You are on page 1of 5

BAKIT MAHALAGANG PAG-ARALAN ANG PANITIKAN?

1. Upang maunawaan ang kulturang Pilipino, maunawaan ang ating minanang intelektwal na
kayamanan, at maunawaan ang likas na henyo ng lahi ng ating mga ninuno.

2. Upang makita natin na mayroon tayong marangal at kahanga-hangang tradisyon na naging gabay
sa mga epekto ng ibang sibilisasyon.

3. Upang maunawaan natin ang mga ideya sa ating panitikan at makapagsanay sa pagwawasto nito.

4. Upang magkaroon ng kamalayan sa ating mga kakayahan sa pagsusulat at magsikap na


mapahusay at mapaunlad ang mga ito.

5. Dapat nating pag-aralan ang ating panitikan bilang mga Pilipinong nagmamahal at
nagmamalasakit sa sariling kultura. Dapat nating ilagay ang isang mas mataas na priyoridad sa
ating sarili kaysa sa iba.

MATANDANG PANAHON

1. Kaligirang Pangkasaysayan

2. Negrito o Aeta

Unang nanirahan sa Pilipinas at sinasabing nakarating ito sa pamamagitan ng tulay na lupa. Sila ay
nangangaso at namimitas ng bunga para mabuhay. Ang kanilang panitikang nabuo ay awitin at pamahiin.

 Indones

Unang sapit na Indonesyo ay mapuputi at manila-nilaw ang balat dahil may lahi silang Mongol at Kaukau.
Marunong nang mamahay ng sarili, magtanim ng halaman at mangisda. Makalipas ang 4ooo taon ay
dumating ang ikalawang sapit na Indonesyo. Naiiba na ang kanilang hitsura, may sarili nang sistemang
pamahalaan, hanapbuhay, marunong magluto at may dalang panitikan tulad ng epiko, kwentong bayan,
alamat, pamahiin at pananampalatayang pagano. Sila ang mga ninuno ng mga Ipugaw.

 Malay

Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang unang pangkat ay nagdala ng kanilang
pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon at
sila ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguianes. Ang ikalawang pangkat ay ang mga ninuno ng
mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Sila’y may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong
bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Sila ang nagdala ng Baranggay. Ang ikatlong pangkat ay
ang mga Malay na Moslem. Nagdala sila dito ng epiko, alamat, kuwentong bayan at ng
pananampalatayang Moslem.

 Ang mga Intsik

Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na ng wikang
Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw,
inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling sa Intsik.

 Impluwensiya ng mga Bumbay


Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan at liriko. Marami
ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga ito’y, guro, bansa, mukha,
likha, hukom, dukha at iba pa.

 Mga Arabe at Persiyano

Nagdala sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat.

 Impluwensiya ng Imperyo ng Madjapahit

Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinakasentro ay Java sa Indonesya ay naging


napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo Tsina,
Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga
bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan
ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na mga bansa.

 Ang Imperyo ng Malacca

Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o Rajah. Sinasabing ang karaniwang
pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.

1. Sistema ng Pagsulat

2. Baybayin – hango sa kawi (sistema ng pagsulat ng Java)

3. 14 na katinig at 3 patinig

4. e/i (tuldok sa itaas) at o/u (tuldok sa ibaba)

5. walang patinig (krus or ekis)

6. 1 guhit na patayo (pagitan ng mga salita)

7. 2 guhit na patayo (pagitan ng mga pangungusap)

8. Ginagamit upang maitala ang mga makasaysayang pangyayari sa kanilang buhay gaya ng
tradisyon, kaugalian, paniniwala at iba pa.

ABUGIDA – ito ang pagpapares ng katinig at patinig

1. Gamit sa pagsulat

1. Bato

2. Biyas ng Kawayan

3. Talukap ng bunga

4. Dahon

5. Balat ng puno ng kahoy

6. Palayok

1. Gamit na Panulat
1. Matutulis na kawayan

2. Kahoy

3. Bato

4. Bakal

 Paraan ng Pananalita

 Nasasailalim sa pag-uuri ng panitikan na ayon sa PAGHAHALIN.

Tatlong kabahaging uri

 Pasalindila

 Pasalinsulat

 Pasalintroniko

 Paraan ng Pakikipagkalakalan – Barter

 Relihiyon – Paganismo

 Unang Anyo ng Tula

 Awiting Bayan – awiting nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, paniniwala, karanasan, gawain


o hanap buhay sa isang lugar.

Mga uri ng Awiting Bayan

1. Oyayi – awit sa panghele sa bata

1. Diona – awit sa panliligaw

2. Soliranin – awit ng manggagaod

3. Talindaw – awit sa pamamangka

4. Kumintang – noong una ay ginamit sa digmaan at naging awit naman sa pag-ibig

5. Tagumpay – awit sa pagwawagi sa digmaan

6. Indolanin – awit sa panlansangan

7. Hiliraw / Pamatbat – awit sa inuman

8. Balitaw / Kundiman – awit sa pag-ibig

9. Saloma / Tikam – awit ng digmaan

10. Bansal / Pagatin / Onsequep – mga awit ng kasalan sa Pangasinan

11. Holohorlo – awit sa panghele ng bata, may pagkatulad sa oyayi

12. Umbay – awit sa paglilibing


13. Dalit – awit ng papuri sa diyos

14. Duwang – awit na panrelihiyon

 Karunungang Bayan – nagpapatalas ng isipan upang mag-isip at bigyang- kahulugan ang mga
mahalagang kaisipan nakapaloob ditto o ang mga salitang inilalarawan nito.

Mga Uri ng Karunungang Bayan

1. SALAWIKAIN – nagbibigay aral at talinghaga

2. BUGTONG (Riddle) – patulang pahayag na naghahanap ng kasagutan

3. PALAISIPAN (Brainteaser) – pahayag na nangangailangan ng kasagutan

4. Kasabihan –Kadalasang tumatalakay sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at


naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

5. Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan

 Kwentong Bayan – mga kwento tungkol sa mga karaniwang kaganapan sa pamayanan

 Bulong– ginagamit na pang-kulam

 Alamat – mga kwento ukol sa pinagmulan ng isang bagay

 Epiko – mahabang salaysayin tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan

 Mito

1. Mga Diyos at Diyosa

a. Bathala / Abba – pangunahing diyos

b. Idionale – diyos ng mabuting gawain

c. Anion Tabo – diyos ng hangin at ulan

d. Apolaki – diyos ng digmaan

e. Haman – diyos ng mabuting pag-aani

f. Mapolan Masalanta – diyos ng mang-iibig

g. Libongan – nagtatanod sa pagsilang ng isang buhay

h. Libugan – nangangasiwa sa pag-aasawa

i. Limoan – nangangasiwa kung paano mamamatay ang isang tao

j. Tala – diyos ng umagang bituin

2. Mga Mabubuting Espirit


a. Patianak – tagatanod ng lupa

b. Mamanjig – nangingiliti sa mga bata

c. Limbang – tagatanod ng kayamanan

3. Masasamang Espirito

a. Tiktik – ibong kasama ng aswang

b. Tanggal (Manananggal) – sumisipsip sa dugo ng sanggol

c. Tama-Tama – kumukurot sa sanggol

d. Kapre – maitim na higanteng may tabako

You might also like