You are on page 1of 36

Quarter 3 Week 5

Pagtalakay sa nakaraang aralin

Mga Pagbabagong
Pangkultura sa Ilalim
ng Kolonyalismong
Espanyol
Sagutin ang mga tanong:

1. Relihiyong pamana ng mga


Espanyol sa mga Pilipino.

a. Kristiyanismo
b. Paganismo
c. Muslim
d. Protestante
2. Ang mga paaralan ay eksklusibo lamang sa
kanila.

a. Mga kababaihan
b. Mga kalalakihan
c. Mga bata
d. Mga Espanyol
3. Dito hinango ang mga pangalan ng lugar at
apelyido ng mga tao.

a. Mga Santo at Patron


b. Mga kilalang tao sa lipunan
c. Mga datu
d. Mga Espanyol
4. Isang uri ng tirahan na malaki at matibay na
naging simbolo ng antas ng pamumuhay ng
isang pamilya.
a. Munisipyo
b. Tahanang yari sa pawid
c. Bahay na bato
d. Simbahan
5. Unang aklat na naglalaman ng mga dasal na
isinalin sa wikang tagalog.

a. Bibliya
b. Mahal na araw
c. Doctrina Christiana
d. ladino
Quarter 3 Week 5

Mga Tangkang
Pananakop sa mga
Katutubong Pangkat
Pamantayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng


mga Pilipino sa pagusbong ng
Nasyonalismong Pilipino.

Mga tangkang pananakop sa mga katutubo


Mga Pangkat na Hindi Napasailalim sa mga
Espanyol

1. Ang mga Igorot sa Cordillera


Mga Dahilan ng Pananakop sa Cordillera

A. Pananakop sa mga Igorot dahil sa


ginto
Hangad ng mga Espanyol na makuha
ang mga deposito ng ginto sa Cordillera.
Natuklasan nila ito mula kay Miguel Lopez
de Legaspi. Ang mina ng ginto sa
Cordillera na ayon sa balita ay dinadala ng
mga Igorot sa Ilocos. Naging maigting ang
paghahanap ng ginto upang matustusan
ang pangangailangan ng Spain sa
digmaan.
Noong 1624, tuluyang ipinahinto ang
paghahanap ng mina ng ginto sa Cordillera
dahil napagalamang mababang kalidad
lamang ng ginto ang nanggagaling dito.
B. Pananakop sa mga Igorot dahil sa
Kristiyanismo
Ninais ng mga Espanyol na
mabura ang sinaunang relihiyon
ng mga Igorot at baguhin ang
kanilang pamumuhay ayon sa
pamantayan ng mga Espanyol.

Ipinadala dito ang mga


Dominikano at Augustiniano
upang gawing Kristiyano ang
mga Igorot.
Mahigpit na tinutulan ng mga
Igorot ang tangkang binyagan
sila sa Kristiyanismo.
Hindi naging matagumpay
ang misyon dahil sa mahirap
itong puntahan ng madalas ang
bulubundukin ng Cordillera .
Kakulangan ng misyonero.
Mahirap lupigin ang mga
mandirigmang Igorot dahil
kabisado nila ang pasikot-sikot
sa kabundukan.
B. Pananakop sa mga Igorot dahil sa
Monopolyo sa Tabako
` Sa ilalim ng monopolyo, lahat
ng maaaning tabako ng mga Igorot
ay bukod tanging sa pamahalaang
kolonyal dapat ibenta.
May mga hinirang na kinatawan
ang pamahalaan na siyang may
karapatang bumili ng mga
produkto.
Gayunpaman, hindi ito sinunod
ng mga Igorot na patuloy na
nagbebenta ng tabako nang
patago sa ibang mangangalakal.
` Iba’t ibang patakaran ang ipinatupad ng
mga namumunong Espanyol upang
mabantayan ang mga Igorot .
Ngunit katulad din sa mga naunang
patakarang ipinatupad hindi muling
nagtagumpay ang mga Espanyol na masakop
ang mga Igorot.
Dahil dito, tinagurian sila ng historyador na
si William Henry Scott bilang tribus
independientes o “tribong malaya”
Iba’t Ibang Tugon ng
mga Katutubo sa
Kolonyalismong
Espanyol
Iba’t Ibang Tugon ng mga Katutubo sa
Kolonyalismong Espanyol
Reaksyon Mga Pangyayari
1. Pagsuway ng mga - Hindi pagsunod ng mga Igorot
Igorot sa patakarang sa patakaran ng monopolyo
Espanyol ng tabako
- Pagbenta ng mga tabako sa
ibang mangangalakal maliban
sa mga hinirang ng
pamahalaang Espanyol
- Hindi pangingilag sa kabila ng
pagtatatag ng pamahalaang
militar sa Cordillera.
Iba’t Ibang Tugon ng mga Katutubo sa
Kolonyalismong Espanyol
Reaksyon Mga Pangyayari
2. Pangangayaw ng - Ang pangangayaw o headhunting
mga Igorot ay isang tradisyon ng mga Igorot
ng pakikidigma at pagpugot sa
kaaway.
- Kinatatakutan ang tradisyong ito ng
mga misyonerong prayle sa
Cordillera, kung kaya’t nilisan nila
ang lugar - dahilan upang hindi
matagumpay na napalaganap ang
Kristiyanismo sa mga katutubo.
Mga Pangkat na Hindi Napasailalim sa mga
Espanyol

1. Ang mga Muslim sa Mindanao


Mga Muslim sa Mindanao
Ang mga Muslim ng Mindanao ay
buong tapang na ipinagtanggol ang
kanilang kalayaan sa ngalan ng
kanilang pananampalatayang Islam.
Tanging kay Allah sumusuko ang
mga Muslim.

Naging napakalaking hamon para sa


mga Espanyol ang angking tapang at
husay sa pakikipaglaban ng mga
Pilipinong Muslim sa Mindanao.
Tatlong Sultanato ng Mindanao
Sultanato Teritoryong Sakop
Sultanato ng Jolo, Tawi-Tawi , Cagayan De Oro,
Sulu Basilan
Sultanato ng Mga pamayanan sa mababang bahagi
Maguindanao ng Pulangi River hanggang Sibugay
Bay at Illana

Sultanato ng Mga pamayanan sa mataas na bahagi


Buayan ng lambak ng Pulangi River at bahagi
ng Talayan sa Maguindanao.
Ang mga Sultanato ay may aktibong
ugnayang pangkalakalan sa bawat isa at sa
mga karatig sultanato sa Timog-Silangang
Asya. Nabibigkis din sila ng kasunduang
ipagtanggol ang bawat isa sa oras ng
kagipitan. Upang maging ganap na lehitimo
ang pagsakop nila sa buong Pilipinas,
noong 1571 ay sinimulan ng mga Espanyol
ang tangkang pagsakop sa Mindanao. Dahil
dito nagsimula ang Digmaang Moro.
Iba’t Ibang Tugon ng mga Katutubo sa
Kolonyalismong Espanyol
Reaksyon Mga Pangyayari
1. Pakikidigma ng - Inilunsad ang anim na
mga Muslim Moro War sa pagitan ng
ika-16 at ika-19 na siglo.
- Noong ika-17 siglo,
nagkaroon ng mabuting
ugnayan ang mga
sultanato ng Sulu at
Maguindanao
Iba’t Ibang Tugon ng mga Katutubo sa
Kolonyalismong Espanyol
Reaksyon Mga Pangyayari
1. Pakikidigma ng mga - Sa pamumuno ni Sultan
Muslim Kudarat ay inilunsad ang
kauna-unahang jihad o banal
na digmaan laban sa mga
Espanyol

- Bunga ng Jihad, nilisan ng mga


Espanyol ang Mindanao at
itinuon na lamang ang kanilang
misyon sa Luzon.
Malaki ang naging impluwensiya ng
kolonyalismong Espanyol sa pagbuo ng bansa at
pagkakakilanlan ng mga Pilipino . Bilang isang
arkipelago, isang hamon ang ipasailalim sa isang
sentralisadong pamamahala ang hiwa-hiwalay na
kaharian ng Pilipinas. Dahil sa pwersahang
pagsakop ng mga Espanyol, napabilis ang
pagkakaisa ng magkakahiwalay na kaharian upang
labanan ang mga dayuhang mananakop.
Pinagbuklod sila ng nag-iisang karanasan sa ilalim
ng mga Espanyol na siyang gumising sa kanilang
damdaming makabayan.
Piliin sa kahon ang salitang tinutukoy sa bawat
bilang.

Igorot Muslim Jihad


Kristiyanismo Digmaang Moro

______1.Mga katutubong pangkat na


naninirahan sa Cordillera
Piliin sa kahon ang salitang tinutukoy sa bawat
bilang.

Igorot Muslim Jihad


Kristiyanismo Digmaang Moro

______2. Banal na digmaan laban sa mga


Espanyol
Piliin sa kahon ang salitang tinutukoy sa bawat
bilang.

Igorot Muslim Jihad


Kristiyanismo Digmaang Moro

______3. Relihiyong ginamit ng mga


Espanyol upang madaling masakop ang
Pilipinas.
Piliin sa kahon ang salitang tinutukoy sa bawat
bilang.

Igorot Muslim Jihad


Kristiyanismo Digmaang Moro

______4. Digmaan sa pagitan ng mga


Muslim at mga Espanyol.
Piliin sa kahon ang salitang tinutukoy sa bawat
bilang.

Igorot Muslim Jihad


Kristiyanismo Digmaang Moro

______5. Pangkat ng mga tao na


tumatalima sa relihiyong Islam.

You might also like