You are on page 1of 35

PRE-

KOLONYAL
NA PANAHON
o
KATUTUBONG
PANAHON
Dalawang Bahagi ng Matandang
Panitikan
1. KAPANAHUNAN NG MGA ALAMAT
Ang panahon ng mga alamat ay nasasakop
mula sa panahon ng pagdating ng ikalawang
pangkat ng Malay. Ang kanilang panitikan ay
pasalita lamang na binubuo ng mga mitolohiya,
alamat, kwentong-bayan, mahiya,
seremonya sa pananampalataya,
sumasambala sila sa punongkahoy, sa araw
at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila
sa pamahiin.
II. KAPANAHUNAN NG MGA
EPIKO
Nagsimula sa pali-palibot ng mga
taong 1300 A.D. at nagtatapos sa
panahon ng pananakop ni Legazpi
noong taong 1565.
Katutubong Panitikan bago
pumasok ang Impluwensiya ng
Kanluran
 Sawikain- ang sawikain o idioma ay
salita o grupo ng mga salitang patalinghaga
ang gamit. Ito’y nagbibigay ng di-tuwirang
kahulugan.
Halimbawa:
1. Makapal ang Palad = Masipag
Paborito ni Tiyo Berting si Richmond
sa pagiging makapal palad nito.
Halimbawa ng Sawikain
2. Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-
aral
Araw-araw ay nagsusunog ng kilay
ang batang si Jaime.
3. Amoy Pinipig = Mabango
Palaging amoy pinipig ang guro nila
sa Filipino.
 Palaisipan- ay nasa anyong tuluyan. Ito’y
gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng
isang kalutasan sa isang suliranin. Bago pa
man dumating ang mga kastila upang
sakupin ang pilipinas, ang mga katutubo ay
mayroon nang kalinangan at kaalaman sa
sining at panitikan.
Halimbawa:
1. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: langka
2. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
3. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
 Kasabihan- ginagamit sa pagpuna sa
isang gawi o kilos ng isang tao.
Halimbawa:
1. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap
nagmula.
2. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay
magsikap.
3. Ang kayamanang galing sa kasamaan,
dulot ay kapahamakan.
 Salawikain- ay maiigsing pahayag ng
mga pangkalahatang katotohanan, mga
batayang tuntunin, o mga alintuntunin ng
kaasalan.
Halimbawa:
1. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
2. Ang ampalaya kahit anong pait, sa
nagkakagusto’y matamis.
3. Kung may tinanim, may aanihin.
 Awiting-bayan- tulay-tinig (survival) ng
dating kalinangan sa pamamagitan ng
saling-dila. Ito ay kasasalaminan ng
kalinangan ng lahi.
Halimbawa:
1. Leron, Leron Sinta
2. Manang Biday
3. Dandansoy
 Bugtong- uri ng panitikan na kawili-wili.
Ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng
talasalitaan at pagsasanay sa mabibilis na pag-
iisip na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga
ninuno.
Halimbawa:
1. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa
2. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
3. Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan.
Sagot: Kalendaryo
Kwentong-bayan- ito ay nagpapasalin-
salin sa bibig ng tao.
Halimbawa:
1. Si Mariang Mapangarapin
Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o
adhika upang ito ay maisakatuparan.
2. Ang Punong Kawayan
Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang
dulot.
 Bulong- isang uri ng tradisyonal na dula
at ito’y labis na pinaniniwalaan ng mga
unang Pilipino.
Halimbawa:
1. Tabi tabi po apo, alisin mo po ang sakit
ng pamilya ko
2. Pakabait ka.
3. Tabi, tabi po, ingkong.
 Epiko- ito ay kwento ng kabayanihan,
punong-puno ito ng mga kagila-gilalas na
pangyayari.
Halimbawa:
1. Biag ni Lam-ang (Ilocos)
2. Hinilawod (Panay)
3. Bidasari
 Alamat- karaniwang pumapaksa ng isang
bagay, pook, kalagayan o katawagan.
Halimbawa:
1. Ang Alamat ni Maria Makiling
2. Ang Alamat ng Pinya
3. Ang Alamat ng Butiki
 Ang panitikan sa panahong ito ay hindi lamang
pasalin-dila dahil mayroon na silang panitikan
na nakasulat sa biyas ng kawayan, balat ng
kahoy at makikinis na bato at ang
kanilang ginagamit na panulat ay ang
lanseta.
 Ginamit din ng mga katutubo ang sinaunang
alpabeto na alibata, na kung saan ang paraan
ng pagkakasulat nito ay mala arabic at ang
paraan ng kanilang pagsusulat noon ay
impormal sapagkat sila ay nagsusulat ng mula
sa itaas hanggang pababa.
 Ang mga karunungang bayan ang nagsisilbing
libangan nila ng mga panahong iyon.
ALIBATA
TATLONG DAHILAN NG
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
NG MGA KANTAHING-BAYAN
1. Ang mga kantahing-bayan ay
nagpapakilala ng diwang makata.
2. Ang mga kantahing-bayan ay
nagpapahayag ng tunay na
kalinangan ng lahing Pilipino.
3. Ang mga kantahing-bayan ay bunga ng
bulaklak ng matulaing damdamin
galing sa puso at kaluluwang bayan.
MGA
SINAUNANG
TAO SA PRE-
KOLONYAL NA
PANAHON
ANG MGA ITA
 Unang nanirahan sa ating mga pulo.
 Nakilala sa tawag na Ita, Ayta o Agta at kung
minsan’y Baluga.
 Sinasabi ng kasaysayan na ang mga taong ito’y dating
nanirahan sa Tsina ngunit nang magkaroon ng
pagsabog ang mga bulkan sa ilalim ng dagat ay
nagkawatak-watak ang mga gilis ng lupa ng Tsina at
ang sumabog na lupa’y naging Pilipinas.
 Sila ay walang pamahalaan, panulat, sining,
siyensya, bagamat sanay sa gamit ng busog at
pana sa paghahanap ng makakain.
 Sa panitikan wala silang dalang alam kundi ilang awitin
at pamahiin.
ANG MGA INDONESYO
 Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na.
- nang sumapit sila rito’y may malalaking
pangagatawan, maitim na balat, makapal na labi,
malaking ilong at pangahan.
 May kabihasnan silang higit sa mga Negrito
- may pamahalaan
- nagsusuot ng damit
- nagluluto ng pagkain
- nagsaing sa tukil
- marunong magpanginas ng apoy
 May dalang epiko, alamat, kwentong-bayan,
pamahiin, pananampalataya.
ANG MGA MALAY
Tatlong Pangkat ng mga Malay ang nakarating sa
Pilipinas
- ikatlong pangkat ay ang mga Malay na Muslim.
- nagsidating sila noong 1300 at 1500 taon.
Nanggaling sila sa Malaysia at nanirahan sa Mindanao
at Sulu.
- may dalang wika, alpabeto, awiting-bayan,
kwentong-bayan at alamat.
- ang mga Malay na ito’y nagdala ng
pananampalatayang pagano at mga awiting
panrelihiyon.
 Sa “Migration Theory” ang mga malay ay dumating
pagkatapos ng mga Indonesian, mga 2000 taon na
ang nakalipas. Dumating din sila sa pamamagitan
ng mga bangka mula sa Timog Silangang Asya.
 Ang mga malay ay higit na maunlad kaysa sa mga
Indonesian. Nanirahan sila sa higit na malaking
pamayanan. May pamahalaan sila, kasulatan,
musika, mga sining at mga agham.
 Ang mga pilipino ngayon ay galing sa Malay o
lahing kayumanggi, kaya mayroong mga malay na
muslim sa Mindoro, Sulu at Palawan.
 Ang migrasyon ng tao galing ibang bansa ay naging
tulay upang silay tawagin nating mga unang Pilipino
na ating mga ninuno.
ANG MGA INTSIK
 Ang mga intsik ay nakarating sa Pilipinas sa pagitan ng
ikatlo hanggang ikawalong siglo.
 Nagdala ng kanilang wika kaya’t mahigit sa 600 salitang
Intsik ay bahagi na ng wikang Pilipino.
 Kaugnay ng kanilang etniko, kinakarakterisa ang istilo
ng pamumuhay ng armonya sa pagitan ng tao at
kalikasan.
 Mahalaga ang mga pista sa buhay ng mga Tsino. Kahit
naghahandog sila ng sakripisyo sa mga diyos-diyosan,
sa katotohanan, ang mga diyos-diyosan na ito ay mga
sekondaryang kahalagahan lamang.
 Tinatawag silang manggugusi dahil inilalagay nila ang
bangkay sa gusi bilang kabaong.
 Sila ang nagbigay sa pangalang Luzon.
ANG MGA BOMBAY/HINDU
 Ang mga bombay o hindu ay nakarating sa Pilipinas
noong ika-21 siglo. Ang unang sapit ng mga bombay ay
nanggaling sa Borneo at sila’y nagdala ng
pananampalatayang Budismo, epiko at mahika.
 Ang ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo
din noong ika-14 siglo, nagdala sila ng
pananampalatayang bramanistiko at panitikang
awiting-bayan at liriko.
 Marami ding mga salitang bombay na bahagi ng wikang
pilipino. Ang mga ito’y guro, bansa, mukha, likha,
hukom, dukha at iba pa.
ANG MGA ARABE AT
PERSYANO
o Dumating ang mga Arabe sa pilipinas noong ika-
21 siglo, ngunit ang nagdala ng
pananampalatayang muslim ay ang
tinatawag na “Handramaut Sayyids” mga
misyonerong arabe na nanggaling sa malaysia at
dumating sa pilipinas noong ika-16 siglo.
o Kasama nila ang maraming mangangalakal na
arabe at persyano, sila’y nanirahan sa mindanao
at sulu. Nagdala rin sila ng mga epiko,
kwentong-bayan, dula at mga alamat.
ANG IMPERYO NG
MADJAPAHIT
 Umusbog ang imperyo ng madjapahit matapos ang
bigong pananakop ng mga mongol sa java. Noong
1293, tinangkang lusubin ang java ng mga mongol sa
pamumuno ni Kublai Khan ngunit tinalo sila ng
hukbong taga-java sa pamumuno ni Raden Wijaya at
ng kaniyang punong ministro na si Hayan Wuruk.
 Ang imperyo ng madjapahit na ang pinaka sentro ay
Java Indonesia ay naging makapangyarihan at maraming
mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay
IndoTsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas.
Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng
mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan.
 Sa pangkat nato pinagmulan ang kwentong-bayan
ng Cebu, Panay, Negros at Palawan.
ANG IMPERYO NG MALACCA
 Sa pagbagsak ng imperyo Madjapahit, ang imperyo ng
Malacca ang naging makapangyarihan sa silangan.
 Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng
mga Sultan at Rajah.
 Tumagal ang kapangyarihan ng Malacca ng may 20
taon mula noong 1430 hanggang 1450.
 Isa itong rutang pangkalakalan. Ito ay makikita sa
pagitan ng Singapore, Malay peninsula at Indonesia.
 Sa kanila nanggaling ang pahayag na “Ala eh” ng
Batangas.
MARAMING
SALAMAT PO
AT
MAGANDANG
GABI 

You might also like