You are on page 1of 32

4

Ikatlong Markahan-Modyul 3
Pagsunod sa mga Batas/ Panuntunang
Pinaiirial Tungkol sa Pangangalaga ng
Kapaligiran Kahit Walang Nakakakita

EsP4PIII-21
Edukasyon sa Pagpapakatao–Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan– Nakasusunod sa mga batas/ panuntunang pinaiirial tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran
kahit walang nakakakita

1. Napahahalagahan ang mga batas tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran


2. Napangangalagaan ang kapaligiran

Unang Edisyon, 2021


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Secretary : Leonor Magtolis Briones

Development Team of the Module


Manunulat: Mary Ann S. Cervantes Myla S. De Guia
Mischelle S. Talastas Jordan S. Ventura
Joycelyn R. Faraon
Editor: Myla S. De Guia
Tagasuri: Manny R. Valerio
Tagaguhit: Joycelyn R. Faraon / Mischelle S. Talastas
Dibuhista: Jordan S. Ventura

Management Team
GregorioC. Quinto, Jr.,EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, Phd
Education Program Supervisor-LRMDS
Agnes R. Bernardo, Phd
EPS-Division ADM Coordinator
Glenda S. Constantino
Project Development Officer II
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS Edukasyon sa Pagpapakatao
Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
4
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan

Nakasusunod sa mga batas/


panuntunang pinaiirial tungkol sa
pangangalaga ng kapaligiran kahit
walang nakakakita

EsP4PIII-21
Pambungad na Mensahe

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralin Nakapagsasagawa nang may
mapanuringpag-iisip ng tamang pamamaraan/ pamantayan sa pagtuklas ng
katotohanan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo , nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong–aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag–aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang–alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

M ga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsasagawa nang may mapanuring pag-iisip ng
tamang pamamaraan/ pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang magaaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin .ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
Suriin bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamani pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
Isaisip
kung anong natutuhan mo mula sa aralin

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang- Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi: Kaya mo ito!

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
 nakakasunod sa mga batas/ panuntunang pinaiirial
tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran kahit
walang nakakakita,
 napahahalagahan ang mga batas tungkol sa
pangangalaga ng kapaligiran at
 napangangalagaan ang kapaligiran.

Subukin
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng
tsek ( / ) ang wastong pangangalaga sa kapaligiran at ekis ( x )
kung hindi.

1. Si Aling Rufina ay isang ordinaryong residente sa inyong


barangay. Araw-araw ay nililinis niya ang kanal sa tapat ng
kanilang bakuran.

2. Ang pamilya ni Mang Lando ay naninirahan sa kabundukan.


Malimit siyang pumutol ng mga puno upang ipagbili sa bayan
bilang pambili ng pagkain para sa kanyang pamilya.
1
3. Si Joy ay mahilig sa mga bulaklak. Nakita niya na magaganda at
makukulay ang mga bulaklak sa hardin ni Aling Weng. Pinitas
nya ito at inilagay sa plorera.

4. Namasyal ang pamilya ni Archie sa Zambales upang ipag


diwang ang unang anibersaryo ng kanilang kasal, napansin
nilang maraming basura sa dalampasigan .Pinulot nila ang mga
ito at itinapon sa tamang lalagyan.

5. Ang pagawaan ng goma ni G. Lim ay nagbubuga ng maitim at


maduming usok. Kaya pinahinto ng pamayanan ang kanilang
operasyon.

Balikan

Natatandaan pa ba ninyo ang ating nakaraang aralin ? Bago tayo


magsimula sa panibagong pagtalakay, ating balikan ang araling
nilinang noong nakaraang linggo.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap .


Suriin kung tama o mali ang bawat pahayag. Isulat ang T kung tama at
M kung mali.

1. Ang pangkat etniko ay mga pangkat ng tao na ang mga


kasapi ay nakikilala ang isa’t isa sa pamamagitan nang
magkakamukhang mga pamana.

2. Ang pagmamalaki sa kultura ng mga pangkat etniko ay


isang ugaling dapat panatilihin ng mga Pilipino.

2
3. Ang makabagong panahon ay sapat na dahilan upang
kalimutan ang kultura ng mga katutubong Pilipino.
4. Ang pagpapahalaga at pagsasabuhay sa ating kultura ay
isang paraan nang pagpapakita ng pagmamahal sa bansa.

5. Isang paraan ng pagpapahalaga sa kultura ng pangkat


etniko ay ang paglalaro ng mga katutubong laro tulad ng Sangkor
mula sa mga Igorot.

Tuklasin
Panuto: Basahin ang tula at tuklasin kung paano mapangangalagaan

ang ating kapaligiran.


KAPALIGIRAN
ni Mischelle S. Talastas

K alikasa’y isaalang- alang, disiplina ang kailangan

A raw-araw isaisip kalinisan ng kapaligiran


P agpuputol ng mga punongkahoy ay dapat iwasan

A ng pagyurak sa kagubatan ay tigilan

L inisan mga kanal, sapa at katubigan

I wasan din pagtatapon ng mga basura saan man

G awing kaaya-aya sa paningin ninoman

I tong kalikasan,tuwina’y pangalagaan

R esponsibilidad ng bawat isa’y laging tatandaan

A ko, ikaw,siya, tayo’y dapat maging sandigan

N ang ang kalinisan nitong kapaligiran ay patuloy na

Mapagmasdan
3
Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa binasang tula.

1. Ano ang paksa ng tulang inyong binasa?


2. Ano ang dapat mong taglayin upang mapangalagaan ang kalikasan?
3. Paano natin mapangangalagaan ang kagubatan at katubigan?
4. Ano ang dapat tandaan ng bawat isa na may kinalaman sa kapaligiran?
5. Ayon sa tula,sino-sino ang dapat maging sandigan upang mapanatili
ang kalinisan ng kapaligiran?

4
Ating tuklasin ang mga batas na pinaiiral sa bansa upang pangalagaan
at protektahan ang kapaligiran.

1. Republic Act 7586 - Kilala ito bilang National Integrated Protected


Areas System Act of 1992. Ang batas na ito ay kumikilala sa kritikal na
kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na
bayolohikal at pisikal na pagkakaiba-iba sa kapaligiran.

2. Republic Act 7942- Tinatawag na Philippine Mining Act of 1995.


Itinatakda ng batas na ito ang pagkilala sa lahat ng yamang mineral na
matatagpuan sa mga lupaing pampubliko.

3. Republic Act 9003- Ito ang Ecological Solid Waste Management Act
of 2003. Nagtatakda ito sa mga kinauukulan ng iba't ibang mga
pamamaraan upang makolekta at mapagbukod-bukod ang mga solid
waste sa bawat barangay.

4. Republic Act 8749- Tumutukoy ang batas na ito sa Philippine Clean


Air Act of 1999. Sa pamamagitan nito, itinataguyod ng estado ang
isang patakaran upang makamit ang balanse sa pagitan ng kaunlaran
at pangangalaga ng kalikasan.

5. Presidential Decree 1067- Ito ang Water Code of the Philippines o


PD 1067. Nilalayon ng batas na maitatag ang batayan sa
konserbasyon ng tubig.

6. Republic Act 9147 - Ito ay ang Wildlife Resource Conservation and


Protection Act. Ang batas na ito ay ukol sa konserbasyon at
444
5
proteksiyon ng maiilap na hayop at ng kanilang tiarahan na
mahahalaga upang mapaunlad ang ecological balance at ecological
diversity.

7. Republic Act 9275- Ito ay ang Philippine Clean Water Act of 2004.
Ang batas na ito ay para sa proteksiyon, preserbasyon at
pagpapanumbalik ng kalidad ng malinis na tubig dagat.

8. Presidential Decree 705 - Ang PD 705 o Revised Forestry Code ay


tungkol sa pagproprotekta, pagpapaunlad at rehabilitasyon ng mga
lupaing pangkagubatan at kakahuyan sa bansa.

Mga Tala sa Guro


Ipabasa sa mga mag-aaral ang tula at ipasagot sa sagutang papel
ang mga tanong sa ibaba upang matiyak na naunawaan nila ang
kanilang binasa.

444
6
Suriin

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang kwento.

Barangay Masagana
ni Mischelle S.Talastas

Matatagpuan sa tabing dagat sa lalawigan ng Bataan ang Barangay


Masagana. Payapang naninirahan ang mga tao dito. Ang bawat isa ay
nagtutulungan at nagkakaisa para sa ikakaunlad ng kanilang barangay.
Isang araw, isang kautusan o ordinansa ang inilunsad ng kanilang lugar
ukol sa wastong pangangalaga ng kapaligiran at katubigan. Ipinaliwanag na
ang pangunahing layunin ng nabanggit na mga ordinansa ang pagsawata sa
pagkalat ng basura lalo na ng plastic. Sa anti-littering drive, bawal ang
magtapon ng anomang uri ng basura sa katubigan at kalsada. May nakalaang
parusa sa mga mahuhuli at mapapatunayang lumabag.
Iba’t ibang paalaala rin ang nakapaskil sa paligid tulad nang bawal
magtapon ng basura maging pagsusunog nito. Nagbigay din ng mga gawain
ang kinauukulan kung paano muling mapasisigla ang paligid tulad nang
malawakang pagtatanim ng mga puno at tulong-tulong na pagpapanatili ng
kalinisan sa paligid, hangin at katubigan.
Ang bawat mamamayan ay nakiisa sa nasabing ordinansa na nagbunga
ng kalinisan at kaayusan sa Barangay Masagana.

7
Gawain 2
Panuto: ang larawan na nagpapakita ng pagsunod sa mga
simpleng batas ng pamayanan

8
C

9
Pagyamanin
Pang-isahang Gawain 1

Tulungan natin ang batang si Hannah upang matunton ang mga


kaibigang magtuturo sa kanya upang mapangalagaan ang kanyang
kapaligiran.

Panuto: Mula sa Brgy. Masagana, tulungan si Hannah na tuntunin ang


maze patungo sa mga kaaya-ayang gawain ng pangangalaga sa
kapaligiran. Isulat sa patlang ang mga gawaing ito.

10
1.

2.

3.

4.

5.

Pang -isahang Pagsusulit 1

Panuto: Sagutin ng TAMA O MALI ang mga sumusunod na


pangyayari.

1. Nakita mong may nagtapon ng kalat sa kalsada. Hinabol mo


sila at sinabihang pulutin ang kanilang kalat.

2. Ipinasara pansamantala ng barangay ang pabrika ni Gng.

Chua dahil sa mabahong usok na nanggagaling dito.

3. Walang mapagtapunan ng basura sila Billy. Pumunta siya sa

may patubig at doon itinapon ang kanilang basura.

4. Isinusulong ng mga kabataan ang Tree Planting Activity

upang madagdagan ang mga puno sa paligid.

5.Nagbubuga ng maitim na usok ang sasakyan nina G. Cruz


ngunit hinahayaan lamang nila ito.

11
Pang-isahang Gawain 2

Panuto: Mula sa Krossalita ay subukan mong hanapin, sa


anomang direksyon ang salita na tinutukoy sa bawat bilang.
Bilugan ang salita at pagkatapos ay isulat ito sa patlang nang
bawat bilang.

1. Mga bagay na hindi na kakailanganin at hindi na


nararapat gamitin.

2. Dapat gawin sa mga mga halaman sa paligid upang


sumigla at mabuhay.

3. Mga patakaran o alituntunin na dapat sundin upang


magkaroon ng kaayusan.

4. Ugaling dapat taglayin ninoman upang makasunod


sa tama at maiwasang gumawa ng masama.

5.Tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga


tahanan o establisimyento maging sa mga nakakalat sa paligid.

12
Pang-isahang Pagsusulit 2

Panuto: Pag-ugnayin ang mga batas na may kinalaman sa


pangangalaga ng kalikasan at ang mga kahulugan nito.

A B

___1. Republic Act No. 9275 a. Pagbubukod ng mga basura

___2. Presidential Decree No.705 b. Pag-aalaga ng likas na


bayo-lohikal at pisikal
___3. Republic Act 7586 c. Pagkilala sa mga yamang
Mineral
___4. Republic Act 7942 d.Para sa preserbasyon ng
malinis na tubig
___5. Republic Act 9003 e.Pagpapapaunlad ng
kagubatan

13
Pang-isahang Gawain 3

Panuto: Gamit ang Organizer, isulat ang limang (5) kahalagahan ng


pagsunod sa mga batas/ panuntunang pinaiiral tungkol sa
pangangalaga ng kapaligiran kahit walang nakakakita

Kahalagahan ng
pagsunod sa
batas/ panuntunan
ukol sa kapaligiran

1. Pagpapatupad ng pagbubukod-bukod ng basura ,


nabubulok at di nabubulok.

2.Pagbabawal sa pagsisiga ng mga basura lalo na mga


plastic at iba pang katulad nito.

14
3. Pagpapanatiling malinis ng hanging ating nalalanghap.

4. Pagtatapon ng mga patay na hayop sa patubig o


irigasyon.

5. Paglilinis ng mga kanal sa buong barangay.

15
Pang-isahang Pagsusulit 3

Panuto: Unawain ang mga sitwasyon. Isulat kung sang-ayon o di sang-


ayon sa bawat isa.

________1. Pagpapatupad ng pagbubukod-bukod ng basura , nabubulok


at di nabubulok.

________ 2.Pagbabawal sa pagsisiga ng mga basura lalo na mga plastic


at iba pang katulad nito.

________3. Pagpapanatiling malinis ng hanging ating nalalanghap.

________4. Pagtatapon ng mga patay na hayop sa patubig o irigasyon.

________5. Paglilinis ng mga kanal sa buong barangay.

Isaisip

Panuto: Isulat ang angkop na salita sa patlang upang mabuo ang


kaisipan. Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon.

Republic Act 9003 pagtatapon malasakit pagsisiga

konserbasyon Philippine Clean Air Act of 1999

Disiplina batas/ patakaran Solid waste Management

Nabubulok hindi nabubulok nagtatanim

16
Kay-inam manirahan sa isang malinis at kaaya-ayang
pamayanan. Makakamit ito kung ang mga taong naninirahan dito ay
may (1.)__________sa sarili at (2.) __________ sa kanyang kapwa at
kapaligiran Sumusunod sa mga (3.) na pinaiiral
kahit walang nakakakita. Pinanatiling malinis ang tahanan at
kapaligiran sa pamamagitan nang pagkakaroon nang mabisang pag-
aayos ng basura o (4.) _______. Naghihiwalay ng mga
basurang(5.)____________at (6.)__________na nakasaad sa
(7.)___________(Ecological Solid Waste Management Act of 2003).
Sa kabila ng pag-unlad na nararanasan , sinisikap na mapanatili ang
malinis na hangin gaya ng nakatakda sa (8.)
____________gayondin ang (9.) ng tubig.
Ang (10.) ______________at (11.) ng kalat sa
katubigan at mga daluyan nito ay iniiwasan. (12,)___________ng mga
puno at halaman upang muling sumigla ang paligid at malanghap ang
sariwang hangin.

17
Isagawa

Gawain 1
Ipagpalagay mo na ikaw ay mag-aaral na kinatawan ng
inyong paaralan na gaganap na bilang punongbayan. Maghanda
ng mga panukalang maaari mong ipahayag upang
mapangalagaan ang unti unting nasisirang kapaligiran dala ng
mga pagbabago at pag-unlad sa pamayanan.
Ano ang ipapanukala mo upang muling mapasigla at
mapagyabong ang inyong kapaligiran?
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

18
Rubriks sa pagbibigay ng Puntos
Pamantayan Puntos

Nakapagbigay ng lima (5) at higit pang panukala. 5

Nakapagbigay ng apat (4) na panukala. 4

Nakapagbigay ng tatlo (3) na panukala. 3

Nakapagbigay ng dalawa (2) na panukala. 2

Nakapagbigay ng isa (1) na panukala. 1

Hindi nakapagbigay ng panukala. 0

Tayahin
Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha ( ) kung ang pahayag

ay wasto at malungkot na mukha ( )kung hindi.

1. Nakikiisa ang bawat mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan ng


barangay Masagana sa pamamagitan nang paglilinis nang mga
dalampasigan at mga daluyang tubig.

2. Matapos ang malakas na pag-ulan at pagguho ng lupa, sinikap ng


pamilya ni Mang anton na unti-unting magtanim ng mga puno sa
kabundukan.

3. Dahil mahilig si Carmen sa mga halaman, kumuha siya nito sa parke


ng kanilang barangay kahit walang pahintulot ng namamahala at
itinanim sa kanilang bakuran.
19
4. May masamang epekto sa kalikasan at kalusugan ang pagsisiga
kaya iniiwasan ng pamilya ni Aling Nita ang gawaing ito.

5. Ayaw ni Tisay ng maruming bakuran kaya’t sama -samang inilagay


niya ito sa mga bakanteng sako.

20
Karagdagang Gawain
A. Panuto: Magtala ng apat (4) na positibong dulot ng pag-unlad sa
pamayanan at apat (4) na negatibong dulot nito sa kalikasan at
kapaligiran.

Positibo Negatibo

21
B. Panuto: Isulat kung ano ang maaari mong gawin sa mga
sumusunod na sitwasyon.

1. Kung nauubos na ang mga puno sa kagubatan, ano ang maari


mong gawin upang ito ay mabigyan ng pansin?

2. May cleanliness drive sa inyong pamayanan sa pangunguna ng


inyong kapitan. Ano ang maari mong gawin bilang pakikiisa dito?

3. Nakita mong pinagsasama-sama ng iyong kapatid ang mga


basura. Naalala mo ang proyektong inilunsad ng SPG sa paaralan
tungkol sa waste segregation. Ano ang gagawin mo?

4. Ang inyong kapitbahay ay nagsisiga ng mga basura sa kanilang


bakuran. Ano ang maaari mong gawin?

5. Umaamoy ang basurang inilagay ng pamilyang Cruz sa harap


ng kanilang tahanan. Araw ng Miyerkules ngayon at hindi araw ng
paghakot ng basura. Ano ang gagawin mo?

22
Susi sa Pagwawasto

23
24
Sanggunian:

https://quizlet.com/306153500/mga- batas-sa-pangangalaga-ng-kalikasan-
flash- cards/

25
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

16

You might also like