You are on page 1of 32

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikalawang Markahan

Modyul
GRADE 9 PICTURES USED

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.clipart.email%2Fclipart%2Fhuman-dignity-clipart-
298984.html&psig=AOvVaw1kaaGKWnGECi04MPtQwuq2&ust=1598011991243000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCIDE8d7gqesCFQAAAA
AdAAAAABAD

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.clipart.email%2Fclipart%2Fhuman-dignity-clipart-
298984.html&psig=AOvVaw1kaaGKWnGECi04MPtQwuq2&ust=1598011991243000&source=images&cd=vfe&ved=0CA0QjhxqFwoTCIDE8d7gqesCFQAAAA
AdAAAAABAT

1
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa pagsasagawa ng mag-aaral ng mga angkop na kilos upang ituwid ang mga
nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa; pagbuo ng mag-aaral ng panukala sa isang batas
na umiiral tungkol sa mga kabataan tungo sa pagsunod nito sa likas na batas moral; pagbuo
ng mag-aaral ng paglalahat tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa sa sarili,
kapwa/pamilya, at lipunan gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa
taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikal-
bokasyonal; at paglahok ng mag-aaral ng isang proyekto o gawain para sa baranggay o mga
sektor na may partikular na pangangailangan (hal., mga batang may kapansanan o mga
matatandang walang kumakalinga).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa pagsasagawa ng mag-aaral ng mga angkop na kilos upang ituwid ang mga
nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa; pagbuo ng mag-aaral ng panukala sa isang batas
2
na umiiral tungkol sa mga kabataan tungo sa pagsunod nito sa likas na batas moral; pagbuo
ng mag-aaral ng paglalahat tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa sa sarili,
kapwa/pamilya, at lipunan gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa
taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikal-
bokasyonal; at paglahok ng mag-aaral ng isang proyekto o gawain para sa baranggay o mga
sektor na may partikular na pangangailangan (hal., mga batang may kapansanan o mga
matatandang walang kumakalinga).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga
bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
b ahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natut uhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

3
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas
Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Karagdagang upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Susi sa
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul
na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
4. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

4
Aralin
Karapatan at Tungkulin
1

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
(EsP9TT-IIa-5.1)

Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, barangay/
pamayanan, o lipunan/bansa
(EsP9TT-IIa-5.2)

Alamin

I. Paksa
Karapatan at Tungkulin
II. Layunin
Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao

Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, barangay/
pamayanan, o lipunan/bansa

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Kahit na tayo ay mayaman o mahirap, lahat tayo ay may pantay-pantay na karapatan. Walang
sinuman ang may nakararaming karapatan kaysa sa iba. Mahalagang malaman mo rin ang mga
katungkulan at responsibilidad na kaakibat sa bawat karapatan.
IV. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Kailan sinasabing iginagalang ang Karapatan? Sa anong paraan ipinapakita ito? Ano ang kailangan
upang matamasa ito nang may pananagutan?

Karapatan bilang Kapangyarihang Moral


KARAPATAN- ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga
bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. Bilang kapangyarihang moral, ang karapatan
ay pakikinabangan ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.

Mga Uri ng Karapatan


Anim na uri ng karapatang hindi maaalis (inalienable) ayon kay Santo Tomas de Aquino:

1.Karapatan sa buhay.- Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito , hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan.
2.Karapatan sa pribadong ari-arian.
3.Karapatang Magpakasal- may karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
4.Karapatang pumunta sa ibang lugar
5.Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
6.magtrabaho o maghanapbuhay.
5
Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” Pacem
in Terris:
1.Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib.
2.Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
3.Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
4.Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya.
5.Karapatan sa pagpili ng propesyon
6.Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan(migrasyon)
7.Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto.
8.Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga karapatan

Tungkulin bilang Obligasyong Moral


TUNGKULIN- ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin( o iwasan ) ang isang gawain.
Moral na gawain ang pagtupad ng tungkulin dahil ang moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-
pamayanan.

Mga Paglabag sa Karapatang Pantao


1. Pagpatay sa sanggol 6. Pagbebenta o ginagawang kalakal ang tao.
2. Pang-aabuso sa bata 7. Pagkamkam ng Lupa
3. Diskriminasyon at karahasan sa kababaihan 8. Galit sa ibang lahi
4. Pagwawalang-bahala sa mga may kapansanan 9. Terorism
5. Diskriminasyon pangkasarian
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Isulat sa isang malinis na bond paper ang limang aytem na itinuturing mong karapatan bilang
isang kabataan. Isulat ang mga ito ayon sa lumabas sa iyong isip. Pagkatapos iranggo mo ito – 1 ang
pinakamahalaga at 5 ang pinakahuli. Gumamit ng hiwalay na papel.
B. Gawain 2:
Panuto: Batay sa tinukoy mong limang karapatan, isulat sa bawat isang karapatan kung paano mo
pinahahalagahan ito? Sundin ang pormat sa ibaba. Gumamit ng hiwalay na papel.
Pormat sa Gawain 1 at Gawain 2
Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Pangalan: ______________________________________________________ Iskor: _______


Baitang at Pangkat: _________________ Guro: _______________________ Petsa: _______

6
1. Ano ang mga maaaring epekto ng hindi pagbibigay ng pagpapahalaga sa karapatan? Ano kaya ang
epekto nito sa iyong pagkatao?
2. Bakit kailangang pahalagahan ang karapatan? Saan nakabatay ang mga pagpapahalagang ito?
3. Ano ang angkop na tawag sa pagpapahalagang ito sa karapatan?
4. Ano- anong hakbang o kilos ang iyong gagawin upang maisagawa ang mga ito?

C. Gawain 3:
Panuto: Ang mga larawan sa ibaba ay nagpapakita
ng mga taong mahihirap na namamalagi sa
lansangan. Sila ay pinapaalis ng mga pulis sa
bilang bahagi ng kanilang trabaho. Suriin at
sagutin ang tanong. Gumamit ng hiwalay na papel.

Tanong: May paglabag ba sa karapatang pantao


sa mga larawang ito? Ipaliwanag

D. Gawain 4: Filmviewing
Panuto:
1. Panoorin ang docufilm (documentary film) na “Karapatang Pantao: Batayan ng Makataong
Pag-unlad at Kinabukasan” https://www.youtube.comwatch?v=rRCy4YQWXv8

2. Isulat sa malinis na papel ang mga natatandaang mahalagang konsepto pagkatapos mapanood ito.
a. Bakit mahalaga ang kamalayan sa mga karapatang pantao?
b. Ano ang tungkulin ng bawat tao kaugnay ng mga karapatang pantao? Magbigay ng halimbawa.
c. May magagawa ka ba sa mga malawakang paglabag sa mga karapatang pantao na ipinakita sa
docufilm? Paano ka makatutugon sa mga paglabag na ito kasama ng iba pang kabataan.

VI. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng wastong sagot.
_____1.Ito ay Karapatan na kung saan itinuturing na pinakamataas na antas sa lahat ng Karapatan?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang magpakasal
B. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatan sa pananampalataya

_____2. Si Ainy ay lumuwas ng Samar patungong Manila para magtrabaho, anong karapatan ang
ipinapakita dito?
A. Karapatan sa pribadong ari-arian C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
B. Karapatan sa buhay D. karapatang magpakasal

_____3. Paano mo gagampanan ang tungkulin sa karapatang magpakasal?


A. Nasa wastong gulang C. Maibibigay ang pangangailangan ng magiging pamilya
B. Responsable sa magiging pamilya D. Lahat ng nabanggit

_____4. Si Joshua ay nagpasiyang sumanib sa pananampalataya ng kaniyang mga magulang ng taos


sa kaniyang puso. Anong Karapatan ito?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang sumamba
B. Karapatang magpakasal D. karapatang pumunta sa ibang lugar

7
_____5. Ito ay isang paglabag sa karapatang pantao na kung saan isa sa dahilan kung bakit nabuo
ang Universal Declaration of Human Rights?
A. Terorismo C. Galit sa ibang lahi
B. Diskriminasyon sa kasarian D. Lahat ng nabanggit

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng hiwalay
na papel.
Mga Sanggunian

• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon


Republika ng Pilipinas Unang Edisyon 2015
• Google pictures
• https://www.youtube.comwatch?v=rRCy4YQWXv8
Inihanda ni:
Rizalina Z. Pagulayan
Captain Albert Aguilar National High School-Main

Aralin
Karapatan at Tungkulin
2

Kasanayang Pampagkatuto:
Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao
ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-
pantay ng dignidad ng lahat ng tao
(EsP9TT-IIb-5.3)

Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa
mga karapatang-pantao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
(EsP9TT-IIb-5.4)

Alamin

I. Paksa
Karapatan at Tungkulin
II. Layunin
Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang
kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng
dignidad ng lahat ng tao

Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa
mga karapatang-pantao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa

8
III. Pamamaraan
Pagsusuri ng Sitwasyon: Basahin at suriin ang sumusunod na sitwasyon. Ipamalas ang iyong
pagkaunawa sa pagsasagawa ng mga inihandang gawain.

1. Pangarap ni Romina na makarating sa Japan. Nalilito siya kung ano ang dapat unahin, ang kumuha
ng pasaporte o ang mag-aaral ng wikang Nihonggo bilang paghahanda sa pagpunta niya. Sa iyong
palagay, ano ang dapat unahing bigyang pansin ni Romina? Bakit?
2. Isa ang Pilipinas sa lubhang naapektuhan ng pandemyang Covid 19 ngunit sa kabila nito ay sinisikap
ng Kagawaran ng Edukasyon na matugunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral sa dekalidad na
edukasyon. Bilang mag-aaral, anong tungkulin ang dapat mong gampanan kaakibat nito
3. Habang ikaw ay nakapila sa sakayan ng tricycle ay nakita mong may isang babaeng may kapansanan
sa paglalakad na kararating lang at pumila rin para sumakay. Mahaba na ang pila at walang upuan sa
paligid. Ano ang maaari mong gawin?

IV. Mga Gawain

A. Gawain 1:
Panuto: Kumpletuhin ang tsart ayon sa mga hinihinging impormasyon batay sa mga sitwasyong nabasa
mo sa itaas. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot.
SITWASYON SULIRANIN SAGOT SA KARAPATANG
BILANG TANONG TINUKOY
1
2
3
Halimbawa:

B. Gawain 2:
Panuto: Bilang tao, kaakibat ng ating karapatan ang tungkulin o pananagutan na dapat nating gampanan.
Punan ang mga kahon ng tungkuling nararapat mong gawin sa pamilya, paaralan, barangay at bansa.
Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Halimbawa:
Paaralan: Pagsunod sa mga alituntunin sa paaralan

Pamilya:
______________
______________

Barangay:
Paaralan: Ang aking ______________
______________
_____________
Tungkulin ______________

Bansa:
______________
______________

9
Mga pamprosesong tanong:
1. Nahirapan ka bang maglahad ng sagot? Bakit o bakit hindi?
2. Bakit dapat nating gampanan ang ating tungkulin o pananagutan?

C. Gawain 3:
Panuto: Suriing mabuti ang balita at sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba. Isulat sa hiwalay na
papel ang sagot.
POPE FRANCIS KINUNDENA ANG PAGKAMATAY NI GEORGE FLOYD
Huwebes, Ika-4 ng Hunyo, 2020 9:12 am |isinulat ni GLENN PARUNGAO

Maging si Pope Francis ay nakiramay sa pagpanaw ng African-American na si George Floyd sa kamay


ng mga tauhan ng Minneapolis Police.
Ayon sa lider ng Simbahang Katolika, karapatdapat na kondenahin ang kaawa-awang sinapit ni Floyd.
Kasabay nito, ipinanalangin ng Santo Papa ang lahat ng mga taong naging biktima at nasawi dahil sa
racism.
Kailangan aniyang maging gising ng mundo sa lahat ng mga karahasang nagaganap dahil usapin ng
lahi. Sa huli, binigyang diin ng Papa na mahalaga sng buhay ng bawat tao kaya’t dapat itong ipagtanggol
sa anumang uri ng pang-aabuso.
Hango sa: Parungao, G (2020). Pope Francis kinundena ang pagkamatay ni Geroge Floyd. Brigada News.
https://www.brigadanews.ph/article/national/Pope-Francis-kinundena-ang-pagkamatay-ni-George-Floyd

Mga gabay na tanong:


1. Tungkol saan ang balita?
2. May paglabag ba sa karapatang pantao sa balitang ito? Ipaliwanag ang sagot.
3. Para sa iyo, ano ang maaaring gawin upang maiwasan ang ganitong paglabag sa karapatang
pantao?

D. Gawain 4:
Petsa ng Sitwasyon Nilabag na Maaaring
Panuto: Mula Lunes hanggang Biyernes,
panonood o Karapatang gawin
magmasid sa iyong paligid ng mga paglabag sa o Pangyayari Pantao upang
karapatan ng tao. Maaari kang manood ng balita pagbabasa maituwid
sa telebisyon o magbrowse ng mga artikulo sa sa balita ang
social media (umiwas sa fake news). Itala kung paglabag
ano ang pangyayari at ang nilabag na karapatang 1.
pantao. Bago matapos ang isang araw, balikan 2.
mo ang iyong tsart. Suriin kung ano ang maaari 3.
mong gawin upang maituwid ang paglabag. Isulat 4.
sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot. 5.

V. Pagtataya
Panuto: Piliin ang letra ng inyong sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
_____1. Mayroong mga sindikato na ginagamit ang mga paslit sa mga gawaing masama tulad ng
pagnanakaw at pagtutulak ng droga. Ito ay nagpapakita ng __________________.
A. terorismo
B. diskriminasyon sa kasarian
C. pang-aabuso sa mga bata
D. pagwawalang bahala sa may kapansanan

10
_____2. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Iniiwasan ni Marie na kumain ng karne at matatamis na pagkain
B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Ginoong Dela Cruz para sa mga batang biktima ng pang aabuso
C. Sumasali si Carl sa mga isport na mapaganib tulad ng car racing
D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.

_____3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang
gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin

_____4. Ang mga sumusunod na tungkulin ay kaakibat ng Karapatang pumunta sa ibang lugar maliban
sa:
A. Paggalang sa kultura
B. Kilalanin ang limitasyon ng bawat lugar
C. Kumilos nang naayon sa tradisyon ng lugar
D. Pagsasawalang-bahala ng kaugalian ng pinuntahang lugar

_____5. Ang isyung ito ay madalas nangyayari sa mga probinsiya kung saan ang lupang alam nila na
pamana ng kanilang mga ninuno ay pilit inaangkin ng mga mayayaman upang sa kanilang pansariling
interes.
A. Terorismo
B. Pagkakam ng lupa
C. Diskriminasyon sa kasarian
D. Pang-aabuso sa mga bata

VI. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.

Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul ng Mag-aaral Unang Edisyon , Kagawaran ng
Edukasyon, Republika ng Pilipinas, 2015

• Balita: Parungao, G (2020). Pope Francis kinundena ang pagkamatay ni Geroge Floyd. Brigada
News. Retrieved from https://www.brigadanews.ph/article/national/Pope-Francis-kinundena-ang-
pagkamatay-ni-George-Floyd

Inihanda ni:
Aica C. Ortega
Captain Albert Aguilar National High School-Main

11
Aralin
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
3

Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral.
(EsP9TT-IIc-6.1)

Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa pagsunod ng mga
ito sa Likas na Batas Moral.
(EsP9TT-IIc-6.2)

Alamin

I. Paksa
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
II. Layunin
Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral.
Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa pagsunod ng mga ito
sa Likas na Batas Moral.

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Sa mga naunang modyul partikular sa pagtalakay tungkol sa lipunan at kabutihang panlahat, ang
bawat isa sa atin ay bahagi ng kabuuan ng lipunan. Lahat ay nararapat na magpasakop at maging
tagasunod sa mga lider na siyang binigyan ng kapangyarihang mamahala at mamuno ng maayos. Kaya’t
sa pagkakataong ito matututunan na ang mga batas ay dapat nakaayon sa Likas na Batas Moral.

IV. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Sinasabi na kadalasan ang pag- unlad at modernisasyon ang dahilan ng pagbaba ng moralidad
ng tao. Isa si Jean Jacques Rousseau sa naniniwala na ang tao ay sadyang mabuti at pinasama lamang
ng modernisasyon at pag- unlad. At sa mga nangyayari sa kasalukuyan, hindi maaaring hayaan na
lamang nating dumaan sa ating paningin ang mga bagay na ito. Kailangan kumilos tayo upang iwasto at
ituwid ang mali at liko.
Ayon kay Sto Tomas de Aquino, lahat ng tao ay may kakayahang mag- isip. Lahat ng tao ay may
kakayahang makaunawa sa kabutihan. At para kay Max Scheler, ang pag- alam sa kabutihang ito ay
hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag- iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam. Ninanasa ng
tao ang mabuti; hindi ang masama.
Ano nga ba ang mabuti? Ang mabuti ay ang laging pakay at layon ng tao. Ito rin ay ang mga bagay na
tutulong sa pagbuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan,
lawak, at sitwasyon. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. Ito rin ay ang
siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga
ugnayan.

12
Wala bang mabuti na tama para sa lahat? May liwanag ng karunungan tayong maaninag sa
sinumpaan ng mga doctor na prinsipyong First Do No Harm. Anumang kalagayan kasadlakan ng tao, isa
ang babalikan natin: ang huwag manakit.Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng pag-
iwas sa pananakit sa tao. Na ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay ingatan ang tao.
Na iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko kakasangkapin
ang tao. Ituturing ko bilang may pinakamataas na halaga ang tao at gagawin ko ang lahat upang ingatan
at payabungin ang tao.
Ano nga ba ang Likas na Batas Moral (Natural Law)? Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa
tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. At
sa pamamagitan nito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Ngunit ang Likas na
Batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t-
ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. May dalawang layunin ang Batas
Moral, una, pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at
kilos. Ikalawa, ito ay para sa kabutihan ng tao.
Halimbawa ng Batas na nakaangkla sa Likas na Batas Moral ay ang Pandaigdig na
Pagpapahayag ng Karapatan ng Tao(Universal Declaration of Human Rights) ng mga nagkakaisang
bansa (United Nations).Ito ay nilikha o inimbento o pinagsang-ayunan dahil nakikita nila, mula sa iba’t-
ibang mukha ng tao sa iba’t- ibang sulok ng mundo, na mahalagang ingatan ang dignidad ng tao.
Naniniwala silang ang pag- unlad ng isang bansa at ng mundo ay magmumula sa pantay na mga
karapatan.
Matutupad ba natin ang likas na batas moral sa ating bayan? Isang simpleng sagot: habang may
nakatingin sa mabuti—nagtataka, nagtatanong—tiyak na hahakbang tayo papalapit sa mabuti. At ang
pinakaunang hakbang ay ang prinsipyong “First Do No Harm”, wag tayong manakit sa ating kapwa.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Tanungin ang magulang kung ano ang 3 pinakamahalagang “utos” na kailangang matutunan ng
anak sa buhay. Hingan siya ng paliwanag kung bakit ang mga ito ang pinakamahalaga para sa kanya.
Tandaan ang sinabi ng magulang at isulat ito sa hiwalay na papel.

B. Gawain 2:
Panuto: Pagnilayan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa hiwalay na papel.
Mga Tanong:
1. Sumasang-ayon ka ba sa sinabi ng iyong magulang?
2. Kung oo, gaano ka kalapit sa pagtupad sa hinihingi ng iyong magulang? Bakit mo ito ginagawa? Ano
pa ang kailangan mong gawin?
3. Kung hindi, bakit hindi ka sumasang- ayon? Pangatwiranan.

C. Gawain 3:
Panuto: Suriin ang apat na isyung moral sa ibaba at magbigay ng opinyon sa bawat sitwasyon. Lagyan
ng check (/) kung ikaw ay panig sa sitwasyon at (x) kung ikaw ay laban. Gumamit ng hiwalay na papel.
Mga Sitwasyon Panig (/) o Maikling Paliwanag
Laban (x)

Live-In: Payag ka bang makisama sa


isang babae/lalaki ng walang
benepisyo ng kasal, sibil man o
simbahan?

13
Aborsyon: Payag ka bang magpalaglag
kung ikaw aynasa isang gipit na
kalagayan. (Halimbawa: para sa babae,
walang kikilalaning ama ang iyong anak
at para sa lalaki, nakabuntis ka ng
babae.

Diborsyo: Kung ang mag- asawa ay


hindi magkasundo, payag k aba na sila
ay legal na maghiwalay?

Homosekswalidad: Payag ka ba sa
kalakaran na ang isang babae ay
nakikipagrelasyon sa kapwa niya babae
at ang lalaki naman sa kapwa niya
lalaki?

D. Gawain 4:
Panuto: Suriin ang mga batas moral na nasa kahon at lagyan ng tig tatlong gawain upang mapagtibay
mo ang mga batas na ito sa iyong buhay. Gumamit ng hiwalay na papel.
Batas Moral Mga Gawain
1.Mahalin ang Diyos Halimbawa: Regular na pagsisimba
a.
b.
c.
2.Igalang ang ama’t ina a.
b.
c.
3.Huwag kang sasaksi ng walang a.
katotohanan b.
c.
4.Huwag mong pagnanasaan ang a.
ari- arian ng iba b.
c.
5.Pagpapahalaga sa iyong kapwa ano a.
man ang katayuan nito sa buhay b.
c.

VI. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. “Ang pag- alam sa kabutihan ay nasa larangan ng pag- iisip at pakiramdam”. Ito ay ayon kay?
A. Sto Tomas de Aquino C. Pope John Paul II
B. Max Scheler D. Wala sa nabanggit
14
_____ 2. Ito ay ang gabay sa pagkilatis kung ano talaga ang mabuti.
A. Konsensiya C. Isip at Puso
B. Lahat ng nabanggit D. Wala sa nabanggit

_____ 3. Ang pinakaunang hakbang sa pagkamit ng kabutihan.


A. Kabutihang Panlahat C. First Do Ho Harm
B. Indibidwalismo D. Wala sa nabanggit

_____ 4. Ang tao ay nakikibahagi sa karunungan at kabutihan ng Diyos.


A. Tama C. Mali
B. Hindi ko alam D. Wasto

_____ 5. Alin sa mga batas ang naibigay sa tao noong siya ay likhain?
A. Batas Militar C. Saligang Batas
B. Batas Moral D. Wala sa nabanggit

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013
• Kaganapan sa Maylalang IV Modyul para sa Mag-aaral
• https:brainy.ph/questions/65425

Inihanda ni:
Joy Lea R. Amila
CAA National High School-Annex

Aralin
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
4

Kasanayang Pampagkatuto:
Nahihinuha na ang pagsunod sa Batas na nakabatay sa likas na Batas Moral (Natural Law),
gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano
ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat.
(EsP9TT-IId-6.3)

Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa
kabutihang panlahat.
(EsP9TT-IId-6.4)

15
Alamin

I. Paksa:
Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral

II. Layunin:
Nahihinuha na ang pagsunod sa Batas na nakabatay sa likas na Batas Moral (Natural Law),
gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano
ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat.

Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa
kabutihang panlahat.

III. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Max Scheler
•Ang pag-alam sa kabutihan ay
hindi lamang gumagalaw sa Sto. Tomas de Aquino
larangan ngpag-iisip kundi sa
larangan din ng pakiramdam.
lahat ng tao ay may
kakayahang mag-isip at
makaunawa sa kabutihan.

Ninanasa ng tao ang Mabuti at hindi ang masama.Walang sinuman ang magnanais na
mapasama ang bawat indibidwal. Kahit tinatamad akong mag-aral , alam kong Mabuti ang mag-aral
kaya patuloy akong nag-aaral. Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko
dapat gawin dahil alam kong masamang Gawain ito
Iba ang MABUTI sa TAMA
Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng mabuti
batay sa panahon , kasaysayan, koteksto at sitwasyon. Tinitignan dito ang mga pangangailangan at
kakayahan ng ginagawa ng pagpili.
IV. MGA GAWAIN
A. Gawain 1:
Panuto: Batay sa iyong nabasang konsepto, sa iyong palagay, ano ang magiging HADLANG ng pag-
iral ng prinsipyo ng Likas na Batas Moral? At ano naman ang SIMBOLO ng pag-iral ng Likas na Batas
Moral? Gawing gabay ang halimbawa sa unahang bilang. Isulat sa hiwalay na papel.
HADLANG sa Pag-iral SIMBOLO ng pag-iral
ng Likas na Batas ng Likas na Batas
Moral Moral
Halimbawa: Pag-iwas sa paggawa
Pagiging makasarili ng masama.
1. 1.
2. 2.
3. 3.
16
B. Gawain 2:
Panuto: Basahin at ipaliwanag ang kasagutan sa:
Tanong: Bilang mag-aaral, paano mo mapapanatili ang pag-iral ng Likas na Batas Moral ayon sa iyong
kakayahan? Gumamit ng hiwalay na papel.

Halimbawa:
Mag-aral
nang Mabuti
upang…

C. Gawain 3:
Panuto: Gumawa ng sanaysay na nagpapahayag ng iyong obserbasyon hinggil sa pag-iral ng
prinsipyo ng Likas na Batas Moral sa barangay, paaralan o lipunang iyong kinabibilangan. Isulat ang
sanaysay sa hiwalay na papel.

D. Gawain 4: •Walang • Pambubulas


Panuto: Ang mga sumusunod ay indikasyon ng pag-iral Pakialam (Bulliying)
•1
ng prinsipyo ng Likas na Batas Moral. Bilang •1
•2
•2
mamamayan ano sa obserbasyon mo ang •3
•3

makahahadlang sa pag-iral ng konsepto ng Likas na PAARALA


Batas Moral sa paaralan, pamilya, pamayanan at PAMILYA
N
bansa? Maaring isulat ang sagot sa loob ng
PARISUKAT sa tabi ng mga indikasyon. Gawing gabay
ang halimbawang makikita.
PAMAYAN
AN BANSA

V. Pagninilay •"Kanya-
•Pagbebenta ng
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa kanya"
iyong boto
system
limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng hiwalay na •1
•1
•2
papel. •2

V. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Pillin ang letra ng tamang sagot.
_____1. Ang likas na pagnanais ng tao na gawin ang Mabuti at iwasan ang masama.
A. Likas na Batas Moral C. Paggawa ng masama
B. Paggawa ng kabutihan D. Hindi nabanggit

_____2. Ayon kay STO TOMAS DE AQUINO ang lahat ng tao ay maykakayahang mag-isip at
makaunawa ng kabutihan.
A. Sto Tomas de Aquino C. John F. Kennedy
B. Max Scheller D. ang bawat indibidwal

_____3. Ayon kay Max Scheler ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangang
ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.
A. Sto Tomas de Aquino C. John F. Kennedy
B. Max Scheller D. ang bawat indibidwal

_____4. Ang mga sumusunod na Gawain ay nagpapakita ng pag-iral ng Likas na Batas mOral sa
pamilya at pamayanan, maliban sa isa.
A. Pagbibigay ng respeto hindi lamang sa magulang kundi sa lahat ng miyembro ng pamilya.
B. Pagbibigayan ng magkakapitbahay.
17
C. Pagkakaisa para sa pag-unlad ng pamayanan.
D. Pagsunod sa mga nakatatanda lamang.

_____5. Ang mga sumusunod ay mga batas na umiiral sa lipunan sa kasalukuyan na tumutugon sa
Likas na Batas Moral, maliban sa isa
A. Pagpapanatiling bawal ang pagsasagawa ng aborsyon sa Pilipinas.
B. Pagbabawal ng pagpapakasal sa parehong kasarian.
C. Pagbibigay ng trabaho sa mga menor de edad pa lng.
D. Pagpayag sa pagpapakasal sa mg kabataan.

Mga Sanggunian
• https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-5
• Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa mga Mag-aaral, Kagawaran ng
Edukasyon

Inihanda ni:
Ma. Theresa O. Alvarez
Las Piñas North National High School

Aralin Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at


5 Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at
paglilingkod.
(EsP9TT-IIe-7.1)

Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o baranggay/pamayanan ay


nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod
(EsP9TT-IIe-7.2)

Alamin

I. Paksa:
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

II. Layunin:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod.

Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o baranggay/pamayanan ay


nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod

Tungkol saan ang aralin na ito?


Ang paggawa ay isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw.
Mahalagang kilalanin ang paggawa bilang malaking bahagi ng iyong pag-iral bilangtao. Ito ay itinuturing
na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan (Esteban , S.J. 2009).

18
III. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning


makatugon sa pangangailangan ng kapwa. Ito ay isang aktibidad ng tao.
Maaari itong mano-mano o nasa larangan ng ideya. Tao lamang ang
may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang
tao para sa paggawa (Institute for Development of Education, 1991).
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na ngangailangan ng
orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain at ang produkto nito ay
magbubungan ng pagbabago sa anumang bagay.
Ang paggawa ay higit sa pagkita lamang ng salapi: tunay na
pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng kaganapan
bilang tao.
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong makagawa sa pamilya, paaralan at pamayanan,
paano mo isasabuhay ang paggawa bilang paglilingkod? Gawing gabay ang halimbawa sa unahan.
Gumamit ng hiwalay na papel.

Halimbawa:
Lugar Gawain
Pamilya Mapagsibilbihan ang aking mga magulang at kapatid

Lugar Gawain
Pamilya 1
2
3
4
Paaralan 1
2
3
Pamayanan 1
2
3

B. Gawain 2: Bilang mag-aaral


Panuto: Basahin at ipaliwanag ang kasagutan sa ako ay dapat na
tanong. Gumuhit ng limang speech balloons at isulat mag-aral nang
ang mga sagot sa loob nito. Gawing gabay ang mabuti upang
halimbawa. Gumamit ng hiwalay na papel. maging
Tanong: Ano ang mabuting naidudulot ng paggawa sa
ating pagkatao?
Halimbawa:

19
C. Gawain 3:
Panuto: Suriin ang konseptong nakalahad at pangatwiranan ang iyong sariling pananaw hinggil dito. Ang
kasagutan ay puwedeng ilahad sa pamamagitan ng isang sanaysay. Maaaring gumamit ng hiwalay na
papel.
Konsepto: Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Hindi maaaring ituring ang
tao bilang isang kasangkapan.
D. Gawain 4:
Panuto: Bilang mag-aaral, ilarawan ang positibong dulot ng paggawa bilang paglilingkod. Gawing
gabay ang halimbawa sa unahan.
INDIKASYON NG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD
Hal. Paggawa nang walang hinihintay na kapalit
1.
2.
3.
4.
5.

V. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.

VI. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan
ng kapwa.
A Paggawa C. Pagkilos
B. Pagkukusa D. Pagtatrabaho
_____2. Ang mga sumusunod ay katangiang taglay ng paggawa, maliban sa isa.
A. Panggagay C. Pagkamalikhain
B. Orihinalidad D. Pagkukusa
_____3. Pinakamataas na layunin sa Paggawa.
A. Pera C. Pagkilos
B. Kaganapan bilang tao D. Personalidad
_____4. Ang mga sumusunod ay layunin ng Paggawa, maliban sa isa
A. Pera pera lang C. Paggawa nang may pananagutan
B. Makatugon sa pangangailangan ng kapwa D. Paggawa nang may pananagutan
_____5. Ang paggawa ay higit sa pagkita lamang ng ____: tunay na pinakamataas na layunin ng
paggawa
A. salapi C. trabaho
B. sweldo D. paggawa

Mga Sangguniaan
• https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-7
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa mga bata , Kagawaran ng Edukasyon

Inihanda:
Ma. Theresa O. Alvarez
Las Piñas North National High School

20
Aralin Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at
6 Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Kasanayang Pampagkatuto:
Napatutunayan na :sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga
na makatutulong upang patuloy na maiangat , bunga ng kanyang paglilingkod , ang antas ng kultural
at moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao.
(EsP9TT-IIf-7.3)

Nakakabuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga
manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized)na nasa iba’t-ibang kurso o
trabahong teknikal-bokasyonal.
(EsP9TT-IIf-7.4)

Alamin

I. Paksa:
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

II. Layunin:
Napatutunayan na :sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga
na makatutulong upang patuloy na maiangat , bunga ng kanyang paglilingkod , ang antas ng kultural at
moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao.

Nakakabuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga
manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized)na nasa iba’t-ibang kurso o
trabahong teknikal-bokasyonal.

III. Pamamaraan
Basahin at unawain.

LABOREM EXCRENS – Panulat ni St. John Paul II , ang paggawa ay anumang gawain – pangkaisipan
man ito o manwal, anoman ang kanyang kalikasan o kalagayan, makatao, nararapat para sa tao bilang
anak ng Diyos. Sa simula pa lamang ng paglikha sa tao, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-
tanging gawain – Nang nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang wangis, ipinagkatiwala Niya ang
pangangalaga at pamamahala sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Inilaan siya upang gumawa ng mga
katangi-tanging gawain. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay. Tanging ang tao lamang inatasan ng mga
gawaing ginagamitan ng kaniyang talino. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa ; sa kanyang
pag-iral, siya ay gumagawa. Sa pamamagitan ng paggawa, napatutunayan. Ang isa pang dahilan ng
pag-iral ng tao …. ANG PAGIGING BAHAGI NG
ISANG KOMUNIDAD. Ang gumawa hindi lamang Ang paggawa ay para sa TAO , at nilikha ang tao
para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang para sa Paggawa. Kailangang isaisip at isapuso na
kapwa at sa paglago nito. hindi tayo dapat magpaalipin sa paggawa. Ang
Diyos at hindi paggawa ang pinagmulan at ang
patutunguhan ng buhay.
21
IV. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Batay sa konseptong iyong nabasa, magbigay ng tatlong salita na may kaugnayan sa salitang
nasa dulo ng arrow. Maaring isulat ang sa guhit na nakalaan sa loob ng kahon. Gawing gabay ang
halimbawa sa unang larawan. Gumamit ng hiwalay na papel.

tunutulong sa Pag-aalaga ng Paggawa bilang Paggawa bilang


gawaing bahay kapatid na maliit paglilingkod ____ _____
paglilingkod

B. Gawain 2:
Panuto: Bilang mag-aaral paano mo paiiralin sa buhay mo ang konsepto ng PAGGAWA BILANG
PAGLILINGKOD? Pangatwiranan ang iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa loob ng “Speech Balloon”.
Gumamit ng hiwalay na papel.

C. Gawain 3:
Panuto: Ayon sa iyong obserbasyon paano mo nakikita ng pag-iral ng PAGGAWA BILANG
PAGLILINGKOD? Gawing gabay ang halimbawa sa unahang bilang. Gumamit ng hiwalay na papel.
Baranggay/ Lipunan / Pamilya
Pamayanan Bansa
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:

Bolunterismo Produktibong Pagkukusa sa


mamamayan pagganap sa
gawaing-bahay
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

D. Gawain 4:
Panuto: Gumuhit ng simbolong naglalarawan ng pag-iral ng Paggawa bilang Paglilingkod sa
pamayanang iyong kinabibilangan at ipaliwanag.

22
V. Pagninilay:
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.
VI. Pagtataya:
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at unawain. Pilin ang titik ng iyong sagot at isulat sa patlang.

_____1. Ayon sa panulat ni _____ ang paggawa ay anumang Gawain – pangkaisipan man ito o
manwal , anoman ang kanyang kalikasan o kalagayan, makatao , nararapat para sa tao bilang anak ng
Diyos.
A. St. John Paul II C. Max Scheler
B. John F. Kennedy D. Sto Tomas de Aquino

_____2. Ang dalawang kalikasan ng Paggawa : Pangkaisipan O ______.


A. Manwal C. de baterya
B. de makina D. Lahat ay tama

_____3. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay. Tanging _____ lamang ang intasan ng mga gawaing
ginagamitan ng kaniyang talino.
A. hayop C. nilikhang may buhay
B. tao D. Diyos

_____4. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pag-iral ng tao sa mundo, malibansa isa.
A. Makatulong sa kapwa C. Gumawa hindi lamang para sa sarili kundi para sa kapwa din.
B. Pagiging bahagi ng isang komunidad D. Makapagtrabaho

_____5. Ang paggawa ay para sa TAO , at nilikha ang tao para sa _______. Kailangang isaisip at
isapuso na hindi tayo dapat magpaalipin sa paggawa.
A. Paggawa C. isaisip
B. Isapuso D. Tao

Mga Sanggunian

• https://www.slideshare.net/maflechoco/ang-paggawa-bilang-paglilingkod-at-pagtaguyod-ng-
dignidad
• https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-7-paggawa-bilang-paglilingkod

Inihanda ni:
Ma. Theresa O. Alvarez
Las Piñas North National High School

Aralin
Pakikilahok at Bolunterismo
7
Kasanayang Pampagkatuto:
Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan
(EsP9TT-IIg-8.1)

Nakapagsusuri ng kwento ng buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para
sa pagboboluntaryo Hal. Efren Peñaflorida, greenpeace volunteers atbp.
(EsP9TT-IIg-8.2)

23
Alamin

I. Paksa
Pakikilahok at Bolunterismo

II. Layunin
Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan

Nakapagsusuri ng kwento ng buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para
sa pagboboluntaryo

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?
Makilahok! Saan? Mag-boluntaryo! Paano? Gusto mo ba o ayaw mo? Mga mapanghikayat na
tanong sa iyo na na nag-aantay lamang ng iyong malaking oo. Kailan ka huling nakilahok sa mga
pagtitipon na may layuning makatulong sa iba? Kailan mo rin huling naranasan na mag-boluntaryo sa
mga mapagkawang-gawang samahan na ang pakay ay tumulong sa mga nasunugan at mga hindi
inaasahang trahedya? Bakit kailangn nating gawin nang malaya at bukas-puso ang mga gawaing
inaasahan ang ating pagtugon?

IV. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Tuwing may makikita kayong mga bata na naghihirap, nakatira sa slum areas, nagugutom at nag-
iisa, huwag ninyo silang ipagwalang-bahala. Bigyan ninyo sila ng pansin at tulungan. Ito ay naunawaan
ni Efren Peñaflorida Jr. dahil minsang naging ganoon din siya – nakatira sa open dumpsite, naglalaro sa
imbakan ng basura kung saan marumi, mabaho at ang mga bata ay nagugutom, nahihirapan at halos
hindi nakakapag-aral. Lumaki siyang mahirap at minsang naranasan ding ma-bully ng ibang bata. Subalit
hindi naging hadlang ang mga pangyayaring ito sa kanyang buhay upang ipagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral. Naging sponsored-child siya ng World Vision noong siya ay preschool at natapos ang kanyang
elementarya at sekondarya ng may iba’t ibang parangal sa tulong ng CLUB 8586, isang youth group na
nagbibigay scholoarships at suportang pinansyal.
Taong 1997, nang siya ay nasa hayskul, sinimulan niya ang Dynamic Teen Company na
naglalayong maibaling ng mga bata sa slum areas ang kanilang atensyon sa pag-aaral, at pagpapaunlad
ng sarili nilang kakayahan upang makatulong sa komunidad. Ipinakita niya na may solusyon sa kahirapan
at hindi nila kailangang tahakin ang landas na puno ng kaguluhan at kapahamakan kundi piliin nila ang
daan na may pag-asa at magandang kinabukasan. Kaya naman, tuwing sabado, siya at ang mga kasama
niya ay pumupunta sa iba’t ibang mga lugar sa kanilang lungsod na tulak-tulak ang kanilang paaralang
kariton na may mga libro, laruan at gamit pang-eskuwela. Tinuturuan nila silang magbasa, magsulat at
alagaan ang kanilang sarili. Isa itong simple pero napakahalagang gawain ni Efren at ng mga kasama
niya at ng mga batang nais matuto, humanap ng pag-asa at makatulong rin sa iba.
Kasabay ng pagtuturo niyang ito sa mga bata, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral
sa kolehiyo. Taong 2000 nang nakapagtapos siya ng Computer Technology sa San Sebastian College-
Recoletos de Cavite ng may karangalan. Nag-aral din siya ng pangalawang kurso na Secondary
Education sa Cavite State University- Cavite City Campus na may karangalang cum laude.
Dahil sa sakripisyo niyang ipinamalas, ini-nominate siya para sa CNN Heroes ng Club 8586, ang
youth group na tumulong sa kanya dati. Mula sa 9,000 nominees sa halos 100 bansa, pinili siya ng CNN’s
Blue Ribbon Panel na isa sa 28 na mga bayani sa taong 2009. At noong November 22,2009 ay
pinarangalan siyang CNN Hero of the Year sa toong 2009.

24
Tunay na kahanga-hanga ang buhay at sakripisyong ipinamalas ni Efren upang bigyan ng pag-
asa ang mga batang nais maabot ang kanilang mga pangarap. Isa na naman itong patunay na hindi
hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap at makatulong din naman sa iba. Nawa ang
kanyang buhay ay maging isang inspirasyon sa mga batang nais matupad ang kanilang mga pangarap
at nagtitiwala na walang imposible sa Diyos na tutulong sa kanila upang maabot ang mga pangarap na
iyon.
(Hango sa http://mithi2012.blogspot.com/2017/02/efren-penaflorida-isang-natatanging.html)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa babasahin. Gumamit ng hiwalay na papel.
1. Ano ang naging uri ng pamumuhay nina Efren noong kaniyang kabataan? Patunayan.
2. Ano ang naging layunin ni Efren para sa mga kabataan sa inulunsad na Dynamic Teen Company?
3. Ano ang maaring nagbunsod kay Efren upang isagawa ang mga ito?
4. Ano ang magandang naidulot kay Efren ng kaniyang mga gawain sa kaniyang buhay?

B. Gawain 2:
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Bilugan ang mga larawan na sa tingin mo ay
nagpapakita ng pakikilahok at pusuan naman ang sa tingin mo na nagpapakita ng bolunterismo.

Bayanihan
Pagboto / Politikal na pagkikisangkot
Clean-up Drive kasama ang mga
opisyal ng Barangay

A. Gawain 3:
Pagtulong sa panahon ng sakuna
Brigada Eskwela

Pagbibigay ng pagkain sa frontliners

C. Gawain 3:
Panuto: Batay sa naunang gawain, magbigay ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng pakikilahok at
bolunterismo sa pamamagitan ng Venn Diagram. Magbigay ng tatlong kasagutan sa bawat isa. Isulat
ang mga ito sa hiwalay na papel. Bolunterismo Pakikilahok

Hal. Pagkakatulad ng Hal.


dalawa Tungkulin na dapat
Pagpapakita ng
Pagmamahal isakatuparan
Hal.

Para sa kabutihang
panlahat
25
D. Gawain 4:
Panuto: Sumulat ng sariling liriko sa tono ng koro ng paborito mong kanta sa ngayon. Ang liriko ay dapat
na magpapakita ng paraan ng pag-unlad ng mga mamamayan at lipunan dahil sa pagsasagawa ng
pakikilahok at bolunterismo. Gawan ito ng sarili mong pamagat at isulat sa hiwalay na papel.
Hal.
“Sabay na Pag-unlad”
Sa tono ng “Sana” ng I Belong to the Zoo

Sana kumilos ka
Para makatulong ka’t umunlad tayong lahat
Sana tumulong ka
Lalabanan natin ang gutom at karahasan
Sana lumaban ka
Para bawat karapata’y maingatan natin
Sana ingatan mo
Bawat mamamayan sa ating lipunan

(Sulat ng may akda)


VI. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ito ay tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan


tungo sa kabutihang panlahat.
A. Bolunterismo C. Pagsuporta
B. Konsultasyon D. Pakikilahok
_____2. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
A. Bolunterismo C. Pagsuporta
B. Konsultasyon D. Pakikilahok
_____3. Ito ay maraming katawagan tulad ng bayanihan, damayan, kawanggawa o bahagian.
A. Bolunterismo C. Pagsuporta
B. Konsultasyon D. Pakikilahok
_____4. Kung hindi mo ito isasagawa ay may mawawala sa iyo.
A. Bolunterismo C. Pagsuporta
B. Konsultasyon D. Pakikilahok
_____5. Ang pakikilahok at bolunterismo ay naktutulong sapag-unlad ng:
A. Lipunan C. Sarili lamang
B. Mamamayan D. A at B

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng hiwalay
na papel.
Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2015
• http://mithi2012.blogspot.com/2017/02/efren-penaflorida-isang-natatanging.html
• https://www.mindanews.com/photo-of-the-day/2015/06/bayanihan-4/
• https://www.eaglenews.ph/clean-up-drive-isinagawa-ng-iglesia-ni-cristo-kasama-ang-barangay-officials-sa-
san-pascual-masbate/
• https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/politikal-na-pakikilahok-89306483
• https://twitter.com/vargasmannysen/status/744735750948720640?lang=he
• https://news.abs-cbn.com/life/04/03/20/mcdonalds-ph-commits-50000-meals-for-frontliners-and-communities
• https://www.teacherph.com/brigada-eskwela-theme-schedule-of-activities-and-reminders/

Inihanda:
26 Raechelle S. De Leon
Las Piñas National High School
Aralin
Pakikilahok at Bolunterismo
8

Kasanayang Pampagkatuto:
Napatutunayan na:
a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan,
panipunan/pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa
pagkamit ng kabutihang panlahat
b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o
paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan
(EsP9TT-IIh-8.3)

Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sekor na may partikular na


pangangailangan, Hal. Mga batang may kapasanan o mga matatandang walang kumakalinga
(EsP9TT-IIh-8.4)

Alamin

I. Paksa
Pakikilahok at Bolunterismo
II. Layunin
Napatutunayan na:
a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan,
panipunan/pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa
pagkamit ng kabutihang panlahat
b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa
sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan

Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sekor na may partikular na


pangangailangan, Hal. Mga batang may kapasanan o mga matatandang walang kumakalinga

III. Nilalaman
Tungkol saan ang aralin na ito?

Bibigyang linaw ng araling ito ang kahalagahan ng pakikilalahok at bolunterismo sa dignidad ng


isang tao at ang mga paraan kung paano ka makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Nais
din ng araling ito na malaman mo ang mga gawain na nagpapakita ng partisipasyon at pagmamahal sa
lipunan at sa kapwa. Inaasahan na makabahagi ka rin sa mga gawain sa lipunan at magampanan ang
obligasyon sa sarili, pamilya at sa bansang iyong kinabibilangan tungo sa kabutihang panlahat.
IV. Pamamaraan
Basahin at unawain.

Tunay ngang nagkakaroon ng saysay ang buhay kung ito ay ginagamit nang makabuluhan tuwing
nagbabahagi sarili para sa kapwa, para sa lipunan sapagkat bilang taong nilikha ng Diyos, ang tao ay
may pananagutan na magbahagi sa kapwa at sa lipunang kinabibilangan. Ang tunay na diwa ng
Pakikilahok at Bolunterismo ang kailangang makita sa ating lipunan lalo na sa kasalukuyan. At bilang
kabataan ito ay maaari mong simulan. Wika nga ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa isa sa kaniyang
panayam sa Radio Veritas para sa kabataan, na huwag lamang makuntento sa mga araw-araw na
karaniwang gawain, iyong hindi nababahala at pinababayaan lamang tumakbo ang mundo, bagkus
27
kinakailangan na ang kabataan ay “manggulo”- ibig sabihin ay magsikap na humanap ng pamamaraan
at maging kasangkapan para sa ikauunlad ng buhay at lipunan. Ayon naman kay Pope Francis sa
kaniyang mensahe sa kabataan noong nakaraang World Youth Day sa Rio de Janerio, Brazil noong June
24, 2013, “Ang kabataan ang durungawan kung saan ang hinaharap ay nagdaraan” na ang ibig sabihin
nasa kabataan makikita ang kinabukasan. Katulad ng sinabi rin ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal,
nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ilang sa mga halimbawa ng pakikilahok at bolunterismo:
Ang Zamboanga La Hermosa o
Pakikilahok ng mga
Fiesta Pilar ay isa sa mga pistang
ipinagdiriwang sa Zamboanga mamamayan sa programa
bilang pagbibigay-pugay sa ng pamahalahan,
milagrosang imahen ng Ating itinataguyod sa good
Babae ng Pilar sa Fort Pila. governance fair.

Tagalog News: Camarines Norte


PPO, nakiisa sa simultaneous Politikal na pakikilahok ng
bloodletting Activity sa Bikol ating mga kababayan

Greepeace in action sa Pilipinas

Ang pakikilahok ay mahalaga sapagkat maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong


upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan, magagampanan ang mga gawain o isang proyekto
na mayroong pagtutulungan at maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat. Sa pakikilahok dapat na maisa-ayos ang pagbabahagi ng impormasyon,
konsultasyon, sama-samang pagpapasya, sama-samang pagkilos at pagsuporta.
Ang bolunterismo naman ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ilan
sa benepisyo nito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod, personal
na paglago, kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan, pagkakataon na makabuo ng suporta at
relasyon sa iba at panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili.
Sa, pakikilahok nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangan mong
gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo. Samantalang sa bolunterismo, kung hindi mo ito
gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Kung ikaw man ay managot; ikaw
ay mananagot sa iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa.
Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may aspekto
ng pakikilahok.
(Hango sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9)

V. Mga Gawain
A. Gawain 1:
Panuto: Tayain ang antas ng iyong pakikilahok at bolunterismo. Lagyan ng tsek ang katumbas na sagot.
Mga gawain Nagagawa ko Hindi ko nagagawa
1. Pagtulong sa gawaing bahay
2. Paglahok sa gawaing pampaaralan
3. Pagsunod sa batas
4. Pagtatapon ng basura sa tamang tapunan
5. Pagbibigay ng tulong sa mga nasunugan
28
B. Gawain 2:
Panuto: Gumawa ng “Picture Quotes” na nagpapakita ng pakikilahok o bolunterismo ng inyong pamilya.
Gumamit ng hiwalay na papel.
C. Gawain 3:
Panuto: Bumuo ng batayang konsepto gamit ang graphic organizer. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
KAKAYAHAN
MAMAMAYAN
BOLUNTERISMO
PAKIKILAHOK
KABUTIHANG PANLAHAT
PAMPAMAYANAN/PANLIPUNAN

D. Gawain 4:
Panuto: Isulat ang iyong maaring gawin o
maitulong gamit ang iyong mga talento/kakayahan.
Gumamit ng hiwalay na papel.

Talento/ Kakayahan Paano ko gagamitin?


Hal. Pagluluto
Ako ang magluluto o maghahanda ng pagkain ng mga kasama kong
volunteer.
1.
2.
3.
4.
5.

VI. Pagtataya
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Ang mga kabataan ay kinakailangang magsikap na humanap ng pamamaraan at maging


kasangkapan para sa ikauunlad ng buhay at lipunan. Ito ay winika ni?
C. Bishop Teodoro Bacani C. Pope Francis
D. Dr. Jose Rizal D. Wala sa nabanggit

_____ 2. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng kapalit.


C. Bolunterismo C. A t B
D. Pakikilahok D. Wala sa nabanggit

_____ 3. Lahat ng bolunterismo ay may aspekto ng __________.


C. Pakikilahok C. Pagmamahal
D. Pagbibigay D. Pagtulong

_____ 4. Ang pakikiisa sa baranggay sa paglilinis ng paligid ay halimbawa ng pagbabahagi ng iyong


________.
C. Time C. Treasure
D. Talent D. Wala sa nabanggit

29
_____ 5. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang ___________.
A. Pangangailangan C. Sarili
B. Pananagutan D. Kaliayahan

VII. Pagninilay
Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipaliwanag sa limang pangungusap o higit pa. Gumamit ng
hiwalay na papel.

Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, 2013
• https://blog.mabuhaytravel.uk/2019/09/06/ang-kaganapan-pagdiriwang-sa-buwan-ng-octubre-sa-
pilipinas-2/
• https://pia.gov.ph/news/articles/1013076
• https://www.greenpeace.org/philippines/
• https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/politikal-na-pakikilahok-89306483
• https://www.youtube.com/watch?v=1Y82syIsRd4

Inihanda ni:
Loretta Peñafuerte Garcia
Las Piñas National High School

30
31
Pagtataya
1. A Likas na Batas Moral
2. A Sto Tomas de Aquino
3. B Max Scheler
4. D Pagsunod sa mga nakatatanda
lamang
5. D Pagpayag sa pagpapakasal sa
Aralin 5 Aralin 4
Aralin 4 Aralin 4
Pagtataya
1. B
2. C
3. C
4. A
5. B
Aralin 3 Aralin 3
Pagtataya
1. C
2. C
3. A
4. D
5. B
Aralin 2
Pagtataya
1. A
2. C
3. D
4. C
5. D
Aralin 2 Aralin 1
SUSI SA PAGWAWASTO
32
Aralin 8
Aralin 8
Aralin 8 Aralin 7
Pagtataya
1. D – Pakikilahok
2. A – Bolunterismo
3. A – Bolunterismo
4. D – Pakikilahok
5. D – A (Lipunan) at B (Mamamayan)
Aralin 7 Aralin 6
Pagtataya
1. A. St. John Paul II
2. A. Manwal
3. B. tao
4. D. Makapagtrabaho
5. A. Paggawa
Aralin 6
Aralin 5
Pagtataya
1. A. Paggawa
2. A. Panggagaya
3. B. Kaganapan bilang tao
4. A. Pera pera lang
5. A. Salapi
Aralin 5 Aralin 5

You might also like