You are on page 1of 22

5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Pang-Ekonomikong Pamumuhay
ng mga Pilipino sa Panahong
Pre-kolonyal
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pang-Ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino
sa Panahong Pre-kolonyal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Paaralang Panglungsod ng


Lungsod Quezon, Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jenny B. Beltejar
Editor: Myrna C. Bermas
Tagasuri: Lord Ever S. Digan, Alda B. Nabor
Tagaguhit : ALAN A. LUCAS, RYAN CHRISTOPHER M. VILLALON
Tagalapat : BRIAN SPENCER B. REYES
Tagapamahala : JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS
FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
JUAN C. OBIERNA, Chief, CID
HEIDEE F. FERRER, EPS – LRMS
EDERLINA BALEÑA – EPS – Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office – Quezon City


Quezon City Local Government Unit

Department of Education
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Pang-Ekonomikong Pamumuhay
ng mga Pilipino sa Panahong
Pre-kolonyal

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pang-ekonomikong Pamumuhay ng
mga Pilipino sa Panahong Pre-kolonyal!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pang-ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-
kolonyal!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

i
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

ii
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Magandang araw mga bata! Kamusta ang inyong araw?

Sa module na ito ay matutunan natin ang mga kaalaman sa


kasanayang pagsusuri sa pang-ekonomikong pamumuhay ng
mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

1. mailalarawan ang pang-ekonomikong pamumuhay ng mga


Pilipino sa panahong pre-kolonyal
a. panloob at panlabas na kalakalan sa Pilipinas
b. uri ng kabuhayan;
2. matutukoy ang uri ng pang-ekonomikong pamumuhay ng
mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal;
3. mapahahalagahan ang mga pang-ekonomikong pamumuhay
ng mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal;
4. maihahambing ang mga pang-ekonomikong pamumuhay ng
mga Pilipino noon at ngayon;
5. makabubuo ng konklusyon tungkol sa mga pang-
ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino noon at nagyon;
6. makasusulat ng isang tulang pasasalamat sa mga ambag ng
mga sinaunang Filipino sa larangan ng uri ng pamumuhay.

Subukin

Tukuyin kung anong uri ng pamumuhay ang bawat paglalarawan sa


pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot. Isulat sa
hiwalay na papel ang sagot.

A.pangangaso B. paghahabi C. pagsasaka D. irigasyon

E. pangingisda F. pagtapyas sa lumang bato G. paggawa ng bangka

H. pag-iimbak I. pangangalakal J. pagpapalayok

1
_______1. Paraan ng paghahanapbuhay na kung saan isinasagawa ito sa ilog,
dagat at karagatan.

________2. Paraan kung saan nilala ang mga bagay na maaring maging banig,
bag at iba pa.

________3. Paraan ng paghahanapbuhay na kung saan ang mga tao ay


nagtatanim nag palay.

________4. Ginagamit na pamamaraan sa pagpapatubig ng sakahan.

________5. Ginagamitan ito ng busog at palasa upang makahuli ng hayop sa


kagubatan
_______6. Ginagawa nila ito upang makabuo ng mga lutuan at imbakan

________7. Isinagawa ng mga taong nasa panahon ng Metal upang


magkaroon ng palitan ng produkto.

________8. Makalumang paraan ng pagpapatagal ng kanilang pagkain.

________9. Pamamaraan nila kalaunana upang magkaroon ng masasakyan


kapag mangingisda.

________10. Sa panahon ng lumang bato isa ito sa mga naging paraan nila
upang magamit sa loob ng kweba.

Kamusta ang paunang pagsasanay? Maari mo nang iwasto ang iyong


sagot batay sa susi ng pagwawasto na ibibigay ng iyong guro sa
aralin.

Kung ikaw ay nakakuha ng perpektong iskor ibig sabihin ay may kaalaman


ka na sa ating aralin. Ngunit ikaw ay inaanyayahang magpatuloy upang
mapalalim ang iyong kalaaman sa araling ito upang mapayabong ang iyong
kaalaman.

Kung ikaw naman ay nakakakuha ng mababang iskor, huwag mag-alala


dahil ang modyul na ito ang siyang tutulong sa iyo upang magkaroon ng
sapat na kaalaman tungkol sa wastong gamit ng mga simbolo sa mapa,
globo at lokasyon ng ating bansa batay sa ating kasaysayan.

2
Aralin Pang-ekonomikong Pamumuhay
ng mga Pilipino sa Panahong
5 Pre-Kolonyal

Ang kapuluan ng Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ang


kapaligiran nito ay nagtataglay ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na
nagbibigay ng kabuhayan sa mga naninirahan dito. Ang mga sinaunang
Pilipino ay natutong makiangkop sa kanilang mga kapaligiran. Sa kanilang
pagtatag ng kanilang permanenteng mga tirahan, natutunan nilang humanap
ng paraan ng kanilang pamumuhay na nagbigay daan sa pang-ekonomikong
pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal!

Balikan

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Tama kung
wasto ang isinasaad at Mali kung hindi. Tukuyin ang salitang nagpamali at
bilugan ito. Gawin ang gawaing ito sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
____________1. Sa panahong bato natutunan ng mga makabagong tao ang paggamit
ng mga kasangkapang bato.

____________2. Ang mga Taong Tabon ay nanirahan sa mga tabi ng ilog at gumamit
ng mga tinapyas na kasangkapan.

____________3. Sa panahong Metal napaghusay ng mga tao ang kanilang


kasangkapan tulad ng may talim na sibat, kampit gulok at kutsilyo.

____________4. Sa panahong Neolitiko hinasa na nila ang magaspang na mga


kasangkapang bato at natutong paunlarin ang buhay.

____________5. Sa panahong bagong bato naging sedentaryo o permanente na ang


kanilang bahay.

____________6. Nagkaroon narin ng pagsasaka, pangingisda at paghahabi sa


panahon ng lumang bato.

____________7. Natutunan narin ng mga tao sa panahon ng bagong bato ang


pagkakaroon ng irigasyon sa pagsasaka.

____________8. Natutunan sa panahon ng lumang bato ang paghahabi ng mga


kagamitan sa bahay.

____________9. Pinaniniwalaan na ang tanso ay maaring mamina sa kabundukan.

3
____________10. Ang pag-unlad ng pamamaraan ng pamumuhay ay nagpapakita ng
teknolohiya.

Tuklasin

Bago tayo magpatuloy isaalang-alang natin ang mga sumusunod na


mahahalagang salita at ang kahulugan nito.

Pang- Ekonomikong Kabuhayan - tumutukoy sa trabaho o pamamaraan


kung paano matutugunan ang pangangailangan ng isang pamayanan.

Kabuhayang Agrikultural

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Filipino noon dahil dito ay


nagkaroon ng dalawang paraan ng pagsasaka.

1. Pagkakaingin- pagsasaka sa pamamagitan ng pagsusunog nito. Palay,


niyog tubo, at saging ang ilan sa halimbawa sa kanilang pananim.
2. Pagbubungkal ng lupa
Ang pagsasaka sa pamamagitan ng pagbubungkal ng lupa. palay niyog, tubo
at saging ang ilan sa mga halimbawa ng kanilang pananim. Gumagamit din
sila ng irigasyon o patubig upang dumami ang kanilang ani.

Pagmamay-ari ng Lupa

May mga lupain na nakalaan para sa kapakinabangan ng mga maginoo o


pamilya ng datu. Mayroon din naming lugar na pagmamay-ari ng buong barangay
tulad ng kakahuyan, lupang pansakahan at katubigan.

Komunal ang tawag sa lupang kapakinabangan ng lahat ng nasa barangay. Upang


ipagpaalam na may nagmamay-ari o ginagamit na nila ang lupa y nilalagyan nila ito
ng pananda tulad nalang ng pagbaon dito ng kahoy. Ang lupang pagmamay-ari
naman ng pamilya ay ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay. Dahil sa kapaki-
pakinabang ang pagiging insular ng Pilipinas.

Dahil sa katubigang nakapaligid sa kapuluan ay naging pangunahing kabuhayan


din nila ang pangingisda.

4
Lambat, bingwit, basket at lason ang mga pangunahing kagamitan nila sa
pangingisda.ang lason na kanilang ginagamit ay mula sa katas ng ugat at dahon ng
halaman. Naninisid din sila ng mga perlas.

Paghahayupan

Nag-alaga rin ng hayop tulad ng baboy, kalabaw, manok at kambing. Ayon sa


historyador na si Teodoro Agoncillo maaring nag-alaga din ng mga elepante ang mga
sinaunang Filipino.

Pangangaso

Nangaso rin sila gamit ang mga bitag o patibong, tulad ng mga hukay, upang
makahuli ng mga malalaking hayop.

Pagmimina

Nagkaroon din ng pagmimina na isang gawaing pang ekonomiko, sa Visayas


isinasagawa ang tinatawag na placer mining o pagmimina sa batis gamit ang kahoy
na kawali at kahoy na batyon ayon sa historyador nasi William Henry Scott.

Mga Industriya

Nabuhay ang industriya ng pagpapalayok, paghahabi, paggawa ng


sasakyang-pandagat at iba pa. Sa Visayas, kababaihan ang mga gumagawa ng
palayok gamit ang anvil - ang –paddle technique o paggamit ng patpat at sangkalan
sa paghubog ng luwad. Ang nabuong palayok ay masinsinang pinapatuyo sa araw
nang walang huron , nakagawa sila rito ng palayok para sa pagluluto at balanga na
lalagyan ng tubig at dulang isang malaking plato. May palayok din na ginagamit
bilang imbakan ng pagkain at sisidlan ng mga buto ng kanilang yumao.

Gumagamit din sila ng habihang gawa sa kahoy sa paghahabi ng tela tulad


ng sinamay na mula sa abaka at ang tinatawag na merindeque na mula sa saging o
abaca.

Pakikipagkalakalan

Nagkaroon ng palitan ng produkto dahil sa kanilang pangangailangan


isinasagawa ito sa ibang barangay at s apaglipas ng panahon ay sa mga karatig
luggar sa timog-Silangang Asya. Ang palitan ng produktong ito ay tinatawag na
sistemang barter. Naging sentro ng kalakalan ang mga malilit na barangay.

5
Kalimitan, palay, isda, kopra, niyog, torso at ginto ang kanilang kalakal. Napalawig
itong kalakalan hanggang sa dumating ang mga dayuhang mangangalakal.
Nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa mga taga- India, China at mga Arab. Ang mga
produktong mula sa India ay kristal, abaloryo, at mga kasangkapang gawa sa metal.
Samantalang tapayan, salamin, timbangan at jade naman sa China.

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa hiwalay na papel ang
iyong sagot.

1. Ano ang pangunahing hanap buhay ng mga Filipino sa panahon ng Pre-


kolonyal?
2. Paano nila pinalago ang mga gawaing pang-ekonomiya nila noon?
3. Ano-ano ang mga pang-agrikulturang kabuhayan noong panahon ng
pre-kolonyal?
4. Paano nagkakaiba ang pang-agrikulturang kabuhayan noon at
ngayon?
5. Ano- ano ang mga kabuhayang pang industriya mayroon ang mga
sinaunang Filipino noon? Paano nila ito pinapaunlad?
6. Paano nagkakaiba ang pang-industriyang kabuhayan noon at ngayon?
7. Ano-ano ang pamamaraang pangkalakalan noon?
8. Paano nila ito isinasagawa?
9. Kanino unang nakipagkalakalan ang ating mga sinaunnag Filipino?
10.Ano ang naging kontribusyon ng sinaunang kabuhayang Filipino sa
pagbuo ng ating kabihasnan?

Pagyamanin

Gawain 1

Mula sa mga pahayag ay subukan mong buuin ang mga salita/salita, na tinutukoy
sa bawat bilang. Isulat ang iyon sagot sa hiwalay na papel.

6
1. Ito ang pangunahing paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang
Filipino.

2. Sistemang naitatag sa pakikipagkalakalan sa mga karatig Timog-


Silangang bansa ng Pilipinas.

3. Ito ay isang paraan ng paggawa ng palayok na tinatawag na


_____________ technique o paggamit ng patpat at sangkalan sa
paghubog ng luwad.

4. Isang gawaing pang-ekonomiko na nangangailangan ng kahoy at batya


upang makakuha ng mga mahalagang mineral.

5. Ito ay isang paraan ng pamumuhay kung saan naglalagay sila ng


patibong.

Gawain 2
Panuto: Isulat ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang taong
nanirahan sa mga kapaligirang inilalarawan sa ibaba. Isulat ang sagot sa hiwalay
na papel
.
1. Malalawak at matatabang lupa sa kapatagan

2. Mga lawa at ilog na sagana sa mga isda

3. Malalawak na damuhan

4. Kagubatang maraming malaking puno

5. Kabundukan at burol na sagana sa mineral

Gawain 3: Kilalanin Mo Ako!

7
Tukuyin ang mga pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-
kolonyal. Pagtambalin ang bawat larawan sa kanikanilang pangalan na nasa ibaba. Magbigay
ka rin ng isang salita na maglalarawan sa larawan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. 2.

Industriya

3. Pakikipagkalakalan 4.

Kabuhayang Agrikultural

Gawain 4: “Venn Diagram”

Ibigay ang pagkakaiba o pagkakapareho ng mga uri ng pamumuhay noon at


ngayon sa pamamagitan ng Venn Diagram. Ilagay ito sa papel.

Uri Pamumuhay Noon Uri ng Pamumuhay Ngayon

8
Isaisip

Nalaman mo na ba kung ano ang mga pang-ekonomikong pamumuhay mayroon


ang ating mga sinaunang Pilipino noon? Kung gayon, sagutin mo ang mga tanong
na nasa kahon sa ibaba upang makabuo ka ng isang makabuluhang balangkas.
Kung handa ka na, simulan mo na! Sundan mo ang direksyon ng pananda. Isulat
sa papel ang iyong sagot.

Ang mga halimbawa ng mga pang


Ito ay nanahati
agrikulturang gawain ay
s sa tatlo ito ang
____________,____________,__________ sa
Mga Pang- indusrtriya naman ay
Ekonomikong
1.
____________,_________,____________,___
Pamumuhay ng mga
2. ______________ ,paggawa ng Bangka at
Sinaunang Filipino
paghahabi.Samantalang ang
3.
Pakikipagkalakalan ay
____________,______________ sa mga
bansang nasa Timog-Silangang Asya.

Isagawa

Gawain 1: “DAMDAMIN MO, ISULAT MO!”

Ano ang iyong saloobin o damdamin sa mga sumusunod na katanungan? Ilagay ang
iyong kasagutan sa loob ng “speech balloon”. Gawin ito sa hiwalay na papel.

1. Paano mo ipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga ginawang


pagtuklas o pamamaraan ng pamumuhay ng mga Filipino noon?

9
2. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawang pakikipagkalakalan ng mga
sinaunang Filipino sa mga kalapit bansa nila? Bakit?

Gawain 2: IGUHIT MO!

Sa gawaing ito mabibigyan mo ng halaga ang mga pamaraan ng pamumuhay


mayroon ang mga sinaungng Pilipino. Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa ginawa ng mga sinaunang Filipino. Gawin ito sa bondpaper o
papel.

10
Gawain 3: Tula ng Pasasalamat

Ngayon ay bumuo ka ng tulang pasasalamat tungkol sa ginawa ng mga


sinaunang Pilipino na hanggang sa ngayon ay nagagamit at nagpasalinsalin sa ating
henerasyon. Sa gawaing ito, mabibigyan mong halaga ang kanilang naggawa para sa
ating bansa. Gawin ito sa papel.

_______________________________

Pamagat

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Gawain 4

Ipaliwanag kung paano nakatulong ang pagsibol ng kaalaman o teknolohiya sa


pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Isulat sa hiwalay na papel ang inyong
mga sagot.

Larangan ng
Agrikultura

Larangan ng
Industriya

Larangan ng
Kalakalan

11
Tayahin

Subukin natin ang iyong kaalaman. Piliin ang letra ng tamang sagot. Ilagay sa papel ang
iyong sagot.

1. Paano nilinang ng mga Filipino ang kanilang mga lupaing pansakahan?


A. Nagtayo sila rito ng mga paaralan at palengke .
B. Binungkal nila ito at tinaniman ng palay, mais at iba pang halaman.
C. Ibenenta sa mga karatig –bansang mangangalakal.
D. Pinabayaan nalang munang walang tanim.
2. Paano nagkaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga karatig-bansa sa Timog-
Silangang Asya ?
A. Sa pamamagitan ng pagpunta sa ibang bansa.
B. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga produkto sa ibang bansa.
C. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng produkto ng mga karatig-bansa.
D. Sa pamamagitan ng online selling.
3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ang ng gawaing pang industriya?
A. pag-aalaga ng mga hayop C. paghahabi ng tela
B. pangingisda sa karagatan D.
4. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan at kagamitan sa pangingisda ang
nagdadala ng kapahamakan at pagkasira ng ating kalikasaan?
A. lambat C. basket
B. bingwit D. lason
5. Alin sa mga sumusunod ang dulot ng kaalaman at patuloy na paglinang sa
agrikultura ang sa ngayon ay ginagamit pa rin ?
A. pagkakaingin C. pagsusunog
B. pagbubungkal D. irigasyon
6.Paano tumatagal ang mga pagkain ng mga sinaunang Filipino?
A. pag-iimbak C. pagsusunog
B. paghahabi D. pagpririto
7. Bakit nilisan ng mga sinaunang Filipino ang yungib na kanilang unang tirahan?
A. Dahil mapanganib ito sa kanila
B. Dahil nakahanap sila ng mas maunlad na pamaamraan ng kanilang
pamumuhay
C. Dahil marami sa kanila ay nahihirapang matulog sa loob ng yungib
D. Dahil mas magkakaroon sila ng kalayaan sa labas ng yungib
8. Kung ating susuriin ang naging pamumuhay ng mga sinaunang Filipino ito ay
sumasalamin ng ________.
A. paghihirap C. pagkakaisa
B. pag-unlad D. pagmamahalan
9. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pamumuhay kung sila ay nakatira sa
kapatagan?
A. pagsasaka C. pangangaso
B. pangingisda D. pagmimina
10. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa kanilang pangangalakal?
A. palitan ng produkto C. palitan ng alipin
B. palitan ng pera D. palitan ng tirahan

12
Karagdagang Gawain

Gawain 1

Magsaliksik ng mga pang-ekonomikong pamumuhay mayroon tayo


ngayon at ilahad ang pagkakatulad o pagkakaiba nito sa pamumuhay ng
mga Pilipino noon. Ilagay ito sa papel.

Gawain 2

Magsagawa ng interbyu sa inyong mga lolo at lola. Hingin ang


kanilang naging karanasan sa iba’t ibang uri na pamumuhay noon at
ihambing ito sa kasalukuyan.

13
14 Tayahin
1. A 6. A
2. C 7. B
3. C 8. B
4. D 9. A
5. D 10. A
Pagyamanin Pagyamanin
Pagyamanin
Gawain 3 Gawain 2
Gawain 1
1. Industriya 1. Pagsasaka
2. Pakikipagkal 6. Pagsasaka
2. pangingisd
akalan 7. Barter
a
3. Industriya 8. Paddle
3. paghahayo
4. Kabuhayang 9. Pagmimina
p
Agrulikultur 10. Pangangas
4. pangangas
al o
o
Balikan Subukin
1. Mali-makabago 1. E
2. Mali-tabi ng ilog 2. B
3. Tama 3. C
4. Tama 4. D
5. Mali-sedentaryo 5. A
6. Mali-pagsasaka,paghahabi at pangingisda 6. J
7. Tama 7. I
8. Mali-paghahabi 8. H
9. Tama 9. G
10.Tama 10. F
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Zenaida Z. Agbon ,Ephesians Publishing Inc. Bansang Pilipinas Lahing Pilipino 4

Ma. Annalyn P. Gabuat,


Michael M. Mercado
Mary Dorothy dL. Jose
Pilipinas Bilang Isang Bansa,Vibal Publishing Incorporation, Araling Panlipunan 5

15
16

You might also like