpaplano upang magtagumpay sa isang
gawain.
9. Kasiya-siya sa akin ang magtrabaho gamit ang computer.
10. Kailangang may kabuluhan ang isang bagay o gawain upang makatamo ako ng
kasiyahan dito.

Seksiyon 4
1. Mahalaga na alam ko ang bahaging ginagampanan ko sa kabuuan ng mga
bagay-bagay.
2. Nasisiyahan akong talakayin ang mga makabuluhang tanong tungkol sa
buhay.
3. Mahalaga sa akin ang relihiyon.
4. Nasisiyahan akong magmasid ng mga likhang sining.
5. Mahalaga sa akin ang pagninilay at pagpapahinga.
6. Nais kong maglakbay sa mga lugar na nakapagbibigay inspirasyon.
7. Nasisiyahan akong magbasa ng mga isinulat ng mga kilalang pilosopo.
8. Mas madali para sa akin ang matuto kung nakikita ko kung paano ito inilalapat sa
tunay na buhay.
9. Nakamamanghang isipin na mayroong iba pang nilikhang may talino sa
sansinukob.
10. Mahalaga sa akin na madama na ako ay kaugnay ng mga tao, ideya, at mga
paniniwala.
Seksiyon 5
1. Natututo ako nang lubos kapag nakikipag-ugnayan ako sa iba.
2. Nasisiyahan ako na makipag-usap sa ibang tao.
3. Mas masaya kapag marami ang kasama.
4. Madalas akong maging pinuno ng pangkat, sa aming mga magkakaibigan o
magkaklase.
5. Mas mahalaga para sa akin ang pakikipag-ugnayan kaysa pag-iisip o kaysa mga
natatamo ko sa buhay.
6. Higit na marami akong natutuhan sa pangkatang pag-aaral.
7. Ako ay “team player”.
8. Mahalaga sa akin ang mga kaibigan.
9. Masaya ang paglahok sa mga gawaing extra-curricular.
10. Hindi ko nais magtrabaho nang nag-iisa.
Seksiyon 6
1. Higit akong natututo kung ako mismo ang gagawa.
2. Nasisiyahan akong gumawa ng mga bagay sa pamamagitan ng aking mga kamay.
3. Gusto ko ang mga larong panlabas (outdoor games).
4. Ang pagpapahayag sa pamamagitan ng sayaw ay magandang ipakita sa
publiko.
5. Para sa akin ang pagpapakita at pagpaparanas ay mas mainam kaysa
pagpapaliwanag lamang.
6. Hilig ko ang pagsayaw.
5
7. Nais kong magtrabaho na gamit ang iba’t ibang kasangkapan.
8. Mahirap para sa akin ang umupo nang pirmi sa loob ng mahabang oras.
9. Nasisiyahan ako kung ako mismo ang gumagawa.
10. Aktibo ang aking pamamaraan ng pamumuhay.
Seksiyon 7
1. Interesado akong matutuhan ang mga dayuhang salita.
2. Nasisiyahan akong magbasa ng iba’t ibang babasahin.
3. Malaki ang naitutulong sa aking memorya at pang-unawa kung inililista ang
mahahalagang bagay.
4. Ang mga word puzzles ay nakalilibang.
5. Ang pagsulat ay nakatutulong sa akin upang matandaan at maintindihan ang
itinuturo ng guro.
6. Nakikipag-ugnayan ako sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat at e-mail.
7. Madali lang sa akin na ipaliwanag ang aking iniisip.
8. Nasisiyahan akong gumawa ng sulat.
9. Nasisiyahan akong maglaro ng mga salita tulad ng sa puns, anagrams at
spoonerisms at scrabble.
10. Nais kong makilahok sa mga debate at pagsasalita sa harap ng publiko.
Seksiyon 8
1. Ang aking asal ay may epekto kung paano ako natututo.
2. Nais kong makilahok sa mga gawaing tumutulong sa kapwa.
3. May kamalayan ako sa aking mga paniniwalang moral.
4. Higit na natututo ako kapag malapit sa aking damdamin ang isang asignatura.
5. Ang pagiging patas (fair) ay mahalaga para sa akin.
6. Binibigyang-pansin ko ang mga isyung panlipunan.
7. Ang paggawa nang nag-iisa ay produktibo rin tulad ng pangkatang gawain.
8. Mahalagang malaman ko kung bakit kailangan kong gawin ang isang bagay bago ko
ito gawin.
9. Kapag naniniwala ako sa isang bagay, ibinibigay ko nang buong-buo ang aking isip
at lakas.
10. Handa akong magprotesta o pumirma ng petisyon upang iwasto ang isang
kamalian.
Seksiyon 9
1. Nakabubuo ako ng ideya sa pamamagitan ng isip.
2. Nasisiyahan akong mag-ayos ng silid.
3. Nasisiyahan akong gumamit ng iba’t ibang uri ng pamamaraang pansining.
4. Ang mga tsart, graphs, at mga talahanayan ay nakatutulong sa akin upang
maunawaan at maipaliliwanag ang mga datos.
5. Nasisiyahan ako sa lahat ng uri ng mga “entertainment media.”
6. Mas madali akong makaalala gamit ang graphic organizer.
7. Ang mga music video ay nakapupukaw ng isip.
8. Naaalala ko ang mga bagay kung ilalarawan ko ito sa aking isip.
9. Mahusay akong bumasa ng mga mapa at plano.
10. Nagdudulot sa akin ng labis na kasiyahan ang mga three (3) dimensional
puzzles.

1. Lagyan ng tsek (✓) ang bilang na nakapaloob sa Seksiyon kung ang pahayag nito ay
angkop na naglalarawan sa iyong sarili at ekis (x) naman kung hindi. Maging tapat sa
iyong sagot sa bawat bilang.

6
2. Pagkatapos, bilangin at i-total ang mga tsek ng bawat Seksiyon. Gamitin mo ang Tsart ng
Multiple Intelligences Survey Form sa ibaba para sa mga sagot mo sa bawat Seksiyon.

Multiple Intelligences Survey Form


Bilang Section Section Section Section Section Section Section Section Section Section
1 1 2 3 4 5 6 7 8 9
Halimbawa

1 ✓
2 ✓
3 ✓
4 ✓
5 ✓
6 ✓
7 X
8 ✓
9 ✓
10 X
Total 8
Likha ni: Felmar M. Cardanio

Pagkatapos mong sagutan ang tsart, tumuloy ka sa Gawain 1b sa ibaba para sa


interpretasyon ng iyong mga total na puntos sa bawat Seksiyon. Sana mag-enjoy at
matutuwa ka sa pagtuklas sa taglay mong talento at kakayahan. Hirit na!

Gawain 1b: Interpretasyon ng mga total sa Multiple Intelligences Survey


Panuto: Sinagot mo ba nang buong tapat ang Multiple Intelligences survey? Ngayon,
malalaman mo na kung may pagbabago ba sa iyong taglay na talino/talento o
kakayahan ngayong nasa Baitang 9 ka na. Ano pang hinihintay mo? Sige go!
Alamin mo na, ngayon na!
1. Gamit ang iyong total ng (✓) sa bawat seksiyon at ang talaan ng mga pangalan ng mga
ito sa ibaba, maaari mo nang tuklasin kung alin sa mga ito ang iyong talino/talento o
kakayahan sa ngayon.
Seksiyon 1: Naturalist Intelligence
Seksiyon 2: Musical Intelligence
Seksiyon 3: Mathematical/Logical Intelligence
Seksiyon 4: Existentialist Intelligence
Seksiyon 5: Interpersonal Intelligence
Seksiyon 6: Bodily Kinesthetic Intelligence
Seksiyon 7: Verbal/Linguistic Intelligence
Seksiyon 8: Intrapersonal Intelligence
Seksiyon 9: Visual/Spatial Intelligence
2. Sa resulta ng iyong Multiple Intelligence Survey, bigyang-tuon ang tatlong seksiyon na
may pinakamataas na total ng tsek (✓) dahil malaki ang posibilidad na ang mga ito ang
taglay mo na talino o talento. O ano, tukoy mo na ba ang tatlong ito? Binabati kita!
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. May pagbabago ba sa mga natuklasan mong talino/talento o kakayahan sa kaparehong
survey ngayong nasa Baitang 9 ka na kung ihambing ito noong nasa Bitang 7 ka pa? Ano
ang napapansin mo? Ipaliwanag.
2. Ilang talino/talento o kakayahan ang natuklasan mo sa iyong sarili sa ngayon? Anong
naramdaman mo?

7
3. Mahalaga ba ang pagsagot uli sa Multiple Intelligence Survey kung nasa Baitang 9 na ang
isang mag-aaral? Ipaliwanag.
4. Ano ang hamon sa iyo ng iyong talino/talento o kakayahan ngayong may pandemya?

Linangin
Gawain 2
Panuto: Naiisip mo ba na isang taon na lamang ang bibilangin at magiging Senior High
School ka na? May napili ka na bang track o kurso? Paano ka magkaroon ng
matalinong pagpili?
1. Basahin sa loob ng kahon sa ibaba ang caselet ng isang magulang at anak tungkol sa
pagpili ng tamang kurso o track at paggamit ng wastong pagpapasiya.
Ina: Anak, isang taon na lamang at magtatapos ka na
ng Junior High School. May naisip ka na bang
track o kurso na kukunin mo sa Senior High School?
Anak: Yon nga po ang iniisip ko, Nay. Nalilito pa ako kung
anong track ang kukunin ko pagtuntong ng Senior
High School.
Ina: Ang payo ko sa iyo bilang magulang mo anak,
maging matalino ka sa pagpili ng track o kurso kung
saan hindi masasayang ang panahon at perang
Pareho ng pagsipi na nabanggit sa
Gugugulin sa iyong pag-aaral. At siyempre, piliin mo
itaas
kung anoman ang makapagpapasaya sa iyo.

Anak: Inay, pwede n’yo po ba akong matulungan sa pagpili?


Ina: Alam mo anak, napansin ko sa iyo ngayong walang pasok
dahil sa pandemya, kinahihiligan mo ang pagkumpuni ng mga sirang gamit natin at magaling
ka sa paggawa ng mga bagay-bagay tulad ng lalagyan ng halaman gamit ang recyclable
materials. Maaari kang magpa-enroll sa track kung saan nabibilang ang iyong mga kakayahan
at hilig.
Anak: Tama po kayo, Inay! Ngayon na walang pasok dahil sa lockdown, natutuklasan ko sa sarili ko
na may talento at kakayahan pala ako sa pagkukumpuni at paggawa ng mga bagay-bagay. At
alam n’yo po! Masaya po ako sa mga ginagawa ko. Maraming salamat po sa inyong payo at
paggabay, Inay.

2. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.


a. Naranasan mo na ba ang kaparehong sitwasiyon na iyong nabasa? Anong
naramdaman mo sa pagkakataong iyon?
b. Ngayong nasa Baitang 9 ka na, natuklasan mo na ba sa iyong sarili ang iyong mga
kakayahan at talento? Ano-ano ang mga hakbang na iyong ginawa sa pagtuklas ng
mga ito?
c. Paano mo mas mapauunlad ang iyong mga hilig at talento? Ipaliwanag.
d. Sa palagay mo, ano-ano ang nararapat isaalang-alang sa pagpili ng magiging track o
kurso sa Senior High School?
e. Bakit mahalagang isaalang-alang ang talento at kakayahan ayon sa hilig, mithiin, lokal
at global na demand sa pagpili ng track o kurso sa Senior High School? Ipaliwanag

8
Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
sa Pagyamanin.
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kurso Daan sa
Maayos at Maunlad na Hinaharap

“Anak, mag-aral kang mabuti para sa iyong kinabukasan at para sa ating pamilya.”
Narinig mo na ba ito sa iyong nanay o tatay, maging sa iyong lolo o lola? May ideya ka ba
kung bakit nila ito sinabi sa iyo? Bunga ng kanilang mga karanasan at karanasan ng iba
nilang kakilala, ibinahagi sa iyo ang ganitong payo. Matapos mong tuparin ang kanilang
payo, may mga paghahanda ka bang ginawa para sa papasukin mong mundo pagkatapos
ng pag-aaral – ang mundo ng paggawa?
Matapos mong magpamalas ng kasipagan sa pag-aaral, paghahasa ng iyong isipan
sa mga pagsusulit, at pagbubuo ng mga konsepto mula sa lahat ng iyong mga natutuhan,
ano naman kaya ang paghahandang iyong ginawa upang makapili ng angkop o tamang
track o kurso tungo sa hanapbuhay o trabahong iyong papasukin? Pareho rin kaya ang mga
ito noong ikaw ay nasa Baitang 7? Nagbago na ba ito dahil sa maraming mga bagay na
dapat mo munang isipin bago ka magpasiya? Nais mo bang malaman ang mga
pangunahing salik sa pagpili ng tamang track o kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,
negosyo o hanapbuhay, ngunit nauunahan ka ng agam-agam o pagkalito dahil sa dami ng
nanghihikayat sa iyo o dahil sa impluwensiya ng kapaligiran at sa lumalaking demand ng
lipunan?
Ang nakalulungkot dito ay hindi mo man lang masabi o maipahayag ang iyong tunay
na pasiya o nais na kuning track o kurso dahil may gusto ang iyong mga magulang para sa
iyo. Maaaring hindi pa matatag ang iyong loob na ito ay sabihin at ipaliwanag. Hindi pa huli
para sa iyo na magpasiya para sa sarili at maging maligaya na pinili mo ang iyong loob na
ito ay sabihin at ipaliwanag. Hindi pa huli para sa iyo na magpasiya para sa sarili at maging
maligaya sa pinili mo.
Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa
iyong makita ang kabuuan at ang iba’t ibang anggulo ng sitwasiyon. Mas maraming
kaalaman sa mga bagay at sitwasiyon, mas malinaw itong makikita. Mas malaki ang
panahon at oras sa pag-iisip ng solusyon, mas malaki rin ang pagkakataon na maging
tugma at angkop ito sa mga bagay na pinili o ninais. Malaya kang lumapit sa mga taong
pinagkakatiwalaan at makapagbibigay sa iyo ng mabuting payo. Hindi ito maiaalis sa iyo
dahil sila ang mga taong matatakbuhan natin sa oras na kailangan natin ng tulong. Sila ang
may malaking impluwensiya sa ating pagkatao. Bagaman ikaw ay may malayang isip at kilos
loob, hindi pa rin ito sa lahat ng oras ay maaaring pagbatayan. Kailangan natin ang mga
taong nakapaligid sa atin upang matulungan tayong magtimbang, magsuri ng mga bagay-
bagay, at maggabay tungo sa tamang pagpapasiya.

Gamit ang kilos-loob, nakapipili tayo sa mga pagpipilian – mabuti man ito o masama.
Kaya nga, ang kalayaan ay hindi lamang para gawin ang sariling gusto dahil nagiging daan
ito upang ikaw ay magkamali sa pasiya o pagpili. Maipapayo na suriing mabuti ang mga
plano sa buhay upang maging batayan sa maayos na tatahaking karera. Ang isang
kabataan na nais ng kalayaan at nais na maging malaya ay kailangan na maikintal sa isip
ang kaniyang kapangyarihan na gamitin sa tama at mabuti ang kaniyang pagpili.

9
Sa yugtong kinalalagyan mo ngayon, mainam na matutuhan mo na ang buhay ay
binubuo ng maraming pagpipilian. Lahat ng bagay sa mundo ay dapat na pag-isipang
mabuti. Kahit ang taong ayaw pumili o magpasiya, makialam sa isang bagay o sitwasiyon ay
pumipili pa rin sa isang aksiyon o kilos: ang hindi pagpili o hindi pakikialam. Dahil ang tao ay
malaya at may kakayahang pumili, siya ay inaasahang maging mapanagutan sa piniling
pasiya at maging masaya para dito.

Sa bahaging ito ng modyul, pagtuunan mo naman ng malaking pansin ang mga


pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal,
sining at disenyo, at isports: Talento, Kasanayan (Skills), Hilig, Pagpapahalaga, Mithiin.
Narito ang mga pansariling salik. Basahin at unawain ang mga ito sa tulong at gabay
ng iyong guro sa EsP Baitang 9.
1. Talento. Paglipas ng dalawang taon, pagkatapos mong masuri at malaman ang mga
resulta na lumabas sa iyong Multiple Intelligences Survey Form noong ikaw ay nasa
Baitang 7 pa, lumabas ba at napalago mo ba ito nang buong husay o mas lalo itong
nadagdagan dahil naging malaya ka sa pagpapahayag ng iyong sarili sa track o kursong
nais mong kunin? Naibahagi mo rin ba ito sa iba tulad ng iyong mga kamag-aral,
kaibigan, at kapatid? Tandaan mo na ang mga talento ay isang pambihirang biyaya at
likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili
ng tamang track o kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay sa
iyong pagtatapos ng Junior High School (Baitang 10). Sa iyong pagsusuri mula sa mga
talentong napaunlad mo na, alin pa sa mga ito ang natuklasan mo at ngayon ay
napagtutuunan mo ng pansin at pagpapahalaga? Maaari bang isa-isahin mo ito upang
maging konsiderasyon mo sa pag-iisip ng angkop na track o kurso para sa iyo?
Balikan natin ang mga Talino o Talentong ito mula sa teorya na binuo ni Dr.
Howard Gardner (1983):
1. Verbal/Linguistic 4. Mathematical/Logical 7. Naturalist
2. Musical/Rhythmic 5. Interpersonal 8. Visual/Spatial
3. Bodily/Kinesthetic 6. Intrapersonal 9. Existentialist
Nakapag-imbentaryo ka na ba ng mga napalago mong talento mula sa itaas? Alin
sa kanila ang tunay na makatutulong sa iyo sa pagpili mo ng tamang track o kurso?
Gamitin ang iyong kalayaang mag-isip at ang iyong malayang kalooban sa pagkakataong
ito.
Kung matagumpay mong maitutugma ang iyong talento sa trabaho/hanapbuhay ay
makakamit mo ang kagalingan at produktibong paggawa.
2. Kasanayan (Skills). Ang mga kasanayan o skills ay isa ring maituturing na mahalagang
salik sa paghahanda sa iyong pipiliing track o kurso. Ang mga kasanayang ating
tinutukoy ay ang mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas na
iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency).
Upang makilala at matukoy mo ang iyong mga kasanayan sa isang bagay, kailangang
ikaw ay may hilig o interes, mga tiyak na potensiyal at malawak na kaalaman. Sa iyong
pagsusuring pansarili, may mga tiyak ka bang kasanayan o skills na siyang magagamit
mo sa pagtukoy ng iyong pipiliing track o kurso? Kung hindi mo pa tukoy ang mga ito,
makabubuting tingnan at bigyan ng oras ang mga kategorya na nakalista sa susunod na
pahina (Career Planning Workbook, 2006):
a. Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) – nakikipagtulungan at
nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod, at nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip
para sa iba.

10
b. Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) – humahawak ng mga dokumento, datos,
bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito, lumilikha ng mga
sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kaniya.
c. Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) – nagpapaandar, nagpapanatili o
nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa
mga pisikal, kemikal, at biyolohikong mga functions.
d. Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) – lumulutas ng mga mahihirap at
teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing
paraan.
Mainam na ngayon pa lamang ay matiyak mo nang maaga ang iyong mga
kasanayan o skills, nang sa gayon ay makatulong ito nang malaki sa iyong pagpili ng
track o kurso na nais kuhanin.
3. Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto
mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi
nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. Salungat dito ang mga gawain o bagay na
ayaw mong gawin. Nakararamdam ka ng kawalan ng sigla at mabagal na pagkilos
kung kaya maikling oras lamang ang iyong ginugugol sa mga ito. Kumpara sa mga
bagay na kinahihiligan mong gawin, hindi mo pansin ang humahabang oras sa
pagsasagawa ng mga ito dahil nasisiyahan kang gawin kahit ito ay mahirap sa
paningin ng iba. Kung magagawa sa ngayon ang ituon ang pansin sa mga tiyak mong
mga hilig, umasa kang mas magiging madali ang pagpili ng iyong nais na kuning track
o kurso sa iyong nalalapit na Senior High. Hamon ito na dapat mong paghandaan
upang maging makabuluhan ang iyong pipiliing hanapbuhay o negosyo at matiyak ang
pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/Careers/Work
environments, ito ay ang sumusunod: Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising
at Conventional. Hindi lamang nasa iisang kategorya ang hilig o interes ng isang tao,
maaari siyang magtaglay ng tatlong kombinasyon. Halimbawa, maaaring tatlo ang
kombinasyon ng kaniyang trabaho gaya ng ESA (Enterprising, Social at Artistic) o di kaya
naman ISC (Investigative, Social at Conventional) o anomang dalawa o tatlo sa iba’t
ibang kombinasyon.
Sa mas malawak na pagtingin, ang mga kategoryang ito ay maaaring makabuo ng
mas marami pang mga job personalities, ang ilan sa mga ito ay maaaring maging taliwas
sa katangian ng isang tao at ang kaniyang piniling trabaho. Halimbawa, ang isang tao ay
nasa kategoryang realistic (R) ngunit maari din maging artistic (A) at ang enterprising (E)
ay makakita ng trabahong ang gawain ay masiglang naglilingkod sa publiko sa ilalim ng
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan o DENR. Gamitin mo ang mga
ideyang ito patungo sa magandang hakbangin sa mas malawak mo pang pag-unawa sa
iyong sarili.
Mga Interes Deskripsiyon Halimbawa ng mga Trabaho
- ang taong nasa ganitong forester, industrial arts teacher, radio
interes ay mas nasisiyahan sa operator, auto engineer, mechanical
pagbuo ng mga bagay gamit engineer, mining engineer, vocational
ang kanilang malikhaing kamay agriculture teacher, civil engineer,
Realistic o gamit ang mga kasangkapan industrial engineering technician,
kaysa makihalubilo sa mga tao aircraft mechanic, mechanical
at makipagpalitan ng opinyon. engineer technician, fish and game
Ang mga taong realistic ay warden, surveyor, dental technician,
matapang at praktikal, at mahilig architectural draftsman, electrician,
11
sa mga gawaing outdoor jeweler, powerhouse repairman, tool
and dye maker, machinist, mechanic,
stone cutter, locksmith, nuclear reactor
technician, tree surgeon, piano tuner,
typesetter, air conditioning engineer,
ship pilot, instrument mechanic, motion
picture projectionist, carpenter, tailor,
machine repairer
- ang mga trabahong may Economist, internist, physician,
mataas na impluwensiya rito ay anthropologist, astronomer,
nakatuon sa mga gawaing pathologist, physicist, chemist,
pang-agham. Ang mga taong production planner, medical lab
nasa ganitong interes ay mas assistant, tv repairer, biologist,
gustong magtrabaho nang mag- osteopath, chiropractor, math teacher,
isa kaysa gumawa kasama ang natural science teacher, optometrist,
iba. Sila ay mayaman sa ideya psychiatrist, psychologist, medical
at malikhain sa mga technologist, bacteriologist,
kakayahang pang-agham, isa physiologist, research analyst,
na rito ang mga pananaliksik. computer analyst, programmer,
Mapanuri, malalim, matatalino at pharmacist, actuary, quality control
Investigative task-oriented ang mga technician, computer operator,
katangian nila geologist, mathematician/statistician,
surgeon, meteorologist, agronomist,
animal scientist, botanist, zoologist,
horticulturist, natural scientist,
oceanographer, biochemist,
veterinarian, geographer, x-ray
technician, administrator, dentist, tool
designer, chemical lab technician,
engineers such as aircraft, chemical,
electrical, metallurgical, radio/tv
technician, engineering aide, weather
observer
- ang mga taong may mataas na Drama coach, language teacher,
interes dito ay mailalarawan journalist-reporter, drama-teacher,
bilang malaya at malikhain, dancing teacher, foreign language
mataas ang imahinasyon at may interpreter, philosopher, art teacher,
malawak na isipan. Nasisiyahan literature teacher, music teacher,
ang mga nasa ganitong interes musician, orchestra conductor,
sa mga sitwasiyon kung saan advertising manager, entertainer,
nakararamdam sila ng kalayaan public relations person, fashion model,
Artistic na maging totoo, nang walang writer, editor, radio program writer,
anomang estrukturang dramatist, actor/actress, designer,
sinusunod at hindi basta napipilit interior decorator, critic, fashion
na sumunod sa maraming mga illustrator, furniture designer, jewelry
panuntunan. Nais nila ang mga designer, furrier, garment designer,
gawaing may kaugnayan sa decorator, architect, artist,
wika, sining, musika, pag-arte, photographer , photograph retoucher,
pagsulat at iba pa photolithographer (printer), music
arranger, composer
- ang mga nasa ganitong grupo Education, teaching, social welfare,
Social
ay kakikitaan ng pagiging human development, counseling,
12
palakaibigan, popular at health professions (medicine, nursing,
responsable. Gusto nila ang etc.), social service, compensation
interaksiyon at pinaliligiran ng advising etc., dorm director,
mga tao. Madalas na mas interviewer, employment
interesado sila sa mga representative, funeral director,
talakayan ng mga problema o chamber of commerce executive,
sitwasiyon ng iba at mga katulad employee benefits approver, food
na gawain, kung saan service manager, claim adjuster,
mabibigyan sila ng production expediter, health and
pagkakataong magturo, welfare coordinator, educational
magsalita, manggamot, administrator, training director,
tumulong at mag-asikaso historian, environmental health
engineer, home service representative,
community recreation administrator,
business agent, extension agent,
physical education teacher, building
superintendent, therapist, political
scientist, sociologist, social and group
worker, personnel director, food and
drug inspector, teacher, minister,
librarian, foreign service officer, history
teacher
- likas sa mga taong nasa Sales and marketing field
ganitong grupo ang pagiging representative, banker, insurance
mapanghikayat, mahusay underwriter, real state appraiser, florist,
mangumbinsi ng iba para sa industrial engineer, contractor,
pagkamit ng inaasahan o target warehouse manager, salesperson-
goals. Ang mga taong may technical products, lawyer, judge,
mataas na interes dito ay attorney, tv/radio announcer, branch
madalas na masigla, manager, director industrial relations,
Enterprising
nangunguna at may pagkusa at government official, insurance
kung minsan ay madaling manager, managers such as
mawalan ng pagtitimpi at restaurant/office/ traffic/human
pasensiya resource/production, etc., salary and
wage administrator, labor arbitrator,
systems analyst, director of
compensation and benefits, securities
salesperson, human resource recruiter
- ang mga grupo o pangkat ng Clerical, administrative, time study
mga taong may mataas na analyst, business (commercial)
interes dito ay naghahanap ng teacher, finance expert, accountant,
mga panuntunan at direksiyon; credit manager, timekeeper, auto
kumikilos sila nang ayon sa writing machine operator, bookkeeping
tiyak na inaasahan sa kanila. machine operator, estimator, foreign
Sila ay maaaring mailarawan trade clerk, office worker, payroll clerk,
Conventional
bilang matiyaga, mapanagutan accounting machine operator,
at mahinahon. Masaya sila sa personnel clerk, sales correspondent,
mga gawaing tiyak, may reservations agent, bookkeeper,
sistemang sinusunod, maayos cashier, secretary, medical secretary,
ang mga datos at organisado library assistant, data processing
ang record worker, mail clerk, personnel
secretary, proofreader at iba pa
13
4. Pagpapahalaga. May kilala ka bang taong nakamit ang kaniyang pangarap sa buhay
nang dahil sa kaniyang mga natatanging pagpapahalaga? Sa iyong palagay, ano kaya
ang nagpaunlad sa mga taong ito? Ang kanilang mga ipinamalas na pagsisikap na abutin
ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang
pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
Sa isang gurong nagbibigay ng mga aralin, takda at grado, at humihikayat sa
kaniyang mga mag-aaral na matuto at magsikap sa pag-aaral, ang mga pagpapahalaga
ay may kalakip na kaalaman at pagsasanay. Personal na alam ng guro ang halaga at
bunga ng kaalaman mula sa pormal na pag-aaral tungo sa magandang hinaharap ng
kaniyang mga mag-aaral. At siya, sa kaniyang sinumpaang tungkulin ay determinado na
ganapin ito nang buong tapang para sa kapakanan at kabutihan ng kaniyang mga mahal
na mag-aaral. Gayunpaman, sa tindi at bigat ng kaniyang responsibilidad, gusto niya ang
kaniyang ginagawa at masaya siya dahil dito niya nakikita ang kaganapan ng kaniyang
mga pinili at pinahalagahang katangian.
5. Mithiin. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang
hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay
isipin din ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat. Kung ngayon pa lamang sa
mura mong edad ay matutuhan mong bumuo ng iyong Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap.
Sa huling pansariling salik na ito sa pagpili ng tamang track o kursong kukunin ay
masasabing may malaking bahagi sa pagtamo ng iyong mga naisin sa buhay. Dito na
hinahamon ang iyong kakayahan upang isakatuparan o gawing ganap ang iyong mithiin
sa buhay. Sigurado akong may ginamit kang pamantayan sa pagtakda at pagkamit ng
iyong mga itinakdang mithiin.
Subukan mong sagutin at pagnilayan ang mga inihandang katanungan para sa iyo.
1. Mula sa mga natalakay na naunang mga salik na pinagbatayan mo sa pagpili, anong
track o kurso (akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports) ang nasa
isip mo ngayon?
2. Angkop ba ito sa iyong kakayahan sa pag-abot ng mga mithiin ayon sa itinakda mong
panahon?
3. Alin sa mga itinakda mong mithiin ang pangmadalian (short-term) at pangmatagalan
(long-term)?
4. Positibo ka bang ito ay matutupad ayon sa itinakda mong panahon na mangyari ito?
Kung hindi, anong alternatibo o iba pang paraan ang naiisip mo?
5. Sino-sino ang mga posibleng tao na maaari mong malapitan na higit na makatutulong
sa pag-abot mo ng iyong mithiin?
Ngayong nasagot mo na ang mga katanungang ito, malaki ang posibilidad na
maisaayos pa ng mabuti ang mga itinakda mong mithiin bilang pansariling salik sa pagpili
ng tamang track o kurso. Binabati na kita!
Mahalagang malaman at maunawaan mo ang iyong mga pansariling salik sa pagpili
ng track o kurso ngunit hindi lamang ang mga ito ang dapat na iyong batayan. Marapat
lamang na alam mo rin ang mga panlabas na salik na maaaring makaapekto sa iyong
pagpapasiya. Ilan sa mga panlabas na salik ay impluwensiya ng pamilya, impluwensiya
ng kaibigan o barkada, gabay ng guro o Guidance Advocate, kakayahang pinansiyal at
lokal na demand. Ilan lamang ang mga ito sa mga karaniwang panlabas na salik na
nakaaapekto sa kabataang tulad mo.

14
Kung magagawa mo ngayon na pumili ng tamang track o kurso para sa Baitang 11,
makakamit mo ang tunay na layunin nito:
Una, ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay. Dito, hindi lamang
makatutulong na maiangat ang antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita/sweldong
kalakip nito kundi ang halaga ng pagkamit ng iyong kaganapan mula sa kasiyahang
nakukuha at pagpapahalaga sa iyong paggawa. Mas lalo mong naibibigay ang iyong
kahusayan dahil ang talento, kasanayan at interes ang iyong puhunan.
Pangalawa, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Ang
produktibong manggagawa ay masasabing isang “asset” ng kanyang kompanya o
institusyong na kinabibilangan. Katulong siya sa pagpapaunlad ng mga programa at
adhikain ng kaniyang pinagtatrabahuhan tungo sa sama-samang paggawa.
Pangatlo, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay
nakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Naipamamalas ito sa
pamamagitan ng tamang pamamahala ng oras sa pagtapos ng gawain, pagpapasa ng
mga proyekto sa takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon
at maayos na pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin. Kung ang
isang mag-aaral na katulad mo ay may paghahanda sa hinaharap, hindi malayo na
taglayin mo ang mga kahanga-hangang gawi na ito at maging bahagi ka ng lumalaking
bilang ng mga magagaling na manggagawa ng ating bansa.
Ang pagsusuri ng maigi at pagbabalanse ng kahalagahan at epekto sa iyo ng mga
pansarili at panlabas na salik ay higit na makapagbibigay ng tamang pasiya na
makatutulong upang maging produktibo bilang isang mamamayan. Mahalaga sa kukunin
mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibalik sa Diyos kung ano ang mayroon
ka bilang tao.

Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.


Panuto: Mula sa iyong nabasa, subukan mo ang iyong pagkaunawa sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong sa ibaba at isulat ito sa kuwaderno.
1. Ano-ano ang pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong Akademiko, Teknikal-
Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports sa pagtuntong mo ng Senior High School?
2. Bakit mahalaga ang mga pansariling salik na ito sa pagpili mo ng iyong track o kurso at
hanapbuhay?
3. Alin sa mga pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ang iyong higit na isinaalang-
alang? Alin ang hindi? Ipaliwanag.
4. Bilang kabataan, anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan (Baitang 9) na
may kaugnayan sa iyong pagsasaalang-alang sa pipiliing track o kurso o hanapbuhay?

O kamusta? Dito nagtatapos ang iyong mga gawain sa Unang linggo. Para sa
Ikalawang linggo, gawin ang mga gawain sa ibaba. Balikan ang babasahin sa Suriin
bilang gabay mo sa pagsasagawa ng mga gawain simula sa Pagyamanin Gawain 3b.

15
Gawain 3b: Pagninilay
Panuto: Pagnilayan at sagutan ang mga tanong sa loob ng kahon. Isulat sa inyong journal
ang naging reyalisasyon o pag-unawa,
Ano-ano ang Ano ang aking pagkaunawa Ano-ano ang hakbang na aking
konsepto at kaalaman at reyalisasyon sa bawat gagawin upang mailapat ko ang
na pumukaw sa akin? konsepto at kaalamang ito? mga pang-unawa at reyalisasyong
ito sa aking buhay?

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9. Modyul Para sa Mag-aaral. (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 230

Isaisip

Gawain 4: Paghihinuha ng Batayang Konsepto


Panuto: Anong mahalagang konsepto na nahinuha mo mula sa mga Gawain at babasahin?
1. Punan ang mga patlang ng tamang salita mula sa kahon sa ibaba upang mabuo ang
Batayang Konsepto ng aralin.

kursong personal ekonomiya produktibo daan tugma hanapbuhay

Ang pagiging __________ ng mga __________ na salik sa mga pangangailangan


(requirements) sa napiling _________ akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o
negosyo ay __________ upang magkaroon ng makabuluhang __________ o negosyo at
matiyak ang pagiging __________ at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng __________ ng
bansa.

Isagawa
Gawain 5: Pagganap

Panuto: Sasang-ayon ka ba na ngayon pa lamang ay mahalagang gawin mo na ang mga


gawaing angkop sa iyong paghahanda sa pagkamit ng iyong piniling track o kurso
sa Senior High School? Habang ginagawa mo ito, masimulan mo na ring maging
produktibo at makibahagi sa pagpauunlad ng ekonomiya ng bansa.
1. Gamit ang mga taglay mo na talento at hilig at ang alam mo na mga kurso o track sa
Senior High School, tukuyin ang iyong mga paghahandang gagawin.
16
2. Isulat ang mga hinihingi ng bawat kolum ng tsart sa ibaba.
3. Gawin mong gabay ang ibinigay na halimbawa. Isulat ito doon sa napagkasunduan ng
guro.

Mga Paghahandang Gagawin Ko Upang Makamit


ang Piniling Kurso o Track sa Senior High School
Tatlong Kurso Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
o Track na STEM ABM HUMSS
Angkop sa
Akin
Mga Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
Paghahandang 1. Pagkuha ng 1. Pagsali sa mga 1. Pagsasanay sa
Gagawin Ko impormasyon Math Contest aking mga talento
tungkol sa kurso o at hilig.
track na ito 2. Pagbabasa ng
2. Pag-unawa sa mga aklat tungkol
kurso o track na ito sa kursong ito 2. Pagkakaroon ng
batay sa nakalap positive self-talk
na impormasyon sa pagpauunlad
ng aking tiwala
sa sarili
Halimbawa Halimbawa Halimbawa
Mga Taong 1. Guro ng Science 1. Guro ng Math 1. Guro ng EsP
Makatulong 2. Mga magulang 2. Kaklase ko na 2. Mga kasamahan
3. Ate ko na nasa magaling sa Math ko sa EsP School
STEM track ng 3. Tiyuhin ko na Level Officers
Senior High nagtuturo ng ABM 3. Guidance
School track ng SHS counselor ko sa
Baitang 9

Ikaw naman:

Mga Paghahandang Gagawin Ko Upang Makamit


ang Piniling Kurso o Track sa Senior High School
Tatlong Kurso
o Track na
Angkop sa
Akin
Mga 1. 1. 1.
Paghahandang 2. 2. 2.
Gagawin Ko 3. 3. 3.
Mga Taong 1. 1. 1.
Makatulong 2. 2. 2.
3. 3. 3.

Narito ang kraytirya ng pagtataya ng iyong output sa Gawain 5:


1. Natutukoy ang tatlong pinagpipilian na kurso o track sa Senior High School
2. Magkatugma ang isinulat na kurso, paghahandang gagawin at mga taong tutulong
3. Makatotohanan ang mga isinulat na paghahandang gagawin
4. Tiyak ang mga isinulat na paghahandang gagawin
5. Malinaw ang mga isinulat na paghahandang gagawin

17
Buod
Ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o
negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak
ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Sino ang nagbuo ng teoryang Multiple Intelligences na nagsasabing ang lahat ng tao ay
may angking likas na kakayahan at iba’t iba ang talino o talento?
A. Jurgen Hubermas C. Santo Tomas de Aquino
B. Howard Gardner D. John Holland
2. Si John ay interesado sa kursong TECH-VOC. Ang local na pamahalaan ng Iligan City ay
naghahanap ng mga potensiyal na mag-aaral para sa kursong ito. Anong pansariling
salik ang isaalang-alang ni John sa programang ito ng local na pamahalaan?
A. In-demand na kurso
B. Kursong kagustuhan ng marami
C. Kunin ang kursong gusto ng magulang
D. Mithiin, kasanayan, pagpapahalaga, hilig, talino at talento

3. Isa ka sa mga mag-aaral na nalilito kung anong track o kurso ang kukunin pagtuntong mo
ng Senior High School dahil sa hindi pa naging malinaw sa iyo ang sarili mong
kakayahan at talento. Batay sa iyong natutuhan sa EsP 9, ano ang gagawin mo?
A. Magkaroon ng kalinawan ng isip at masayang kalooban
B. Magkaroon ng kagalingan sa pangangatwiran at matalas na pag-iisip
C. Magiging mahusay sa pagsusuri at magkaroon ng matinong pag-iisip
D. Sanayin ang sarili sa paggamit ng kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob

4. Si Theo ay may interes sa pagbabasa ng pahayagan, pagsusulat ng sanaysay at sumali


sa mga paligsahan ng Press Conference ng paaralan. Aling pansariling salik ang
nakatutulong kay Theo?
A. Ang pagtuklas ng kanyang hilig B. Pagpapahayag ng mithiin
C. Pagtukoy sa kasanayan D. Pagpapahalaga sa iba

5. Paano maipakikita na pinapahalagahan ang paglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng


track o kurso?
A. Kunin ang kursong pinili ng magulang
B. Tingnan kung aling kurso ang mas sikat
C. Alamin kung alin sa mga kurso ang maraming nag-enrol
D. Suriin ng mabuti ang kabuuan at ang iba’t ibang anggulo sa pagpili
18
6. Bakit mahalagang pundasyon o haligi ng pagpili ng track o kurso ang pagpapahalaga?
A. Dahil lahat ng tao ay may pagpapahalaga
B. Kaibig-ibig ang taong may pagpapahalaga
C. Dahil lamang o angat ang taong may pagpapahalaga
D. Dahil maging gabay ito sa tamang pagpapasiya sa pagpili ng kurso

7. Bakit mahalaga ang mga kakayahang mag-isip at malayang kilos loob sa pagpili ng track
o kurso sa Senior High School?
A. Dahil kailangan niyang mamili ng tamang track o kurso
B. Dahil magagamit ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagpapasiya
C. Dahil kailangan mag-isip ng track o kurso kapag magpa-enrol sa Senior High School
D. Dahil magagamit ito sa Senior High School sa pagpapasiya at malayang pagpili ng
kurso nang may pananagutan
8. Natutuhan mo sa EsP ang teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner. Batay
rito bilang mag-aaral sa Baitang 9, ano ang dapat mong gawin sa pagpili mo ng kurso sa
Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong
ipinagkaloob sa akin.
B. Pagtuunan ko ng pansin at palaguin ang angking likas na kakayahan, talino o
talentong ipinagkaloob sa akin.
C. Paunlarin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin
para sa sarili at ibahagi ito para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin ko ang angking likas na kakayahan, talino o talentong ipinagkaloob sa akin
at gamitin ito sa pagpapaunlad mula sa tinapos na kurso.

9. Bilang mag-aaral sa Baitang 9 na may angking likas na kakayahan, talino at talento,


paano mo maipakikita ang pagpapahalaga rito?
A. Pahalagahan ang angking kakayahan at talento para sa sarili.
B. Palaguin ang angking kakayahan at talino para sa aking ikabubuti.
C. Tuklasin ng mas magamit ko ang aking angking talento para sa pagpapayaman.
D. Paunlarin ko ang aking angking kakayahan, talino at talento para sa ikabubuti ng aking
sarili at ng maibabahagi ko rin ito sa iba para sa kabutihang panlahat.
10. Alin ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga
pagpipili ang kurso para sa Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon

Karagdagang Gawain

Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto:
1. Tingnan at pag-aralan ang halimbawa ng Force Field Analysis sa ibaba. Makatutulong ito
sa iyong ginagawang paghahanda para sa kurso o track pagdating mo sa Senior High
School.

19
2. Subukan mong bumuo nito. Ito ay isang tool sa paglutas ng isang suliranin ng
pagsasakatuparan ng iyong mga plano. Kasama dito ang pagsuri sa mga puwersa
(forces) na nakakaapekto sa iyong mga gawain na maaaring nakatutulong o
nakasasagabal patungo sa pagkamit ng iyong Career Goal o mithiin sa buhay.

3. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ikaw naman:

Narito ang kraytirya ng pagtataya ng iyong output sa Gawain 6:


1. Natutukoy ang mga puwersang pantulong at mga paraang magpalakas nito
2. Natutukoy rin ang mga puwersang balakid at mga paraang magpahina nito
3. Magkatugma ang mga isinulat na puwersa at mga paraan
4. Makatotohanan ang mga isinulat na puwersa at mga paraan
5. Tiyak ang mga isinulat na puwersa at mga paraan
6. Malinaw ang mga isinulat na puwersa at mga paraan

20
Susi sa Pagwawasto

Subukin

Pag-unawa/Comprehension D 10
Pagtataya/Evaluation D 9
Pagsusuri/Analysis A 8
Paglalapat/Application D 7
Pagtataya/Evaluation D 6
Pagsusuri/Analysis C 5
Paglalapat/Application D 4
Paglalapat/Application C 3
Pag-unawa/Comprehension D 2
Kaalaman/Knowledge C 1
Kasanayan/Skill Sagot Bilang ng Aytem

Tayahin

Pagsusuri/Analysis C 10
Paglalapat/Application D 9
Paglalapat/Application C 8
Pag-unawa/Comprehension D 7
Pag-unawa/Comprehension D 6
Paglalapat/Application D 5
Pagsusuri/Analysis A 4
Paglalapat/Application D 3
Pagtataya/Evaluation D 2
Kaalaman/Knowledge B 1
Kasanayan/Skill Sagot Bilang ng Aytem

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9. Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2016.

Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National
Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,
Guimaras Province, May 6, 2019.
Peralta, Luisita B. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon
ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at the Alignment, Revision and

21
Finalization of the OHSP Modules with the K-12 Curriculum, Tagaytay City, September
26, 2017.

22
Para sa mga katanungan at puna, maaaring sumulat o tumawag:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo St., Iligan City
Telefax: (063) 221-6069
E-mail Address: iligan city@deped.gov.ph

23

You might also like