You are on page 1of 5

Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan
ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila
gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na
anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga
katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa
mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na
lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa
kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa
paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

KAPANAHUNANAN NG MGA ALAMAT


 Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng
ikalawang pangkat ng Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang na
binubuo ng mga mitolohiya, alamat, kwentong bayan, mahiya, seremonya sa
pananampalataya sumasambala sila sa punongkahoy, sa araw at sa iba pang
mga anito. Naniniwala rin sila sa pamahiin.

KAPANAHUNANAN NG MGA EPIKO


 Nagsimula sa pali-palibot ng mga taong 1300 A.D. at nagtatapos sa panahon ng
pananakop ni Legazpi noong taong 1565.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Kapanahunan ng mga Alamat

Ang mga Ita o Negrito ●●● Indonesyo ●●● ●●● Hindu ●●● Arabe at Persiyano

Ang Mga Ita


 Unang nanirahan sa ating mga pulo.
 Nakilala sa tawag na ita, ayta o agta at kung minsa’y baluga.
 Sila ay walang pamahalaan, panulat, sining, siyensya, bagamat sanay sa gamit
ng busog at pana sa paghahanap ng makakain
ANG MGA INDONESYO
 Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na.
 Nang sumapit sila rito’y may malalaking pangangatawan, maitim na balat,
makapal na labi, malaking ilong at pangahan
 May kabihasnan silang higit sa mga Negrito
 may pamahalaan
 Nagsusuot ng damit
 nagluluto ng pagkain -nagsasaing sa tukil
 marunong magpanginas ng apoy
 Mayroon silang alamat at mga epiko, mga pamahiin at mga bulong na
pangmahiya.
Ang mga Hindu
 ay nakarating sa Pilipinas noong ika-12 siglo. Ang unang sapit ng mga Hindu ay
nanggaling sa Borneo at sila’y nagdala ng pananampalatayang Budismo, Epiko
at Mahiya. Ang Ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo din noong ika-
14 na siglo, nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang
epiko, awiting bayan atliriko.
 Marami ding mga salitang Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga ito’y,
guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.
ANG MGA ARABE AT PERSYA
 Dumating ang mgaArabe sa Pilipinas noong ika- 12 siglo, ngunit ang nagdala ng
pananampalatayang Muslim ay ang tinatawang na “Hadramaut Sayyids” mga
misyonerong Arabe na nanggaling sa Malaysia at dumating sa Pilipinas noong
ika 16-siglo.
 Kasama nila ang maraming mangangalakal na Arabe at Persiyano, sila’y
nanirahan sa Mindanao at Sulu. Nagdala rin sila ng mga Epiko, Kuwentong
Bayan, Dula at Alamat.

MGA KATANGIAN NG KAPANAHUNAN NG MGA ALAMAT

1. Ang mga nakatira sa kapuluang ito noong Kapanahunan ng mga Alamat,


bagama’t hindi tahasang gala, ay walang panatilihang tahanan.
2. Kung nasa isang pook ay pangkat-pangkat at sila ay may sariling pamahalaang
ksaundo o kaaway ng mga kalapit- pangkat.
3. Ang panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila, na ang nagpapahayag ay ang mga
apo, na karaniwang puno ng baranggay o pinaka-pari ng kanilang relihiyon.
4. Ang relihiyon noon ay ang pagsamba sa araw, punungkahoy o anumang
kalagayan ng kalikasan at ang lahat ng mga kababalaghan ay gawa ng mga
mabubuting hilagyo (spirit) na tinatawag nilang “anito” .
5. Binubuo ang panitikan ng mga bulong na pangmahiya (incantations), kwentong-
bayan (folktale), alamat (legend).
6. Ang karamihan ay salig sa pananampalataya at pamahiin.
7. May mga mananaliksik na nagsasabing ang mga taong ito ay mayroong ilang
tulang panrelihiyon
Kaligirang Pangkasaysayan Ukol sa Kapanahunan ng mga Epiko

Ang mga Malay ●●● Instik ●●● Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit●●● Ang
Kaharian ng Malacca

Ang Mga Malay


Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas
1. (kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay
ni Kristo.) Ang mga Malay na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang
pagano at mga awiting pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon
at sila ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguianes.
2. (100 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo.) mga ninuno ng mga Tagalog,
Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Sila’y may dalang wika, alpabeto, awiting bayan,
kuwentong bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Ang mga ito
bagama’t mga tubong Malaysia ay kung saan-saan nanggaling na mga kalapit
bansa gaya ng Borneo, Malacca at Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay
kumalat sila sa iba’t ibang lalawigan ng Luzin at Visayas. Sila ang nagdala ng
Baranggay.
3. Ikatlong pangkat ay ang mga Malay na Moslem. Nagsidating sila noong 1300 at
1500 taon. Nanggaling sila sa Malaysia at nanirahan sa Mindananao at Sulu.
Nagdala sila dito ng Epiko, Alamat, KuwentongBayan at Pananampalatayang
Moslem.

Ang mga Intsik


 ay nakarating sa Pilipinas sa pagitan ng ikatlo hanggang ikawalong siglo. Ang
mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik ay
bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi,
kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at
mga iba pa ay nanggaling sa Intsik. Ang ilang kaugaliang sosyal ay galing din sa
kanila. Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Intsik noong taong 1405 hanggang
1417 noong panahon ni Yonglo.
Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit/ Kambodya
 Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay
naging napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop.
Kabilang dito ay IndoTsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t
ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na
sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay
katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na mga bansa.
Ang Kaharian ng Malacca
 Sa pagbagsak ng Imperyo ng Madjapahit ay ang Imperyo naman ng Malacca
ang naging makapangyarihan sa Silangan. Nagtatag sila ng pamahalaang
pinamunuan ng mga Sultan o Rajah. Tumagal ang kapangyarihan ng Malaca ng
may 20 taon mula noong 1430 hanggang 1450. Nagtatag sila ng pamahalaang
pinamumunuan n g mga Sultan o Rajah. Sinasabing ang karaniwang pahayag na
“Alla-eh” sa Batangas ay impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.

MGA PANITIKANG UMUSBONG

Alamat ∞∞∞ Epiko ∞∞∞ Bulong ∞∞∞ Kwentong Bayan ∞∞∞ Bugtong Awiting Bayan
∞∞∞ Salawikain ∞∞∞ Palaisipan Unang Dulang Pilipino ∞∞∞ Sawikain ∞∞∞ Kasabihan

Alamat
 Karaniwang pumapaksa ng isang bagay, pook, kalagayan o katawagan. Ito ay
likhang isip lamang kaya’t salat sa katotohanan at di kapani- paniwala.
Epiko
 ito ay kwento ng kabayanihan. punung-puno ito ng mga kagila- gilalas na
pangyayari.
Bulong
 isang uri ng tradisyonal na dula at ito’y labis na pinaniniwalaan ng mga unang
pilipino. isa pang pagbulong ay paghingi ng pahintulot sa pinaniniwalaan nilang
nuno sa punso.
Kwentong Bayan
 Ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng tao. Madalas itong nangyayari sa paligid-ligid
lamang ng ating lugar. Ang mga kwentong ito ay nauukol sa pakikipagsapalaran,
pag- iibigan, katatakutan. Nakatutulong ang mga kwentong ito upang
mapahalagahan natin ang kapaligiran, makilala ang ating katauhan at maiayos
ang ating pananaw sa buhay.
Bugtong
 Uri ng panitikan na kawili-wili. Ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng
talasalitaan at pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na nagpapasalin-salin sa bibig
ng mga ninuo. Ito ay may tugma at talinghaga at kapupulutan ng mahalagang
butil ng karunungan.
Awiting Bayan
 tuloy-tinig (survival) ng dating kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila. Ito ay
kasasalaminan ng kalinangan ng lahi

TATLONG DAHILAN NG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG MGA AWITING


BAYAN
1. Ang mga kantahing bayan ay nagpapakilala ng diwang makata.
2. Ang mga kantahing bayan natin ay nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng
lahing Pilipino.
3. Ang mga kantahing bayan ay bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing
sa puso at kaluluwang bayan.
Salawikain
 ay maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan, mga batayang
tuntunin, o mga alintuntunin ng kaasalan. Ito ay maaaring patula o tuluyan. Ang
may-akda ay hindi matunton at ang mga ito ay pasalin-salin sa mga lahi.
Tumutukoy sa kasikhayan, kasipagan, kaagapan, at katipiran; kalinisang at
katimpihan; pagpapaumanhin at pagtitiyaga; pamimitagan at mabuting
kamihasnan; pagbibiro; at mga kaagapay na katotohanan sa buhay.
Kasabihan
 ginagamit sa pagpuna sa isang gawi o kilos ng isang tao. Palaisipan  ay nasa
anyong tuluyan. ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin. kahit na sa paaralan ngayon ay ginagamit na ang
palaisipan sapagka’t ito’y isang paraan upang tumalas ang isipan ng mga mag-
aaral.
Sawikain
 ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit.
ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

You might also like