You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Arnaldo A. Santos
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos at Nora Hernandez
Tagasuring Teknikal: Ernesto D. Tabios
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 9
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Kahulugan ng Ekonomiks
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
para sa araling Kahulugan ng Ekonomiks!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul para sa araling


Kahulugan ng Ekonomiks!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1. Naibigay ang kahulugan ng Ekonomiks sa paglipas ng panahon;
2. Napaghambing ang kahulugan ng Ekonomiks sa paglipas ng
panahon; at
3. Nailapat ang kahulugan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

PAUNANG PAGSUBOK

I-Check Mo!
Panuto: Lagyan ng __ ang guhit bago ang bilang kung nagsasaad ng
wastong pakahulugan sa ekonomiks at X naman kung hindi.
_______ 1. Ang salitang Ekonomiks ay nagmula sa bansang Latino. Ito ay
hinango sa salitang oikos, na nangangahulugang bahay at nomos, na
nangangahulugang pamamahala o batas.
_______ 2. Ang Ekonomiks ay hango sa salitang oikonomia na ang ibig
sabihin ay pamamahala o administrasyon ng sambahayan (household).
_______ 3. May kaugnayan ang ekonomiks sa produksyon at distribusyon ng
mga produkto.
_______ 4. Ang Ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na
tumutulong kung paano mag-iibento ang tao ng mga makabagong
kagamitan sa paglikha ng mga produkto.
_______ 5. Kabilang ang Ekonomiks sa mga disiplina ng agham panlipunan
ARALIN
Kahulugan ng Ekonomiks

Maraming bagay at pangyayari sa ating kapaligiran ang hindi mo


marahil namamalayan ay may kaugnayan sa ekonomiks. Ilan sa mga
halimbawa ang mga isyung pangkabuhayan na nababasa o naririnig sa mga
pahayagan, radio, telebisyon, at social media tulad ng kung paano
tutustusan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mamamayan habang
ipinatutupad nito ang community quarantine bunsod ng epekto Covid-19
pandemic.

Maging ang pagtaas ng presyo ng bilihin, kawalan ng trabahao,


budget deficit, pagtaas ng buwis sa alak at sigarilyo, paglaki ng bilang ng
mga OFW, kakulangan ng bigas, at pagdagsa ng mga produktong galing sa
ibang bansa ay ilan lamang sa mga kontemporaryong suliraning
kinakaharap ng mga Pilipino araw-araw. Lubos nating mauunawaan ang
mga ito kung tayo ay may sapat na kaalaman sa Ekonomiks.

Kung literal na kahulugan ng Ekonomiks ang pag-uusapan,


sinasabing ito ay hinango sa salitang Griyego (Greek) na oikonomia kung
saan nagmula ang salitang oikonomos na binubuo ng dalawang salita - ang
oikos na nangangahulugang bahay o sambahayan samantalang ang nomos
naman ay nangangahulugang pamamahala. Ito ang pinagmulan ng literal
na kahulugan ng Ekonomiks na "pamamahala ng sambahayan".

Ang lipunan ay binubuo ng iba't ibang institusyon tulad ng pamilya,


paaralan, simbahan, media, negosyo, at pamahalaan. Kinakailangan ng
bawat sektor na magkaroon ng mamamahala upang magkaroon ng
kaayusan sa mga pang-araw-araw na gawain. Ang pagkakaroon ng
kaayusan ay nakadepende sa mga pamamaraan gagamitin sa paggawa ng
desisyon.

Ikaw bilang mag-aaral ay kasapi ng lipunan na binubuo ng iba't ibang


sektor tulad ng pamilya at paaralan ay may gampanin sa pagtatamo ng
iyong mga mithiin sa buhay. Ang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay
na may kakayahang tugunan ang dumarami at nagbabagong
pangangailangan at kagustuhan ang ilan lamang sa mga hinahangad mong
makamit. Ito ay magkakaroon lamang ng malinaw na katuparan kung
sisimulan mong hubugin ang iyong kakayahan sa pagbuo ng matalinong
pagpapasya sa buhay.
Maaaring maging kasangkapan ang Ekonomiks sa paghubog ng
kakayahan ng mamamayan tungo sa pagiging matalino sa paggawa ng
desisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pamamagitan lamang ng
pag-unawa sa kahulugan ng Ekonomiks ay malalaman mo bilang mag-aaral
ang halaga nito sa iyo bilang kasapi ng pamilya at lipunan.

Sa paglipas ng panahon, nagbigay ng kanya-kanyang kahulugan sa


ekonomiks ang mga eksperto sa pag-aaral nito. Ang sumusunod na
kahulugan ng Ekonomiks batay sa ilang ekonomista ay inilahad nina
Villoria et al, 2000:

 Paul Samuelson - "Ang Ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano


gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong pinagkukunang-yaman
upang makagawa at maipamahagi ang iba't ibang produkto at
serbisyo sa mga tao at iba't ibang pangkat ng lipunan para sa
kasalukuyan at hinaharap".
 Paul Wonnacott - "Ang Ekonomiks ay isang pag-aaral kung paanong
ang tao ay naghahanapbuhay, naghahanap ng pagkain at iba pang
pangangailangang materyal. Binibigyang-pansin ang mga suliraning
pangkabuhayan sa pamamagitan ng mga pamamaraan kung paanong
malulunasan o mababawasan ang mga ito".
 Roger Le Roy Miller - "Ang mga kalagayan na nangangailangan ng
kapasyahan kung paano, kailan at saan gagamitin ang salat na
pinagkukunang-yaman."
 Lloyd Reynolds - "Ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon,
pamamahagi at paggamit ng salat na pinagkukunang-yaman."
 Gerardo Sicat - "Ang Ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral
na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang tao o lipunan.
Maraming pangangailangan ang mga tao at mga pangkat ng lipunan.
Upang matugunan ang mga ito, may mga pinagkukunang-yaman na
maaaring gamitin subalit hindi sapat. Ang pangangailangan at
paggamit ay maaaring sa ngayon o bukas. Kaya naman sa
pagpapasya o pagpili, kasamang isinasaalang-alang ang ngayon at
bukas. Bukod dito, ang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay may
kaukulang halaga at pakinabang na nangangailangan ng wastong
kapasyahan."
 Clifford James - "Kabuuan ng kaalaman bunga ng pakikipag-
ugnayan ng tao sa pagnanais na makakita ng kabuhayan."

Bagamat magkakaiba ang depinisyon na naibigay ng mga ito,


mapapansin na iisa lamang ang layunin kung bakit dumaan sa
pamamaraang siyentipiko ang pag-aaral ng ekonomiks. Ang tumuklas at
bumuo ng pinakaangkop na pamamaraan sa pagtugon ng suliranin sa
kakapusan. Ito ang isa mga mahahalagang tuon ng pag-aaral ng Ekonomiks
bilang isa sa mga sangay ng agham panlipunan.
Nakatuon ang Ekonomiks sa pag-aaral kung papaano gumagawa ng
tamang desisyon ang bawat tao at lipunan nang sa gayon ay magamit ng
episyente ang mga pinagkukunang yaman. Ang ilan sa mga itinuturing na
pinagkukunang yaman na limitado lamang o may hangganan ay ang oras,
abilidad ng tao, lupa, tubig, kagubatan, mineral (metal at di-metal),
kapital (puhunan o investment), at yamang pisikal (gusali o
imprastraktura) tulad ng tulay, kalsada, daungan, at mga makinarya.
Ang mga kaalaman at pamamaraan ng tao sa pamamahala ng mga
nabanggit na pinagkukunang yaman ay ginagamit upang makabuo ng
produkto at serbisyo na magbibigay ng kapakinabangan at kasiyahan sa
mga mamamayan at lipunan.

Nakasalalay sa tao ang paglinang ng mga pinagkukunang yaman


upang ang mga ito ay maging kapaki-pakinabang hindi lang sa kasalukuyan
kung hindi maging sa hinaharap at sa susunod pang henerasyon. Mahalaga
na episyente niya itong mapangasiwaan nang sa gayon ay walang masayang
at hindi ito humantong sa pagkasira at pagkaubos. Isang halimbawa ng
mahalagang desisyon ay ang paggamit ng oras para sa paghahanap-buhay;
pag-aaral at paglilibang; ilang bahagdan ng pera ang gagastusin at ilang
bahagdan ang itatabi; ano ang pinakamahusay na paraan upang
mapagsama-sama ang mga pinagkukunang yaman upang makabuo ng
produkto at serbisyo; at sinong kandidato ang nararapat iboto upang
maging pinuno ng pamahalaang lokal at pambansa.

Ginagamit ng bawat tao ang mga pinagkukunang yaman upang


magkaroon ng mataas na antas ng pamumuhay at isulong ang kapakanan
sa kanyang kapaligirang pinamumuhayan. Binibigyang pansin ng tao ang
kasiyahan at kapakinabangang natatamo mula sa pinili o biniling produkto
at serbisyo kasama na rin ang panahon na ginugol sa paglilibang, pamilya,
lipunan, hanapbuhay, at pagtamasa ng produkto at serbisyong pinagkaloob
ng pamahalaan. May pagkakataon naman na ginagamit ng tao ang mga
pinagkukunang yaman sa pamamaraang hindi kaiga-igaya upang maitaas
ang antas ng kanyang kabuhayan at pagkatao. May mga gawain rin ang tao
na nakakasama hindi lamang sa ibang tao kundi sa kapaligiran na ring
kanyang ginagalawan. Isang halimbawa ang polusyon sa hangin at tubig
na epekto ng gawain ng mga bahay-kalakal na may layuning kumita ngunit
nakakasama sa kapaligiran. Kabilang sa malawak na pag-aaral ng
Ekonomiks ang desisyong binubuo ng mga tao, bahay-kalakal at lipunan,
paggawa, likas na yaman, pagpapalawak ng negosyo, salapi, kita ng bawat
mamamayan at bansa, pagbuo ng produkto at serbisyo, pangongolekta ng
buwis at ang pinagmumulan at paggasta ng pamahalaan.

Mahalaga ang kilos, desisyon, at pag-uugali ng tao, ngunit


pinagtutuunan din ng pansin ng Ekonomiks ang desisyong ginagawa ng
mga bahay-kalakal at industriya, pamahalaan, at ang ugnayan ng mga
bansa sa buong daigdig na tatalakayin sa susunod na markahan.
MGA PAGSASANAY

Ilista Mo!
Panuto: Sa pamamagitan ng table list, magbigay ng kahit isang halimbawa
ng itinuturing na pinagkukunang yaman.

Pinagkukunang yaman

Tao Likas na yaman Kapital Mineral Yamang Pisikal

_________ __________ ___________ ___________ ___________

PAGLALAHAT

ISIPaganahin!
Panuto: Gamit ang concept map sa kaliwa, bumuo ng kahulugan ng
Ekonomiks at isulat ito sa kahon na nasa kanan

Ang Ekonomiks ay _______


pag-aaral
___________________________
___________________________
limitadong ___________________________
pangangailangan at
kagustuhan Ekonomiks
pinagkukunang
___________________________
yaman
___________________________
___________________________

agham panlipunan ___________________________


___________________________
PAGPAPAHALAGA
A. Tuklasin Mo!
Panuto: Tumuklas ng mga bagay o anumang maituturing na
pinagkukunang yaman na makikita sa loob ng tahanan. Punan ang
talahanayan ng mga impormasyong nauukol sa bawat hanay.

Yaman ng Aming Tahanan


Mga bagay o anumang
maituturing na
Mga Pakinabang
pinagkukunang yaman na
makikita sa loob ng tahanan
1.

2.

3.

4.

5.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa patlang


bago ang bilang.
1. Ang Ekonomiks ay hango sa salitang Griyego na oikonomia na
nangangahulugang pamamahala ng sambahayan. Samakatuwid, ano
ang dapat mong pangasiwaan sa sambahayan?
A. Pagkakaroon ng malinis at magandang bahay.
B. Paghahanap ng trabaho upang mabuhay ng matiwasay.
C. Papupundar ng mga kagamitan na magpapasaya sa pamilya.
D. Paglinang ng mga yaman na mayroon sa tahanan upang maging
kapaki-pakinabang.
2. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagpapasya ng
sambahayan ng wastong pagpaplano ng gastusin?
A. Bibili ng bagay na kailangan at sasapat lamang sa halaga ng
baon na mayroon.
B. Matutulog na lang maghapon para tipid sa pagkain at gastusin
C. Uunahin ang mga kagustuhan na magpapasaya sa sarili.
D. Maglalaro na lang gadget kaysa gumala kasama ang barkada.
3. Bilang bahagi ng lipunan, paano mo magagamit ang iyong kaalaman
sa Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Mapaplano ng kinabukasan na maisaayos ito
B. Matututong magtipid lalo na sa panahon ng kagipitan
C. Mauunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan
sa usaping ekonomiko
D. Lahat ng nabanggit
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo sisiguruhin na ikaw ay
mapapabilang sa yamang tao na makakatulong sa lipunan pagdating
ng tamang panahon?
A. Tutulong sa mga gawaing bahay upang makatipid sa gastusin.
B. Hindi na lang lalabas ng bahay para makaiwas sa mga barkada.
C. Mag-aaral nang mabuti upang magkamit ng mga kaalaman at
kasanayan
D. Magtitipid sa mga gastusin kaya hindi na lang gagastusin ang
baon sa eskwela.
5. Bakitmahalaga sa iyo ang pag-aaral ng Ekonomiks?
A. Gabay ang Ekonomiks sa pagbuo ng matalinong desisyon.
B. Makatutulong ang Ekonomiks sa pagkakamit ng kayamanan.
C. Matutupad ang pangarap na pumasok sa politika sa
papamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks.
D. Magkakaroon ka ng kakayahang makipagdebate sa iyong kapwa
lalo na sa usaping pang-ekonomiya
Maligoy ang pagpapahayag ng kahulugan 1
Hindi nailahad ang mga konseptong ibinigay 2
Tama ang kahulugan subalit kulang ng dalawang konsepto 3
Tama ang kahulugan subalit may kulang na isang konsepto 4
ibinigay na konsepto
Malinaw ang paglalahad ng ideya gamit ang kumpletong 5
Pamantayan Puntos
Rubriks sa pagmamarka ng ISIPaganahin!
III. Paglalahat
Ang Ekonomiks ay isa sa mga sangay ng agham panlipunan na
nag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.
Paalala sa guro: Maaaring may iba pang sagot ang mga mag-
aaral na naayon din sa kahulugan ng ekonomiks gamit ang
mga ibinigay na konsepto sa concept map. Maaari ding gamitin
ang rubriks sa pagmamarka na nasa ibaba.
II. Pagsasanay
I. Paunang Pagsubok
1. X
2. __
3. __
4. X
5. __
GABAY SA PAGWAWASTO
IV. Pagpapahalaga

A. Rubriks sa pagmamarka ng Tuklasin Mo!


Puntos Pamantayan
10 Napakahusay at malinaw ang paglalahad ng ideya at
sumunod sa panuto
7 Mahusay ang paglalahad ng opinyon subalit hindi sumunod
sa panuto
5 Tama ang paglalahad ng opinyon subalit hindi sumunod sa
panuto
3 Hindi malinaw ang inilahad na opinyong ibinigay
1 Hindi angkop ang pagpapahayag ng opinyon.

A 5.
C 4.
D 3.
A 2.
D 1.
Panapos na pagsusulit V.

MGA SANGGUNIAN
 Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De
Guzman, Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar,
Irene J. 2015. Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Place of publication:
Department of Education.
 Balitao, Bernard R., Rillo, Julia D. 2004. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad
Makabayan. Quezon City: Vibal Publishing House Inc. pp.
 Tullao, Tereso Jr. 2005. Unawain natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino.
Mandaluyong: SIBS Publishing House.

 Villoria, Evelina M., Cruz, Nilda B., Rillo, Julia D., at Lim, Alice L. 2000.
Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD
Publications.

You might also like