You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
San Mateo Sub-Office
Silangan Elementary School

WEEKLY LEARNING PLAN

Quarter: First Teacher: Judy Ann G. Albit


Week: Six Grade Level: 5
Date: October 9 – 13, 2023 Learning Area: Araling Panlipunan
Content Standard: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa
pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag
sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas.
Performance Standard:
 Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino gamit ang
kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang
ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino.
MELCs:
Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga Pilipino
a. sosyo-kultural (e.g. pagsamba (animismo, anituismo, at iba pang ritwal, pagbabatok/pagbabatik , paglilibing (mummification
primary/ secondary burial practices), paggawa ng bangka e. pagpapalamuti (kasuotan, alahas, tattoo, pusad/ halop)
f. pagdaraos ng pagdiriwang b. politikal (e.g. namumuno, pagbabatas at paglilitis)
DAY OBJECTIVES TOPIC CLASSROOM-BASED ACTIVITIES (DLP/DLL)
1 A. Makasusuri sa Sosyo- A. Pagganyak (Motivation)
sosyo-kultural at Kultural at
politikal na Pampolitika Panuto: Sagutin ng TAMA kung ang pangungusap sa ibaba ay tama, at MALI naman kung
pamumuhay ng mga ng ang mga ito ay hindi wasto.
Pilipino Pamumuha ______ 1. Naging tanyag at sentro ng kalakalan sa bansa ang Maynila.
B. Makasusulat y ng mga
______ 2. Metalurhiya ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga
ng isang sanaysay Sinaunang
na nagpapakita ng Pilipino bagay na mula sa metal tulad ng ginto.
sosyo-kultural na ______ 3. Ang plastik ay ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at
pamumuhay ng hikaw noong pre-kolonyal.
mga Pilipino; at ______ 4. Ang kristal ay dalang produkto ng mga Tsino sa bansa.
C.
______ 5. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa
Makapagpapahalaga
sa sosyo-kultural at ng mga sandata mula sa bakal, karpentero ang tawag sa iyo.
politikal na
pamumuhay ng mga B. Gawain (Activity)
Pilipino.
Panuto: Kumuha ng isang pirasong papel at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong prekolonyal
o bago dumating ang mga mananakop?
A. may sariling teritoryo
B. may sariling pamahalaan
C. may pananampalatayang Kristiyano
D. may sistema ng pagbasa at pagsulat
2. Ano ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan
ay may kaluluwa?
A. Animismo
B. Islam
C. Judismo
D. Kristyanismo
3. Alin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?
A. Kaayusan
B. Kabaitan
C. Katalinuhan
D. Kagitingan at kagandahan
4. Ano ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas?
A. Adat
B. Hariraya
C. Ruma Bichara
D. Zakat
5. Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at awayan?
A. nagkaroon sila ng isang paligsahan
B. kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
C. sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
D. nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo

C. Pagsusuri (Analysis)

SURIIN

Ang kagalingan sa larangan ng sining, paniniwala, pakikipagkapwa-tao at pag-aaral


ng pag-uugali ng tao ay tinatawag na kalinangang sosyo-kultural. Makikita ang pamamaraan
ng pamumuhay sa kasaysayan, modernisasyon at teknolohiya ng isang bansa. Ang ating mga
ninuno ay sumasamba sa kalikasan, katulad ng kahoy, ilog, araw, bato, at iba pa dahil
naniniwala sila na ang mga ito ay may kaluluwa. Tinatawag na animismo ang paniniwalang.
Pinapahalagahan ng ating mga ninuno ang kanilang mga patay. Bago pa ilibing ang bangkay,
ito ay nililinis muna, lalagyan ng langis, at bihisan ng magarang kasuotan.Pinapabaunan din
ang bangkay ng mga kasangkapan katulad ng seramika at mga palamuti upang may magamit
siya sa kabilang buhay.Matapos malibing at matuyo na ang mga buto ng bangkay, ito ay
huhukayin at isisilid sa banga.

Sa Bisayas, ang mga ninuno natin ay nagsusuot ng mga palamuti katulad ng ginto
katulad ng pomares na isang alahas na hugis rosas, at gambanes na isang gintong pulseras
na isinusuot sa braso at binti. Ginagamit din ang ginto bilang palamuti sa ngipin. Naglagay din
sila ng mga tattoo sa katawan bilang simbolo ng kagitingan at kagandahan.

Ang mga ninuno natin ay nagsagawa ng ibat-ibang ritwal at pagdiriwang katulad ng


Pag-anito at Pandot. Ang pag-anito ay pagbibigay alay sa mga anito, at ang pandot naman
ay isang pampamayanang alay na isinagawa sa puno ng balete. Ang mga ritwal ay
pinangunahan ng mga Katalonan (sa mga Tagalog) at Babaylan (sa mga Bisaya). Sila ang
katumbas ng mga pari sa ngayon.

Ang kasuotan ng ating mga ninuno ay batay sa kanilang katayuan sa buhay. Ang Datu
ay nagsusuot ng pulang kangan, habang asul o itim naman ang mga mas mababa pa kay sa
Datu. Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas ng
lipunan, at kung sultan naman, kailangang ikaw ay galing sa angkan ni Muhammad. Ang
mandirigmang nagsusuot ng pulang putong ay nagpapahiwatig na nakapatay na siya ng isang
tao, at Burdadong Putong naman para sa mga nakapatay na ng pito o mahigit pa. Ang mga
kababaihan ay nagsusuot ng baro, kasuotang pang-itaas at saya ng mga Tagalog at
patadyong ng mga Bisaya na isang maluwag na palda na isinusuot pang –ibaba. Kilala sa
Mindanao ang Tribong B’laan sa pagsusuot ng pang-itaas na damit na tinatawag na Saul Laki
at ang kanilang pang-ibabang kasuotan ay tinatawag na Salwal B’laan. Ang mga kababaihan
ay nagsusuot ng pang-itaas na damit na kung tawagin ay Saul S’lah at ang kanilang pangibabang
kasuotan ay tinatawag na Dafeng.Ang mga Maranao ay kilala sa kanilang tradisyunal
na kasuotan na tinatawag na Malong. Ito ay malaki at makulay na tela na isinusuot sa
pamamagitan ng pagtapis sa katawan.

A. Makasusuri sa Sosyo- D. Paglalahat (Abstraction)


2 sosyo-kultural at Kultural at
politikal na Pampolitika Bilang isang mag-aaral importanting malaman mo na ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling
pamumuhay ng mga ng paraan ng pamumuno at mga batas bago pa man dumating ang mga Espanyol. May dalawang uri
Pilipino Pamumuha ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas-ang barangay at sultanato. Datu
B. Makasusulat y ng mga ang tawag sa namumuno sa isang barangay at sultan naman ang tawag sa namuno sa isang
ng isang sanaysay Sinaunang
sultanato. Higit na mas malaki ang sakop ng sultanato kaysa baranggay. Katulong ng datu ang
na nagpapakita ng Pilipino
sosyo-kultural na Lupon ng Matatanda sa paggawa at pagpatupad ng batas, habang katulong naman ng sultan ang
pamumuhay ng Ruma Bichara na kanyang tagapayo.
mga Pilipino; at
C.
Makapagpapahalaga E. Paglalapat (Application)
sa sosyo-kultural at
politikal na Panuto : Isulat sa isang buong papel ang kasagutan.
pamumuhay ng mga
Pilipino.  Bakit mahalaga ang kultura at at wika sa isang bansa?

3 A. Makasusuri sa Sosyo- A. Pagbabalik-Aral (Recall)


sosyo-kultural at Kultural at
politikal na Pampolitika Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga katanungan. Ang titik na nasa simula ang magbibigay ng klu
pamumuhay ng mga ng sa tamang sagot.
Pilipino Pamumuha
B. Makasusulat y ng mga 1. Anong B____________ ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Filipino?
ng isang sanaysay Sinaunang 2. Anong B_____________ ay isang sayaw para sa paglilibing ng yumaong nakaranas ng marahas na
na nagpapakita ng Pilipino kamatayan ng mga Ifugao?
sosyo-kultural na 3. Anong K____________ ito ay gamit ng mga taga Bontok na pinatutunog gamit ang ilong?
pamumuhay ng 4. Anong K______________ ang tawag sa diyos ng Ifugao?
mga Pilipino; at 5. Anong T _____________ang awit ng paggawa ng bangka?
C.
Makapagpapahalaga B. Pagganyak (Motivation)
sa sosyo-kultural at
politikal na Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang SK kung ito ay tungkol sa sosyo-kultural na
pamumuhay ng mga pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Isulat PM kung ito ay tungkol sa
Pilipino. pampolitikang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Isulat ang inyong sagot
sa sagutang papel.

1. Pagsamba sa kalikasan, katulad ng kahoy, ilog, araw, bato, at iba


2. Barangay at sultanato ang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa
Pilipinas.
3. Ruma Bichara ang tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas.
4. Pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay na yumao na
5. Nagsusuot ng mga palamuti sa katawan

C. Gawain (Activity)

Panuto: Buuin ang talata. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel.
Maraming natatanging kaugalian ang mga sinaunang Pilipino. Sa pananamit, ang

kalalakihan ay nagsuot ng pantaas na damit na tinatawag na (1) __________ at ang

kababaihan ay nagsuot ng (2) _________ at ________. Sa palamuti naman ang ating mga

ninuno ay nagsuot ng isang alahas na hugis rosas na tinatawag na (3) _____________. Sa

kaugalian sa paglilibing kung ang buto ng bangkay ay natutuyo na, ito ay huhukayin at isisilid

sa (4)___________. Naniniwala din ang mga sinaunang Pilipino na may espiritung nananahan

sa kanilang kapaligiran.Ang tawag sa paniniwalang ito ay (5)____________.


D. Pagsususri (Analysis)
E.
Masusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng mga Pilipino sa
kasalukuyan at makabuo ng konklusyon tungkol sa kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa
pakabuo ng lipunan at pagkakilanlang Pilipino. Halimbawa Pananamit at Palamuti Kaugalian sa
Pagpapangalan Kaugalian sa paglilibing Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos sa Kalikasan
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas Sistema ng Pagsulat at Edukasyon Musika at Sayaw Panitikan at
Sining Panahanan ng Sinaunang Pilipino Estruktura at Estilo ng mga Pilipino.

4 A. Makasusuri sa Sosyo- F. Paglalahat (Abstraction)


sosyo-kultural at Kultural at
politikal na Pampolitika
pamumuhay ng mga ng
Pilipino Pamumuha
B. Makasusulat y ng mga
ng isang sanaysay Sinaunang
na nagpapakita ng Pilipino
sosyo-kultural na
pamumuhay ng
mga Pilipino; at
C.
Makapagpapahalaga
sa sosyo-kultural at
politikal na
pamumuhay ng mga Mula sa mga natatag na mga pamayanan ay umusbong ang pangangailangan sa
Pilipino.
kaayusan kaya naitatag ang sistema ng pamamahala. May dalawang uri ng pamahalaan na

umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas ang (1) _________ at ________. Ang tawag sa

namumuno ng barangay ay (2) ________ (3) _________ naman ang tawag sa namumuno sa

isang sultanato. Nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t-isa para sa kapayapaan at


kalakalan sa pamamagitan ng (4) _____________. Habang ang batas ng sultanato ay batay

sa (5) __________ sistema.

G. Paglalapat (Application)

Panuto: Kompletuhin ang Timeline. 10 puntos

H.Additional/Enrichment Activities

1. Paano ang paraan ng paglilibing ng ating mga ninuno?


2. Ano-ano ang mga paniniwala o relihiyon ang ating kinagisnan?
3. Paano mailalarawan ang paraan ng pagsulat at pagtatala ng mga sinaunang Pilipino?
4. Ano ang iyong pakiramdam at saloobin kung makakakita ka ng ganitong kultura?.

5 A. Makasusuri sa Sosyo- H. ASSESSMENT


sosyo-kultural at Kultural at Gawain A
politikal na Pampolitika
pamumuhay ng mga ng Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag sa pangungusap. Kung mali isulat
Pilipino Pamumuha at salitang M sa patlang sa iyong kuwaderno.
B. Makasusulat y ng mga
ng isang sanaysay Sinaunang 1. Ang bawat bansa ay may sariling kultura.
na nagpapakita ng Pilipino 2. Ang putong sa ulo ng isang lalaki ay sumisimbolo sa kanyang katapangan.
sosyo-kultural na 3. Ang mga Filipino noong ay mahilig sa pagsusuot ng alahas tulad ng purselas, kwintas at hikaw.
pamumuhay ng 4. Ang ama ang kalimitang nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak.
mga Pilipino; at 5. Ang patadyong ay pangibabang kasuotan ng mga babae.
C.
Makapagpapahalaga Gawain B
sa sosyo-kultural at
politikal na
pamumuhay ng mga Panuto: Hanapin sa ibaba ang mga salitang may kaugnayan sa SAYAW, MUSIKA at PANITIKAN.
Pilipino.
RESULTS:

REFLECTION

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Prepared by:

JUDY ANN G. ALBIT


Grade 5 - AP Teacher

Noted:

ELVIRA E. SEGUERA
Principal II

You might also like