You are on page 1of 32

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikaapat na Markahan

Modyul
GRADE 9 PICTURES USED

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.clipart.email%2Fclipart%2Fhuman-dignity-clipart-
298984.html&psig=AOvVaw1kaaGKWnGECi04MPtQwuq2&ust=1598011991243000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCIDE8d7gqesCFQAAAA
AdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.clipart.email%2Fclipart%2Fhuman-dignity-clipart-
298984.html&psig=AOvVaw1kaaGKWnGECi04MPtQwuq2&ust=1598011991243000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCIDE8d7gqesCFQAAAA
AdAAAAABAT

1
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
Pagtatakda ng mag-aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng haiskul na naaayon sa taglay na
mga talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang ekonomiya; at Pagkabuo ng mag-aaral ng
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan
silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa aralin sa Pagtatakda ng mag-aaral ng sariling tunguhin pagkatapos ng haiskul na
naaayon sa taglay na mga talento, pagpapahalaga, tunguhin at katayuang ekonomiya; at
Pagkabuo ng mag-aaral ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

2
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
b ahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natut uhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.

3
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul
na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
4. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto


at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Aralin Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik,
1 Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula Baitang 7) at
naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan
o Negosyo (EsP9PK-IVa-13.1)

Alamin

I. Paksa
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik,
Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports

II. Layunin
Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula Baitang 7) at naiuugnay
ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o Negosyo
(EsP9PK-IVa-13.1)

III. Pamamaraan
Handa ka na ba? Handa ka na bang pumili ng nais mong Track O kurso sa Senior Highschool? Kailangan
mong magpasya at pumili sa nais mong kuning track o kurso. Anu-anong pagbabago sa talent,
kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga, katayuang, pinansiyal at mithiin noong ako ay nasa Baitang 7?
Nagbago ba o hindi ang kursong kukunin ko noong nasa Baitang 7 ako ? Ipaliwang. Sa pagbabago ng
mga ito ano ang kursong plano kong kunin sa Senior High School? Mahalagang maglaan ng oras sa
pag-iisip bago mamili dahil ito ang tutulong sa iyong makita ang kabuuan at ang ibat ibang anggulo ng
sitwasyon. Mas maraming kaalaman sa mga bagay at sitwasyon mas malinaw itong nakikita. Ayon kay
Jurgen Haber tayo ay nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay sa mundo (lifeworld) at ito
ay nabubuo sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kaniyang kasapi. Nahuhubog lamang ng tao
ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kanyang pakikipag ugnayan sa kapwa.Napakahalaga
ng iyong bahagi sa iyong sarili, kapwa at lipunan.Kung babalikan mo ang Grade 7 pareho pa rin kaya
ang kursong pinili mo noon sa ngayon?Kung iyon pa rin ,ano ang naging batayan mo sa pagpili?Kung
nabago naman ano ang mga dahilan ng pagbabago ng iyong isip?
Mga Salik sa Pagpili ng Tamang Karera
1.Talento,
2.kasanayan o Skills,
3.Hilig o interest,
4.Pagpapa-halaga,
5.Katayuang Pinansiyal,
6.Mithiin

TALENTO-ito ay pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi
mong batayan sa pagpili ng tamang track o kurso.
KASANAYAN O SKILLS-ang mga kasanayan ay mga bagay kung saan tayo mahusay o mahilig.

5
HILIG O INTERES -nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasya sa iyo dahil gusto mo at
buo ang iyong puso. Ayon kay John Holland, may anim na kategorya ng hilig ng tao, realistic,
investigative, artistic, social, enterprising, at conventional.
PAGPAPAHALAGA-Ito ay tumutukoy sa mga bagay Na ating binibigyang halaga.Ang mga
ipinamamalas na pagsisikap na abutinang mga ninanais sa makapaglingkod nang may pagmamahal sa
bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
KATAYUANG PINANSIYAL-Ito ang katayuang pinansiyal ng iyong mga magulang o mga taong
nagbibigay ng suporta sa iyong pag-aaral.
MITHIIN O GOALS - Ito ang pagkakaroon ng matibay personal na pahayag ng misyon sa buhay, kung
ngayon palang ay matutunan mong bumuo ng iyong personal na misyon sa buhay, hindi malabong
makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap. Ang pagsusuri sa epekto ng panlabas at
pansariling salik ay makapagbibigay ng tamang pasya upang maging produktibong mamamayan.
Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibabalik mo sa Diyos kung ano
meron ka bilang tao sa mga bagay at sitwasyon mas malinaw itong makikita.
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:

Panuto: Sa talahayan, isulat ang naging resulta ng iyong pagsusuri noong nasa Baitang 7 ka at
ngayong nasa Baitang 9 ka na.
Mga Pansariling Resulta ng Pagsusuri noong nasa Resulta ng Pagsusuri Ngayong nasa
Salik Baitang 7 Ako Baitang 9 na Ako
1.Talento
2.Hilig
3.Kasanayan
4.Pagpapahalaga
5.Mithiin
PASIYA

B. Gawain 2:

Panuto: Sundin ang sumusunod na panuto. Isulat ang sagot sa iyong papel.
1. Sa bahaging ito ay tingnan natin sa mas malawak na pang-unawa ang pansarili at panlabas na salik
na maaring makaapekto sa iyong pagpapasiya.

2. Sa ikalawang kolum, isulat ang salitang “opo” kung ang salik ay nakaaapekto sa iyong pagpapasiya
at “hindi po” kung ito ay hindi nakaaapekto.

3. Sa ikatlo at ika-apat na kolum ay ilagay ang mabuti o di-mabuting bunga kung pagbabatayan ang
salik na ito sa iyong pagpapasiya.

4. Pagkatapos, isulat sa huling kolum ang maaaring kalabasan ng pasiya kung pagbabatayan mo ang
salik sa iyong pagpapasiya.

5. Tingnan ang halimbawa sa ating modyul pahina 216.

6
Unang Bahagi

Mga Panloob Opo o Bunga Epekto


na Salik Hindi po
Mabuti Hindi Mabuti

Talento
Hilig
Kasanayan
Pagpapahalaga
Mithiin

V. Pagtataya
Panuto. TAMA o MALI, tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng
wastong diwa.
1.Ang pagsusuring pansarili ay binubuo ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili.
2. Ang pagsusuring pansarili ang huling hakbang sa pagpaplano sa iyong kukuning kurso.
3. Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng track o kurso.
4. Nahuhubog lamang ng tao ang kanyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kanyang sarili.
5. Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibalik mo sa Diyos kung
ano ang meron ka bilang tao.
VI. Pagninilay
Bakit mahalagang tugma ang mga pansariling salik sa mga pangangailangan (requirements] sa
napiling track o kurso?
VII. Mga Sanggunian

• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa mag-aaral .Mga Pahina: 201 hanggang
231
• https://www.slideshare.net/mobile/RoselleVelasco/esp-9-modyul-13-mga-pansariling-salik-sa-
pagpili-ng-kurso

Inihanda ni:
Estelita C. Felipe
Las Piñas North National High School

7
Aralin Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik,
2 Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports

Kasanayang Pampagkatuto:
Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang kanyang
talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiin, lokal at global na demand
(EsP9PK-IVa-13.2)

Alamin

I. Paksa
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik,
Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports

II. Layunin
Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang kanyang talento at
kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiin, lokal at global na demand (EsP9PK-IVa-13.2)

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Ang aralin na ito ay tungkol sa yugto ng iyong buhay, subukan mong ilarawan ang mga mithiin
mo sa buhay. Ito ang magbibigay sa iyo ng pag-asa sa hinaharap at motibasyon upang makamit mo ang
nais mong uri ng buhay o pamumuhay. Sa araling ito bibigyan ka ng pagkakataon na maipahayag ang
iyong mithiin at malaman kung ano-ano ang mga bagay na nasa iyo na magagamit mo upang makamit
mo ang iyong mithiin.

IV. Pamamaraan
Sa bahaging ito ng modyul, pagtuunan mo nang malaking pansin ang mga pansariling salik sa
pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ayon sa iyong:
1. Talento 4. Pagpapahalaga
2. Kasanayan (skills) 5. Katayuang pinansiyal
3. Hilig 6. Mithiin

Pagbasa at pag-unawa
1. Talento. Tandaan mo na ang mga talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang
kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko
o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
Ang mga Talino o Talentong mula sa teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner (1983):
1.Visual Spatial 5. Musical/ Rhythmic 9. Existential
2. Verbal/ Linguistic 6. Intrapersonal
3.Mathematical/ Logical 7. Interpersonal
4.Bodily/ Kinesthetic 8. Naturalist

2. Kasanayan (Skills). Ang mga kasanayan o skills ay isa ring maituturing na mahalagang salik ang
mga kasanayang tinutukoy ay ang mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas na
iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency).

8
*Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) – nakikipagtulungan at nakikisama sa
iba, magiliw, naglilingkod at nanghihikayat sa iba na kumilos, mag-isip para sa iba.

*Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) – humahawak ng mga dokumento, datos, bilang,
naglilista o nag-aayos ng mga files at ino-organisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa
mga trabahong inatang sa kanya

*Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) – nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo


ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at
biyolohikong mga functions.

*Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) – lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na
bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.

3. Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang
iyong puso. Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/ Careers/ Work
environments, ito ay ang mga sumusunod: Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising
at Conventional.

4. Pagpapahalaga. May kilala ka bang taong nakamit ang kaniyang pangarap sa buhay nang
dahil sa kaniyang mga natatanging pagpapahalaga? Ang mga ipinamalas na pagsisikap na abutin
ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang
pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.

5. Katayuang Pinansiyal. Mahalagang isaalang –alang mo ang kakayahang pinansyal ng iyong mga
magulang. Gayundin, ang mga taong nagbibigay ng suportang pinansyal sa iyong pag-aaral.

6. Mithiin. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal


Dito na hinahamon ang iyong kakayahan upang isakatuparan o gawing ganap ang iyong mithiin sa
buhay.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9)
V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Sa bawat isang category, markahan ang antas ng iyong kakayahan sa pamamagitan ng tsek
(✔) sa angkop na kolum. ( 1=walang kakayahan; 2-may kaunting kakayahan; 3= May katamtamang
kakayahan; 4= May mataas na kakayahan; 5= May napakataas na kakayahan).

Kategorya 1 2 3 4 5

1. Mekanikal (Pag-buo o pagkukumpuni ng mga bagay

2. Pisikal (pagkakaroon ng bilis, lakas, koordinasyon)

3. Analitikal (Pagbuo ng mga puzzle, paglutas ng mga palaisipan,


paguusisa kung paano nangyayari ang mga bagay)
4. Malikhain (pag-iisip ng bagong ideya, mayamang imahinasyon)

5. Artistiko (Pagguhit, pagpipinta, paggawa ng mga sining)

6. Musikal (pag-awit, pagtugtog ng mga instrument, pakikinig sa musika)

7. Sosyal (pakikipagkaibigan, pakikiharap sa kapuwa, pagtulong sa iba)

9
8. Mapanghikayat (pagbebenta, pag-impluwensya sa iba)

9. Pag-aayos (paglilinis, pagpaplano)

10. Pangunguna ( pagtatakda ng mga gawain, pagtuturo)

B. Gawain 2:
Panuto: Sagutan ang imbentaryo ng interes sa pamamagitan ng pagsusulat sa patlang ng antas ng iyong
interes sa bawat gawain mula 0 (walang interes) hanggang 5 (matinding interes) Sa iyong pagmamarka,
tandaang ang gagamitin mong konsiderasyon ay ang hilig o pagkagusto mo sa bawat gawain at hindi
ang kakayahan mong gawin ang mga ito.

Realistic Investigative Artistic


pagsali sa mga pagmamasid sa mga pagdisenyo ng poster
atletikong gawain tao o bagay o pulyeto (pamphlet/
pagpapalipas ng oras pag-aaral ng mga isyu brochure)
sa labas ng bahay at konsepto sa agham paghahanap ng bagong
pagkukumpuni ng pananaliksik ng iba’t solusyon sa problema
sirang gamit ibang paksa pagsulat ng sanaysay
pag-aalaga ng hayop pagsusuri ng mga o kwento
pagtatanim datos pagtugtog ng Instrument
pagbabasa pagguhit

Kabuuang marka: Kabuuang marka: Kabuuang marka:

Social Enterprising Conventional


pagpapayo sa kaibigan pangangasiwa sa paglutas sa problemang
paggabay sa mga pangkat sa pagbuo ng matematikal
bata sa pamayanan proyekto pag-aayos ng paligid at
pagtuturo sa iba ng paghikayat sa iba na gamit
kaalaman sang- ayunan ang pagpaplano ng mga
pagsali sa mga iyong paniniwala gawain
gawaing makatutulong pagbebenta ng paglilista at pagtatago ng
sa pamayanan produkto o serbisyo datos o impormasyon
pagtulong sa pagganyak sa iba na paghahanap ng sistema
mahihirap makamtan ang ang o paraan
kanilang nais
pagpapahayag
ng ideya sa iba
Kabuuang marka:
Kabuuang marka: Kabuuang marka:

10
C. Gawain 3:
Panuto: Pumili ng tatlong bagay na mahalaga sa iyo mula sa mga larawan sa ibaba. Kung mayroon kang
pinahahalagahan na wala sa mga ibinigay na larawan, iguhit o isulat ito sa blangkong kahon. Iranggo ito
mula 1 (pinakamahalaga) hanggang 3 (mahalaga)
Malaking Makatulong Maging Relasyon
suweldo sa iba sikat sa iba

Ranggo Ranggo Ranggo Ranggo

Paglago o Malayang Masaya sa


edukasyon Oras ginagawa

Ranggo Ranggo Ranggo Ranggo

D. Gawain 4:
Sa pamamagitan ng pagsusuri sa sarili, malalaman mo ang mga personal na salik na dapat mong gamitin
sa pagpili ng hanapbuhay. Ang mga personal na salik na kailangan mong alamin ay may kinalaman sa
iyong hilig, kakayahan at pagpaphalaga.

Panuto: Buuin ang graphic organizer upang ipakita ang mga personal na salik na dapat isaalang-alang
sa pagpili ng hanapbuhay.

Hanapbuhay

VI. Mga Sanggunian


• Kto12Pagpapakatao, Batayang aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya
• Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul para sa Mag-aaral

Inihanda ni:
Andrelyn E. Diaz
LPNHS-Gatchalian Annex
11
Aralin Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik,
3 Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports

Kasanayang Pampagkatuto:
Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo
ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging
produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa (EsP9PK-IVb-13.3)

Alamin

I. Paksa
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik,
Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports

II. Layunin
Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan
upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at
pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa (EsP9PK-IVb-13.3)

III. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Wow ang bilis ng panahon ! Nasa ikasiyam


na baitang ka na !! SabI nga nila isang hakbang na
lang tapos ka na ng Junior High school. At MGA SALIK SA PAGPILI NG
pagdating mo ng Senior High school dapat alam mo KURSO O TRABAHO
na ang kursong gusto mong kunin o kaya ay
trabahong gusto mong pasukin. Kaya ngayon
2. Hilig - nasasalamin
palang ipinakikilala na sa atin ang mga salik sa 1. Talento - Ito ay isang pambihirang biyaya
ito sa mga
at likas na kakayahang kailangang tuklasin
pagpili ng kurso o trabahong kakayanin nating dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa
paboritong gawain
na nagpapasaya sa
gampanan. Kinakailangang handa na tayo sa ating pagpili ng tamang track o kurso.
atin.
papasuking mundo. Sinasabi ng mga nakakaalam
na kailangang tugma ang iyong personalidad sa kur 3. Kasanayan - ito ay ang
so o trabahong iyong gagampanan. Kaya’t narito mga bagay kung saan tayo
mahusay o mahilig. Ito ay
4. Pagpapahalaga - mga
bagay na binibigyan ng
5. Mithiin - pagsasabuhay
ng personal na misyon sa
madalas na iniuugnay sa halaga, mga pisitibong bagay buhay. Pagsisikap na tuparin
ang mga salik sa pagpili ng kurso na makatulong laitang kakayaha, abilidad at sa buhay. ang mga pangarap sa buhay.
kahuisayan
sayo bilang mag-aaral sa iyong gagawing
pagpapasya.

Ang talento ay tumutukoy sa kagalingang taglay ng isang indibidwal. Ang mga konsepto sa ibaba
ay ilan sa mga uri ng talentong taglay ng isang indibidwal.

12
TEORYA NG “MULTIPLE INTELLIGENCES” RIASEC Kategorya ng Hilig/Interes ng isang tao
ni Howard Gardner ayon kay John Holland

URI NG MGA KASANAYAN NG TAO


URI KAHULUGAN HALIMBAWA
1. People skill Kasanayan sa pakikiharap sa tao Sosyalisasyon
2. Data skill Kasanayan sa mga datos Kakayahang magtrabaho sa mga data

3. Things skill Kasanayan sa mga bagay-bagay Kakayahang magtrabaho ng mga maliliit na


bagay
4. Idea skill Kasanayan sa mga ideya at Kakayahang magtrabaho ng may mataas na
solusyon posisyon at humahawak ng tao.

IV. Mga Gawain


A. Gawain 1 : URI NG MGA KASANAYAN NG TAO ayon kay John Holland (SKILLS)
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga gawaing aangkop sa mga nakatalang kasanayan (skils) sa
ibaba. Gawing gabay ang halimbawa sa unahan.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pakikisalamuha sa mga tao. Pagoorganisa ng mga datos


Isang guro Pag-aanalisa ng mga dokumento
Maraming kaibigan Pagsasaliksik
Isang mekaniko Madaling nakabubuo ng konsepto
Pagpaplano ng mga gawain malawak ang kaalaman
Pagbuo ng mga gusali at iba pang istruktura mayaman sa kaisipan

KASANAYAN Angkop na gawain


1. People skill 1. Isang guro 2. Maraming kaibigan 3. Pakikisalamuha sa mga tao.

2. Data skills 1. 2. 3.

3. Things skills 1. 2 3.

4. Idea skills 1. 2. 3.

13
B. Gawain 2 : Pagkilala Sa mga uri ng interes / hilig ng isang tao..
Panuto: Pumili mula sa itaas ( sa unahang pahina ng modyul) ng mga salitang maaaring maglarawan ng
salita sa loob ng kahon. Gawing gabay ang halimbawa sa unahan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
• ealistic
• THE DOERS
R
• nvestigative

I

• rtistic

A

C. Gawain 3 : Paglalarawan ng Talentong taglay ng bawat indibidwal.


Panuto: Magtala ng mga katangiang taglay / uri ng trabahong tugma ng bawat talentong nakatala sa
loob ng kahon. Gawing gabay ang halimbawa sa unahang bilang.

MULTIPLE
INTRLLIGENCES

INTERPERSONAL MUSICAL NATURALIST


• Trabaho: Guro , Pari •Trabaho : Singer , • Trabaho : Biologist
• Mga katangiang •Mga Katangiang • Mga Katangiang
Taglay : Taglay : Taglay
• 1. Magaling •1. Magaling • 1. mahilig sa
makipagkaibigan kumanta halaman
• 2. •2. Song writer • 2.
•3. •3. • 3.
•4. •4. • 4.
•5. •5. • 5.

D. Gawain 4:
Panuto: Punan ng angkop na salita na bubuo ng isang konsepto kaugnay ng paksang tinalakay sa
modyul.

14
V. Pagninilay: Gumawa ng isang sanaysay hinggil sa iyong natutunan sa mga sinagutang gawain?
Ipaliwanag ang sagot at isulat sa sagutang papel.

VI. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. May teorya ng “Multiple Intelligences”.
A. John Holland C. Sto Tomas de Aquino
B. Howard Gardner D. John F. Kennedy

2. Tinaguriang “The Doer” sa mga uri ng hilig / interes ng tao.


A. Realistic C. Artistic
B. Investigative D. Social

A. May teorya ng mga uri ng mga hilig / interes ng tao .


A. John Holland C. Sto Tomas de Aquino
B. Howard Gardner D. John F. Kennedy

3. Sinasabing siya ang “Creators” , sa mga uri ng interes / hilig ng tao.


A. Realistic C. Artistic
B. Investigative D. Social

4. Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao.


A. Data skills C. Ideya skills
B. People Skills D. Things skills

5. Kakayahang gumawa sa mga maliliit na bagay ng pagkukumpuni ng mga sirang gamit tulad ng
computer.
A. Data skills C. Ideya skills
B. People Skills D. Things skills

VII. Mga Sanggunian


• https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-13
• https://www.slideshare.net/060416/teorya-ng-multipleintelligences
• https://www.google.com/search?q=MULTIPLE+INTELLIGENCES+SLIDESHARE+IMAGES&tbm=isch
&source=iu&ictx=1&fir=gs6xI-RVEtfEbM%252C6q5kHU0xyT0LvM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kRf-
3HgDmjxtiCPCmnLzLI2sW17w&sa=X&ved=2ahUKEwjN99Hk7I3sAhV7xYsBHVHfDYEQ9QF6BAgNE
EA#imgrc=lNyUJ4fgAVCHSM

Inihanda ni:
Ma. Theresa O. Alvarez
Las Piñas North National High School

15
Aralin Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik,
4 Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling kursong
akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal., pagkuha ng impormasyon
at pag-unawa sa mga tracks sa Senior High School) (EsP9PK-IVb-13.4)

Alamin

I. Paksa
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Akademik,
Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports

II. Layunin
Natutukoy ang kanyang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling kursong akademiko,
teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo (hal., pagkuha ng impormasyon at pag-unawa sa
mga tracks sa Senior High School) (EsP9PK-IVb-13.4)

III. Pamamaraan
Ang isang kabataan na nais ng kalayaan ay kailangan na maikintal sa isip ang kaniyang
kapangyarihan na gamitin sa tama at mabuti ang kaniyang pagpili.

Gamit ang kilos-loob, nakapipili tayo sa pagpipilian – mabuti man ito o masama. Kaya nga, ang
kalayaan ay hindi lamang para gawin ang sariling gusto dahil nagiging daan ito upang ikaw ay magkamali
sa pasiya o pagpili. Maipapayo na suriing mabuti ang mga plano sa buhay upang maging batayan sa
maayos na tatahaking karera. Ang isang kabataan na nais ng kalayaan at nais na maging malaya ay
kailangan na makintal sa isip ang kaniyang kapangyarihan na gamitin sa tama at mabuti ang kanyang
pagpili.

Sa yugtong kinalalagyan mo ngayon,mainam na matutuhan mo na ang buhay ay binubuo ng maraming


pagpipilian.Lahat ng bagay sa mundo ay dapat na pag-isipang mabuti. Kahit ang taong ayaw pumili o
magpasiya,makialam sa isang bagay o sitwasyon ay pumipili pa rin sa isang aksiyon o kilos:ang hindi
pagpili o hindi pakikialam.Dahil ang tao ay malaya at may kakayahang pumili,siya ay inaasahang maging
mapanagutan sa piniling pasiya at maging masaya para dito.

Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ay ilan lamang na gabay tungo sa
iyong maayos na pagpili patungo sa maunlad na hanapbuhay na nag-aantay sa iyo sa pagtatapos mo
sa Senior High.Kaya,ngayon pa lamang mula sa iyong kakayahang mag-isip (intellect) at kalayaan ng
kilos-loob (free will) ay gamitin ito tungo sa tama at wastong pagpili o pagpapasiya.

Mahalagang malaman at maunawaan mo ang iyong mga pansariling salik sa pagpili ng track o kurso
ngunit hindi lamang ang mga ito ang dapat na iyong batayan.Marapat lamang na alam mo rin ang mga
panlabas na salik na maaaring makapekto sa iyong pagpapasiya.Ilan sa mga panlabas na salik ay
impluwensiya ng pamilya,impluwensiya ng kaibigan o barkada,gabay ng guro o Guidance
Advocate,kakayahang pinansiyal at local na demand.Ilan lamang ang mga ito sa mga karaniwang
panlabas na salik na nakakaapekto sa kabataang tulad mo.

16
Kung magagawa mo ngayon na pumili ng tamang track o kurso para sa Baitang 11, makakamit mo
ang tunay na layunin nito.

Una, ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay.Dito,hindi lamang makatutulong na


maiangat ang antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita/suweldong kalakip nito kundi ang halaga
ng pagkamit ng iyong kaganapan mula sa kasiyahang nakukuha at pagpapapahalaga sa iyong
paggawa.Mas lalo mong naibibigay ang iyong kahusayan dahil ang talent,kasanayan,at interes ang
iyong puhunan.

Pangalawa, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa.Ang produktibong


mangagawa ay masasabing isang asset ng kaniyang kompanya o intitusyon na kinabibilangan.Katulong
siya sa pagpapaunlad ng mga programa at adhikain ng kanyang pinagtatrabuhan tungo sa sama-
samang paggawa.

Pangatlo, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga Gawain,ikaw rin ay
nakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.Naipamamalas ito sa pamamagitan ng tamang
pamamahala ng oras sa pagtatapos ng gawain,pagpapasa ngmga proyekto sa takdang araw,paggamit
ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon, at maayos na pakikitungo sa iba at naabot mo ang iyong
itinakdang layunin.Kung ang isang mag-aaral na katulad mo ay may paghahanda sa hinaharap,hindi
malayo na taglayin mo ang mga kahanga-hangang gawi na ito at maging bahagi ka ng lumalaking bilang
ng mga magagaling na manggagawa n gating bansa.

Ang pagsusuri ng maigi at pagbabalanse ng kahalagahan at epekto sa iyo ng mga pansarili at


panlabas na salik ay higit ay higit na makapagbibigay ng tamang pasiya na makatutulong upang maging
produktibo bilang isang mamamayan.Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap
ay maibalik mo sa Diyos kung ano ang mayroon ka bilang tao.

IV. Mga Gawain

A. Gawain 1:
Panuto: Sagutan ang mga katanungan,tayahin ang iyong pag-unawa sa mga konseptong napag-aralan
sa araling ito.

1. Ano-ano ang pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong akademik,Teknikal-


Bokasyonal,Sining Disenyo,at isports sa pagtuntong mo ng Senior High School?
A.
B.
C.
D.
E.

2. Bakit mahalaga ang mga pansariling salik sa pagpili mo ng iyong track o kurso at hanapbuhay?

3. Alin sa mga pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ang iyong higit na isinaalang –alang?Alin ang
hindi? Ipaliwanag.

17
4. Bilang kabataan,anong mga hamon ang iyong hinaharap sa kasalukuyan(Baitang 9) na may
kaugnayan sa iyong pagsasaalang-alang sa pipiliing track o kurso o hanapbuhay?

V. Pagninilay

Gawain: Pagnilayan at sagutan ang mga tanong sa loob ng kahon. Isulat sa inyong journal ang iyong
naging reyalisasyon o pang-unawa.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa at Ano –ano ang hakbang na aking
kaalaman na pumukaw sa realisayon sa bawat konsepto sa gagawin upang mailapat ko ang
akin? at kaalaman na ito? mga pang-unawa at
reyalisasyong ito sa aking
buhay?

VI. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9 : Modyul para sa mga mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon

Inihanda ni:
Estelita C. Felipe
Las Piñas North National High School

18
Aralin Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
5

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(EsP9PK-IVc-14.1)

Alamin

I. Paksa
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

II. Layunin
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(EsP9PK-IVc-14.1)

III. Nilalaman
Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang susi na makatutulong sa
kaniya na makamit ang kaniyang layunin sa buhay. Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang
buhay at ganap na pagkatao. Kaya sa tuwing nagpapasya, kinakailangang pag-isipan ito nang makailang
ulit upang maging sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa sarili, sa kapuwa at sa
lipunan.

IV. Pamamaraan
Basahin at unawain

Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksiyon ang buhay ng tao?

Una, sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, ikaw ay nasa kritikal na yugto ng buhay. Anuman
ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Kung kaya’t mahalagang maging
mapanuri at sigurado sa iyong gagawin na mga pagpapasya.
Ikalawa, kung hindi ka magpapasya ngayon para sa iyong kinabukasan, gagawin ito ng iba para
sa iyo halimbawa ng iyong magulang, kaibigan, o ng media. Kung kaya’t dapat na maging malinaw sa
iyo ang iyong TUNGUHIN sapagkat kung hindi, magiging mabilis para sa iyo na basta na lamang
sumunod sa idinidikta ng iba sa mga bagay na iyong gagawin.

Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?

Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na
dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-
araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo.
Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas
na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil
nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw.

19
Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People “Begin
with the end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking
larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang
iyong sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin.

Ano nga ba ang misyon?

Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
Para sa iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na may kasamang
kasipagan at pagpupunyagi.
Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay galing sa salitang
Latin na “vocatio”, ibig sabihin ay “calling” o tawag. Ito ay malinaw na ang bawat tao ay tinawag ng Diyos
na gampanan ang misyon na ipinagkaloob Niya sa atin. Ito ay mahalaga sa pagpili mo ng propesyong
akademiko, teknikal-bokasyonal, isports at sining pagkatapos mo ng Senior High School.

Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng
kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya dito. Ito ay maaaring gusto
niya o hindi ngunit kailangan niyang gawin sapagkat ito ang pinagkukunan niya ng kaniyang ikabubuhay.
At dahil sa ikabubuhay lamang nakatuon ng kaniyang paggawa hindi siya nagkakaroon ng ganap na
kasiyahan.

Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon subalit nagiging mas kawili-wili ang paggawa
para sa tao. Mas lalo siyang nasisiyahan sapagkat nagagamit niya ang kaniyang mga talento at hilig sa
kaniyang ginagawa. Hindi niya nararamdaman ang pagkabagot. Hindi nagiging kumpleto ang araw sa
kaniya kung hindi ito magagawa sapagkat ito ang nakapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang buhay.
Mula dito ay hindi na lamang simpleng trabaho ang kaniyang ginagawa kundi isang misyon na nagiging
isang bokasyon. Dito tunay na nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi
niya ang kaniyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.

Mula dito ay madarama mo ang tunay na kaligayahan. Wika nga ni Fr. Jerry Orbos: ang
pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay magkaroon ng misyon. Aniya, ang misyon
ay hindi lamang para kumita ng pera, maging mayaman o maging kilala o tanyag. Ang tunay na misyon
ay ang MAGLINGKOD. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapuwa ang magbibigay sa tao ng tunay na
kaligayahan.

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Sumulat ng talata na hindi lalagpas sa 200 salita tungkol sa “Kahalagahan ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay” para sa isang tao”. Gumamit ng hiwalay na papel.

Kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

B. Gawain 2:
Magbigay ng limang pangunahing layunin ng isang tao sa kanilang buhay.
1. 4.
2. 5.
3.

20
C. Gawain 3:
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng Misyon sa Buhay at pagkatapos ay lagyan ito ng
maikling kapsyon sa ibabang bahagi ng larawan. Gumamit ng hiwalay na papel.
Halimbawa:

“Maging Mabuting Anak ng Diyos”


D. Gawain 4:
Panuto: Sa isang malinis na papel gumawa ng isang tula na pinamagatang “Ang Misyon ko sa Buhay”.

“Ang Misyon Ko sa Buhay”

VI. Pagtataya
Tama o Mali:
Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa.
1. Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak.
2. Ang misyon sa buhay ay dapat na makabubuti sa sarili lamang.
3. Ang PPMB ay isang personal na kredo na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na
dumaloy ang iyong buhay.
4. Walang kaugnayan ang personal na misyon sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.
5. Anuman ang iyong kahantungan, ito ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa iyong
buhay.

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng hiwalay
na papel.

VIII. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Pagsasanay para sa Mag-aaral, Kagawaran ng
Edukasyon, Republika ng Pilipinas.

Inihanda ni:
Margarita F. Mauricio
Las Piñas National High School
21
Aralin Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
6

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(EsP9PK-IVc-14.2)

Alamin

I. Paksa
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

II. Layunin
Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(EsP9PK-IVc-14.2)

III. Nilalaman
Ang pagkakaroon ng mga hakbang sa pagtupad ng personal na misyon sa buhay ay lubos na
makatutulong upang matiyak ang tagumpay.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng mga hakbang sa pagtupad ng mga


personal na misyon sa buhay ay ang mga sumusunod:
1. Tiyakin kung ang pagpapasyang gagawin ay makatutulong sa pag-abot ng iyong misyon.
2. Mahalagang kilala natin ang ating mga sarili upang matiyak ang pagpili sa mga naisin sa
buhay.
3. Magtala kung kailan at gaano katagal gugugulin o gagawin ang mga hakbang upang magkaroon
ng ideya sa tiyak na pag-abot ng mga personal na misyon.

IV. Pamamaraan
Basahin at unawain

Pagtatakda ng Tunguhin sa Paggawa:

Ang ibig sabihin ng SMART ay Specific, Measurable, Attainable, Relevant, and Time Bound. Ang
SMART ay tumutukoy sa mga katangiang dapat taglayin ng tunguhin sa paggawa.

Una, ito ay kinakailangang maging Specific o Tiyak. Tiyak ang tunguhin kapag ang tao ay
nakasisiguro na ito ang kanyang nais na mangyari sa kanyang paggawa.
Halimbawa: ang pagtatapos ng pag – aaral ay isang tiyak na tunguhin.

Ikalawa, ang tunguhin ay kailangang Measurable o Nasusukat. Dapat na pag – isipang mabuti
kung ito ba ay tumutugma sa mga kakayahan ng taong gagawa sapagkat kung hindi, hindi rin ito
maisasakatuparan.
Halimbawa: ang pagnanais na maging inhinyero ay nangangailangan ng kakayahan at dunong sa
Matematika kaya kung walang ganitong kasanayan kailangan umisip ng ibang karera na maaaring
pasukan na tugma sa sariling abilidad.

22
Ikatlo, ang tunguhin ay dapat na Attainable o Naabot. Ito ay nangangahulugan lamang na ang
tunguhin ay makatotohanan, maaabot, at mapanghamon.
Halimbawa: ang makapagluto ng masarap na Menudo na magugustuhan ng lahat ng kakain ay posible
sapagkat ang pagluluto ay napag – aaralan.

Ikaapat, ang tunguhin ay dapat na Relevant o Angkop. Mahalagang makita ang kaangkupan ng
gawain sa pagtugon sa pangangailangan ng kapwa at timbangin kung ito ay higit na makabubuti.
Halimbawa: ang paglalaan ng oras na makatulong sa paggawa ng proyekto ng kamag-aral ay
makatutulong sa kamag-aral ngunit dapat ding bigyang-pansin kung ito ba ay makabubuti para sa kanya
o magiging palaasa lamang siya sa hinaharap.

Ang huli, dapat ang tunguhin ay Time Bound o Nasusukat ng Panahon. Kailangan na magtakda
ng panahon kung kalian maisasakatuparan ang tunguhin.
Halimbawa: ang makatapos ng pagka-guro ay umaabot ng apat na taon sa kolehiyo. Kaya’t kung ito ang
nais na tunguhin, kailangan na maglaan ng apat na taon sa kolehiyo.

V. Mga Gawain

A. Gawain 1:
Panuto: Batay sa mga nabasa mo tungkol sa Misyon sa Buhay, iguhit at kulayan ang nabuong larawan
sa iyong isipan kung anong propesyon ang iyong nakikita sa iyong sarili, sampung taon mula ngayon.
Gumamit ng hiwalay na papel. Gamiting batayan ang Rubrik sa pagbuo ng iyong larawan.

Tema 50%
Pagkamalikhain 20%
Orihinalidad 30%

Kabuuan 100%

B. Gawain 2:
Gumawa ng isang tula na may limang taludtod tungkol sa acronym na SMART. Gamiting batayan ang
Rubrik sa pagbuo ng iyong tula. Gumamit ng hiwalay na papel.

Makatotohanan 50%
Mensahe 30%

Pagkamalikhain 20%
Kabuuan 100%

C. Gawain 3:
Gamit ang acronym na SMART; gumawa ng personal na pahayag ng misyon sa buhay. Gamiting
batayan ang Rubrik sa pagbuo ng iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Gumamit ng
hiwalay na papel.
Kaugnayan sa “SMART” -50%
Pagkamalikhain (Paggamit ng mga
salita,taludtod at mga bantas) - 20%

Orihinalidad - 30%
Kabuuan: 100%

23
VI. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa paggawa ng PPMB, dapat na isaalang-alang ang kraytiryang .


a. BRIGHT c. SHARP
b. CLEVER d. SMART

2. Ang lahat ng isinulat ni Kath sa kanyang PPMB ay ispisipiko. Ano ang isinaalang-alang niya sa
kraytiryang SMART?
a. Tiyak c. Naaabot
b. Nasusukat d. Angkop

3. Naglaan si Lucy ng takdang panahon upang isakatuparan ang nais nya sa kanyang buhay. Ano
ang isinaalang-alang niya sa kraytiryang SMART?
a. Tiyak c. Naabot
b. Nasusukat d. Nasusukat ng Panahon

4. Pinagninilayang mabuti ni Diego ang mga isinulat nya sa kanyang PPMB. Isinaalang-alang nya
kung tumutugma sa kanyang kakayahan ang mga nais nyang gawin at isakatuparan. Ano sa
kraytiryang SMART ang kanyang isinaalang-alang?
a. Tiyak c. Angkop
b. Nasusukat d. Nasusukat sa Panahon

5. Isa ito sa kinakailangang tingnan at suriin sa paggawa ng PPMB na kung saan itutuon mo ang
iyong isip na ang buhay ay kailangan na ibahagi sa iba.
a. Nasusukat c. AngKop
b. Naaabot d. Nasusukat sa Panahon

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng hiwalay
na papel.

VIII. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Pagsasanay para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas.

Inihanda ni:
Arnel A. Herradura
Las Piñas National High School

24
Aralin Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
7

Kasanayang Pampagkatuto:
Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na
nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang
mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat (EsP9PK-IVd-14.3)

Alamin

I. Paksa
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

II. Layunin
Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay dapat na nagsasalamin ng
kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa
kabutihang panlahat (EsP9PK-IVd-14.3)

III. Pamamaraan
Basahin at unawain ang sanaysay.

Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na “Seven Habits of Highly Effective People, “begin
with the end in mind.” Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking
larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang
iyong sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari
sa hinaharap at magpasya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat
hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon pa rink ay Stephen Covey, ang pagbuo ng
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ay narararapat na iugnay sa pag-uugali atpaniniawala
sa buhay.

Sa paglikha ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB), makatutulong na magkaroon


ng pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay
magiging kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasiya at kilos.

Narito ang mga dapat mong isaalang-alang sa pansariling pagtataya.


1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong PPMB sa pamamagitan
ng pagtatala ng iyong ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong katangian ang
magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naaapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan,
ano ang mahalaga sa iyo, at paano mo isasakatuparan ang iyong mga pagpapasiya.

2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan
nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at
panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal
na misyon sa buhay.

25
3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga naitalang impormasyon, laging isaisip na ang
layunin ng paggawa ng misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong
pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.

Sa pagbuo ng PPMB, dapat ito ay nakatuon sa kung ano ang mga nais mong mangyari sa mga
taglay mong katangian at kung paano makakamit ang tagumpay gamit ang mga ito. Ayon kay Stephen
Covey, upang makabuo ng mabuting PPMB,magsimulang tukuyin ang sentro ng buhay – halimbawa,
Diyos, pamilya, kaibigan, pamayanan. Ito ay dahil ang sentro ng buhay mo ang magbibigay sa iyo ng
seguridad, paggabay, karunungan, at kapangyarihan.

Ang PPMB ay maaaring mabago o mapalitan dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng
mga sitwasyon na nangyayari sa kanyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing
saligan sa paghatak niya sa tamang landas ng kaniyang buhay.

Kung ang isang tao ay may PPMB, mas malakiang posibilidad na magiging mapanagutan siya
upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Makatutulong ito upang makita mo ang
halaga ng iyong pag-iral sa mundo na ikaw bilang tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa iyong
buhay.

Ano nga ba ang misyon? Ang misyon ay ang hangarin sa buhay na magdadala sa kaniya tungo
sa kaganapan. Para iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na may
kasamang kasipagan at pagpupunyagi.

May pagkakaiba ba ang propesyon sa misyon? Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao
upang siya ay mabuhay.Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal na ginagawa at anging
eksperto na siya dito. Ito ay maaaring gusto niya o hindi ngunit kailangan niyang gawin sapagkat ito ang
pinagkukunan niya ng kaniyang ikabubuhay. At dahil sa ikabubuhay lamang nakatuon ang kaniyang
paggawa hindi siya nagkakaroon ng ganap na kasiyahan.

Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon ngunit nagiging mas kawili-wili ang paggawa
para sa tao. Mas lalo siyang nasisiyahan sapagkat nagagamit niya ang kaniyang mga talent at hilig sa
kaniyang ginagawa. Dito tunay na nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi
niya ang kaniyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9)

IV. Mga Gawain


A. Gawain 1:
Panuto:
1.Isulat sa loob ng ulap ang iyong mga positibong katangian.2. Pagkatapos, pumili ng isang katangian
mo na gusting-gusto mo. Isulat ito sa patlang sa kanan ng arrow.3. Ipaliwanag mo kung bakit mo ito
nagustuhan (2-3 pangungusap). Ano ang naitulong nito sa iyo?

26
B. Gawain 2:
Panuto: Ano ang iyong interpretasyon o pakahulugan sa larawan? Gamit ang 4-5 pangungusap. Gamitin
ang kahon para sa iyong kasagutan.

C. Gawain 3:
Panuto: Bilugan ang bilang ng mga pahayag na makasasagot sa mga katanungang kinakailangan sa
pagbuo ng PPMB.
1. Ano ang layunin ko sa buhay?
2. Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
3. Ano ang mga nais kong marating?
4. Ano ang mahalagang matanggap ng isang kabataang tulad ko sa kasalukuyan?
5. Sino ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

D. Gawain 4:
Panuto: Gumawa ng tula o slogan ng iyong PPMB.

V. Pagtataya
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi. Gumamit ng hiwalay na
papel.
1.Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak.
2. Ang bokasyon at misyon ay iisa lamang.
3.Makabubuti na bumuo ng PPMB sa murang edad pa lamang.
4.Nagdudulot ng ibayong kasiyahan ang pagbuo ng PPMB na kinokonsidera ang kabutihang iba
at hindi lamang ng sarili.
5.Ang PPMB ay hindi nababago sa panahon na ito ay nabuo na.

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

VII. Mga Sanggunian


• Your Logo, 3D man confused between making Choice 3 arrows Ppt
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2017
Inihanda ni:
Ruziele C. Vergara
CAA National High School- Annex

27
Aralin Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
8

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (EsP9PK-IVc-14.1)

Alamin

I. Paksa
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

II. Layunin
Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (EsP9PK-IVc-14.1)

III. Mga Gawain

A. Gawain 1:
Panuto
1. Punan ang kolum sa ibaba.
2. Magbigay ng limang positibong katangian na mayroon ka.
3. Isulat sa sumusunod na kolum kung paano makakatulong ang katanginang iyong isinuat sa
pagkatupad ng iyong misyon.
4. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Limang positibong katangian na Paano makakatulong ang katangiang iyong isinuat sa


mayroon ka. pagkatupad ng iyong misyon.
Halimbawa: Mapagpakumbaba Halimbawa: Ang pagiging mapagpakumbaba ay
makatutulong upang manatili ang hindi mapagmataas at
hamakin ang aking kapwa.
1.

2.

3.

4.

5.

Mga tanong:
1. Ano sa tingin mo ang kinalaman ng iyong mga katangian sa pagtupad ang iyong misyon?

2. Paano mo mas lalo pang mahuhubog ang iyong mga katangian?

28
B. Gawain 2:
Panuto:
1. Punan ang graphic organizer sa ibaba
2. Isulat ang iyong layunin sa buhay.
3. Isulat sa sumusunod ang iyong mga pagpapahalaga
4. Sa sumunod ay isulat ang nais mong marating sa buhay.
5. Panghuli ay isulat ang mga tao na maaari kong makasama at maging kaagapay sa iyong buhay
6. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Tanong:
1. Ano ang ugnayan ng iyong layunin, mga pagpapahalaga, ang nais marating sa buhay at ang mga tao
na kasama at kaagapay sa buhay sa pagkatupad ng iyong personal na misyon sa buhay?

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

29
C. Gawain 3:
Panuto:
1. Basahin at suriing maiigi ang isang personal na pahayag ng misyon sa buhay ng isang mag-aaral.
2. Gamit ang talahanayan sa ibaba, tukuyin mula sa personal na pahayag ng misyon sa buhay ng isang
mag-aaral ang element, hakbang sa gawain, at takdang oras/panohon sa pagatupad ng misyon.
3. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno

Elemento Hakbang sa Gawain Takdang oras/panahon

Tanong:
1. Sa halimbawa ng personal na pahayag ng misyon sa buhay ng isang mag-aaral na iyong sinuri,
masasabi mo bang ito ay nagtataglay ng S.M.A.R.T?

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
30
D. Gawain 4:
Panuto
1. Bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay bilang isang mag-aaral.
2. Ito ay dapat nagtataglay ng S.M.A.R.T.
3. Gumawa ng talahanayan o matrix upang maging tiyak ang bawat element nito.
4. Gawin ito gamit ang talahanayan sa ibaba.
5. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno

Elemento Hakbang sa Gawain Takdang oras/panahon

IV. Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9

Inihanda ni:
Wilma P. Lopez
CAA National High School-Annex

31
SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 1 Aralin 2 Aralin 3

Aralin 3
Aralin 5
Aralin 6

Aralin 7

Aralin 7

32

You might also like