You are on page 1of 1

Isang pag-aaral sa mga paniniwalang ifugao hinggil sa tradisyon ng paglalamay

Kabanata I
Ang suliranin at kaligiran nito
Panimula/introduksyon
Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng
kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa
kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno. Ang
Pilipinas ay mayroong 7,641 na isla at sa mga islang ito, iba’t ibang pangkat etniko ang
naninirahan. Bawat pangkat etiko ay may sariling salita, kasuotan, kultura, paniniwala at
tradisyon. Ngunit ano nga ba ang kahalagahan ng mga ito sa isang indibidwal?Ang kultura
ang itinuturing na kaluluwa ng isang bansa. Masasabing ito ang nagbibigay buhay sa isang
lugar sapagkat ito ang nagiging batayan ng kilos o gawi ng mga mamamayan. Ngunit
sapanahon ngayon, kapansin-pansin ang unti- unting pagkalimot sa mga kaugaliang ito. Sa
paglipas ng panahon, unti- unting ibinabaon sa limot ang mga kaugaliang ito na minana pa
natin sa ating mga ninuno. Dahil sa epekto ng makabagong henerasyon, nakakalimutan na
natin ang mga pinamana ng ating mga ninuno. Subalit mayroon parin namang mga taong
pinapahalagahan at pinayayabong ang mga kaugaliang ito, sila ang mga Ifugao Ayon sa
pagaaral, ang mga ifugao ay inapo ng unang mga malay na nandayuhan sa Pilipinas. Ang
Ifugao ay sinasabing nagmula sa salitang “i-pugo” na nangangahulugang “mula sa lupa o
burol”. Ayon sa kanilang alamat, ang “Ifugao” ay hango sa salitang “ipugo”.Ito ay isang butil
ng bigas na ibinigay sa kanila ng kanilang bathala na si Matungulan. Hanggang sa
kasalukuyan ay inaani pa rin ng mga Ifugao ang ganitong uri ng butil. Sa panahon ng mga
Espanyol, pinalitan nila ang “Ipugo” at ginawang “Ipugaw”. Makaraan ang ilang taon, sa
pananakop ng mga Amerikano, binago nila ang “Ipugaw”. Ginawa nila itong “Ifugao” at iyan
na ang tawag sa kanila hanggang sa kasalukuyan (Maharlikan, 2008). Ang Ifugao ay may
labinisang municipalities at ito ang Aguinaldo, Alfonso Lista, Asipulo, Banaue, Hingyon,
Hungduan,Lamot, Mayoyao, Kiangan, Tinoc at Lagawe na kabisera ng lalawigan.Kilalang-
kilala rin dito ang Rice Terraces na matatagpuan sa Batad, Banaue kung saan ginawa lamang
nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Napasama din ito sa UNESCO noong 1995
bilang isa sa World Heritage Site. Ang kanilang pangunahing ikinabubuhay ay pagsasaka at
ang kanilang itinatanim ay palay at kamote. Bantiyan A et al

You might also like