You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Pagadian City

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Sosyo-Kutural at Politikal na
Pamumuhay ng mga Pilipino

Learning Activity Sheets


(Extracted/Modified from CO/RO10 SLMs)

Name:
Year Level:
Grade & Section:

DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 6


Alamin

Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na kanilang


masuri ang Sosyo-Kultural at Politikal na Pamumuhay ng mga
Pilipino (AP5KE-llg-7)

Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at


isulat ang titik ng wastong sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga kasalukuyan at naging hanapbuhay


ng mga Pilipino. Alin sa mga hanapbuhay ang minang ng
pakikipagkaibigan at pakikipag- ugnayan ng mga sinaunang
Pilipino sa mga dayuhan?
A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Paghahabi D.Pakikipagkalakalan

2. Ang mga sumusunod ay mga kagamitang panghanapbuhay ng mga


Pilipino. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang naging bunga
ng pagka-malikhain at ginamit sa paglalakbay ng mga sinaunang
Pilipino?
A. Sibat B. Pana C. Bangka D. Salakab

3. Ang mga sinaunang mangingisda ay gumamit ng mga kagamitang


makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay. Alin sa mga
sumusunod ang kagamitang hindi nila ginamit?
A. Itak B. Bingwit C. Lambat D. Salakab

4. Gumawa ng mga kagamitang yari sa bakal ang mga sinaunang


Pilipino na nakatulong upang maiangkop nila ang sarili sa
kapaligiran at hanapbuhay. Alin sa mga sumusunod na
kagamitang yari sa bakal ang ginamit ng ating mga ninuno sa
pagkakaingin?
A. Bato B. Gulok C. Sibat D. Balisong

1 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 6


Tuklasin PILIPINO

SOSYO-KUTURAL

KULTURA PANINIWALA

Basahing mabuti ang mga sumusunod na impormasyon upang


masasagot mo ang mga sumusunod na gawain. Bigyang pansin
ang mga mahahalagang impormasyon

Ang Kultura ay ang uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang


lugar na nagpapakita ng kanilang paniniwala, kagamitan, moralidad,
batas at kaalaman o sistema ng edukasyon. Ang kultura ng Pilipinas
ay pinaghalong impluwensya ng kultura ng mga katutubong
tradisyon, kultura ng pangkat etniko, at ng mga unang
mangangalakal at mananakop ng bansa.

Bago pa man dumating ang mga espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng


mga sinaunang Pilipino ang isang mayamang kultura sa paraan ng
pamumuhay ng tao. Kabilang dito ang kanilang mga paniniwala,
kaugalian, relihiyon, at pagpapahalaga. Naipamamalas ng sinaunag
Pilipino ang Kulturang ito sa kanilang mga kaugalian, sining,
panitikan at paniniwala.

Mga Kaugalian ng Sinaunang Pilipino


Pananamit at Palamuti

Photo by de la Rosa, Fabián. “Filipina” (1869-1937)

2 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 6


Ang mga sinaunang kalakakihang Filipino ay nagsusuot ng
pantaas na damit na tinawag ng kanggan o (kangan). Ang kulay
ng kangan ay batay sa katayuan sa lipunan ng may suot
katayuan sa datu. Bahag naman ang kanilang naging pang-
ibabang kasuotan. Binalutan din nila ang kanilang ulo ng
putong tulad ng kangan sinasalamin din ng putong ang
katangian ng may suot nito. Halimbawa, pulang putong ang suot
ng mga taong nakapaslang na ng isang tao. Ang mga
nakapaslang naman ng may pitong tao ay nagsusuot ng
burdadong putong.

Sa kababaihan, ang pang-itaas na kasuotan ay ang baro at


ang pang-ibaba naman ay ang maluwag na palda na tinawag na
saya ng mga Tagalog at patadyong ng mga Bisaya. Karaniwan
din silang nagsusot ng pulao puting tapis sa baywang.

Mahilig magsuot ng mga palamuti at katawan ang


sinaunang kababaihan at kalalakihang Filipino. Kadalasan ay
gawa ito sa ginto. Halimbawa ng mga palamuting kanilang
isinusuot ay ang pomaras - isang alahas na hugis rosas - at
ganbanes - isang uri ng gintong pulseras na isinusuot nila sa
braso at binti. Nagsusuot naman ang mga kababaihan at
kalalakihang Bisaya ng hanggang apat na pares ng gintong
hikaw sa tainga. Gayundin, naglalagay sila sa kanilang katawan
ng mga tatto o mga patik na may disenyo at marka sa balat. Sa
pagdating ng mga Espanyol, tinatawag nilang itong pintados ang
mga katutubong puno ng tattoo sa katawan.

Kaugalian sa Pagpapangalan

Karaniwan ang ina ang nagbibigay ng pangalan sa


kanyang anak noong sinaunang panahon sa Pilipinas. Malimit
na ang pagpapangalang ito ay batay sa isang particular na
pangyayari tulad ng pangalang “Maliuag” na nangangahulugang
“mahirap na pagluluwal sa sanggol.

Wala silang apelyido, Ang mga magulang ay tinatawag sa


pangalan ng kanilang panganay na anak, halimbawa ang tatay
at nanay ni Maliuag ay tinatawag na “Ama ni Maliuag” at “Ina ni

3 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 6


Maliuag.” Nakikita naman ang kaibahan ng pangalan ng babae
sa lalaki sa pamamagitan ng pagdugtong ng katagang “in” sa
pangalan. Halimbawa, ang pangalang “ilog” para sa lalaki ay
“iloguin” kung ipapangalan sa babae.

Kaugalian sa Paglilibing

Inihanda ng mga sinaunag tao ang kanilang yumao para


sa kabilang buhay sa pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at
pagbibibihis ng magagandang kasuotan sa bangkay.
Pinababauanan din nila ang yumao ng mga kasangkapan tulad
ng seramika at mga palamuti upang may magamit ang mga ito
sa kabilang buhay.

May dalawang bahagi ang paglilibing ng mga sinaunang


Filipino. Una inililibing nila ang yumao sa lupa kasama ang
ilang kasangkapan. Matapos matuyo ang mga labi ay hinahango
ito mula sa libingan at isinisilid sa loob ng banga.

SISTEMA NG PANINIWALA NG SINAUNANG FILIPINO

May sariling Sistema ng paniniwala ang mga sinaunang


Filipino bago pa man sila masakop ng mga dayuhan.

Paniniwala sa mga Espirito at Diyos ng Kalikasan

Naniniwala ang mga sinaunang Filipino na may mga


espiritong na nanahasa sa kanilang kapaligiran. Tinatawag nila
itong Anito ng mga Tagalog at diwata ng mga Bisaya.
Pinaniniwalaan din ng mga sinaunang Pilipino na ang mga
bagay sa kalikasan tulad ng araw, bundok,at ilog ay tirahan
ng kanilang yumaong mga ninuno. Ang tawag sa paniniwalang
ito ay animismo. Bago sinimulan ng mga sinaunang Pilipino ang
anumang gawain tulad ng pagpapatayo ng tahanan, pagtatanim,
at paglalakbay ay humingi sila ng gabay at pahintulot mula sa
espirito ng kalikasan.

4 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 6


Pagyamanin

Data Retrieval Chart

Punan ang ikalawang hanay ng tsart ng mga datos mula sa


aralin. Sa ikatlong hanay naman. Isulat ang kalagayan ng kultura ng
mga Filipino sa kasalukuyan.

Aspeto ng Kultura Kultura ng Pilipino


noong Sinaunang
Panahon Kulturang Pilipino
sa Kasalukuyan
1. Pananamit
2. Pagpapangalan
3. Paglilibing
4. Paniniwala at
Relihiyon

Isaisip

1. Sa iyong sariling opinyon, meron pa ba naniniwala sa Animismo


sa kasalukuyang panahon? Anong paraan maipakikita ang
paniniwalang iyon?
2. Gumuhit ng isang kultura ng sinaunang Pilipino at isang kultura
ng kasalukuyang Pilipino at ipaliwang ang kaibahan nito.

Ipaliwanag:

5 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 6


Isagawa

Panuto: Sagutin ang tanong at ipaliwanag ito.

Bakit mahalaga ang kultura ng Pilipino na mapanatili itong


isaisip ng bawat mag- aaral?
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________

Tayahin

Panuto: Pagtambalin at piliin ang tamang katawagan na binibigyang –


kahulugan sa mga pangungusap sa ibaba mula sa listahan sa
kanan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

__________1. Ang paniniwala ng mga sinaunang a. kasangkapan


Pilipino na ang kanilang mga yumaong
mga ninuno ay nakatira sa bundok, araw
at ilog.
__________2. Paniniwala ng mga sinaunang Pilipino b. Animismo
ay may espritong na nanahasa sa
kapaligiran.
__________3. Unang bahagi ng paglilibing ng c. Anito
sinaunang Pilipino ay pinapabaunan ng
mga ___________.
__________4. Uri at paraan ng pamumuhay ng mga d. Ina
tao sa isang lugar na nagpapakita ng
kanilang paniniwala, kagamitan, e. Kultura
moralidad, batas at kaalaman o sistema
ng edukasyon.
__________5. Sino ang karaniwang nagbibigay ng f. Bisaya
pangalan sa kanyang anak noong
sinaunang panahon sa Pilipinas?
__________6. Sino ang tumawag sa paniniwala nila na g. “in”
DIWATA

6 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 6


__________7. Bago sinimulan ng mga sinaunang
Pilipino ang anumang gawain tulad ng h. Kalikasan
pagpapatayo ng tahanan, pagtatanim, at
paglalakbay ay humingi sila ng gabay at
pahintulot mula sa espirito ng _______. i. Animismo
_________8. Ang pangalan nuon ng kalalakihan ay
punan lng ng ______ para maging isang
pangalan ng kababaihan. j. banga
_________9. Saan humingi ng pahintulot ang
sinaunang Pilipino para sa kanilang
paglalakbay? k. Espirito ng kalikasan
________10. Matapos matuyo ang mga labi ay
hinahango ito mula sa libingan at
isinisilid sa loob ng _________.

7 DO_Q1_Araling Panlipunan 5_ Modyul 6

You might also like