You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

SORSOGON STATE COLLEGE


Departamento ng Edukasyon
Lungsod ng Sorsogon

2nd Sem. T.P. 2020-2021

(GE-CEA11) Ang Panitikan ng Pilipinas

Propesor : Helen Malate


Paksa : Panahon Bago Dumating ang Kastila
Estudyante : Ryan B. Ardidon
BSED Mathematics - 2A

Kaligirang Kasaysayan Bago Dumating ang Kastila

Malaki ang kontribusyon ng panitikan sa kasaysayan dahil dito natin makikita


kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, nobela, kantahin,
o talumpati nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang paligid
at sa kanilang mga buhay. Isa ding tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at
pagpapaliwanag ang mga tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng
mga bagay, karanasan, at puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya
tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

Ang isinaalang- alang ng unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay


ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang
kastilang gobernador-heneral. At dito nagsimula ang panitikan ng mga tao rito. Ang
diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang sa
pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang
pananakop na ito ng mga kastila.

Mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino bago pa man
dumating ang mga Kastila. Karamihan sa panitikan nila'y pasalin-dila gaya ng mga
bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula;
mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw
at ritwal ng babaylan.

Ang Panitikan ng Pilipinas | 1


A. Kaligirang Kasaysayan ng Alamat at Katangian nito
• Ang mga Ita o Negrito

Ang mga Ita o Negrito ang unang nanirahan sa ating mga pulo. Ang mga ita
(ayta o agta) na tinatawag ding baluga ay sanay sa paggamit ng busog at pana sa
paghahanap ng makakain kahit na wala silang pamahalaan, panulat, sining at siyensiya.
Sinasabing nakarating sila sa lugar na ito sa pamamagitan ng tulay na lupa. Sila ay
nangaso at namitas ng mga bunga para mabuhay. Ang kanilang panitikan ay binubuo
ng mga awitin at pamahiin.

• Indonesya

Nakarating naman ang mga Indonesyo sa Pilipinas may 8,000 taon na. Ang mga
unang sapit na Indonesyo ay mapuputi at manilaw-nilaw ang balat dahil may lahing
Mongol at Kaukau. Sila’y marunong nang mamahay ng sarili, magtanim ng halaman at
mangisda. Makalipas ang 4000 taon ay dumating naman ang ikalawang sapit na
Indonesyo. Naiiba ang kanilang hitsura sa nauna at mas nakahihigit sa kalinangan. Sila
ay may sarili nang sistemang pamahalaan, nagsusuot ng damit, may mga hanapbuhay,
marunong magluto ng pagkain at may dalang panitikan gaya ng epiko, kuwentong
bayan, alamat, pamahiin at pananampalatayang pagano. Sinasabing sila ang mga
ninuno ng mga Ipugaw.

• Bumbay

Ang mga Bumbay naman o Hindu ay nakarating sa Pilipinas noong ika-12 siglo.
Ang unang sapit ay nanggaling sa Borneo at sila ay nagdala ng pananampalatayang
Budismo, epiko, at mahiya. Ang ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo din
noong ika-14 na siglo, nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang
epiko, awiting bayan at liriko. Marami ring mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na
ng wikang Filipino tulad ng guro, bansa, mukha, likha, hukom at dukha.

• Arabe at Persya

Ang mga Arabe at Persya naman ay dumating sa Pilipinas noong ika-12 siglo,
ngunit ang nagdala ng pananampalatayang Muslim ay ang mga misyonerong Arabe na
nanggaling sa Malaysia at dumating sa Pilipinas noong ika-16 siglo. Kasama nila ang
mga mangangalakal na Arabe at Persiyano, sila'y nanirahan sa Mindanao at Sulu.
Nagdala rin sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat.

Ang Panitikan ng Pilipinas | 2


B. Kaligirang kasaysayan ng mga Epiko
Kaligirang Pangkasaysayan Ukol sa Kapanahunan ng mga Epiko

• Malay

Tatlong pangkat ng Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang mga unang pangkat
ay nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon.
Sila'y nanirahan sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok,
at Tinguianes.

Ang pangalawang pangkat naman ay ang mga ninuno ng Tagalog, Bisaya,


Ilokano at iba pa. Sila'y may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kwentong bayan,
mga alamat at karunungang bayan. Ang mga ito bagama't mga tubong Malaysia ay
kung saan-saan nanggaling na mga kalapit bansa gaya ng Borneo, Malacca at
Indonesia at pagdating sa Pilipinas ay kumalat sila sa iba't ibang lalawigan ng Luzon at
Visayas.

Ang ikatlong pangkat naman ay ang mga Malay na Muslim. Nanggaling sila sa
Malaysia at nanirahan sa Mindanao at Sulu. Nagdala sila rito ng epiko, alamat,
kuwentong-bayan at pananampalatayang Muslim.

• Intsik

Ang mga Intsik naman ay nagdala ng kanilang wika. Kaya't mahigit sa 600
salitang Intsik ay bahagi na ng wikang Filipino. Ang mga ilang kaugaliang sosyal ay
galing din sa kanila.

• Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit

Ang imperyo ng Madjapahit na ang pinakasentro ay Java sa Indonesya ay


naging makapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito
ay IndoTsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya't ang Pilipinas ay
nagkaroon ng impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan.

Ang Panitikan ng Pilipinas | 3


• Ang Kaharian ng Malacca

Sa pagbagsak ng Imperyo ng Madjapahit ay ang imperyo naman ng


Malacca ng may 20 taon mula noong 1430 hanggang 1450. Nagtatag sila ng
pamahalaang pinamumunuan ng mga Sulan o Rajah.

Mga Akdang Pampanitikang Umusbong sa Panahon ng Kastila


• Alamat – isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga mga hayop or
mga halaman.

Halimbawa:

- Alamat ng Bigas

- Alamat ng Bundok Kanlaon

• Epiko – isinalaysay ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga tao


laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala.

Halimbawa:

- Biag ni Lam-Ang (Iloko)

- Ibalon (Bikol)

- Maragtas (Bisaya)

- Bantugan (Maranaw)

- Tuwaang (Bagobo)

• Kwentong Bayan – uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan

Halimbawa:
Ang Panitikan ng Pilipinas | 4
- Juan Tamad (Tagalog)

- Abunawas (Muslim)

• Bugtong – uri ng panitikan na kawili-wili. Ito ay isang paraan ng pagpapalawak


ng talasalitaan at pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na nagpapasalin-salin sa
bibig ng mga ninuno. Ito ay may tugma at talinhaga at kapupulutan ng
mahalagang butil ng karunungan.

Halimbawa:

- Isang butil palay, laganap sa buong bahay. – Ilaw

- Bahay ko sa gulod, iisa ang tungkod. – Kabute

• Awiting Bayan- nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan,


pananampalataya at gawain o hanapbuhay ng mga taong nakatira sa isang pook.
Sapuso ito ng ating mga katutubo. Sa katunayan, sila ay umaawit habang
naglalayag, nagsasaka, nagkakatuwaan at nagluluksa sa patay.

Halimbawa:

- Kundiman- awit ng pag-ibig

Noong unang panahaong ako’y bata pa


Natitisod mo na’y di mo alintana
Nang ako’y lumaki at maging dalaga
Tila sa wari ko’y may pagbabanta ka.

Pagsinta mo sakin ay di ko tatanggapin


Pagkat akong ito’y alangan pa sa tingin
Ako’y mahirap, pangit pa sa tingin
Bakit naman ngayo’y iyong iibigan?

- Diona- awit sa kasal

Umawit tayo at ipagdiwang


Ang dalawang pusong ngayo’y ikakasal
Ang daraanan niyang landas
Sabuyan ng bigas.

Ang Panitikan ng Pilipinas | 5


• Salawikain - ay maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan, mga
batayang tuntunin, o mga alituntunan ng kaasalan. Ito ay maaaring patula o
tuluyan. Ito ay tumutukoy sa kasikhayan, kasipigan, kaagapan, at katipiran;
kalinisang at katimpihan; pagpapaumanhin at pagtitiyaga; pamimitagan at
mabuting kamihasnan; pagbibiro; at mga kaagapay na katotohanan sa buhay.

Halimbawa:
- Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa
parorononan.

- Anak na hindi paluhain, ina ang patatangisin.

• Palaisipan - ay nasa anyong tuluyan. Ito'y gumigising sa isipan ng tao upang


bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin

Halimbawa:
- Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan
pero lumundag ang isa. Ilan ang natira?

- Lima pa rin dahil lumundag lang naman 'yung isa.

• Sawikain - o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit.


Ito'y nagbibigay ng 'di tuwiramg kahulugan.

MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA BUHAY NG MGA PILIPINO

1. Tinangkilik ang relehiyong Katoliko.

2. Nagpalit ng pangalan at nagpabinyag.

3. Nagbago ng anyo ng kanilang pamamahay.4. Nagkaroon ng bahay na tisa at bato.

5. Magagandang kasangkapan tulad ng piyano, muwebles, at mga kagamitang


pangkusina.

6. Nagkaroon ng sasakyan tulad ng karwahe, tren at bapor.7. Natuto silang magdiwang


ng mga kapistahan bilang parangal sa mga Santo at Papa.8. Bilang libangan,
nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo at teatro.

Ang Panitikan ng Pilipinas | 6


MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG PILIPINO

1. Ang “Alibata” na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan


ng alpabetong Romano.

2. Ang Pagkakaturo ng Doktrina Cristina na kinasasaligan ng mga gawang maka-


relihiyon.

3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Panitikan nang panahong yaon. Marami sa
mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.

4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito ay naging


bahagi ng panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro-moro at iba pa.5. Ang
pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa tagalog at sa ibang wikain.

6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikang Filipino tulad sa


Tagalog, Ilokano at Bisaya.

7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.

MGA UNANG AKLAT SA PANAHON NG KASTILA

1. Doktrina Cristiana - kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa


pamamagitan ng silograpiko. Aklat ito nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo
Nieva. Naglalaman ito ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong
kasalanang mortal, pangungumpisal at katetismo. Merong 87 na pahina lamang.

2. Nuestra Senora del Rosario - ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni
Padre Blancas de San Josenoong 1602 at nalimbag at naimprenta ng Pamantasan ng
Sto. Tomas sa tulong ni Juan De Vera, isang mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga
talambuhay ng mga Santo, Nobena, at mga tanong at sagot sa relihiyon.3. Barlaan at
Josaphat - ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa tagalog ni Padre Antonio
de Borja. Orihinal na nasa wikang griyego, ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang
nalimbag sa Pilipinas.

4. Pasyon – aklat na nauukol sa buhay ng pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito sa


tuwing Mahal na Araw. Nagkaroon ng apat na bersyon sa tagalog ang akdang ito, at
ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng mga nagsusulat. Ang mga ito ay
Version de Pilapil (Padre Mariano Pilapil), Version de Belen (Gaspar Aquino de Belen),

Ang Panitikan ng Pilipinas | 7


Version de Merced (Aniceto dela Merced), at Version de Guia (Luis de Guia).
Isinaalang-alang na pinakapopular ang version de Pilapil.

5. Urbana at Felisa – aklat na isinulat ni Modesto De Castro, ang tinaguriang “Ama ng


Klasikong Tuluyan sa Tagalog”. Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na sina
Urbana at Felisa. Pawang nauukol sa mabuting asal ang nilalaman ng aklat na ito,
kaya’t malaki ang nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng ng mga
Pilipino.

Ang Panitikan ng Pilipinas | 8

You might also like