You are on page 1of 17

5

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1 – MODULE 7

Sinaunang Kabihasnang
Asyano: Ang Pagkabuo ng
Lipunan at Pagkakakilanlang
Pilipino
Alamin

Sa modyul na ito ay inaasahang mapag-aralan ang mga konsepto tungkol sa iba’t ibang
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa pagbuo ng ating lipunan at pagkakakilanlang
Pilipino. Mahalaga na malaman mo ang kahalagahan ng paniniwala, kultura, tradisyon at iba
pang aspeto ng kultura ng mga Pilipino. Ang mga pagsasanay na ginamit dito ay tiyak na
mapapalawak ang iyong kaalaman bilang mag-aaral sa ikalimang baitang.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:

1. Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Pagbuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino


2. Sinaunang Paniniwala, Kultura at Tradisyon ng mga Pilipino

MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)


Napahahalagahan ang kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano sa pagkabuo
ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino

K to 12 BEC CG: AP5 PLP-Ig-8

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. masasabi kung ano ano ang kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano
2. maipapaliwanag at matutukoy ang mga paniniwala ng mga Muslim.

1
Tuklasin
Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo ng Lipunan at
Pagkakakilanlang Pilipino

Sinaunang Sibilisasyon
Ang kabihasnan o sibilisasyon ay isang
yugto ng ating kasaysayan kung saan ang mga
tao ay may mataas na kaalaman sa mga bagay-
bagay katulad ng agham at matematika.
Maunlad na ang pamumuhay ng mga
Pilipino bago pa man dumating ang mga
Espanyol. May mga pamayanan nang
naninirahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa noon.
Bagamat magkakahiwalay ang kanilang mga
https://tinyurl.com/3sevnd6r panahanan may pagkakatulad pa rin batay sa
kultura.

Pananamit at Palamuti
Ang sinaunang kalalakihang Pilipino ay
nagsuot ng pantaas na damit na tinawag na
kanggan ( kangan). Ang kangan na pula ay para
sa datu at asul o itim para sa mas mababa ang
katayuan sa datu. Bahag naman ang kanilang
pang-ibabang kasuotan. Binalutan din nila ng
putong ang kanilang ulo. Pulang putong ang suot
ng mga taong nakapaslang ng isang tao
samantalang ang nakapaslang ng pitong tao ay
https://tinyurl.com/5xrruz9r
nagsusuot ng burdadong putong.

2
Baro at Patadyong
Sa kababaihan, baro ang kanilang pang-itaas na
kasuotan at maluwag na palda na tinawag na saya ng mga
Tagalog at patadyong ng mga Bisaya. Karaniwan silang
nagsusuot ng pula o putting tapis sa baywang.
Kadalasang gawa sa ginto ang palamuting isinusuot ng
kababaihan at kalalakihang Pilipino. Pomaras ang tawag sa
isang alahas na hugis rosas at ganbanes naman ang tawag sa
gintong pulseras na isinuot nila sa kanilang braso at binti. Ang
kababaihan at kalalakihang Bisaya ay hanggang apat na pares
ng gintong hikaw ang gamit nila. Gumamit din sila ng ginto
upang palamutian ang kanilang ngipin. Tinawag nilang
https://tinyurl.com/d9r8jjbb pintados ang mga katutubong puno ng tato ang katawan.

Kaugalian sa Pagpapangalan
Karaniwang ang mga ina ang nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak.
Ang mga pangalan noon ay nakabatay sa isang partikular na pangyayari tulad ng pangalang “
Maliuag” na nangangahulugang “mahirap na pagluluwal ng sanggol.” Ang tatay at nanay ni
Maliuag ay tinawag na “Ama ni Maliuag” at “Ina ni Maliuag. Nakikita rin ang kaibahan ng
pangalan ng lalaki sa pamamagitan ng pagdurugtong ng “in” sa pangalan ng babae. Halimbawa
ang pangalang Ilog ay magiging Ilogin.
Kaugalian sa Paglilibing
Inihahanda ng mga sinaunang mga
tao ang kanilang yumao para sa kabilang
buhay sa pamamagitan ng ng paglilinis,
paglalangis at pagbibihis ng magagarang
kasuotan sa bangkay. Pinapabaunan din
nila ng mga kagamitan ang mga yumao
tulad ng seramika at palamuti na
magagamit nila sa kabilang buhay.
https://tinyurl.com/xu7bvp4w

May dalawang bahagi ang paglilibing ng mga sinaunang Pilipino. Una, inilibing nila
ang mga yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan. Pangalawa, matapos matuyo ang mga
labi ay hinahango ito mula sa libingan at isinisilid sa loob ng banga

3
Sistema ng Paniniwala ng mga Sinaunang Filipino
Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng Kalikasan

Anito
May sariling sistema ng paniniwala ang mga sinaunang
Pilipino bago pa man sila masakop ng mga dayuhan. Ang mga
espiritung ito ay tinawag na anito ng mga Tagalog at diwata ng
mga Bisaya. Animismo ang tawag sa paniniwala na ang mga
bagay sa kalikasan tulad ng araw, bundok at ilog ay tirahan ng
kanilang mga yumaong ninuno.
https://tinyurl.com/xu7bvp4w

Babaylan o Katalonan
May iba’t ibang rituwal na ginawa noon na
pinangunahan ng mga katalonan (sa mga Tagalog) at
babaylan ( sa mga Bisaya) na tagapamagitan ng mga tao
at mundo ng diyos at yumao.

https://tinyurl.com/xu7bvp4w

Narito ang mga tawag nila sa kani-kanilang mga


diyos:
Bathala- pangunahing Diyos o Dakilang
Nilalang ng mga Tagalog:
Abba- diyos ng mga Cebuano
Kabunyian- diyos ng mga Ifugao
Laon- diyos ng mga Bisaya
Dallang- diyos ng kagandahan ng mga Ilokano
Sidapa- diyos ng kamatayan ng mga Bisaya
Apolaki- diyos ng mga taga-Pangasinan
Mumbaki- tawag sa pinunong panrelihiyon ng
mga Igorot na nagsilbing tagapamagitan ng tao sa
mga espiritu.
https://tinyurl.com/47dnpaxu

4
bul-ol
Ang bul-ol ng mga Ifugao ay isa sa pinakatanyag na eskultura
ng Hilagang Luzon, lalo na sa Cordillera, na nagpapatunay sa
pananampalataya ng mga sinaunang Filipino sa espiritu ng
kalikasan. Kadalasang inuukit ito sa punong kahoy na narra,
yakal, at ipil at inilalagay sa loob ng tahanan o imbakan ng palay.
Naniniwala sila na dadami ang ani sa tulong ng bul-ol.

https://tinyurl.com/6knzbn22

Paglaganap ng Islam sa Pilipinas


Bunsod ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Filipino at Arabong Muslim
lumaganap ang Islam sa Pilipinas. Ang Islam ay relihiyong may paniniwala sa iisang diyos, si
Allah. Itinatag ito ng propetang si Muhammad bandang 600 C.E. Qur’an ang tawag nila sa
banal na aklat ng Islam.

Paglaganap ng Islam sa Sulu


Taon Pangyayari
1210 Pagdating ng mga Arabong mangangalakal sa katimugang bahagi ng
kapuluan.
1280 Dumating sa Sulu si Tuan Masha’ka, itinuturing na kauna-unahang
nagpakilala ng Islam sa Pilipinas. Nakipag-isang dibdib siya sa anak ni
Rajah Sipad at nagsimulang magtatag ng mga pamayanang Muslim sa
Sulu.
1380 Mula Malacca ay dumating si Karim-Ul-Makdum sa Sulu at nangaral
ng Islam.
1390 Dumating si Rajah Baginda ng Palembang sa Sulu. Matagumpay niyang
nahikayat ang ilang katutubo na lumipat sa relihiyong Muslim.
1450 Dumating si Abu Bakr mula sa Palembang.Siya ang kinilalang
nagpalaganap ng Islam sa Sulu. Pinagkalooban siya ng pangalang Sharif
ul-Hasim nang maging kauna-unahang sultan ng itinatag niyang
Pamahalaang batay sa Sultanato ng Arabia. Sa panahon ni Abu Bakr
Mabilis na lumaganap ang Islam sa Sulu.

5
Wika, Sistema ng Pagsulat at Edukasyon

Baybayin

https://tinyurl.com/pef7cehe

May sariling sistema ng pagsulat, wika, at edukasyon ang mga sinaunang


Pilipino.Ito ay binubuo ng 87 na wika na hango sa wikang Malayo-Polynesian, ilan sa mga ito
ay Tagalog, Ioicano, Bicolano, Pampango at Pangasinense.
Baybayin ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino. Ito ay binubuo ng
17 na titik na may tatlong patinig at 14 na katinig. Gumamit sila ng mga balat ng punongkahoy
at dahon ng saging bilang papel; matalim at matulis na bakal at kahoy bilang panulat; at dagta
ng halaman bilang tintang panulat. Ang ilan sa kanilang mga tala ay inukit nila sa mga kahoy,
palayok na gawa sa luwad, at sa dingding ng mga yungib.
Samantala, hindi pormal ang uri ng edukasyong ginamit noong sinaunang
panahon. Sa tahanan nagsimula ang edukasyon at isinalin ng mga magulang sa kanilang mga
anak. Ang pagtatanggol sa sarili at mga pangkabuhayang gawain tulad ng pangangaso at
pangingisda ay bahagi ng kanilang edukasyon.

Pagsasalin ng Kultura
Iba’t ibang uri ng sining at panitikan ang nabuo noong sinaunang panahon. Hindi
lamang naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala at mga karanasan; naisalin din nila sa
mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura sa pamamagitan ng musika, awit,
sayaw at panitikan.

6
Musika at Sayaw
Gangsa
gangsa- isang uri ng tansong gong na ginagamit ng mga
katutubong taga-Cordillera
kaleleng- instrumento ng mga Bontok na pinapatunog
gamit ang ilong
tambuli- ginagamit ng mga Tagalog na yari sa sungay
ng kalabaw
https://tinyurl.com/33v5hcna
Kaleleng
dallot - isang mahabang berso na binibigkas ng paawit
hinaharana ng mga sinaunang Ilocano ang kanilang
iniirog
ayeg-klu- nilapatan din ng himig ang kuwento at epiko
ng mga Igorot
may awitin din sila para sa tagumpay sa digmaan,

https://tinyurl.com/vsr5hzh3
pagpapakasal, pagluluk sa, pagsamba sa mga diyos at

Pagdiwata mga larong pambata.

Tinikling- katutubong sayaw sa Leyte na hango sa galaw


ng ibong tikling
Pagdiwata- isang sayaw pasasalamat para sa magandang
ani ng mga Tagbanwa, Palawan
Pagtatanim at Paggapas- sayaw ng mga magsasaka sa
Katagalugan.
https://tinyurl.com/38xwxfbu

Pamukad Isda
Pamukad Isda- sayaw ng pagpapatuyo ng isda ng mga
taga-Negros
Salidsid- sayaw sa panliligaw ng mga Kalinga
Bangibang- isang sayaw para sa paglilibing ng yumaong
nakaranas ng marahas na kamatayan ng mga Ifugao

https://tinyurl.com/4c3jte2v

7
Panitikan
a. Pasalita- Halimbawa nito ay ang sumusunod; sabi, sawikain, bugtong, suliranin at indukanin
((uri ng awiting kalye), talindaw (awit sa bangka), uyayi at hele, at tigpasin (awit ng
pagsasagwan)
b. Pasulat- Halimbawa ng pasulat ay Darangan ng mga Maranao at Ibalon ng mga Bicolano.
Ang Darangan ay kinilala ng UNESCO bilang “masterpiece of the oral and
intangible heritage of humanity” noong 2005. Nakatala naman sa tarsila ang
salaysay ng mga pinagmulan ng mga taga-Sulu sa Mindanao.
Sining
Malikhain at may angking husay sa sining ang mga sinaunang Pilipino noon.
Patunay rito ang mga nahukay na kagamitang bato, mga palamuting yari sa kabibe at luwad,
mga tapayan na ginamit sa paglilibing at mga larawang guhit na natagpuan sa loob ng yungib
Sa Angono at Palawan.

Metallurgy
Nahukay sa mga labi sa Batangas, Mindoro, Samar,
Butuan at Surigao ang mga gintong punyal, sisidlan, ngipin at
alahas na animo hinabing tela. Ang metallurgy o paraan ng
paglusaw at paglubog ng mahahalagang metal gaya ng ginto.
https://tinyurl.com/27k6xtjz
Nahukay din ang hindi mabilang na banga, palayok at tapayan
na mat iba’t ibang disenyo, ukit, kulay, hubog at laki.

Panahanan ng mga Sinaunang Pilipino


Estruktura at Estilo ng mga Tirahan

Angono rock shelter


Iba iba ang uri ng tirahan ng mga sinaunang Pilipino. May
mga nanirahan sa yungib at mababatong gilid ng bundok.
Patunay nito ang Angono rock shelter sa hangganan ng
Angono at Binangonan sa Rizal. Ito ay may lawak na 63
metro, lalim na walong metro at taas na umaabot sa limang
metro. Pinanirahan din ng mga unang Pilipino ang mga
yungib ng Callao sa Peňablanca, Cagayan; Bato sa
https://tinyurl.com/5etn4w6u Sorsogon; at Puy-ong at Tabon sa Palawan.

8
Nang matutunan nilang magsaka ay nagsimula silang manirahan nang pangmatagalan.
Ang estruktura ng tahanan nila ay naayon sa topograpiya ng kanilang lugar at sa industruya o
ikinabubuhay rito. Binubuo ng 50 katao ang itinatag na pamayanan nila noon. Nang ito ay
lumawak at lumaki, binuo ito ng mahigit na 200 katao. Kalimitang nakahanay nang pabilog o
pahalang ang mga tirahan sa isang pamayanan sa pampang ng ilog o baybaying dagat. Ang mga
tahanan sa kabundukan naman ay kalimitang magkakalayo.
Ang bahay-kubo ay ang katutubong tirahan ng mga Pilipino. Hugis parisukat ito na
may isa o dalawang silid. Mayroon din itong mga haligi na may mataas na tatlo hanggang apat
na metro mula sa lupa at hagdang maaaring tanggalin, iakyat at itago. Ang bubong nito ay gawa
sa pawid at kawayan ang mga dingding. Naaangkop ang bahay-kubo sa tropikal na klima ng
Pilipinas. Isang baryasyon ng bahay-kubo ay ang tahanan ng mga Badjao at T’boli sa Mindanao
na may tiyakad o stilt na mahigit anim na talampakan ang taas mula sa lupa.
fayu o fale
Tinatawag namang fayu o fale ang tahanan ng
mga katutubong naninirahan sa hilagang bahagi
ng Pilipinas, partikular sa Cordillera. Sa isang
malawak na silid isinasagawa ang lahat ng mga
gawaing-bahay at pagsasalo-salo ng pamilya.
Ang mga haligi at kisame nito ay nakahilig at
mistulang hugis-globo ang loob nito.
https://tinyurl.com/55ht7tke

Ang bubong ng fale ay higit na malaki at mataas kaysa sa bahay-kubo. Ito ay hugis
piramide at yari sa makapal na patong ng kugon kung kaya’t madilim ang loob. Sa kabila nito,
mainam itong proteksiyon sa matinding sikat ng araw at malakas na pag-ulan sa rehiyon.

Torogan
Kapansin-pansin naman sa tahanang
torogan sa Mindanao ang impluwensiya ng Islam
sa arkitektura ng rehiyon. Malawak ang sahig at
malaki ang buong estruktura, isang paraan ng
pagpapakita na ang may-ari ng bahay ay isang
makapangyarihang pamilya. Ang mga bintana
nito ay tiyakad at may disenyong okir o geometric
https://tinyurl.com/t4k8fwrs at mabulaklak na disenyong pinatanyag ng mga
Maranao. Hindi rin

9
makukumpleto ang estruktura ng torogan kung wala ang maalamat na ibon ng mga Maranao,
ang Sarimanok.
Ang tradisyunal na tirahan ng mga Badjao ay makikita sa Mindanao partikular sa mga
baybayin ng Sulu Sea at Celebes Sea. Ang karaniwang tirahan nila ay may tiyakad na nakaangat
sa katubigan sa baybaying dagat. Ang mga tiyakad na ito ay mabigat na ipinipuwesto sa pagitan
ng mga coastal rock at koral upang maiwasan ang pagkasira nito.
Rakuh

Dulot ng lokasyon, kaiba ang tahanang nabuo sa


Batanes. Binubuo ito ng dalawang silid: ang rakuh
kung saan matatagpuan ang sala at tulugan at ang
kusina. Ito ay walang tiyakad at nakatayo sa
mismong lupa. Ito ay upang matiyak ang katatagan
nito laban sa malakas na pag-ihip ng hangin sa
https://tinyurl.com/uhtvvb4e
lalawigan.
Ang bahay na ito ay yari sa lime at bato. Matatagpuan ang pinto at bintana ng bahay sa
direksiyon kung saan hindi pinakamalakas na umihip ang hangin.
Gawain 1
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang may kinalaman sa kulturang ng Sinaunang
Pilipino. Gawin ito sa sagutang papel.
animismo mettalurgy baybayin ganbanes patadyong
bahag fale Darangan Mumbaki torogan

P A T A D Y O N G A
B D F A L E G P A N
L P X Z X U V W H I
D A R A N G A N A M
O N I Y A B Y A B I
K M T L D Q N R P S
G A N B A N E S X M
R S N A G O R O T O
M U M B A K I L B C
M E T A L L U R G Y

10
Gawain 2
Panuto: Iugnay ang sagot sa Hanay B sa mga ideya na nasa Hanay A. Isulat ang tamang letra
sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B

_____ 1. Alahas na hugis rosas A. bahag

_____ 2. Piraso ng tela na ibinabalot sa ulo B. ganbanes

_____ 3. Isang tsaleko na walang kuwelyo o manggas C. patadyong

_____ 4. Gintong pulseras na isinusuot sa braso at binti D. pintados

_____ 5. Tawag sa mga katutubong puno ng tato ang E. pomaras

katawan F. putong

Gawain 3
Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Buoin ang mga letra sa loob ng
kahon upang mabuo ang salitang tinutukoy.
1. Nangangahulugang mahirap na pagluluwal ng sanggol

M l i a a u g

2. Ito ay salitang mula sa Latin na nagangahulugang “kaluluwa”

m i a n i s m o

3. Tawag sa nila Bisaya na tagapamagitan sa mundo ng tao, diyos at yumao

a b a a b y l n

4. Mula sa salitang paganus na nangangahulugang “naninirahan sa nayon”

a p a g n i m s o

5. Sinaunang alpabeto ng mga sinaunang Pilipino


b a b y a n i y

11
Tayahin

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang letra ng tamang sagot sa
papel.

1. Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na si Allah.


A. Animismo B. Islam C. Kristiyanismo D. Protestante
2. Palamuting isinusuot ng kababaihan at kalalakihang Pilipino na hugis rosas.
A. baro B. ganbanes C. pintados D. pomaras
3. Ang tawag nila sa mga katutubong puno ng tato ang katawan.
A. ganbabes B. patadyong C. pintados D. pomaras
4. Paniniwala ng mga sinaunang Pilipino na ang mga bagay sa kalikasan tulad ng
araw, bundok at ilog ay tirahan ng kanilang mga ninuno.
A. Animismo B. Bathala C. Dallang D. Laon
5. Tawag sa pinunong panrelihiyon ng mga Igorot na nagsilbing tagapamagitan ng tao
sa mga espiritu.
A. Anito B. Bathala C. Mumbaki D. Sidapa
6. Ang itinuturing ng mga tagalog na dakilang nilalang na may likha ng langit at lupa.
A. Abba B. Bathala C. Dallang D. Kabunyian
7. Ang pagdating sa Sulu ni Tuan Masha’ka na itinuring na kauna-unahang
nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
A. 1210 B. 1280 C. 1380 D. 1390
8. Ito ay alpabeto ng sinaunang Pilipino na binubuo ng 17 na titik na may 3 na patinig
14 na katinig.
A. alibata B. baybayin C. katinig D. patinig
9. Isang mahabang berso na binibigkas ng paawit ng mga Ilocano.
A. dallot B. gangsa C. kaleleng D. tambuli
10. Katutubong sayaw sa Leyte na hango sa galaw ng ibong tikling.
A. gangsa B, kaleleng C. tambuli D. tinikling

12
B. Panuto: Pumili ng tamang sagot sa mga salitang nasa panaklong para mabuo
ang kaisipan ng talata. Isulat ito sa sagutang papel.

11. Pang-itaas na kasuotan ng mga sinaunang kalalakihang Pilipino.


( Kangan, Bahag )
12. ( Ganbanes, Pomaras ) ay gintong pulseras na isinusuot nila sa braso at binti.
13. ( Ilogin, Maliuag ) nangangahulugang mahirap na pagluluwal ng sanggol.
14. ( Apolaki, Mumbaki ) ay diyos ng mga taga-Pangasinan.
15. Ang ( Abba, bul-ol ) ay isa sa pinakatanyag na eskultura ng mga Ifugao.

Sagot sa mga Gawain


Gawain I

P A T A D Y O N G A
Gawain 2 Gawain 3
B D F A L E G P A N
1. E 1. MALIUAG
L P X Z X U V W H I
2. F 2. ANIMISMO
D A R A N G A N A M
O N I Y A B Y A B I 3. C 3. BABAYLAN

K M T L D Q N R P S 4. B 4.PAGANISMO

G A N B A N E S X M 5. D 5. BAYBAYIN
R S N A G O R O T O
M U M B A K I L B C
M E T A L L U R G Y

13
Sanggunian:
A. Aklat

Gabuat, Maria Analyn P. et. al, 2016, Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang
Bansa, Quezon City, Philippines, Vibal Group Inc. ph. 86-103

Gabuat, Maria Annalyn P., et al, 2016. Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang
Bansa, Gabay ng Guro, Quezon City, Philippines. Vibal Group, Inc., ph. 28-31

B. Website/s

https://tinyurl.com/3sevnd6r https://tinyurl.com/5xrruz9r

https://tinyurl.com/d9r8jjbb https://tinyurl.com/xu7bvp4w

https://tinyurl.com/xu7bvp4w https://tinyurl.com/xu7bvp4w

https://tinyurl.com/47dnpaxu https://tinyurl.com/6knzbn22

https://tinyurl.com/pef7cehe https://tinyurl.com/33v5hcna

https://tinyurl.com/vsr5hzh3 https://tinyurl.com/38xwxfbu

https://tinyurl.com/4c3jte2v https://tinyurl.com/27k6xtjz

https://tinyurl.com/5etn4w6u https://tinyurl.com/55ht7tke

https://tinyurl.com/t4k8fwrs https://tinyurl.com/uhtvvb4e

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marites D. Japson

Tagasuri:

A. Pang Distrito
Dr. Neil V. Gavina Myrna B. Paras
Dr. Marcelina B. Megal Analisa M. Mulato
Dr. Zenaida L. Baterna Marissa S. Quinto
B. Pang Dibisyon
Dr.Marlyne S. Asuncion Marissa S. Quinto
Luzviminda S. Dizon Dr. Olivia Delos Santos
Myrna B. Paras Nida C. bautista
Analisa M. Mulato Dr. Jacquiline D. Calosa

Tagapamahala:

Dr. Danilo C. Sison Dr. Jerome S. Paras


Wilfredo E. Sindayen Dr. Maybelene C. Bautista
Dr. Cornelio R. Aquino

14
Sagot sa Tayahin

1. B 6. B 11. Kangan
2. D 7. B 12. Ganbanes
3. C 8. B 13. Maliuag
4. A 9. A 14. Apolaki
5. C 10. D 15. bul-ol

15
16

You might also like