You are on page 1of 11

MODULE #2

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

KALIGIRANG KASAYSAYAN :

Noon pa mang hindi dumarating sa ating kapuluan ang mga Kastila, at


maging ang iba pang mga dayuhan, an gating mga ninuno ay may sarili nang
panitikang nagtataglay ng kasaysayan n gating lahi.

Panitikan ang nagpapahiwatig ng tunay na pagkalahi natin. Nagsisilbi itong


wika ng Pilipino ba nagbubunyag ng panlipunan at panlahing kaugalian n gating
pang-araw-araw na buhay, na nababakas sa mga kuwentong bayan, alamat,
epiko, kantahing bayan, kasabihan, bugtong, palaisipan, sinaunang dula at
maikling kuwento.

Mayroon na rin an gating ninuno noon ng sariling baybayin o alpabetong


kaiba sa kasalukuyang ginagamit na dinala ng mga Kastila. Itoay ang alibata – ang
abakadang kahawig ng Malayo-Polinesyo, na unang ginamit ng ating ninuno.

Anumang talang pampanitikan n gating mga ninuno ay sinunog lahat ng


mga naturang pari sa paniniwalang ang mga iyon ay likha ng diyablo. Maliban sa
katuwirang ;yun, nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal ang mga talang
nakuha nila sa madaling pagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko.

Subalit mayroong mga talang di parin nasunog. Kabilang sa mga ito ay ang
mga kantahing bayan na siya naming magpapatunay ng pagkakaroon natin ng
sariling kalinangan. Mabilis itong nagpasalin-salin s abibig ng mga katutubong
mamamayan hangang sa dumating ang mga palimbagan na nagkaroon ng interes
na ipalimbag ang mga napulot na talang pampanitikan ng matatandang Pilipino.

Ang mga ninuno natin ay gumagamit ng biyas ng kawayan, talukap ng


bunga o niyog, at dahon at balat ng mga punungkahoy bilang sulatan. Ang mga
panulat ay matutulis na kawayan o kahoy, dulo ng lanseta, at matutulis na bato at

1
bakal. Kahit na ang bumbong na pansalok ng inumin ay tinatalaan nila ng
mahahalagang pangyayari sa buhay.

Pinatutunayan ng mga kastilang nanakop sa Pilipinas na an gating mga


ninuno ay talagang mahihilig sa mga tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan
na magpahanggang ngayon ay nagdudulot pa sa atin ng kasiyahan at nagiging
tagapagbadya sa salinsalin ng tunay na kalinangan at kultura n gating lahi.

MGA BAHAGI NG PANITIKANG FILIPINO BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA :

Bago paman dumating ang mga Kastila, ipinalalagay na an gating mga


ninuno ay mayaman na sa mga alamat, kuwentong bayan, epiko, awiting bayan,
mga karunungang bayan ng bugtong, sawikain, salawikain, palaisipan, at bulong.
Ayroon na rin silang tula at dula noong panahong iyon.

ANG ALAMAT

Ang alamat ay siang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang paksa ay


nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan.

Mababakas na ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang, salat sa


katotohanan at tunay na di-kapanipaniwala. Subalit ang mga matatandang
kaugaliang Filipino a masasalamin din sa mga akdang ito. Ang layunin nito ay
manlibang.

KUWENTONG BAYAN

Mapalad tayo sapgkat an gating bansa ay mayaman sa mga kuwentong


bayan kahit noon pa man. Ang mga kuwentong bayan ay madalas nangyayari sa
loob at labas ng ating lugar. Ito ay nagpasalin-salin sa mga bibig ng mga tao, kaya’t
ang katotohanan sa kuwento ay mahirap tukuyin. Ma mga manunulat tayo sa
kasalukuyan na kung hindi hango ang kuwento sa matandang kuwentong bayan,
ay likha lamang ng malikot na imahinasyon.

Ang mg akuwentong bayan ay binubuo ng mga uwentong tungkol sa buhay,


pakikipagsapalaran, pag-iibigan,kakatakutan, a katatawanan na kapupulutan ng
2
magagandang aral sa buhay. Ang dulot nito s aatin ay totoong kapaki-pakinabang,
sapagkat nakatutulong ito upang mapahalagahan ang ating kapaligiran, masuri
ang ating katauhan at pagbabago n gating pananaw sa buhay.

EPIKO

Napakaraming epiko ag nagsilitaw ng panahong ito,subalit walang


sinumang makapgsabi kung alin sa mga epiko ang pinakamatanda sapagkat
maging sa Inles at Kastila at sa iba pang wika, ang pagkakasalin nito ay hindi pa
naluluma. Maging ang panahon ng pagkakasulat nito ay maaaring hula-hula
lamang nang ayon sa nasasalig na panahon ng pangyayaring isinasalaysay ng
epiko.

Sinasabing ang “Hudhud” at “Alim” dawn g mga Ipugaw ay maaaring sa


panahon pa nag ang bakal ay hindi nakikilala ng tao at ang kanilang mga
kagamitan ay yari sa bato. ANg “ Ibalon” ng Bikol na natutungkol sa mga unang
tao sa kabikulan ay ipinalalagay na nagyari bago pa ang “ Dlilubyo”. At ang
“Maragtas” ng mga Bisaya ay malinaw na naglalahad na panahon nan i Kristo
nang manyari ito.

Mga halimbawa ng Epiko :

1. Bidasari _ epiko ng Moro

2. Biag ni Lam-Ang – epiko ng Iloko

3. Maragtas – epiko ng Bisaya

4. Haraya – epiko ng Bisaya

5. Lagda – epiko ng Bisaya

6. Hari sa Bukid – epiko ng Bisaya

7. Kumintang – epiko ng Tagalog

8. Parang Sabir – epiko ng Moro

9. “Dagoy” at “Sudsud” – epiko ng ga Tagbanua

3
10. Tatuang – epiko ng mga Bagobo

11. Indarapatra at Sulayman

12. bantugan

13. Daramoke –A-Babay

MGA AWITING BAYAN

Ang mga awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng panitikang


Filipino na lumitaw bago dumating ang mga Kastila. Ito ay mga naglalaraan ng
kalinangan n gating tinalikdang panahon. Karamihan sa mga ito ay may
labindalawahing pantig.

 Kundiman
 Kumintang
 Dalit
 Oyayi
 Diona
 Soliranin
 Talindaw

MGA KARUNUNGANG BAYAN

Mayamang –mayaman tayo sa mga karunungang bayan bago pa dumating


ang mga Kastila. Binubuo ito ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan,
kasabihan, at mga kawikaan.

1. Salawikain – ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at


tuntunin ng kagandahang asal n gating mga ninuno. Ayon sa iba, ito ay parang
parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral, alo na sa mga kabataan.

2.Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan

3. Bugtong – ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may


sukat o tugma. Ang pantig naman ay maaaring apat o hanggang labindalawa.

4
4. Palaisipan – noon pa man ay may matatawag na ring palaisipan an gating
mga ninuno.

5. Bulong – ang bulong ay ginagamit na pangkulam o pang engkanto.

6. Kasabihan – ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o


pagpuna sa kilos ng isang tao.

ANG UNANG TULANG TAGALOG

Ipinalalagay na mga unang tulang Filipino ang mga awiting bayan,


salawikain, bugtong, bulong, at mga kasabihan dahil sa taglay na sukat at tugma
ng mga ito.

5
MODULE #3

PANAHON NG KASTILA

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang isinasaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating


kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de legazpi noong 1565, bilang
launa-unahang Kastilang gobernador-heneral at dito nagsimula ang panitikan ng
mga tao rito. ANg diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago
hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Cavite noong 1872. Higit sa tatlong
daantaon din ang pananakop na ito ng mga Kastila.

Sa mga panahong iyon, maramimg pagbabago ang naganap s abuhay ng


mga Pilipino. Tinangkilik nila ang relihiyong Katoliko. Nagpalit sila ng mga
pangalan at nagpabinyag. Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay. Nagkaroon
ng mga bahay na bato at tisa, mga magagandang kasangkapang tulad ng piyano,
muwebles, at mga kagamitang pangkusina. Nagkaroon din ng mga sasakyang
tulad ng karwahe, tren at bapor. Natuto silang magdiwang ng mga kapistahan
bilang parangal sa mga santo, sa Papa, at sa gobernador. Bilang libangan,
nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo, at teatro.

ANg mga pagbabagong ito ay nagbigay din ng daan sa pagkakabuo ng ilang


pangkat na “may-kaya” na may mga ari-arian at lupain. May ilan din sa mga
Pilipino ang nakapag-aral at nakakuha ng kurso tulad ng medisina, abugasya,
agrikultura, at pagiging maestro. Ang mga kursong ito ay halos natapos nila rito na
rin sa Pilipinas sapgkat marami na rin naming paaralan ang naitatag nang mga
panahong iyon.

MGA IMPLUWENSYA NG KASTILA SA PANITIKANG FILIPINO

Dahil sa matagal na pagkakasakop sa atin ng mga Kastila, di maikakailang


malaki ang impluwensyang naidulot nito sa Panitikang Filipino.

1. Ang “ Alibata “ na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino


na nahalinhan ng alpabetong Romano.

6
2. Ang pagkakaturo ng doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang
makarelihiyon.

3. Ang wikang kastila na naging wika ng panitikan nang panahong iyon.


Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.

4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na


naging bahagi ng panitikang Filipino tulad ng awit, korido, moro-moro, at iba pa.

5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan s aTagalog


at sa ibang wikain.

6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat pambalarila sa wikaing Filipino


tulad ng tagalog, Ilokano, at Bisaya.

7. ANg pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga


panahong yaon.

MGA UNANG AKLAT

1. Doctrina Cristiana – ito ang kauna-unahang akalt na nalimbag sa Pilipinas


noong 1593, sa pamamagitan ng silograpiko. Akda ito ninan Padre Juan de
Placencia at Padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tgaalog at Kastila.
Naglalaman ito ng Pater Noster, Ave maria, Regina Coeli, Sampung utos ng Diyos,
Mga Utos ng Sta. iglesya Katoliko, Pitong Kasalanang Mortal, pangungumpisal, at
Katesismo. Tatlong kopyang orihinal na lamang ang natitira sa aklat na ito na
matatagpuan sa Batikano, sa Museo ng Madrid at sa Kongreso ng Estados unidos.
Nagtataglay lamang ng 87 pahina ang akdang ito subalit nagkakahalaga naman ng
5,000 dollars.

2. nustra Senora del Rosario – ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa


Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas sa san jose noong 1602 at nalimbag s
aImprenta ng pamantasan ng Sto, Tonmas sa tulong ni Juan de Vera, isang
mestisong Intsik. Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at
mga tanong at sagot sa relihiyon.

7
3. Ang Barlaan at Josaphat – ito ang ikatlong aklat mna nalimbag sa
Pilipinas. Akda ito sa tagalog ni Padre Antonio de Borja. Ipinalalagay itong kauna-
unahang nobelang npalimbag sa Pilipinas.

4. Ang pasyon – Ito ay akalt na natutungkol s abuhay at pagpapakasakit ng


hesukristo. Bianabasa ito tuwing Mahal na Araw.

5. Ang Urbana ta felisa – ito ay aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang


tinaguriang “ Ama ng Kalsikong Tuluyan sa Tagalog”.

MGA AKDANG PANGWIKA

1. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala – sinulat ni Padre Balncas de San Jose


at isinalin sa tagalog ni Tmas pinpin noong 1610.

2. Compenido de la Lengua Tagala – inakda ni Padre Gaspar de San Agustin


noong 1703.

3. Vocabulario de la Lengua Tagala – kauna-unahang talasalitaan sa tagalog


na sinulat ni Padre de San Buenaventura noong 1613.

4. Vocabulario de la Lengua Pampango – unang aklat pangwika sa


Kapampangan na sinulat ni Padre diego Bergano noong 1732.

5. Vocabulario de la Lengua Bisaya – pinakamahusay na aklat pangwika sa


Bisaya na sinulat ni padre Mateo Sanchez noong 1711.

6. Arte de la Lengua Bicolana – unang aklat pangwika sa bikol na sinulat ni


Padre Marcos Lisbao noong 1754.

7. Arte de la Lengua Iloka – kauna-unahang balarilang iloko na sinulat ni


Francisco Lopez.

MGA KANTAHING BAYAN

Naging malaganap ang mga kantahing bayan sa buong pPilipinas. Maykani-


kaniyang bayan ang mga naninirahan sa kapatagan atmaging sa bulubundukin ng
Luzon, bisaya at Mindanaw.

8
MGA DULANG PANLIBANGAN

Napakarami ng mga dulang panlibangan ang ginanap n gating mga kalahi


noong panahon ng Kastila. Halos lahat ng mga dulang ito ay patula.

Mga halimbawa :

1. Lagaylay – isang pagkakataon at pag-iipon kung buwan ng Mayo ang


pagkakaroon ng lagaylay.

2. Senakulo – Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit n


gating poong hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “ Pasyon “.

3. Panunuluyan – Isang pagtatanghal ito na isinasagawa bago mag-alas dose


ng gabi ng kapaskuhan.

4. Panubong – Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may


kaarawan o kapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang
parangal sa isang panauhin o may kaarawan.

5. Karilyo – ito ay itinuturingna isang laro ng mga tau-tauhang


ginagampanan ng mga aninong ginawa sa karton, napinapanood na gumagalaw s
alikod ng isang puting tabing at pinaggalaw namn ng taong di nakikita na siyang
nagsasalita rinpara sa mga karting gumagalaw.

6. Moro-Moro – tulad ng senakulo ang moro-moro ay itinatanghal din sa


isang ipinasadyang entablado. Ito ay itinatanghal sa mga araw ng pista ng bayan o
ng nayon upang ng aliw s atao at lagging ipaalala sa mga ito ang kabutihan ng
relihiyong Kristiyano. Ang mga moro-moro ay may hari at reyna at mga
mandirigmang kawal.

7. Karagatan – Ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na


naihulog niya sa dagat sa hangaring mapangasawa niya ang kasintahang mahirap.
Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin sa dagat at ang
makakuhay pakakasalan niya.

9
8. Duplo – Ito ang humahalili sa karagatan. Ito ay paligsjhan ng husay s
apagbigkas at pangangatwiran a patula. Ang mga pangangatuwiran ay hango sa
bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan.

9. Kurido –Ang salitang “corridor” ay nangangahulugan kasalukuyang mga


balita sa mga Mehikano.

10.Saynete – itinuturing na isa mga dulang panlibanagan nang mga huling


taon ng pananakop s atin ng mga Kastila ang Saynete.Isa s amga halimbaw dito ay
ang La Elegante Y El Negrito Amante” ni Francisco Baltazar ay ipinalalagay na isa
sa mga nakakaaliw na libngang saynete nang panahong ito.

11. Sarsuela – Ay sarseula ay isang melodrama o dulang musical na


tataluhing yugto. ANg paksa ay natutungkol sa pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam, at iba pang masisidhing damdamin.

10
PANAHON NG PAGBABAGONG ISIP

KALIGIRANG KASAYSAYAN

11

You might also like