You are on page 1of 37

ARALING PANLIPUNAN

QUARTER 1 – MODULE 7
Sinaunang Kabihasnang Asyano:
Ang Pagkabuo ng Lipunan at
Pagkakakilanlang Pilipino
MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)

Napahahalagahan ang kontribusyon ng sinaunang


kabihasnang Asyano sa pagkabuo ng lipunan at
pagkakakilanlang Pilipino

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul


na ito, ikaw ay inaasahang:
1. masasabi kung ano ano ang kontribusyon ng sinaunang
kabihasnang Asyano
2. maipapaliwanag at matutukoy ang mga paniniwala ng mga
Muslim.
Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo
ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino

Ang kabihasnan o sibilisasyon


ay isang yugto ng ating
kasaysayan kung saan ang mga
tao ay may mataas na kaalaman
sa mga bagay-bagay katulad ng
agham at matematika.
Maunlad na ang pamumuhay ng
mga Pilipino bago pa man
dumating ang mga Espanyol. May
mga pamayanan nang naninirahan
sa iba’t ibang bahagi ng bansa
noon. Bagamat magkakahiwalay
ang kanilang mga panahanan may
Sinaunang Sibilisasyon
pagkakatulad pa rin batay sa
kultura.
Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo
ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino

Ang sinaunang kalalakihang


Pilipino ay nagsuot ng pantaas na
damit na tinawag na kanggan
( kangan). Ang kangan na pula
ay para sa datu at asul o itim para
sa mas mababa ang katayuan sa
datu. Bahag naman ang kanilang
pang-ibabang kasuotan.
Binalutan din nila ng putong ang
kanilang ulo. Pulang putong ang
suot ng mga taong nakapaslang
ng isang tao samantalang ang
Pananamit at Palamuti nakapaslang ng pitong tao ay
nagsusuot ng burdadong putong.
Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo
ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino
Sa kababaihan, baro ang kanilang pang-
itaas na kasuotan at maluwag na palda na
tinawag na saya ng mga Tagalog at
patadyong ng mga Bisaya. Karaniwan
silang nagsusuot ng pula o puting tapis sa
baywang.
Kadalasang gawa sa ginto ang palamuting
isinusuot ng kababaihan at kalalakihang
Pilipino. Pomaras ang tawag sa isang
alahas na hugis rosas at ganbanes naman
ang tawag sa gintong pulseras na isinuot
nila sa kanilang braso at binti. Ang
kababaihan at kalalakihang Bisaya ay
hanggang apat na pares ng gintong hikaw
ang gamit nila. Gumamit din sila ng ginto
upang palamutian ang kanilang ngipin.
Tinawag nilang pintados ang mga
Baro at Patadyong katutubong puno ng tato ang katawan.
Kaugalian sa Pagpapangalan

Karaniwang ang mga ina ang nagbibigay ng


pangalan sa kanilang mga anak. Ang mga
pangalan noon ay nakabatay sa isang partikular
na pangyayari tulad ng pangalang “ Maliuag”
na nangangahulugang “mahirap na pagluluwal
ng sanggol.” Ang tatay at nanay ni Maliuag ay
tinawag na “Ama ni Maliuag” at “Ina ni Maliuag.
Nakikita rin ang kaibahan ng pangalan ng lalaki
sa pamamagitan ng pagdurugtong ng “in” sa
pangalan ng babae. Halimbawa ang pangalang
Ilog ay magiging Ilogin.
Kaugalian sa Paglilibing

Inihahanda ng mga sinaunang mga tao ang kanilang yumao para sa


kabilang buhay sa pamamagitan ng ng paglilinis, paglalangis at pagbibihis ng
magagarang kasuotan sa bangkay. Pinapabaunan din nila ng mga kagamitan
ang mga yumao tulad ng seramika at palamuti na magagamit nila sa kabilang
buhay.
May dalawang bahagi ang paglilibing ng mga sinaunang Pilipino. Una,
inilibing nila ang mga yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan.
Pangalawa, matapos matuyo ang mga labi ay hinahango ito mula sa libingan
at isinisilid sa loob ng banga
Sistema ng Paniniwala ng mga Sinaunang Filipino

May sariling sistema ng


paniniwala ang mga sinaunang
Pilipino bago pa man sila
masakop ng mga dayuhan.
Ang mga espiritung ito ay
tinawag na anito ng mga
Tagalog at diwata ng mga
Bisaya. Animismo ang tawag
sa paniniwala na ang mga
bagay sa kalikasan tulad ng
araw, bundok at ilog ay tirahan
Anito ng kanilang mga yumaong
ninuno.
Sistema ng Paniniwala ng mga Sinaunang Filipino

May iba’t ibang rituwal


na ginawa noon na
pinangunahan ng mga
katalonan (sa mga
Tagalog) at babaylan
( sa mga Bisaya) na
tagapamagitan ng mga
tao at mundo ng diyos at
yumao.
Babaylan o Katalonan
Kaugalian sa Paglilibing

Narito ang mga tawag nila sa kani-kanilang mga diyos:


Bathala- pangunahing Diyos o Dakilang Nilalang ng mga Tagalog:
Abba- diyos ng mga Cebuano
Kabunyian- diyos ng mga Ifugao
Laon- diyos ng mga Bisaya
Dallang- diyos ng kagandahan ng mga Ilokano
Sidapa- diyos ng kamatayan ng mga Bisaya
Apolaki- diyos ng mga taga-Pangasinan
Mumbaki- tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsilbing
tagapamagitan ng tao sa mga espiritu.
Sistema ng Paniniwala ng mga Sinaunang Filipino

Ang bul-ol ng mga Ifugao ay


isa sa pinakatanyag na eskultura
ng Hilagang Luzon, lalo na sa
Cordillera, na nagpapatunay sa
pananampalataya ng mga
sinaunang Filipino sa espiritu ng
kalikasan. Kadalasang inuukit ito
sa punong kahoy na narra,
yakal, at ipil at inilalagay sa loob
ng tahanan o imbakan ng palay.
Naniniwala sila na dadami ang
ani sa tulong ng bul-ol.
bul-ol
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas

Bunsod ng pakikipagkalakalan ng mga


sinaunang Filipino at Arabong Muslim
lumaganap ang Islam sa Pilipinas. Ang
Islam ay relihiyong may paniniwala sa
iisang diyos, si Allah. Itinatag ito ng
propetang si Muhammad bandang 600 C.E.
Qur’an ang tawag nila sa banal na aklat ng
Islam.
Paglaganap ng Islam sa Sulu
Wika, Sistema ng Pagsulat at Edukasyon

B
A
Y
B
A
Y
I
N
Wika, Sistema ng Pagsulat at Edukasyon
May sariling sistema ng pagsulat, wika, at edukasyon ang
mga sinaunang Pilipino.Ito ay binubuo ng 87 na wika na hango
sa wikang Malayo-Polynesian, ilan sa mga ito ay Tagalog,
Ioicano, Bicolano, Pampango at Pangasinense.
Baybayin ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino.
Ito ay binubuo ng 17 na titik na may tatlong patinig at 14 na
katinig. Gumamit sila ng mga balat ng punongkahoy at dahon ng
saging bilang papel; matalim at matulis na bakal at kahoy bilang
panulat; at dagta ng halaman bilang tintang panulat. Ang ilan sa
kanilang mga tala ay inukit nila sa mga kahoy, palayok na gawa
sa luwad, at sa dingding ng mga yungib.
Samantala, hindi pormal ang uri ng edukasyong ginamit
noong sinaunang panahon. Sa tahanan nagsimula ang
edukasyon at isinalin ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Ang pagtatanggol sa sarili at mga pangkabuhayang gawain tulad
ng pangangaso at pangingisda ay bahagi ng kanilang edukasyon.
Pagsasalin ng Kultura

Iba’t ibang uri ng sining at panitikan ang nabuo


noong sinaunang panahon. Hindi lamang
naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala
at mga karanasan; naisalin din nila sa mga
sumunod na henerasyon ang mayaman nilang
kultura sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw
at panitikan.
Musika at Sayaw

gangsa- isang uri ng tansong


gong na ginagamit ng mga
katutubong taga-Cordillera
kaleleng- instrumento ng
mga Bontok na pinapatunog
gamit ang ilong
tambuli- ginagamit ng mga
Tagalog na yari sa sungay ng
kalabaw
Gangsa
Musika at Sayaw

dallot - isang mahabang berso


na binibigkas ng paawit
hinaharana ng mga sinaunang
Ilocano ang kanilang iniirog
ayeg-klu- nilapatan din ng
himig ang kuwento at epiko ng
mga Igorot may awitin din sila
para sa tagumpay sa digmaan,
pagpapakasal, pagluluk sa,
pagsamba sa mga diyos at
Kaleleng mga larong pambata
Musika at Sayaw

Tinikling- katutubong sayaw sa


Leyte na hango sa galaw ng
ibong tikling
Pagdiwata- isang sayaw
pasasalamat para sa
magandang ani ng mga
Tagbanwa, Palawan
Pagtatanim at Paggapas-
sayaw ng mga magsasaka sa
Katagalugan.
Pagdiwata
Musika at Sayaw

Pamukad Isda- sayaw ng


pagpapatuyo ng isda ng mga
taga-Negros
Salidsid- sayaw sa panliligaw
ng mga Kalinga
Bangibang- isang sayaw para
sa paglilibing ng yumaong
nakaranas ng marahas na
kamatayan ng mga Ifugao

Pamukad Isda
Panitikan

a. Pasalita- Halimbawa nito ay ang sumusunod;


sabi, sawikain, bugtong, suliranin at indukanin
((uri ng awiting kalye), talindaw (awit sa bangka),
uyayi at hele, at tigpasin (awit ng pagsasagwan)
b. Pasulat- Halimbawa ng pasulat ay Darangan
ng mga Maranao at Ibalon ng mga Bicolano.
Ang Darangan ay kinilala ng UNESCO bilang
“masterpiece of the oral and intangible
heritage of humanity” noong 2005. Nakatala
naman sa tarsila ang salaysay ng mga
pinagmulan ng mga taga-Sulu sa Mindanao.
Sining

Malikhain at may angking husay sa sining ang


mga sinaunang Pilipino noon.
Patunay rito ang mga nahukay na kagamitang
bato, mga palamuting yari sa kabibe at luwad,
mga tapayan na ginamit sa paglilibing at mga
larawang guhit na natagpuan sa loob ng yungib
Sa Angono at Palawan.
Sining

Nahukay sa mga labi sa


Batangas, Mindoro, Samar,
Butuan at Surigao ang mga
gintong punyal, sisidlan, ngipin
at alahas na animo hinabing
tela. Ang metallurgy o paraan
ng paglusaw at paglubog ng
mahahalagang metal gaya ng
ginto. Nahukay din ang hindi
mabilang na banga, palayok at
tapayan na mat iba’t ibang
Metallurgy disenyo, ukit, kulay, hubog at
laki.
Panahanan ng mga Sinaunang Pilipino
Estruktura at Estilo ng mga Tirahan

Iba iba ang uri ng tirahan ng mga


sinaunang Pilipino. May mga
nanirahan sa yungib at
mababatong gilid ng bundok.
Patunay nito ang Angono rock
shelter sa hangganan ng Angono
at Binangonan sa Rizal. Ito ay
may lawak na 63 metro, lalim na
walong metro at taas na umaabot
sa limang metro. Pinanirahan din
ng mga unang Pilipino ang mga
yungib ng Callao sa Peňablanca,
Angono Rock Shelter Cagayan; Bato sa Sorsogon; at
Puy-ong at Tabon sa Palawan.
Estruktura at Estilo ng mga Tirahan

Nang matutunan nilang magsaka ay


nagsimula silang manirahan nang
pangmatagalan. Ang estruktura ng tahanan nila
ay naayon sa topograpiya ng kanilang lugar at sa
industruya o ikinabubuhay rito. Binubuo ng 50
katao ang itinatag na pamayanan nila noon.
Nang ito ay lumawak at lumaki, binuo ito ng
mahigit na 200 katao. Kalimitang nakahanay
nang pabilog o pahalang ang mga tirahan sa
isang pamayanan sa pampang ng ilog o
baybaying dagat. Ang mga tahanan sa
kabundukan naman ay kalimitang magkakalayo.
Estruktura at Estilo ng mga Tirahan

Ang bahay-kubo ay ang katutubong tirahan ng


mga Pilipino. Hugis parisukat ito na may isa o
dalawang silid. Mayroon din itong mga haligi na
may mataas na tatlo hanggang apat na metro
mula sa lupa at hagdang maaaring tanggalin,
iakyat at itago. Ang bubong nito ay gawa sa
pawid at kawayan ang mga dingding.
Naaangkop ang bahay-kubo sa tropikal na klima
ng Pilipinas. Isang baryasyon ng bahay-kubo ay
ang tahanan ng mga Badjao at T’boli sa
Mindanao na may tiyakad o stilt na mahigit anim
na talampakan ang taas mula sa lupa.
Panahanan ng mga Sinaunang Pilipino
Estruktura at Estilo ng mga Tirahan

Tinatawag namang fayu o


fale ang tahanan ng mga
katutubong naninirahan sa
hilagang bahagi ng Pilipinas,
partikular sa Cordillera. Sa
isang malawak na silid
isinasagawa ang lahat ng
mga gawaing-bahay at
pagsasalo-salo ng pamilya.
Ang mga haligi at kisame nito
ay nakahilig at mistulang
Fayu o Fale
hugis-globo ang loob nito.
Panahanan ng mga Sinaunang Pilipino
Estruktura at Estilo ng mga Tirahan

Ang bubong ng fale ay higit


na malaki at mataas kaysa sa
bahay-kubo. Ito ay hugis
piramide at yari sa makapal
na patong ng kugon kung
kaya’t madilim ang loob. Sa
kabila nito, mainam itong
proteksiyon sa matinding
sikat ng araw at malakas na
Fayu o Fale
pag-ulan sa rehiyon.
Panahanan ng mga Sinaunang Pilipino
Estruktura at Estilo ng mga Tirahan

Kapansin-pansin naman sa
tahanang torogan sa Mindanao
ang impluwensiya ng Islam sa
arkitektura ng rehiyon. Malawak
ang sahig at malaki ang buong
estruktura, isang paraan ng
pagpapakita na ang may-ari ng
bahay ay isang
makapangyarihang pamilya. Ang
mga bintana nito ay tiyakad at
may disenyong okir o geometric
at mabulaklak na disenyong
Torogan
pinatanyag ng mga Maranao.
Panahanan ng mga Sinaunang Pilipino
Estruktura at Estilo ng mga Tirahan

Hindi rin makukumpleto ang


estruktura ng torogan kung wala ang
maalamat na ibon ng mga Maranao,
ang Sarimanok.
Ang tradisyunal na tirahan ng mga
Badjao ay makikita sa Mindanao
partikular sa mga baybayin ng Sulu
Sea at Celebes Sea. Ang karaniwang
tirahan nila ay may tiyakad na
nakaangat sa katubigan sa baybaying
dagat. Ang mga tiyakad na ito ay
mabigat na ipinipuwesto sa pagitan ng
mga coastal rock at koral upang
Torogan
maiwasan ang pagkasira nito.
Panahanan ng mga Sinaunang Pilipino
Estruktura at Estilo ng mga Tirahan

Dulot ng lokasyon, kaiba ang


tahanang nabuo sa Batanes. Binubuo
ito ng dalawang silid: ang rakuh kung
saan matatagpuan ang sala at tulugan
at ang kusina. Ito ay walang tiyakad at
nakatayo sa mismong lupa. Ito ay
upang matiyak ang katatagan nito
laban sa malakas na pag-ihip ng hangin
sa lalawigan.
Ang bahay na ito ay yari sa lime at
bato. Matatagpuan ang pinto at bintana
ng bahay sa direksiyon kung saan hindi
pinakamalakas na umihip ang hangin.
Rakuh
Gawain 1
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang may
kinalaman sa kulturang ng Sinaunang Pilipino. Gawin ito sa
sagutang papel.
Gawain 2
Panuto: Iugnay ang sagot sa Hanay B sa mga ideya na nasa
Hanay A. Isulat ang tamang letra sa sagutang papel.
Gawain 3
Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Buoin ang
mga letra sa loob ng kahon upang mabuo ang salitang
tinutukoy.
Tayahin
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang letra
ng tamang sagot sa papel.

1. Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na si


Allah.
A. Animismo B. Islam C. Kristiyanismo D. Protestante
2. Palamuting isinusuot ng kababaihan at kalalakihang Pilipino
na hugis rosas.
A. baro B. ganbanes C. pintados D. pomaras
3. Ang tawag nila sa mga katutubong puno ng tato ang katawan.
A. ganbabes B. patadyong C. pintados D. pomaras
4. Paniniwala ng mga sinaunang Pilipino na ang mga bagay sa
kalikasan tulad ng araw, bundok at ilog ay tirahan ng kanilang
mga ninuno.
A. Animismo B. Bathala C. Dallang D. Laon
5. Tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsilbing
tagapamagitan ng tao sa mga espiritu.
A. Anito B. Bathala C. Mumbaki D. Sidapa
Tayahin
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang letra
ng tamang sagot sa papel.

6. Ang itinuturing ng mga tagalog na dakilang nilalang na may


likha ng langit at lupa.
A. Abba B. Bathala C. Dallang D. Kabunyian
7. Ang pagdating sa Sulu ni Tuan Masha’ka na itinuring na
kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
A. 1210 B. 1280 C. 1380 D. 1390
8. Ito ay alpabeto ng sinaunang Pilipino na binubuo ng 17 na titik
na may 3 na patinig 14 na katinig.
A. alibata B. baybayin C. katinig D. patinig
9. Isang mahabang berso na binibigkas ng paawit ng mga
Ilocano.
A. dallot B. gangsa C. kaleleng D. tambuli
10. Katutubong sayaw sa Leyte na hango sa galaw ng ibong
tikling.
A. gangsa B. kaleleng C. tambuli D. tinikling
Tayahin
B. Panuto: Pumili ng tamang sagot sa mga salitang nasa panaklong
para mabuo ang kaisipan ng talata. Isulat ito sa sagutang papel.

11. Pang-itaas na kasuotan ng mga sinaunang kalalakihang


Pilipino.
( Kangan, Bahag )
12. ( Ganbanes, Pomaras ) ay gintong pulseras na isinusuot nila
sa braso at binti.
13. ( Ilogin, Maliuag ) nangangahulugang mahirap na pagluluwal
ng sanggol.
14. ( Apolaki, Mumbaki ) ay diyos ng mga taga-Pangasinan.
15. Ang ( Abba, bul-ol ) ay isa sa pinakatanyag na eskultura ng
mga Ifugao.

You might also like