You are on page 1of 23

4

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Mungkahi Upang Mabawasan
ang Masamang Epekto Dulot ng
Kalamidad
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery ModeUnang Markahan – Modyul 9:
Mga Maungkahi Upang Mabawasan ang Masamang Epekto Dulot ng Kalamidad!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Reymund G. Reyes
Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, EPS in Charge of LRMS and ADM Coordinator
Ma. Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS in Charge of LRMS
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region

Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (08) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
4

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:

Mga Mungkahi Upang Mabawasan


ang Masamang Epekto Dulot ng
Kalamidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Mungkahi Upang Mabawasan
ang Masamang Epekto Dulot ng Kalamidad!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Mga Maungkahi Upang Mabawasan Ang Masamang Epekto
Dulot ng Kalamidad!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Kagamitan ng Mag-aaral sa Araling


Sanggunian
Panlipunan 4.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay naglalayon na


ikaw ay matulungang maging mahusay na mag-aaral tungkol sa mga pag-iingat na
dapat gawin kung may kalamidad. Ang modyul na ito ay gumamit ng iba’t-ibang
pamamaraan ng pagkatuto. Filipino ang wikang ginamit sa modyul na ito upang
lubos mong maunawaan ang mga paksang tatalakayin.

Ang mga aralin ay isinaayos alinsunod sa itinakdang batayan kasanayan sa


pagkatuto na itinuturing na pinakamahalaga sa “new normal” na kalagayan sa
kasalukuyan. Isinaalang-alang pa rin ang mga mithiin at layunin ng Kurikulum ng
K to 12.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:

• Aralin 1: Mga Mungkahi Upang Mabawasan ang Masamang


Epekto Dulot ng Kalamidad

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagmumungkahi ng mga


paraan upang mabawasan ang epektong dulot ng kalamidad.

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. Natutukoy sa hazard map ng Pilipinas ang mga lugar na
sensitibo sa panganib

2. Naiisa-isa ang mga kalamidad na nararanasan ng Pilipinas at ang epekto ng


mga ito sa buhay ng mga tao at sa bansa

3. Natatalakay ang mga pag-iingat/paghahanda na maaring sa oras ng


kalamidad

4. Nakakagawa ng sariling evacuation plan para sa kaligtasan ng pamilya.

5. Nakalalahok sa mga pagsasanay o dril para sa maagap at wastong


pagtugon kung may kalamidad

6. Naisasapuso ang kahalagahan ng mga mungkahi na dapat


isaalang-alang para sa kaligtasan ng sarili at ng pamilya.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.

1. Ano ang tawag sa lugar kung saan matatagpuan ang maraming aktibong
bulkan na sanhi ng madalas na paglindol na kinabibilangan ng Pilipinas?
A. Pacific Ring C. Pacific Ring of Ice
B. Pacific Ocean D. Pacific Ring of Fire

2. Anong ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa mga pagkilos ng


mga bulkan sa bansa?
A. PAGASA B. PHIVOLCS C. DENR D. DepEd

3. Aling mapa ang nagpapakita ng mga lugar na mapanganib sa baha,


bagyo, at storm surge?
A. Hazard map C. World map
B. Economic map D. Political map

4. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa kondisyon o kalagayan


ng panahon na dumaraan sa bansa bawat taon?
A. PAGASA B. Maynilad C. DENR D. DepEd

5. Ano ang tawag sa higit normal na pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat o


karagatan bunga ng paglindol?
A. storm surge B. baha C. tsunami D. flashflood

6. Aling ahensiya ang nangangasiwa sa mga pagsasanay para sa kaligtasan ng


bawat mamamayan sa ibat ibang uri ng kalamidad?
A. Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC)
B. Department of Social Welfare and Development
C. Department of Education
D. National Defense

7. Ano ang mainam gawin kung ikaw ay kasalukuyang nakararanas ng


paglindol?
A. Duck, relax and sit C. Hold, cover and duck
B. Duck, cover and hold D. Cover, duck and eat

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pakikibahagi at


pagsasanay upang maging handa at ligtas sa sakuna ang sinuman?
A. fancy drill C. fire drill
B. earthquake drill D. tsunami drill

9. Ano ang tawag sa di-pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o


karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo?
A. pagbaha B. tsunami C. storm surge D. landslide

10. Ilan aktibong bulkan mayroon ang Pilipinas?


A. 23 B. 22 C. 20 D. 24

2
Aralin Mga Mungkahi Upang
6 Mabawasan ang Masamang
Epekto Dulot ng Kalamidad
Ang Pilipinas ay isang malaking kapuluuan na matatagpuan sa bahagi ng Timog-
silangang Asya at kilala rin ito bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa estratehikong
lokasyon nito. Sa silangang bahagi nito matatagpuan ang karagatang Pasipiko, ang
pinakamalawak na karagatan sa mundo. Sa karagatang ito nagmumula ang mga
pinakamalalakas na bagyo na dumadating sa bansa at hindi rin maitatanggi na
ang lokasyon ng Pilipinas ay nasa bahagi ng tinatawag na “Pacific Ring of Fire”
kung saan nakahanay ang maraming aktibong bulkan at kung saan nagaganap
ang maraming paglindol.
Sa aralin na ito ay tatalakayin natin ang kahalagahan ng mga mungkahi upang
mabawasan ang masamang epekto dulot ng kalamidad. Ito ay napapanahon sa
ngayon sapagkat nakakaranas ang bansa ng mga hindi maiiwasang sakuna kapag
may kalamidad.

Balikan
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng anyong tubig?


A. lawa B. dagat C. bukal D. burol
2. Anong anyong lupa ang itinuturing na pinakamataas at may matulis na tuktok?
A. burol B. talampas C. bundok D. bulkan
3. Bakit mahalaga ang anyong tubig sa bansa?
A. Sapagkat nagiging sanhi ito ng panganib kapag sobrang ulan ang hatid.
B. Sapagkat nagbibigay ito ng kaayusan at kalinisan para sa kabutihan ng
lahat.
C. Sapagkat ang katubigan ay may hindi mabuting dulot sa mga puno
at halaman.
D. Sapagkat ito ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taong nakatira
malapit sa katubigan.
4. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular ng bansa?
A. napapaligiran ng mga dagat at karagatan
B. napapaligiran ng mga bansa sa Asya
C. kakikitaan ng maraming baybayin
D. mayaman sa yamang-dagat
5. Anong look ang kilala sa rehiyon ng Kalakhang Maynila na mainam na
daungan ng mga barko?
A. Look ng Maynila C. Look ng Pasay
B. Look ng Navotas D. Look ng Malabon

3
Mga Tala para sa Guro

Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan


ng mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatututo.
Binigyang pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan:
pakikipagtalastasan (Communication); pagtutulungan (Collaboration);
pagkamalihain (Creativity); mapanuring pag-iispin (Critical thinking); at
pagbuo ng pagkatao (Character building). Makikita rin ang modyul na ito
online. Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-
aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang upang matiyak na
nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instrukyon sa pagkatuto.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula nang may damdamin. Unawain ang mensahe ng tula.
Sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Kapit Lang, Kapatid!


Tula ni Jennefer J. Millan
Perlas ng Silanganan, ‘yan ang turing sa atin,
Magiliw, masayahin, mapagmahal man din.
Ngunit batid ba nila ang dinaranas natin?
Iba-ibang kalamidad, walang patid kung dumating.

Malakas na hangin, bubong mo’y halos liparin.


Bahang rumaragasa, takbuhan mo man wala kang kawala.
Maalog na lupa, hindi ka makapagtatago saanmang dako.
Bulkang nagwawala, animo’y walang patawad sa maysala.

Mahirap man unawain, sadyang ganito ang buhay natin.


Paulit-ulit mang mawalan, masaktan at masugatan.
Nakangiting pa ring hinaharap ang kinabukasan
Para sa pamilyang minamahal at iniingatan.

“Kapit lang, kapatid” yan lang ang kaya kong isambit


Sa dasal at pananalig, diringgin din tayo ng langit.
‘Pagkat ang Poong Maykapal lamang ang nakakaalam
Kung hanggang saan ang higpit ng iyong kapit.
“Kapit lang, kapatid”

4
Sagutin ang mga tanong.

1. Tungkol saan ang mensahe ng tula?


2. Ano-anong mga kalamidad ng tinukoy sa tula?
3. Anong bahagi ng tula ang iyong naibigan? Basahin mo ito nang malakas
at ipaliwanag kung bakit?
4. Anong kalamidad ang naranasan na ng inyong pamilya? Paano ninyo ito
hinarap bilang isang pamilya?

Suriin
BAGYO

Ang Pilipinas ay madalas makaranas ng mga malalakas na bagyo na sinusundan


ng pagbaha sa mga mabababang lugar. Mahigit dalawampung (20) bagyo sa loob
isang taon ang nararanasan ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration o (PAGASA).
Ang malakas na bagyo ay nakapagdudulot ng mga pagbaha, pagkasira ng mga
pananim, tirahan, at higit sa lahat ay hindi inaasahang pagtaas ng tubig dagat na
sanhi ng daluyong o storm surge – ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa
dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo.

Masdan ang larawan at sagutan ang mga pangunahing tanong sa ibaba.

https://www.facebook.com/BagyoSaPilipinas/
Mga tanong:
1. Ano ang napansin mo sa larawan? Anong kalamidad ito? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
2. Paano kaya nakakaapekto ang pangyayaring ito sa pamumuhay ng mga
nasalanta ng kalamidad at sa bansa?

May ilang paghahanda na inilalabas ang public storm warning para bigyan ang
publiko ng babala sa pagdating ng masamang panahon, lalo na tungkol sa lakas o
signal ng bagyo. Sa oras na maibigay ang Storm Signal, posibleng hindi pa
maramdaman sa nabanggit na lugar ang masamang lagay ng panahon. Nasa
ibaba ang palugit (lead time) na ibinibigay sa paglalabas ng isang Public Storm
Signal:

5
 Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 36 oras sa sandaling
mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 1.
 Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 24 oras sa sandaling
mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 2.
 Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 18 oras sa sandaling
mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 3.
 Inaasahan ang pagsama ng panahon sa loob ng 12 oras sa sandaling
mailabas ang Public Storm Warning Signal No. 4.

Nababawasan ang palugit kapag may bagong inilabas na ulat-panahon at walang


pagbabago sa Public Storm Signal Warning ng lugar. Habang kumikilos ang sama
ng panahon sa Philippine Area of Responsibility (PAR), maaaring itaas o ibaba
ang ibinigay na Public Storm Signal.

Ang signal number sa isang lugar ay nakabatay sa tindi, laki ng sirkulasyon,


direksiyon, at bilis ng isang bagyo sa sandaling inilabas ang isang Public Storm
Warning Signal. Nakabatay rin sa mga ito ang pagbabago ng Public Storm Warning
Signal ng isang lugar.

Ang Color-coded Rainfall Advisories ng PAG-ASA

Color-coded Rainfall Dami ng ulan Kahandaan


Yellow rainfall Ang itinataas kung Monitor
advisory inaasahang bubuhos ang Pinapayuhan maging
7.5 mm hanggang 15 mm alerto sa kundisyon ng
ng ulan sa susunod na ulan, at binibigyang-
isang oras, at inaasahan babala na maaaring
na magpapatuloy ito. bumaha sa mga
mabababang lugar.

Orange rainfall Ito naman ang itinataas sa Alert


advisory mga lugar na inaasahang Nagbabadya na ang baha
makakaranas ng 15 mm sa mga pamayanang ito.
hanggang 30 mm na
buhos ng ulan sa susunod
na isang oras.
Red rainfall advisory Nangyayari ito kung Evacuation
mahigit 30 mm ang ulan Inaasahan ang pagkilos
sa susunod na isang oras, at pagtugon ng mga
o kung tatlong oras nang pamayanan. Mapanganib
malakas ang ulan at na ang baha at dapat
umabot na sa 65 mm. nang maghandang
lumikas ang mga
residente tungo sa mas
ligtas na lugar.

6
Ang Pilipinas ay madalas makaranas ng mga malalakas na bagyo sa isang buong
taon dahil ang bagyo ay madalas nabubuo sa Karagatang Pasipiko. Sa ganitong
pagkakataon kailangang:

 Ihanda ang sarili at gumawa ng plano ng paglikas.


 Alamin kung ang lugar na tinitirhan ay madalas bumaha
upang makalikas agad
 Maghanda ng mga pagkain, damit, at medicine kit
 Tiyakin na matibay ang pundasyon ng bahay
 Makinig/manood sa mga balita sa telebisyon. radyo, at sa mga
social media.)

LINDOL

Ang Pilipinas ay bahagi na tinatawag na Pacific Ring of Fire. Ito ay isang lugar o
rehiyon kung saan nakalatag ang maraming aktibong bulkan at nagaganap ang
madalas na mga paglindol. Mayroong humigit kumulang na 24 aktibong bulkan na
makikita sa Pilipinas ayon ito sa pag – aaral na ginawa ng Philippine Institute of
Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang ahensiya ng pamahalaan na
namamahala sa pagkilos ng mga bulkan sa bansa. Makikita sa mapa na halos
napapalibutan ang bansa ng mga aktibo at inaktibong bulkan, ilan sa mga ito ay
matatagpuan sa ilalim ng mga karagatan.

Ang mapa sa ibaba ay nagpapakita ng mga lokasyon ng mga aktibong faults at


trenches sa Pilipinas kung kaya maiging pag-aaralang mabuti ang mga lugar na
mainam tirahan at upang maging ligtas sa oras ng sakuna.

Mapapansin sa mapa na napakaraming lugar sa bansa ang nasa


lokasyon ng aktibong fault lines. Madalas, ang lindol ay sanhi ng paggalaw
ng mga fault lines mula sa pagputok ng mga bulkan. Ang takdang lakas ng
lindol ay tinatawag na intensity. Ang intensity 3 ang pinakamalakas at
karaniwang nararamdaman natin. Kung mataas ang intensity ng lindol, ito
ay nagiging sanhi ng pagbagsak o pagguho ng mga gusali at pagbiyak ng
lupa.

7
https://www.google.com/search?q=phivolcs+philippine+map&rlz=1C1CHBD_enPH797PH797&sxsrf=ALeKk024tJroW9FfwL2vt0HmIM
SslJrEmw:1588764817374&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=NbB_U9nQg84R_M%253A%252Cd3KGcbriWdcTNM%252C_&vet=1&us
g=AI4_kQEfDIiijNlMSWoBDxwclyfVDXWPw&sa=X&ved=2ahUKEwiWu8iUkp_pAhVLBKYKHe73DVMQ9QEwCnoECAoQMQ#imgrc=9t
OE B7t M

8
https://iffmag.mdmpublishing.com/a-second-earthquake-of-6-5-magnitude-struck-the-southern-philippines-on-
tuesday-afternoon-while-15-people-were-killed-in-mondays-quake/

Maaaring makaranas ng landslide dulot ng mga paglindol. Upang maiwasan


ang sakunang dulot nito, makabubuti na makibahagi sa earthquake drill na
isinasagawa ng Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) sa mga
paaralan, pampubliko o pribadong tanggapan o opisina, mall, ospital at iba pa
sapagkat mainam ang maging ligtas at may alam.

https://www.philstar.com/headlines/2019/06/21/1928289/students-join-quake-drills

9
Narito ang mga dapat tandaan kung may mga panganib o sakuna upang
maging ligtas.

LINDOL
Habang lumilindol
 Pinapayuhan ang lahat na mag- Duck, cover, and hold
 Magtungo sa ilalim ng mesa at umiwas sa mga pader
 Magsuot ng hard hat o anumang matigas na bagay na maaring protektahan ang
sarili.
 Huwag magpanic at maging kalmado.

Pagkatapos ng lindol
 Lumayo sa mga puno, linya ng koryente, poste, o iba pang konkretong
estruktura.
 Umalis sa mga lugar na mataas na maaaring maapektuhan ng landslide o
pagguho ng lupa.
 Iwasan din ang paglapit sa tabing-dagat dahil sa badya ng tsunami

Ang banta ng tsunami ay epekto ng nagaganap na paglindol. Ito ay ang


madalas na pagtaas ng tubig sa normal na lebel.
TSUNAMI
 Kung nasa dalampasigan, pumunta sa isang mataas at ligtas na lugar
 Iwasan ang mga debris na nasa tubig; maaari itong magdala ng panganib sa
mga tao o alagang hayop
 Suriin ang iyong sarili kung may mga pinsala at humingi ng first aid. At kung
may taong nangangailangan ng saklolo, tumawag ng mga propesyonal na may
wastong kagamitan para tumulong.
 Manatiling kalmado at magdasal.

https://www.youtube.com/watch?v=D_OO4Y-zD9g

10
BAGYO

Bago ang bagyo

1. Tiyaking matibay ang bahay laban sa bagyo


2. Maghanda ng emergency kit at “survival go bag”
3. Subaybayan ang balita tungkol sa bagyo
4. Mag-imbak ng sapat na pagkain
5. Alamin kung saan puwedeng lumikas o gumawa ng emergency plan

Habang bumabagyo

1. Iwasang lumabas kapag hindi kailangan


2. Makinig /manood sa radyo, telebisyon at mga social media account tungkol
sa bagyo
3. Iwasang lumusong sa baha

PAGPUTOK NG BULKAN

Bago ang Pagputok


1. Maghanda ng emergency kit
2. Maghanda ng emergency action plan
3. Laging makipag-ugnayan sa barangay
4. Maghanda ng pagkain na hindi madaling masira at tubig

Habang Sumasabog
1. Lumikas sa ligtas na lugar
2. Magsuot ng facemask laban sa abo at usok mula sa bulkan
3. Isara ang mga bintana
4. Sumunod sa utos ng pamahalaan

11
Pagyamanin

Gawain 1: POST MO – AKSYON MO!


Panuto: Kopyahin ang tsart sa iyong kwaderno. Itala sa loob ng tsart ang mga
dapat tandaan para maging ligtas sa lindol.

Mga Dapat Tandaan Para Maging Ligtas sa Lindol

Habang lumilindol Pagkatapos ng lindol

__________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________

Gawain 2: Isulat Mo at Kulayan Natin


Panuto: Gumuhit ng larawan sa loob ng tsart, gamit ang PAGASA advisory
kung may bagyo at kulayan ito ayon sa color coded rainfall

Color-coded Larawan para sa Larawan para sa


Rainfall Dami ng ulan Kahandaan

Red rainfall

Orange rainfall

Yellow rainfall

12
Gawain 3: Halina at Sagutin Natin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at ipaliwanag. Isula ang iyong
sagot sa kwaderno.

1. Bakit mahalagang paghandaan ang pagdating ng mga kalamidad sa bansa?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang


masamang dulot ng kalamidad?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3.Paano maiiwasan ang masamang epekto dulot ng kalamidad?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isaisip

Ang Pilipinas ay bahagi ng tinatawag na Pacific Ring of Fire na may


malaking implikasyon sa mga tao
Ang lokasyon at katangiang pisikal ng Pilipinas ay nagdudulot ng iba’t ibang
kalamidad gaya ng pagputok ng bulkan, lindol, bagyo at ibang kalamidad na
nagdudulot ng panganib at hamon sa bansa at sa mga tao.
Ang PHIVOLCS ay ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa mga
pagkilos ng mga bulkan sa bansa.
Ang lindol ay isang biglaan, at mabilis na pag-uga ng lupa, na dulot ng
pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag
pinakakawalan nito ang puwersang naiipon sa mahabang panahon.
Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration o (PAGASA) ay ang ahensya ng pamahalaan na
nangangasiwa sa mga pag-uulat ng mga paparating na bagyo sa bansa.
Ang earthquake, fire, tsunami drill ay isinasagawa ng Disaster Risk
Reduction and Management Council (DRRMC) sa mga paaralan, pampubliko
o pribadong tanggapan o opisina, mall, ospital at iba pang establisyemento
para maging handa at ligtas ang mga tao sa oras ng kalamidad.
May talong na batayan ang PAGASA upang magbigay babala sa dami ng
ulan na dala ng mga bagyong pumapasok sa bansa tulad ng yellow rainfall
warning, orange rainfall warning, at red rainfall warning.

13
Isagawa

Gawain 4: SHOW MO, GUHIT MO


Panuto: Gumuhit ng isang simpleng evacuation plan ng inyong tirahan na
maaring magamit sa oras ng sakuna. Gawin ito sa isang malinis na bond paper.
Maaring magpatulong sa magulang o nakatatanda kasama sa bahay.

Evacuation Plan

Gawain 5: HEART TO HEART TAYO!


Panuto: Isulat sa loob ng hugis puso ang iyong nararamdaman kapag may
kalamidad na nararanasan at ano ang iyong dapat gawin upang maging ligtas ang
iyong sarili at pamilya.

14
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.

1. Ang mga sumusunod ay kabilang sa color coded rainfall warning. Alin ang hindi
kabilang sa pangkat?
A. orange rainfall C. blue rainfall
B. yellow rainfall D. red rainfall

2. Ano ang mainam gawin kung kasalukuyan mong nararanasan ang lindol?
A. Sleep, cover, and eat C. Duck, walk and hold
B. Duck, cover, and hold D. Hold, cover and run

3. Paano makaiiwas sa sakuna ng tsunami ang isang mag-aaral na tulad mo?


A. Hindi ako lalahok sa tsunami dril
B. Balewalain ang mga paala-ala ng pamahalaan
C. Maglaro at makipagkwentuhan sa mga kaklase.
D. Laging tandaan ang mga dapat gawin sa oras ng isang kalamidad.

4. Anong ahensya ng pamahalaan ang ngangasiwa sa pagtulong sa mga nasalanta


ng kalamidad?
A. PAGASA B. DSWD C. DENR D. PHIVOLCS

5. Anong kalamidad ang madalas nararanasan ng bansa?


A. bagyo B. storm surge C. lindol D. pagbaha

6. Ilan ang color coded rainfall warning mayroon ang PAGASA?


A. 3 B. 6 C. 5 D. 4

7. Bakit madalas makaranas ng lindol ang ilang lugar sa Pilipinas?


A. Dahil bahagi ito ng asya
B. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan.
C. Dahil napapalibutan ng anyong tubig ang bansa.
D. Dahil kabilang ang bansa na tinatawag na Pacific Ring of Fire.

8. Anong anyong tubig ang nasa gawing silangan ng Pilipinas na kung saan dito
nabubuo ang mga bagyong pumapasok sa bansa?
A. Karagatang Pasipiko C. Karagatang Artiko
B. Karagatang Atlantiko D. Dagat Celebes

9. Bakit nagkakaroon ng tsunami?


A. Dahil sa bagyo C. Dahil sa lindol
B. Dahil sa baha D. Dahil sa storm surge

10. Anong kulay ang may banta na kailangan na lumikas na ang mga tao?
A. green rainfall C. orange rainfall
B. yellow rainfall D. red rainfall

15
Karagdagang Gawain

Gawain 6: Iba ang May Alam!


Panuto: Kopyahin at sagutin ang tanong sa iyong kwaderno.

1. Ngayong napag-aralan mo ang mga mungkahi upang mabawasan ang


masamang epekto dulot ng kalamidad, bilang mag-aaral, ano-anong
paghahanda ang iyong gagawin?

2. Sa inyong paaralan, ano-anong paghahanda sa kalamidad ang inyong


isinasagawa? Paano ka nakikilahok dito?

3. Sa inyong komunidad ano-anong paghahanda sa kalamidad ang


isinasagawa? Maaring mag-interview ng pinuno sa inyong barangay o
magtanong sa iyong mga magulang o nakatatanda sa bahay.

16
Sanggunian

Mga Aklat

Adriano, Ma. Corazon V. et. al. 2015. Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral,
Pasig City: Vibal Group Inc.

Adriano, Ma. Corazon V. et. al. 2015. Araling Panlipunan Patnubay ng Guro, Pasig
City: Vibal Group Inc.

Internet

https://www.doh.gov.ph/node/19132
https://www.ready.gov/tl/node/3656
http://www.ndrrmc.gov.ph/

https://news.abs-cbn.com/life/09/02/17/listahan-mga-bagay-na-dapat-ihanda-
sakaling-may-sakuna
https://tl.earthquake-report.com/2017/12/19/be-tsunami-prepared-know-what-
to-do-before during-and-after/

17

You might also like