You are on page 1of 6

Marinduque Midwest College

Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #3

PAKSA : . Panahon ng mga Kastila

LAYUNIN:
1. Nalalaman, natutukoy at napapahalagahan ang mga ideya
kaugnay ng Panahon ng mga Kastila.
2. Nakilala ang mga panitikan sa panahong ito.

 NAIS MALAMAN?
Panahon ng mga Kastila
 Ang Pasyon
 Karagatan
 Duplo
 Moro-moro o Komedya
 Mga Awiting Panrehiyon

ALAM MO NA BA?

Paunang Gawain:

 Panuorin ang isang video sa youtube gamit ang link na


 Panuorin din ang mahalagang impormasyon kaugnay ng Panitikan sa Panahon ng mga
Kastila https://www.youtube.com/watch?v=jRG16bKllOQ

Katangian ng Panitikan bago duamting ang mga Kastila


 May sariling panitikan
 May sariling baybayin o alpabeto
 May sistema ng pagsulat
 Talagang mahilig sa awit, tula, bugtong, kuwento at palaisipan

Kapaligirang Pangkasaysayan
1. Ang mga negrito o ItaAng kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang Negrito o Ita.
Walang sarilingkulturang masasabi ang mga Ita. Wala silang nalalaman sa agham, sa
paghahanap buhay, sapamahalaan, sa sining, sa pagsusulat at sa pamumuhay. Sa panitikan ay
wala silang nalalamankundi ilang awitin at pamahiin.
2. Ang Pagdating ng mga Indonesyo
Ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol at Kaukao kaya’t
sila’ymapuputi at manilaw-nilaw ang mga balat. Walang masasabi gaanong kultura ang
kanilangdinala rito liban sila’y marunong nang mamahay ng sarili, marunong magtanim ng mga
halaman at marunong nang magisda. Pagkaraan ng 4000 taon ay dumating naman ang
Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #3

ikalawang sapit.Iba ang mga hitsura nito kaysa mga unang Indonesyong nandarayuhan sa
atin. Ang mgaIndonesyong ito’y nakahihigit ng kalinangan kaysa doon sa una. Sila’y may sarili
nang sistemang pamahalaan, may mga hanapbuhay, marunong magluto ng pagkain at may
dalang panitikanggaya ng epiko, kuwentong bayan, mga alamat, mga pamahiin at
pananampalatayang pagano. Silaang mga ninuno ng mga Ipugaw.

3. Ang Pagdating ng mga Malay


Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang unang pangkat
aynakarating dito noong kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100
taonpagkamatay ni Kristo. Ang mga Malay na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang
paganoat mga awiting pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga
ninunong mga Igorot, Bontok at Tinguianes.Ang ikalawang pangkat ay dumating dito
mula noong 100 hanggang 1300 taonpagkamatay ni Kristo. Sila ang mga ninuno ng mga
Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba pa.
Sila’y may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat
at mgakarunungang bayan. Sila ang nagdala ng Baranggay.Ang ikatlong pangkat ay ang mga
Malay na Moslem. Nagdala sila dito ng epiko, alamat,kuwentong bayan at ng
pananampalatayang Moslem.

4. Ang mga Intsik


Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik
aybahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali,
kawa,bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling
saIntsik.
5. Impluwensiya ng mga Bumbay
Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan
atliriko. Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang
mgaito’y, guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.

6. Mga Arabe at Persiyano


Nagdala sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat.

7. Impluwensiya ng Imperyo ng Madjapahit


Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay
nagingnapakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay
IndoTsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon
ngimpluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan
ngCebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na
mgabansa
Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #3

8. Ang Imperyo ng Malacca


Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o Rajah. Sinasabing
angkaraniwang pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.

B. Mga Bahagi ng Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila


1. Alamat - pinagmulan ng isang pook, bagay bagay, kalagayan o katawagan. Ang panahon
ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng ikalawangpangkat ng
mga Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang na binubuo ng
mgamitolohiya, alamat, kuwentong bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya’y
sumasambasila sa punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila sa
pamahiin.
2. Kuwentong Bayan – madalas nangyayari sa loob at labas na isang particular na lugar.
Bago pa lumaganap ang panitikang paulat ay laganap na sa Pilipinas ang
kuwentongbayan. Ito’y isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong
Pilipino. Karamihan ngmga kuwentong baying Pilipino ay tungkol sa kanilang mga Diyos,
at mga ispiritu na siyangnagtatakda ng kapalaran ng tao.
Ang mga kuwentong bayang ito’y naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya
atmga suliraning panlipunan ng panahong yaon. Kahit na ang mga kuwentong ito’y may
mgakababalaghan at di kapanipaniwalang mga pangyayari, marami ang nagbibigay ng
aral.
3. Panahon ng Epiko
Sa panahong ito dumating ang mga Malay na may sarili nang alpabeto na tinatawag
naAlibata. Sila ang mga Malay na Muslim na maalam nang magsulat. Ito ang alpabetong
Arabe nahanggan ngayon ay ginagamit pa ng mga Muslim sa Mindanaw at Sulu.
Hinalinhan ng Kastilaang tawag sa alpabetong ito at tinawag na Baybayin at ngayon ay
siyang tinatawag na Abakada.Ang epiko’y isang tulang pasalaysay na ang
karaniwang paksa’y tungkol sapakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng
mga tao noong unang panahon. May mgapangyayari ditong hindi kapani-paniwala at
maraming kababalaghan. Maraming mga epikongisinalin ng mga misyonerong Kastila,
gayon din ng mga pokloristang Amerikano nguni’t maramipa rin ang hindi naisalin sa
kakulangan ng mga mag-aaral sa lingguwistika. Kaya’t ang maramisa epikong Pilipino ay
nakikilala lamang sa pamagat
a. Bidasari – Moro
b. Biag ni Lam-Ang – Ilokano
c. Maragtas – Bisaya
d. Haraya – Bisaya
e. Lagda – Bisaya
f. Hari sa Bukid – Bisaya
g. Kuminatang – Tagalog
h. Agoy Sudsud – Tagbanua
Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #3

i. Tatuang – Bagobo
j. Indarapata at Sulayman
k. Bantugan
l. Daramoke-A- Babay

4. Mga Awiting Bayan 


Ang awiting bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin,
kaugalian,karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong
naninirahan sa isang pook.Maraming mga uri ng mga awitin. May mga awit tungkol sa
pagdakila sa kanilang Bathala, pag-awit sa pagsisisi sa kasalanan, pag-awit upang
sumagana ang mga ani, pag-awit tungkol sakatapatan ng pag-ibig, pag-awit sa
pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag-awit sa pagpapatulogng bata, pag-awit sa kasal,
pag-awit bilang pagpuri sa kanilang mga ninuno. May mga awitnamang malaswa ang
sinasabi at may kagaspangan ang mga pananalita. • Kundiman – awit ng pag-ibig
Kumintang o Tagumpay – Pandigma • Ang Dalit o Himno – Awit sa Diyos-diyosan • Oyayi
o Hele – Pagpapatulog ng Bata • Diona – Kasal • Suliranin – Awit ng mga Manggagawa •
Talindaw – Pamamangka
5. Mga karunungang Bayan 
Ang mga karunungang bayan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain,
sawikain,kasabihan at palaisipan. Karamihan ang mga ito’y nanggaling sa mga Tagalog
at hinugot sa mgamahahabang tula. Ang mga unang salawikain at sawikain ay may
pagkakatulad sa ma tula ngIndiya, Indonesya, Burma at Siyam. Ito’y nagpapatunay
lamang na noong unang panahon aynagdala ang mga bansang nabanggit ng
impluwensiya ng kanilang panitikan sa Pilipinas.
6. Salawikain • Nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng
kagandahang-asal ang ating mga ninuno. Ang salawikain ay isang patalinhagang
pahayag na ginagamit ng mga matatanda noongunang panahon upang mangaral at
akayin ang mga kabataan sa mabuting asal. Ito’y patulangbinibigkas na may sukat at
tugma. Ito ang nagsilbing batas ng magandang kaugalian at pagkilosnoong panahon ng
ating mga ninuno “Hanggang maiksi ang kumot, Magtiis kang mamaluktot”
7. Sawikain • Mga kasabihang walang natatagong kahulugan. Ang sawikain, bagaman
patula rin at may sukat at tugma ay iba kaysa salawikainsapagkat’t ito’y nagpapahayag
ng katotohanan at nagpapakilala ng gawi o ugali ng isang tao.
• Halimbawa: • Ang tunay na kaibigan sa Sa gipit nasusubukan
8. Bugtong • binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat o tugma. •
Maaaring apat o hanggang labindalawa. Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan
ng paglalarawan. Ito’y binibigkas ngpatula at may lima hanggang labindalawang pantig.
Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sabugtong.
• Halimbawa: • Bungbong kung liwanag, Kung gabi ay dagat. • Dalawang batong
itim, Malayo ang nararating.
9. Palaisipan - Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Ito’y gumigising sa isipan ng tao
upang bumuong isang kalutasan sa isang suliranin. Kahit na sa paaralan ngayon
ay ginagamit na angpalaisipan sapagka’t ito’y isang paraan upang tumalas ang isipan
ng mga mag-aaral
Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #3

• Halimbawa: • May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian,


pambihirang ganda. Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng
binatang sumisinta.
10. Bulong • Ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto. Ang bulong ay isang uri ng
tradisyonal na dula at ito’y labis na pinaniniwalaan ng mga unang Pilipino. Isa pang
pagbulong ay paghingi ng pahintulot sa pinaniniwalaan nilang nuno sapunso
• Halimbawa: • Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y
napag-utusan
11. Kasabihan • Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao. •
Halimbawa: • Putak, putak Batang duwag Matapang ka’t nasa pugad
12. Kawikaan • Kasabihang galing sa bibliya • Halimbawa: • Ang nagpapakataas ay ibababa
at ang nagpapakababa ay itataas.
13. Ang Mga Unang Dulang Pilipino
Ang unang dulang Pilipino ay patula rin ang usapan. Nang dumating ang mga Kastila
aymay nadatnan na silang mga dulang ginaganap sa iba’t-ibang pagkakataon. Ang mga
ito’yginaganap na kaugnay ng mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa
kani-kanilangmga pinuno at bayani.

GAWAIN:
1. Magbigay ng sariling halimbawa ng mga ss: (50pts)
• Salawikain (2) • Sawikain (1) • Bugtong (3) • Palaisipan (2) • Kawikaan (2)

2. Gaano kahalaga ang panitikan bago dumating ang mga Kastila sa kasalukuyan? Pag-
ugnayin. (30pts)

3. Pumili ng isang panitikan na sa palagay mo ay magagamit mo sa isang leksiyon? Bakit ito


ang iyong napili? (20pts)

ANO ANG AKING NATUTUNAN? (250-350 NA SALITA)


Marinduque Midwest College
Dili, Gasan, Marinduque

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA (PANITIKAN NG PILIPINAS)

MODULE #3

PABATID: Ang gawaing ito ay sasagutin at ipapasa sa Google Classroom.

You might also like